You are on page 1of 3

NORALA NATIONAL HIGH SCHOOL

SECOND PERIODICAL EXAM IN


Edukasyon sa Pagpapakatao 7
(OCTOBER 18-19, 2018)

PANGALAN:_________________________________TAON AT BAITANG:_______________ SCORE:_______

I. TAMA O MALI: Isulat ang salitang BOOM kung ang pangungusap ay wasto at BANE kung hindi wasto. Isulat ang
sagot sa patlang nakalaan.

______ 1. Ang limitasyon sa kalayaan ay itinakda ng Likas na Batas Moral.


______ 2. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas Moral.
______ 3. Ang tunay na kalayaan ay masusumpungan sa pagsuway sa Likas na Batas Moral.
______ 4. Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang gagawin.
______ 5. Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay isinilang ng kanyang mga magulang.
______ 6. Ang tao ay binigyan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang tawag dito ay talento.
______ 7. Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na cum (with) at scientia (science).
______ 8. Sa tulong ng konsensiya , nakikilala ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa.
______ 9. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sana’y isinagawa
subalit hindi niya ginawa.
______ 10. Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay isinilang ng kanyang mga magulang.
______ 11. Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang Likas na
Batas Moral.
______ 12. Ang tao ang iisang nilikha na maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng kapwa at sumira ng
kanyang sarili.
______ 13. Itinuturing ang konsensiya bilang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.
______ 14. Ang konsensiya ay tulad sa komersiyal ng sabon o sa katauhan na nasa kanan at kaliwang bahagi
ng tao.
______ 15. Kung patuloy na babalewalain ng tao ang kanyang konsensiya, darating ang pagkakataon na ito ay
magiging manhid sa pagkilala ng tama.

II. Piliin an gang tamang sagot. Isulat sa patlang ang titik ng iyong sagot.

_____ 16. Ito ang pangunahing gamit ng isip ng tao.


a. mag – isip c. magpasya
b. umunawa d. magtimbang ng mga esensya ng mga bagay

_____ 17. Ito ay nahahanap sa pamamagitan ng kilo-loob.


a. kabutihan c. katotohanan
b. kaalaman d. karunungan

_____ 18. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
a. maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. makakamit ng tao ang kabanalan
d. wala sa nabanggit

_____ 19. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam
niyang kulang na ang kanayang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang
sobrang pera. Anong uri ng konsenya ang ginamit ni Melody?
a. tamang konsensya c. maling konsensya
b. purong konsensya d. mabuting konsensya

_____ 20. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas
moral ang tinutukoy sa pahayag?
a. obhektibo c. walang hanggan
b. unibersal d. di nagbabago
Page 1 of 2
_____ 21. Ang likas na batas moral ay nakapangyayayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar ata sa lahat ng
pagkakataon. Ito ay nanganaghulugan na ang likas na batas moral ay:
a. obhektibo c. walang hanggan
b. unibersal d. di nagbabago

_____ 22. Ano bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?


a. mapapalaganap ang kabutihan
b. makakamit ng tao ang tagumpay
c. maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. mabubuhay ang tao ng walang hanggan

_____ 23. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:


a. nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa
b. nakikilalang tao ang tamng bagan na dapat gawin at masamang dapat iwasan
c. nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-
maayos o mali
d. nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi
niya dapat isagawa subalit ginawa

_____ 24. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao

_____ 25. Maaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy
na pagsasanay
d. Tama, dahil patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa
pagkilala ng tama

III. Tukuyin ang mga pahayag kung anong katangian ng Likas na Batas Moral.
Isulat sa patlang na nakalaan ang
A kung Obhetibo
B kung Pangkalahatan
C kung Walang Hanggan
D kung Di-nagbabago

______ 26. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao .
______ 27. Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan.
______ 28. Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao.
______ 29. Ang batas ay nagmula sa mismong katotohanan - ang Diyos.
______ 30. Nakapangyayari ang batas sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
______ 31. Ang batas ay umiiral at mananatiling iiral dahil ito ay walang katapusan.
______ 32. Ang batas ay hindi nagbabago dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao.
______ 33. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay permanente
rin.
______ 34. Dahil ang batas ay nakaukit sa kalikasan ng tao kaya’t ito ay nauunawaan ng lahat at ito ay
katanggap-tanggap sa lahat ng tao.
______35. Hindi ito naiimpluwensiyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin ng tao dito.

WAKAS

Page 2 of 2
Page 3 of 2

You might also like