You are on page 1of 11

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 8
Paggalang sa Dignidad ng Tao

1
Alamin
Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang ang mga mag-aaral ay
matutunan ang mga konkretong pamamaraan ng paggalang at pagmamalasakit sa mga
taong kapuspalad o higit na nangangailangan.
1. Napatutunayan na ang:
a. paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin ang
kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at
b. ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at
magkapareho nilang tao (EsP7PT-IIh-8.3)
2. Naisasagawa ang mga konkretong paraan upang ipakita ang paggalang at
pagmamalasakit sa mga taong kapos-palad o higit na nangangailangan kaysa sa
kanila. (EsP7PT-IIh-8.4)

Subukin
PANUTO: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng katotohanan at MALI kung hindi.
________1. Ang bawat tao sa mundo ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos.
________2. Sa pagsasakatuparan ng iyong mga nais ay laging isaalang-alang
ang damdamin ng ibang tao na maaaring maapektuhan nito.
________3. Maging pantay ang pakikitungo sa kapwa anoman ang katayuan nila sa
buhay.
________4. Ang buhay ay biyayang galing sa Diyos kaya marapat nating mahalin at
igalang maging ang ating kapwa.
________5. Bilang isang indibidwal ay dapat tayong matutong magpakumbaba at
magpaubaya para sa kapwa.
________6. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa nais nilang gawing pakikitungo sa iyo.
________7. Isaalang-alang ang damdamin ng ibang tao bago magbitiw ng mga salita.
________8. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa
mga ito.
________9. Nawawala ang dignidad ng tao kung may kapansanan siya.
________10. Mas angat ang dignidad ng mga mayayaman sa mahihirap.
Nasagutan mo ba nang wasto ang bawat bilang sa pagsubok na ito? Kung hindi, huwag
mag-alala dahil ito ay pagsukat lamang sa dati mo ng kaalaman sa ating aralin.
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ay masasagot mo na ito nang wasto.

Aralin Paggalang sa Dignidad ng


1 Tao
Balikan
Sa ating nakaraang aralin ay natutuhan mo na ang bawat tao ay may dignidad
anoman ang kalagayan o antas sa lipunan. Anoman ang kaniyang kulay, lahi,
edukasyon, relihiyon at iba pa ay marapat na pahalagahan ang buhay at dignidad na

2
biyaya sa atin ng Diyos. Sa gawaing ito ay inaasahang nailalahad mo nang wasto ang
pagkaunawa sa nakaraang aralin ukol dito.
Gawain 1: Dignidad mo, Pahahalagahan ko!
Panuto: Lagyan ng tsek ang katapat na kolum ng sitwasyong nagpapamalas ng
pagpapahalaga sa dignidad ng tao at ekis naman sa tapat ng sitwasyong hindi
nagpapamalas ng pagpapahalaga rito. Isulat ang iyong kasagutan sa isang malinis na
papel.
Pinahahalagahan Hindi
Sitwasyon ang dignidad ng pinahahalagahan
tao ang dignidad ng
tao
1. Kaligayahan na ni Adela ang
pagtuturo sa mga batang may espesyal
na pangangailangan sa kanilang
barangay.
2. Iniiwasan ni Nowell na makahalubilo
ang mga batang nasa labas ng kanilang
subdibisyon dahil higit na nakaaangat
sila sa buhay kaysa sa mga ito.

3. May mga taong kinukuhanan ng


lawaran ang kanilang kapitbahay na
sinusundo sa kanilang tahanan dahil ito
ay nagpositibo sa Covid19 at nagagawa
pa nila itong i-post sa social media.
4. Likas na matulungin si Ana sa mga
batang kapos-palad at hindi siya
nandidiri kahit marumi ang mga batang
palaboy na nakasasalamuha niya.
5. Ipinagmamalaki ni Lina ang kaniyang
ama kahit pangangalakal ng basura ang
hanapbuhay nito dahil napagtapos siya
ng pag-aaral sa kolehiyo sa marangal na
paraan.

Sagutin:
1. Bakit maituturing na nagpapahalaga sa dignidad ng tao ang mga sitwasyong nilagyan
mo ng tsek? Ipaliwanag.
2. Bakit maituturing na hindi nagpapahalaga sa dignidad ng tao ang mga sitwasyong
nilagyan mo ng ekis? Ipaliwanag.

Tuklasin
Gawain 2: Hanap-salita
Panuto: Ang mga salitang nasa ilalim ay mga pagpapahalaga na makatutulong upang
mapaunlad mo ang iyong pagkaunawa sa dignidad ng tao. Guhitan o bilugan ang mga
salita sa word search puzzle na iyong masusumpungan.
PAGKAKAPATIRAN PAGKAKAPANTAY-PANTAY PAGGALANG

PAGKATAO PAGMAMAHAL

3
P Z R Y H N U J M I K G F D C V B N U I
A A F T T Y Y U U K H I O P D F G H J P
G Q V G Q W E R T Y U I O P A S D F G H
K W T N A S D F G H J K L P W A S D Z P
A S G A Z X C V B N M L K W E R T Y U A
K X B L A Z W S D C F F G H J K K G A C
A D Y A C P A G K A T A O I O P M L J K
P R C G Q W E R T Y U I O P A A S D F G
A R H G H J K L Z X C V B N M Q A Z W S
T T B A S X E D C R F V T G Y H N U J M
I U H P A S D F G H J K H X C V B N M M
R I H O A A Z S X D C A G B H N J M K L
A I O K Z A Z X S A L A Q W S E D R F A
N Y H I X D F G H N J I V C V T Y U J K
X Y A T N A P Y A T N A P A K A K G A P

Suriin
Sa bahaging ito ng ating aralin ay higit na mapalalalim ang iyong mga
kaalaman at mauunawaan mo na tungkulin na igalang ang dignidad ng iyong kapwa. Sa
pamamagitan ng inihandang babasahin matutukoy at mapatutunayan mo na ang
paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa tulad
ng pagmamahal sa sarili sa pamamagitan ng pagkilala na nagmumula sa pagiging
pantay at magkapareho nilang tao.
Batay sa mga pahayag ni Propesor Patrick Lee, narito ang mga dahilan kung bakit
obligasyon ng bawat tao na igalang ang dignidad ng bawat isa:
1. Igalang ang sarili mong buhay at buhay ng iyong kapwa. Halimbawa, dahil sa hirap ng
buhay ngayon ay hindi nanaisin ng isang taong may paggalang sa dignidad ang
pagbebenta ng kanyang sarili at pagkuha o pagnanakaw na dahilan ng pagpapababa sa
kanyang pagkatao. Mahalagang isaisip na hindi nararapat gamitin ang kapwa para sa
ating pansariling kapakinabangan.
2. Mahalagang isaalang-alang ang kapakanan ng ating kapwa bago kumilos. Karaniwang
ito ay ating naririnig mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay
makasampu mo muna itong isipin. Ano ang maaaring maging epekto sa iba ng iyong
gagawin? Nararapat pa ba itong gawin o hindi na?
3. Ugaliing gawin sa iyong kapwa ang mga bagay na gusto mong mangyari para sa iyong
sarili. Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay na anoman ang gagawin mo sa iyong kapwa
ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang pagkilala ng may paggalang sa karapatan ng
iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan, katotohanan ay ilan
sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipagkapwa tao. Ang mga ito rin ang
karapat-dapat na katangian mo na dapat ipakita sa iyong kapwa.
Ang mga sumusunod ay mga hakbangin upang maipakita ang pagkilala at
pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao:
Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin nito ay hindi siya isang bagay o
behikulo upang maisakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari. Lalong hindi dahil
siya ay mayroong mga katangiang kapaki-pakinabang. Nakalulungkot na may mga
taong nagiging makasarili na ang tingin sa tunay na saysay o halaga ng kaniyang kapwa
batay sa kapakinabangang maaari nilang makuha mula rito. Karamihan sa mga
kompanya ay isinasantabi na lamang ang maraming taong pagbibigay ng serbisyo ng
kanilang mga manggagawa sa kadahilanang hindi na sila kasinghusay at epektibo noong

4
sila ay bata at may kalakasan pa. Ang pagiging tao ay hindi nawawala gayon din ang
kanilang dangal sa kadahilang sila ay tumanda na. At lalo’t higit sila ay hindi isang
bagay na basta-basta mo na lang itatapon at isasantabi kung luma na at wala ng
pakinabang. Wala man siyang tinapos na kurso sa kanyang pag-aaral, siya man ay bata
o matanda o may espesyal na kondisyon ay nararapat lamang ng pagtanggap at ng
paggalang.
Ikalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t
siya ay nabubuhay. Nararapat lamang na patuloy mong isinasaalang-alang at
hinahangad ang kabutihang panlahat para sa iyong kapwa. Halimbawa, ang
pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat walang pasubali o walang hinihintay na
kapalit (unconditional love). Kailanman ay hindi nararapat ang pagbabawas ng
paggalang ng mga anak sa kanilang mga magulang sa kadahilanang sila ay matanda na
at sila ay mahihina na.
Mahalaga na ang mga ito ay iyong isaisip at isapuso: Ang tao ang pinakabukod-tangi
sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang pag-iisip at kilos-loob. Tayo ay
nakakatanggap ng labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga mula sa ating
Amang manlilikha. Kung minsan tayo ay nabubulagan sa mga katotohanang ito kung
kaya nakararamdam tayo ng kakulangan. Ang nakikita natin sa ating kapwa ay
hinahanap natin sa ating sarili. Sa ganitong pamamaraan ay inaakala natin na tayo ay
napagkakaitan. Ang lahat ng materyal na bagay ay sa lupa lamang, hindi natin dapat na
inuubos at inaabuso ang ating panahon at pagod sa mga bagay na ito. Ang hindi
matinag na karangalang taglay ng tao ay ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao.
Ang kahalagahang ito ay hindi nagmumula sa kung anong “mayroon o kayang ibahagi”
bagkus ito ay nagmumula sa pagiging tao ng isang indibidwal. Kung mabibigyang-linaw
sa lahat ng tao ukol sa bagay na ito, hindi na magiging mahirap ang pagpapanatili ng
mataas na antas ng dignidad ng bawat tao sa anumang uri ng lipunan. Kailangan mo ng
tulong at gabay mula sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa Diyos upang maisagawa ito.
Sa ganitong pamamaraan, muli nating maaalala na tayo ay nilikhang ANAK ng DIYOS.
Nakalilibang magbasa hindi ba? Higit sa lahat, lumalawak ang iyong nalalaman lalong-
lalo na’t tungkol sa buhay. Napakamakabuluhan ng nilalaman ng natapos na
babasahin. Napakagandang gabay ito para sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Pagtibayin natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong at
pagsasagawa ng ilang mga gawain.

Pagyamanin
Gawain 3:
Panuto: Lumikha ng isang kasabihan o maikling pahayag batay sa iyong natutuhan sa
paggalang sa dignidad ng tao anoman ang kanyang katayuan sa lipunan. Maging
malikhain sa pagsasagawa nito. Ilagay ito sa isang short bond paper. Narito ang rubric sa
pagsasagawa nito.

Pamantayan Napakahusay (15 Mahusay Nangangailangan


puntos) (13 puntos) ng Pag-unlad
(11 puntos)
Angkop at may Angkop at may Bahagya ang
Nilalaman ng kaugnayan sa paksa kaugnayan sa paksa kaangkupan at ang
pahayag ang pahayag. Naging ang pahayag. Ngunit kaugnayan sa paksa
malikhain sa kulang sa pagiging ang pahayag at
pagsasagawa nito malikhain sa kulang sa pagiging
pagsasagawa nito malikhain sa
pagsasagawa nito

Isaisip
Panuto: Magbigay nga mga katangian na nararapat mong ibigay o ipakita sa iyong
kapwa bilang pagpapatunay na iginagalang mo ang kanyang dignidad. Gamit ang mga
5
kahon na walang laman sa ibaba itala ang iyong mga kasagutan sa loob nito. Isulat ang
iyong mga kasagutan sa isang malinis na papel kasabay ng paglikha ng nakikitang
graphic organizer.
Dahil naging malinaw na sa iyo ang pagpapalalim ng mga konsepto ng aralin ukol sa
paggalang sa dignidad ng tao, bibigyang katuturan mo ito sa pamamagitan ng paglalapat
nito sa sariling buhay. Laging tandaan na walang kabuluhan ang pagkatuto kung ito ay
mananatili lamang sa isip at hindi isasapuso. May gawain sa ibaba na inihanda para sa
iyo. Handa ka na ba?

Isagawa
Gawain 4: Liham ko para sa iyo
Panuto: Bilang tao, tayo ay nagkakamali at nakagagawa ng paglabag. Ngunit habang
may pagkakataon na ibinibigay sa atin ang Diyos, marapat na ito ay ating ituwid at
baguhin. Gumawa ng liham para sa taong sa tingin mo ay nakasakit ka ng damdamin
dahil sa paglabag mo sa paggalang. Ilahad ang iyong saloobin ng may katapatan. Gawin
ito sa isang malinis na papel.

Dignidad ng
kapwa

Rubrik sa paggawa ng liham

Nangangailangan
Napakahusay (10 Mahusay
Pamantayan ng Pag-unlad
puntos) (8 puntos)
(6 puntos)

6
Nakapagpapahayag Nakapagpapahayag Bahagyang
ng may katapatan ng may katapatan nakapagpapahaya
Nilalaman ng at kapakumbabaan g ng may
liham katapatan

Tayahin
Panuto: Basahin at pag-aralan ang sumusunod na saloobin at paniniwala. Isulat ang
tsek (/) kung ang mga ito ay nagpapahayag ng pangangalaga sa dignidad ng tao at ekis
(x) naman kung hindi. Isulat ang iyong kasagutan sa isang malinis na papel.
________1. Kailangan ang pag-iingat sa pananalita. Anomang salitang lumabas sa bibig
ng tao ay maaaring makapagbigay ng inspirasyon o sumira sa buhay ng tao.
________2. Ang pagbibigay ng pagpapahalaga sa iba ay para lamang sa mga
nagpapahalaga sa iyo.
________3. Ang pagtataguyod ng pagbibigay-galang sa dignidad ng bawat tao anoman ang
kanilang katayuan sa lipunan.
________4. Ang mga indibidwal na maayos lamang ang katayuan sa lipunan ay ang
siyang dapat pinaglalaanan nito.
________5. Kailangan nating ingatan ang ating sariling dignidad laban sa mga
makamundong pagnanasa sa mga materyal na bagay.
________6. Ang ugaling panlalamang sa mga taong nakapaligid sa iyo.
________7. Ikaw ay palagiang humihingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan mo
ang damdamin.
________8. Ikasampung beses mong iniisip ang mga gawaing naisip mong gawin upang
makaiwas na makasakit sa damdamin ng iba.
________9. Ikaw ay diretsong magsalita sa iyong mga kaibigan at wala kang iniisip kung
sasama ang loob nila o hindi.
________10. Nais mong laging pinag uusapan kaya gumagawa ka ng mga kwento kahit ito
ay haka-haka lamang.

Karagdagang Gawain
Gawain 5: Kapwa ko iginagalang ko!
Panuto B: Bilang kabataan paano mo iginagalang ang dignidad ng isang lalaki at ng
isang babae na nakasasalamuha mo?
Lalaki Babae
1.
2.
3.
4.
5.

7
Susi sa Pagwawasto

aaral x 10.
ng mag mag –aaral x 9.
sa sagot sagot ng 8.
Depende Depende sa 7.
x 6.
Balikan: Pagyamanin: 5.
x 4.
3.
x 2.
aaral mag
- 1.
aaralng- mag Depende sa sagot ng Tayahin:
A
Depende sa sagot
Gawain:
Isagawa: Karagdagang

8
Sanggunian

DepEd (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Kagamitan ng Mag –aaral (Tagalog).


First Edition

DepEd (2020). Most Essential Learning Competencies in EsP 7.

9
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa :

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan


Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like