You are on page 1of 4

NORALA NATIONAL HIGH SCHOOL

FIRST MIDTERM EXAM IN


Edukasyon sa Pagpapakatao 7
July 19-20, 2018

PANGALAN:_________________________________TAON AT BAITANG:_______________ SCORE:_______

I. Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa
patlang na nakalaan.

________ 1. Kung hindi mo matututuhang mahalin ang iyong sarili, hindi mo matututuhan ang
magpahalaga sa ibang tao.
________ 2. Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian ang mga babae kaysa lalaki
________ 3. Magkakapareho ang pagbabagong nararanasan sa katawan ng nagdadalaga at
nagbibinata.
________ 4. Sa unang yugto ng iyong pagdadalaga o pagbibinata, ginagawa mo ang lahat upang
matatanggap ka ng ibang tao na iyong kasing-edad.
________ 5. Mas makabuluhan ang pakikipag-ugnayan kung may itinatago sa bawat isa.
________ 6. Ang pakikipag-ugnayan ay walang kondisyon.
________ 7. Kung walang tiwala sa isa’t isa, matibay ang pundasyon ng ugnayan.
________ 8. Sa paglalaro at paglilibang, nakakalimutan natin ang maraming pag-aalala, takot,
pagdududa at insekyuridad.
________9. Ang isang bata ay labis na palaasa sa kaniyang mga magulang.
________10. Mag-isip ng positibo sa lahat ng iyong ginagawa at purihin ang sarili dahil sa iyong
pagsisikap.

II. Kilalanin ang sumusunod na palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata kung ito ay A.
Pangkaisipan ; B. Panlipunan ; C. Pandamdamin ; D. Moral . Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa patlang na nakalaan.

_____ 11. Nahihilig sa pagbabasa.


_____ 12. Madalas mainitin ang ulo.
_____ 13. Madalas malalim ang iniisip.
_____ 14. Nagiging mapag-isa sa tahanan.
_____ 15. Alam kung ano ang tama at mali.
_____ 16. Nagkakaroon ng maraming kaibigan
_____ 17. Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa.
_____ 18. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap.
_____ 19. Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa.
_____ 20. Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga tinedyer
_____ 21. Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan.
_____ 22. Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya.
_____ 23. Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng desisyon.
_____ 24. Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga magulang.
_____ 25. Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalamn ng sariling pag-iisip

III. Punan ang patlang sa ibaba ng mga iba’t-ibang talino o talento na nasa loob ng kahon.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang na nakalaan.

A. visual/spatial D. bodily / kinesthetic G. naturalist


B. verbal / linguistic E. musical / rhythmic H. intrapersonal
C. mathematical / logical F. interpersonal I. existential

_____ 26. Kadalasan ang taong mayroong ganitong talino ay nagiging magsasaka o botanist.
_____ 27. Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo , o musika.
_____ 28. Ang larangan na angkop sa talinong ito ay sining , arkitektura at inhinyera.
_____ 29. Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero.
______30. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento, at
pagmememorya ng mga salita at mahahalagang petsa.
_____ 31. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa
mundong ating ginagalawan.
_____ 32. Likas na nagtatagumpay sa larangan ng musika ang taong may ganitong talino.
_____ 33. Ito ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
Page 1 of 2
NORALA NATIONAL HIGH SCHOOL
FIRST MIDTERM EXAM IN
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
July 19-20, 2018

_____ 34. Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o
interaksiyon sa kapaligiran.
_____ 35. Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw.
_____ 36. Sa talinong ito, magiging masaya sila kung magiging isang musician, kompositor, o disk jockey.
_____ 37. Kadalasan ang mga taong may taglay nito ay nagiging tagumpay sa larangan ng kalakalan, politika,
pamamahala, pagtuturo o edukasyon at social work.
_____ 38. Ang larangang karaniwang tinatahak ay ang pagsasayaw, isports, pag-aartista at pagiging doctor.
_____ 39. May kakayahan siya na makita sa kanyang isip ang mga bagay upang makakita ng isang produkto o
makalutas ng suliranin.
_____ 40. Ang larangang kaugnay nito ay pagiging isang researcher, manunulat ng mga nobela o negosyante.

IV. Basahin at unawain nang mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at
bilugan ito.

41. Ang mga sumusund ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata maliban sa ______
A. Pangtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
B. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
C. Pagtamo at pangtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad

42. Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
sa mga kasing-edad?
a. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad.
b. Upang masisiguro niya na mayroong tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan.
c. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan nang maayos sa kanyang
kasing edad.
d. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tututlong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na
labas sa kanyang pamilya.

43. Sa yugto na maagang pagdadalaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan. Ang
pangungusap ay:
a. Tama , dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa
sa maagang seryosong relasyon sa hinaharap.
b. Tama , dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na
kasarian sa maagang panahon.
c. Mali , dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
d. Mali , dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.

44. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang pangungusap
ay:
a. Tama , dahil ito ang nagiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.
b. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
c. Mali , dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sekreto.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol
sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.

45. Si Bernard ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa paaralan
dahil sa takot na hindi ito maging kalugod-lugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni
Bernard?
a. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa
lahat.
b. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang
talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.
c. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat
ang kanynag tiwala sa sarili.
d. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan.

--------- Wakas -------

Page 2 of 2
NORALA NATIONAL HIGH SCHOOL
FIRST MIDTERM EXAM IN
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
July 19-20, 2018

Page 3 of 2
NORALA NATIONAL HIGH SCHOOL
FIRST MIDTERM EXAM IN
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
July 19-20, 2018

Page 4 of 2

You might also like