You are on page 1of 4

DEL ROSARIO INTEGRATED SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ________________


Grado at Baitang: _______________________________________

PANUTO: Piliin ang pinakatamang sagot at isulat ang LETRA sa patlang bago ang bawat bilang.

A 1. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata maliban sa .
A. Inaasahang maging perpekto ang dalaga at binata.
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
C. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad .
D. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito.
D 2. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
A. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
B. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon.
C. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad.
D. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya
ng lipunan.
D 3. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata maliban sa .
A. Paghahanda para sa paghahanapbuhay.
B. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.
C. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya.
D. Inaasahan ang mga dalaga at binata na hindi magkamali sa lahat ng kilos at pasya nito.

Para sa bilang 4-10. Tukuyin kung anong aspeto ng Pag-unlad sa panahon ng Pagdadalaga o Pagbibinata ang mga
sumusunod. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba.

Pangkaisipan Pandamdamin
Panlipunan Moral

4. Nahihilig sa pagbabasa.
5. Hindi magsisinungaling.
6. Mas nakapagmememorya.
7. Madalas na mainitin ang ulo.
8. Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa.
9. Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya.
10. Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase, at pangangatawan.

11. Sa yugto ng maagang pagdadalaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng


kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian
sa maagang panahon.
B. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa
magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
C. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
D. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.
12. Si Ann ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman
na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito
sa
maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Ann?
A. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
B. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
C. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa
mga mayayamang kamag-aral.
D. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na mahirap
kung sila naman ang kasama.
13. Ano ang itinuturing na pundasyon ng pagkakaibigan?
A. Pagmamahal B. Pagmamalasakit C. Pagtulong D. Tiwala
14. Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon
ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa mga sumusunod maliban sa:
A. pagiging mabuting tao.
B. pagiging perpektong tao.
C. pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
D. paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa paghahanapbuhay at
paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya)
1|Page
15. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-unayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
B. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.
C. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
D. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga
impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.
16. Ito ay isang pambihira at likas na kakayahan.
A. Hilig B. Kakayahan C. Talento D. Tungkulin
17. Ito ay kalakasang intelektuwal (intellectual power) upang makagawa ng isang pambihirang bagay
tulad ng kakayahan sa musika o kakayahan sa sining.
A. Hilig B. Kakayahan C. Talento D. Tungkulin
18. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
C. Upang makapaglingkod sa pamayanan
D. Lahat sa nabanggit
19. Maliit pa lang si Diego nang matuklasan ng kanyang mga magulang na siya ay magaling sa pag-awit.
Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa
kanyang kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Diego at hindi
na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang mga
kamag-aral ang kanyang talent dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa
paaralan. Palagi pa ring umaawit si Diego ngunit ito ay sa kanilang bahay lamang kasabay ang kanyang
nakatatandang kapatid. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Diego?
A. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
B. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
C. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
D. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal.
20. Ano ang nararapat na gawin ni Diego?
A. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talento.
B. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa sino man
na kanyang narinig sa paaralan.
C. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat ng
kanyang paligsahan at pagtatanghal.
D. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang ano mang
hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan
21. Ito ay isang napakahalagang teorya na binuo ni Dr. Howard Gardner, na ang mas angkop na tanong ay “Ano
ang iyong talino?”
A. Hilig B. Multiple Intelligence C. Talino D. Tungkulin

Para sa bilang 22-28. Tukuyin kung anong talento o kakayahan ang tinutukoy ng mga sumusunod na galing sa Teorya ng
Multiple Intelligences. Piliin sa kahon ang tamang sagot.

Visual Spatial Intrapersonal


Verbal/Linguistic Interpersonal
Mathematical/Logical Naturalist
Bodily/Kinesthetic Existentialist
Musical/Rhythmic

22. Mabilis matututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya.


Halimbawa: Pintor
23. Mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving) at
sa mga numero. Halimbawa: Inhinyero
24. Mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika.
Halimbawa: Singer
25. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
Halimbawa: Politiko, Guro
26. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
Halimbawa: Pagsulat ng Tula
27. Natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan
Halimbawa: Pagsayaw
28. Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan
kundi sa lahat ng larangan. Halimbawa: Magsasaka, Hardinero
29. Ano ang preperensya sa mga partikular na uri ng gawain?
A. Aptityud B. Hilig C. Karunungan D. Potensyal
30. Paano nakukuha o nagkakaroon ng mga hilig ang isang tao na may kaugnayan sa genetics?
A. Kakayahan B. Karanasan C. Minamana D. Pagpapahalaga
31. Paano nakukuha o nagkakaroon ng mga hilig ang isang tao na may kaugnayan sa talento?
A. Kakayahan B. Karanasan C. Minamana D. Pagpapahalaga
32. Ang mga sumusunod ay paraan sa pagtuklas ng hilig maliban sa:
A. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawin.
B. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
C. Suriin ang mga gawaing iniiwasan mong gawin

2|Page
D. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.

3|Page
Para sa bilang 33-40. Tukuyin kung ano ang larangan ng hilig at tuon ng atensyon ang mga sumusunod.
Piliin ang sagot sa kahon na nasa ibaba.

Larangan Tuon ng Atensyon


Outdoor Artistic Tao
Mechanical Literary Data
Computational Musical Bagay
Scientific Social Services Ideya
Persuasive Clerical

33. 34. Mahilig sa volleyball si Kathrina at nakatuon ang kanyang atensyon sa pagsisikap na
malaman ang mga panuntunan at teknik sa paglalaro ng volleyball.
35. 36. Magaling sa asignaturang matematika si Jasper at lagi niyang tinuturuan ang kanyang
kaibigan na si Gemma
37. 38. Mahilig sa pagpipinta si Anna at pinagsusumikapan nya na gumawa ng iba’t ibang
frame
para mas gumanda ang presentasyon ng kanyang mga obra.
39. 40. Si Pedro ay mahilig tumulong sa mga matatanda at mga bata na pinabayaan na. Lagi
nitong isinusulat sa kanyang diary ang mga pangyayari sa tuwing pumupunta ito sa
bahay ampunan o home for the aged.
41. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang
sarili maliban sa:
A. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig
B. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
C. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito
D. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata
42. Ito ay tungkulin na dapat laging nagsisimula sa sarili.
A. Tungkulin bilang anak C. Tungkulin bilang kapatid
B. Tungkulin bilang mananampalataya D. Tungkulin sa sarili
43. Ito ay tungkulin ang saklaw ng hangaring “Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto”.
A. Tungkulin bilang anak C. Tungkulin bilang kapatid
B. Tungkulin bilang mananampalataya D. Tungkulin sa sarili
44. Ang mga magkakapatid ay may tungkulin sa isa’t-isa, ano sa mga sumusunod ang dapat iwasan?
A. Gastos B. Katamaran C. Selos D. Inggit
45. Ano ang dapat gawin sa ating mga talento at kakayahan bilang tungkulin sa sarili?
A. Aliwin B. Panoorin C. Paunlarin D. Respetuhin
46. Anong tungkulin ang saklaw kapag tayo ay nagiging Kritikal sa pagtangkilik ng mga panoorin sa tv, nababasa sa dyaryo,
naririnig sa radio o paggamit ng cellphone o wifi?
A. Tungkulin sa Pamayanan B. Tungkulin bilang Mag-aaral
B. Tungkulin bilang kapatid C. Tungkulin bilang konsyumer ng Midya
47. Ano ang tungkulin na tinutukoy sa quote na “Prayer can move Mountains”?
A. Tungkulin bilang anak C. Tungkulin bilang kapatid
B. Tungkulin bilang mananampalataya D. Tungkulin sa sarili
48. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?
A. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyong darating
B. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad
C. Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat
D. Lahat ng nabanggit
49. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?
A. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan
B. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid
C. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.
D. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya.
50. ”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman
ang namamatay, para sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na kahulugan sa katagang ito?
A. Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
B. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
C. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili para sa kanyang
kapwa.
D. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa kanyang
kakayahang makipagkapwa.

4|Page

You might also like