You are on page 1of 3

UNANG MARKAHANG LAGUMANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Taong Panuruan 2022 - 2023
I. PANUTO: Basahin ng may pang-unawa ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.
_____1. Sino ang taong tumutulong upang matanggap at mapabilang ka sa isang pangkat na labas sa iyong pamilya?
A. kaibigan B. magulang C. kalaro D. guro
_____2. Ano ang tawag sa kalakasang intelektwal (intellectual power) upang makagawa ng pambihirang bagay?
A. talento B. kalakasan C. kakayahan D. hilig
_____3. Ano ang tawag sa preperensya sa mga partikular na uri ng gawain na gumaganyak sa isang tao na kumilos at
gumawa?
A. kakayahan B. talento C. kalakasan D. hilig
_____4. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa
bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
A. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad
B. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
C. Nagsisilbing pagganyak o motibasyon upang gawin ang inaasahan sa kanya ng lipunan
D. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
_____5. Ano ang pinakamahalagang layunin ng pagkakaroon ng pananampalataya?
A. pananalangin C. pasasalamat
B. pagsisimba D. pag-aalay sa Diyos ng lahat ng ating ginagawa
_____6. Ano ang tungkuling tumutukoy sa pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto?
A. tungkulin sa sarili C. tungkulin sa pamayanan
B. tungkulin bilang mag-aaral D. tungkulin bilang mananampalataya
_____7. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
A. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
B. Nakapagpapasaya sa tao
C. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
D. Nkapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
_____8. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ay nagiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.
B. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
C. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili
laban sa kanya sa hinaharap.
D. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
_____9. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa larangan ng mathematical/logical intelligence?
A. inhinyero B. ekonomista C. social work D. mathematician
_____10. Bakit mahalaga sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ang pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal
sa pakikipagkapwa?
A. Upang maunawaan at bigyang halaga ang katotohanang hindi nabubuhay ang tao para sa kaniyang sarili
B. Upang magkaroon ng maraming kaibigan at kakilala
C. Upang hindi magkaroon ng alitan at pag-aaway
D. Upang tunay na makita ang kagandahan ng pansariling buhay
_____11. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng
pagpapaunlad dito. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa
paligsahan at mga pagtatanghal
B. Mali, dahil maaaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
C. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao
D. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
_____12. Ano ang pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?
A. pataasin ang marka C. magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto
B. mag-aral ng mabuti D. gamitin ang kakayahan sa komunikasyon ng buong husay
_____13. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?
A. Sila ay alagaan, mahalin at pagkatiwalaan
B. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa mga kapatid
C. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng tulong na kanilang naibigay
D. Ilaan ang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya
Basahin at unawin ang talata. Pagkatapos sagutan ang mga bilang 14-15.
Tatlong taon pa lamang si Zeann nang matuklasan ng kaniyang mga magulang ang kaniyang husay sa
pagsasayaw. Sa napakabatang edad ay sumali at nanalo na siya sa mga patimpalak. Ngunit sa kaniyang paglaki ay
naging mahiyain si Zeann at hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Walang
nakakaalam ng kaniyang talento sa klase bagamat sa kanilang tahanan ay lubos ang kaniyang pagsasayaw kasama ang
kapatid.
_____14. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?
A. Ang angking talento ni Zeann sa pagsasayaw
B. Ang pagsasanay ni Zeann sa pagsasayaw
C. Ang pagkapanalo ni Zeann sa timpalak
D. Ang pagiging mahiyain ni Zeann na ipakita ang kaniyang talento sa harap ng maraming tao ay balakid sa
kaniyang tagumpay
_____15. Ano ang balakid sa pagpapaunlad ng talento ni Zeann?
A. Ang pagiging mahiyain sa harap ng maraming tao
B. Ang kawalan ng suporta ng kaniyang mga kamag-aral
C. Ang hindi paghimok ng kaniyang mga kamag-aral sa pagsali sa paligsahan at pagtatanghal
D. Ang hindi pagsasanay sa pagsasayaw
_____16. Alin sa mga sumusunod na larangan ng hilig ang hindi kaugnay sa aspetong scientific?
A. pag-aaral ng mga bituin C. pag-imbento ng mga bagay at produkto
B. paglahok sa gawaing pampamayanan D. pagsisiyasat at pag-eksperimento
_____17. Bakit kailangan nating tuklasin ang ating mga talento at kakayahan?
A. Upang mapaunlad at maging ganap ang ating pagkatao
B. Upang maabot natin ang ating mga mithiin sa buhay
C. Upang may mapatunayan tayo sa ating sarili at sa ating kapwa
D. Upang magbukas sa atin ang mga oportunidad
_____18. Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng tatlong magkakaibigan. Ano-ano ang larangan ng
kanilang kinahihilig?
● Si Sheela ay palaging nasa komunidad at tumutulong sa pagbibigay ng libreng serbisyo bilang nurse.
● Si Leah ay palaging naglalaro ng volleyball kasama ang kaniyang mga kaibigan.
● Si Rea, nauubos ang kaniyang oras sa pag gigitara
A. social service, outdoor, musical C. existential, mechanical, artistic
B. persuasive, outdoor, naturalist D. bodily-kinesthetic, social service, clerical
_____19. Si Kat ay isang sikat na manunulat. Ano ang larangan at tuon ng hilig niya?
A. Larangan : literary; Tuon: ideya
B. Larangan: artistic; Tuon: tao
C. Larangan: literary, outdoor; Tuon: ideya, tao
D. Larangan: artistic, clerical; Tuon: tao, datos
_____20. “Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinoman ang namamatay para sa sarili
lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
A. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
B. Mabubuhay ng matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili para sa kanyang kapwa.
C. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
D. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa kanyang kakayahan na
makipagkapwa.

_____21. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin bilang mananampalataya?
A. upang makapagpasalamat sa Diyos C. upang magkaroon ng relasyon sa Diyos
B. upang humingi ng tawad sa Diyos D. lahat ng nabanggit
_____22. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa pamayanan?
A. Upang magkaroon ng maayos at malinis na pamahalaan
B. Upang maging tapat sa kinabibilangang pamayanan
C. Upang magkaroon ng pagkukusang maglingkod sa pamayanan
D. Lahat ng nabanggit
_____23. Alin sa mga sumusunod na aspeto ng palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
ang may kaugnayan sa pag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa tinedyer?
A. moral B. pangkaisipan C. pandamdamin D. panlipunan
_____24. Alin sa mga sumusunod na aspeto ng palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
ang may kaugnayan sa pantay na pakikitungo sa kapwa?
A. pangkaisipan B. pandamdamin C. panlipunan D. moral
_____25. Ano ang ipinahihiwatig ng kasabihang, “kung may tiyaga, may nilaga?”
A. ang nagtitiyaga ay may kakainin
B. kailangan ng pagtitiyaga kung nais makamit ang minimithi
C. upang kumita ng salapi kailangang magtiyaga
D. matitiyagang tao lamang ang sinuswerte sa buhay
_____26. Ang pagiging mahiyain ay isa sa mga damdaming pinahahalagahan ng mga kabataan. Ano ang isang
halimbawa ng pinakanegatibong epekto nito sa pagkatao?
A. maiiwasan ang mapahiya kung sakaling magkamali
B. maiiwasan ng kabataan ang mapagalitan o mapulaan
C. ang panahon nila na dapat ay puno ng kasiyahan ay nauuwi sa kalungkutan
D. ang pagiging mahiyain ay isang pagpapahalaga
_____27. Ikaw ang inaasahan na maging first honor sa klase, subalit kailangan mo ang magpahinga dahil sa sakit.
Ano ang pahahalagahan mo?
A. pipilitin pumasok sa pangamba na bumaba ang marka at di maging first honor
B. liliban muna ng pagpasok sa paaralan para makapagpagaling
C. i-text o sulatan ang adviser tungkol sa pagliban at magreview kung kaya habang nagpapagaling
D. kailangang pumasok kahit may sakit ang mahalaga maging first honor
_____28. Sa iyong palagay, ano ang batayan ng tagumpay sa buhay?
A. pagkakaroon ng maraming kaibigan C. pagkakaroon ng maraming kakilala
B. pagtatapos sa pribadong paaralan D. pagkakaroon ng pagmamahal sa paggawa
_____29. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paraan sa pag-abot ng pangarap?
A. pagtutuon ng isipan sa minimithi at sinasamahan ng pagtitiyaga
B. pagdidisiplina ng sarili at pagsusumikap
C. harwork o pagsisipag at pakikipagugnay sa Panginoon
D. pagpasok sa mga illegal na gawain para sa mabilisang kita
_____30. Bakit may mga tanyag na taong naging mahina sa panahon ng kanilang kabataan?
A. hindi sila nabigyan ng atensiyon ng kanilang mga magulang
B. ang pagtuklas ng kanilang kakayahan ay huli na
C. ang tao ay may likas na antas na sinusunod sa pag-unlad
D. mas marami silang kahinaan

You might also like