You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
SIAGAO INTEGRATED SCHOOL
SCHOOL ID NO. 501785

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan Pagsusulit

I - PAGPIPILIAN
Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang at isulat lamang ang letra sa
patlang bagop ang bilang.

____ 1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
A. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
B. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
C. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad

____2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon
ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.
A. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
C. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

____ 3. Lagi kang tumutingin sa harap ng salamin upang tiyakin na ayos ang iyong kasuotan. Sa anong
aspeto ito nabibilang?
A. Pandamdamin B. Pambuhay C. Banal D. Pangkaisipan

____4. Ang mga sumusunod sa paghahanda para sa paghahanapbuhay, maliban sa isa na hindi. Alin ito?
A. Kilalanin ang iyong mga talent, hilig at kalakasan
B. Magkaroon ng plano sa kursong nais
C. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay
D. Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan

____ 5. Hindi na kailangan na gumawa ng mga plano sa buhay dahil nakasalalay na ito sa kung anong
kapalaran ang darating sa bawat isa. Tama o Mali?

A. TAMA
B. MALI
C. WALA SA NABANGGIT
D. SIGURO

____ 6. Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa bawat isa. Alin ang nagpapaliwanag sa salitang may
salungguhit?

A. Malaya ka kung gagawin mo o hindi ang iyong pananagutan.


B. Tayo ay nilalang ng Diyos na may misyon na dapat maisakatuparan sa pamamagitan ng paggawa
ng ating tungkulin sa ating mga ugnayan.
C. Pinipili lamang natin ang ating tutulungan dahil mahirap na tayo ay managot sa lahat.
D. Ang pananagutan ay bagay na hindi natin kailangang bigyan ng halaga dahil ito ay hindi naman
para sa lahat.

____ 7. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa
sarili lamang.” Ano ang pinakatamang pagpapakahulugan sa katagang ito?
A. Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kaniyang sarili at sa kaniyang kapuwa.
B. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapuwa.
C. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya niya ang kaniyang sarili para sa
pagtulong sa kaniyang kapuwa.
D. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kaniyang sarili sa kaniyang
kakayahang makipagkapuwa.

____ 8. Bilang nagdadalaga o nagbibinata kanino ka may pinakamalaking tungkulin?

A. Sarili B. Kalikasan C. Pamilya D. Pamayanan

____ 9. Madalas na napagsasabihan si Ellen ng kaniyang ina dahil sa kaniyang pagkahilig sa paglabas
kasama ang kaniyang mga kaibigan. Wala naman sanang masama dahil sila ay nag-aaral lamang na
tumugtog ng gitara. Isang gabi, matutulog na lamang sana siya nang marinig na tumatawag ang kaniyang
mga kaibigan sa labas ng kanilang bahay. Paano haharapin ni Ellen ang sitwasyong ito?

A. Tatakas na lamang siya sa ina dahil sandal lamang siyang lalabas.


B. Umiwas na lamang sa kaniyang mga kaibigan at huwag na silang pansinin.
C. Ipagwawalang-bahala na lamang ang ina sapagkat nakapagpasiya na siyang sumamasa kaniyang
mga kaibigan.
D. Kausapin ang ina at magpaalam na siya ay lalabas sandal. Sasabihin ang dahilan, saan at kung
sino ang kaniyang mga kasama.

____ 10. Ano ang pangunahing dahilan sa pagtupad ng tungkulin bilang isang mag-aaral?

A. Makapagpundar ng sariling bahay, kotse at ari-arian.


B. Magkaroon ng mataas na marka at mga parangal sa pagtatapos ng klase.
C. Maipagmalaki ng mga magulang
D. Matutuhan ang mag-isip at maisabuhay ang mga araling natutunan na magsisilbing gabay sa
buhay?

____ 11. Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, “Ang isang taong tumatalikod sa pananagutan ay
maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad ng walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap
na ito?

A. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kaniyang mga tungkulin ay walang maaaring maipagmalaki
kaninuman.
B. Ang kahihiyan na dulot ng hindi pagtupad sa mga tungkulin ay nakababawas sa dignidad ng tao.
C. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng tao sa pagkatao ng tao.
D. Maaaring mahusgahan ng kapuwa ang taong hindi marunong tumupad sa kaniyang mga tungkulin.

____ 12. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kaniyang tungkulin sa kalikasan?

A. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyong darating


B. Mapangangalagaan ang kalikasan upang patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng
tao.
C. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad.
D. Lahat ng nabanggit

____ 13. Ang Pinakamataas na tungkulin sa magulang ay paggalang at pagmamahal ng anak. Paano
maipapakita ang mapanagutang pagtupad sa tungkuling ito?

A. Paggamit ng magalang na pananalita at pagbibigay-halaga sa kanilang mga payo.


B. Pagbili ng mga kailangan nila
C. Pagsama sa mga lakad ng pamilya kung araw ng Linggo
D. Pagiging magandang halimbawa sa mga kapatid

____ 14. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:
A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang
intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang
kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang
kakayahang mag-isip.
D. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang
dumaan sa proseso ng pagsasanay

____ 15. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?

A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan


B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
C. Upang makapaglingkod sa pamayanan
D. Lahat ng nabanggit

____ 16. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon
ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:

A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan
ng tao.
B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng
pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal
C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa

____ 17. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?

A. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin


B. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talent
C. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talent
D. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw
atensyon

____ 18. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa

A. Ito ay hindi namamana


B. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili
C. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
D. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan

____ 19. Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong akademiko/ bokasyunal?

A. Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa


hinaharap.
B. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pag- aaral upang maitaas
ang antas ng pagkatuto.
C. Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong akademiko o teknikal- bokasyonal
D. Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa
hinaharap.

____ 20. Si Henry ay may taglay na talento sa pag awit at gustong gusto niyang sumali sa paligsahan sa
pag awit sa kanilang paaralan ngunit natatakot siya na magkamali, pagtawanan ng ibang mag aaral at
matalo. Kung ikaw si Henry anong gagawin mo?

A. Sasali ako sa paligsahan kahit natatakot ako


B. Sa kwarto na lamang ako aawit na walang nakakarinig
C. Hindi nalang ako sasali upang hindi na ako mapahiya
D. Sasali ako at magtitiwala ako sa sarili ko na kayang kaya ko.

____ 21. Ano ang iyong pinakamalaking tungkulin ngayon bilang kabataan?

A. Matuto at makapagtapos ng pag-aaral.


B. Makapasok sa mamahaling paaralan para matuto.
C. Makipagkaibigan sa mga mayayamang kaklase.
D. Gawin ng malaya ang mga nais kong gawin.

____ 22. Ang mga sumusunod ay mga gampanin na inaasahan sa iyo bilang nagdadalaga at nagbibinata
maliban sa isa.

A. Harapin ang mga pagbabagong pinagdadaanan.


B. Maging mapanuri sa mga pinapanood at binabasa
C. Mag-aral nang mabuti.
D. Magbasa ng mga aklat upang makaiwas sa mga gawaing bahay

____ 23. Paano maaaring matutuhan ang hilig o interes?

A. Sa pamamagitan ng paggaya sa interes ng kaibigan


B. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa sariling kaisipan
C. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa sariling karanasan
D. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga hindi nais gawin.

____ 24. Si Angelo ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas ng
kanilang pag-aaway. Madalas na sumasama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang
pagpapalitan ng mga salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Angelo?

A. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.


B. Magkukulong na lamang sa kwarto para makaiwas.
C. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang iwasan na
itong gawin.
D. Huwag na lamang pansinin ang kapatid.

____ 25. Ano ng pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?

A. Pataasin ang marka


B. Matutuhang lutasin ang sariling mga suliranin
C. Magkaroon ng maraming medalya at karangalan
D. Magkaroon ng maraming kaibigan

____ 26. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?

A. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan


B. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya
C. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.
D. Maging kaibigan ang magulang.

____ 27. Mula nang nagdalaga si Sheila ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng
kanyang ina. Madalas na sumasama ang kanyang loob sa tuwing siya ay napagsasabihan at
napagbabawalan sa mga bagay na alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng kanyang ina. Ano
ang pinakamakatuwirang magagawa ni Sheila?

A. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang kanyang saloobin.
B. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng loob at matapos ito ay
kalimutan na ang sama ng loob.
C. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon at pakikipag- ugnayan
sa kanyang ina.
D. Ipagsawalang kibo na lamang ang kanyang sama ng loob sa ina.
____ 28. Anong pagbabago ang ipinapakita sa larawan?

A. Paggawa ng pasya
B. Papel sa lipunan
C. Pakikipag ugnayan

____ 29. Pagbabago sa sarili na kung saan ay nararamdaman mo na ikaw ay minamahal at tinatanggap.

A. Pagbabago sa pisikal na kaanyuan


B. Pag-unlad ng Emosyon
C. Papel sa Lipunan

____ 30. Alin ang hindi kabilang sa mga inaasahang kakayahan at kilos ng nagdadalaga at nagbibinata?

A. Pagkikipag ugnayan sa kapwa


B. Pagbabago sa pakikipag-usap
C. Pagbabago sa katawan

II - MatchingType

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem sa ibaba at piliin mula sa loob ng kahon ang tamang sagot at
isulat ito sa nakalaang patlang bago ang bawat bilang.

Existentialist

__________________31. Ano ang talinong taglay nina Sarah Geronimo, Regine Velasquez at Gary V?
__________________32. Kung ikaw ay nahihilig sa pagpipinta at pagdrawing ikaw ay may talinong____?
__________________33. Ang mga taong may propesyon na Engineer at Accountant ay may talinong
taglay na______?
__________________34. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban.
__________________35. Ang taong may angking galling sa pag-uuri, pagpapangkat at pagpapabahagdan
ay may talinong_______?
__________________36. Ito ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
__________________37. Ang mga taong mahilig sumayaw at gymnastics ay may talinong_______?
__________________38. Kung ang tao ay mahilig sa pagbabasa, pagbibigay ng talumpati, at
pakikipagdebate siya ay may talinong taglay na_____?
__________________39. Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.
__________________40. Pagkakaroon ng hilig sa pag-aalaga ng hayop tulad ng aso at pusa.

III – Performance Task


Panuto: Gumawa ng Tsart ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan. Batay sa siyam na Multiple
Intelligences pumili ng isa na gusto mong linangin at paunlarin sa iyong sarili. Basahin at unawain ang
halimbawa sa ibaba para sa iyong gabay. Isulat ang iyong tsart sa inihandang sagutan sa papel.
(10puntos)
Tsart ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan
Talino/kak Mga Layunin Panahong Mga Pamamaran MgaTaong Mgakailangang
ayahan na Ilalaan tutulong kagamitan
kailangang
paunlarin
Halimbawa: -Mapalawakang Isang -Magbabasa ng aklat -mga kaibigan -mga aklat tungkol
kaalaman tungkol buwan tungkol sa kalikasan -guro sa kalikasan
sa kalikasan -mgakasapi
-Lalahok sa mga -mga
Naturalist ng samahan
-Maitaas ang antas samahan na ang dokumentaryo
para sa
ng pagmamalasakit adbokasiya ay sa tungkol sa dulot ng
kalikasan
sa kalikasan pangangalaga ng pagkasira ng
kalikasan kalikasan sa tao.

SAGOT:

Pamantayan sa pagwawasto ng gawain:


Kaayusan,kalinisan 3

Kaangkopan ng ideyang ibinigay 4

Kabuuan 10

Inihanda ni:

LUZ MARIE A. CORVERA

Subject Teacher
ANSWERS KEY:

1. C
2. A
3. B
4. D
5. B
6. B
7. C
8. A
9. D
10. D
11. C
12. D
13. A
14. C
15. D
16. C
17. D
18. D
19. C
20. D
21. A
22. D
23. C
24. C
25. B
26. A
27. C
28. C
29. B
30. B
31. Musical / Rhythmic
32. Visual / Spatial
33. Mathematical
34. Intrapersonal
35. Naturalist
36. Interpersonal
37. Bodily Kinesthetic
38. Verbal/Linguistic
39. Existentialist
40. Naturalist
41 – 50.

Pamantayan sa pagwawasto ng gawain:


Kaayusan,kalinisan 3

Kaangkopan ng ideyang ibinigay 4

Kabuuan 10
TABLE OF SPECIFICATION

Markahan: Unang Markahan


Asignatura at Lebel: ESP 7

LEVEL OF ASSESSMENT Types of Test


KNOWLEDGE PROCESS UNDERSTANDING

UNDERSTANDI
REMEMBERING

APPLYING

ANALYZING

EVALUATING

CREATING
No. of
COMPETENCIES

NG
Items

60% 20% 20%


ITEM PLACEMENT
PAGPILI

Natutukoy ang mga pagbabago sa


kanyang sarili mula sa gulang na
5 11, 12, 13, 9 3
8 o 9 hanggang sa kasalukuyang
mga aspeto. (EsP7PS-la-1.1)

Natatanggap ang mga PAGPILI


pagbabagong nagaganap sa sarili
sa panahon ng 5 2, 10, 29, 30 14,
pagdadalaga/pagbibinata.
(EsP7PS-la-1.2)
Naipapaliwanag na nag paglinanag ng PAGPILI
mga angkop na inaasahang
8, 21, 22, 23,
kakayahan at kilos (developmental
10 24, 25, 26, 27, 1
tasks) sa panahon ng
28
pagdadalaga/pagbibinata. (EsP7PS-
lb-1.3)
Natutukoy ang mga aspekto ng PAGKILALA
sarili kung saan kulang siya ng
tiwala sa sarili at nakikilala ang
4 4, 5, 6, 7
mga paraan kung paano
lalampasan ang mga ito. (EsP&PS-
lc-2.2)
Natutukoy ang kaugnayan ng
pagpapaunlad ng mga hilig sa
pagpipili ng kursong akademiko o 2 15, 19
teknikal-bokasyonal o
hanapbuhay. (EsP7PS-le-3.1)
PAGKILALA
Nakasuri ng mga salitang hilig
ayon sa larangan at tuon ng mga 10 31-40
ito. (EsP7PS-lf_3.3)

Naisasagawa ang mga gawaing PAGPILI


angkop sa pagpapaunlad ng
sariling mga talent at kakayahan. 14 17, 18, 20 16 41-50 PAGPAPALIWANAG
(EsP&PS-ld-1.4) / SANAYSAY

You might also like