You are on page 1of 3

Second Periodical Examination in ESP 7 (2022-2023)

NAME:_________________________________________________ Grade & Section:________________


GENERAL INSTRUCTION: WRITE THE LETTER OF YOUR ANSWER BESIDE EACH NUMBER.
I- Panuto: Basahin ng mabuti at piliin ang titik ng tamang sagot, isulat ang tiktik sa tabi ng numero.
1.Ang lahat ng nakasulat ay mahahalagang sangkap ng tao maliban sa _______________?
a.Isip  b. puso  c. paa  d. kamay at katawan
2. Ito ay ang maliit na sangkap ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao?
a. Isip  b. puso  c. paa  d. kamay at katawan
3. Sangkap ng tao may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, magalaala at umunawa ng kahulugan ng
mga bagay.
a.Isip  b. puso  c. paa  d. kamay at katawan
4. Sangkap ng katawan na sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o
pagsusulat) a.Isip  b. puso  c. paa  d. kamay at katawan
5. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag _____________?
a.Isip at loob  b. kilos at loob  c. kamay at katawan  d. isip at puso
6.Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahang ito ay tinatawag na?
a.Konsensya  b. katapatan  c. kamalayan  d. kapangyarihan
7.Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na _________ na ang ibig sabihin ay with o mayroon at ____ na
ang ibigsabihin ay knowledge o kaalaman.
a.Cum scientia  b. cun scientia  c. comscientia  d. cum scien
8. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.
a.Likas na Batas na Moral b. Likas na Batas c. Batas ng Kalikasan d. Saligang Batas
9. Siya ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos?
a.Halaman  b. hayop  c. tao  d. lahat ng nabanggit
10. Likas na Batas Moral na nakabatay sa katotohanan.
a. Unibersal  b. Obhetibo  c. Walang hanggan  d. di nagbabago
11. Likas na Batas Moral na sinasaklaw ang lahat ng tao?
a. Unibersal  b. Obhetibo  c. Walang Hanggan  d. di nagbabago
12. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man.
a. Unibersal  b. Obhetibo  c. Walang hanggan  d. di nagbabago
13. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin
  a.Unibersal  b. Obhetibo  c. Walang hanggan  d. di nagbabago
14. Uri ng konsensya kung saan ang lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong
pamantayan aynaisakatuparan nang walang pagkakamali.
a.Tama b. mali  c. wala  d. wala sa nabanggit
15. Uri ng konsensya kung saan nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan
a.Tama b. mali  c. wala  d. wala sa nabanggit
16. Ang ________ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa
kaniyang kapwa.
a.Konsensya  b. kalayaan  c. dignidad  d. kilos at loob
17. Ang dignidad ay galing sa salitang latin na _______________?
a. Dignidad  b. dignitas  c. dignitos  d. wala sa nabanggit
18.Ano ang ibig sabihin ng salitang latin na dignus?
a. Karapatdapat  b. kabutihan  c. kahalagahan  d. wala sa nabanggit
19. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a.Kapag siya ay naging masamang tao  c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
b.Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao d. Wala sa nabanggit
20. Nangingibabaw ang paggalang at respeto sa kapwa tao o kahit kanino.
a. Dignidad  b. kilos at loob  c. konsensya  d. likas na batas moral
21. Ang mga sumusunod ay mga nilikhang may buhay sa mundo: maliban sa
a.Tao  b. hayop  c. halaman  d. bahay
22. Sa pamamagitan ng nito, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik upang
makaunawa
atgumawa nang naaayon sa katotohanang natuklasan
a.Isip  b. kilos  c. katawan  d. buhay
23. Ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay pakultad (faculty) na
naaakit sa mabutiat lumalayo sa masama. Ito ay ayon sa paglalarawan ni ______?
a.Santo Tomas  b. Santo Tomas de Aquino  c. Aquino  d. Duterte
24. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na________?
a.Isip  b. kilos-loob  c. puso  d. lahat ng nabanggit
25. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.
a.Isip  b. kilos loob  c. puso  d. lahat ng nabanggit
26. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________
a. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos 
b. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
27. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos 
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging malusog at makaramdam.
d. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at
dumami.
28. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao 
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
29. Maaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao. 
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na
pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa
pagkilala ng tama.
30. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil
sa hindimakataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang
mga kasama na itinuturingna pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang
kanyang_________________.
a. Karapatang pantao  b. Dignidad bilang tao  c. Panloob na kalayaan  d. Panlabas na kalayaan
31. ”Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:
 a. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang
naaayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao
d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti
at masama
32. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin. Ang
pangungusap ay:
a. Tama, dahil hindi ganap ang tao 
b. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang mga ito
c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng Kalayaan
d. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos-loob
33. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan. 
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral
c. Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais
d. Lahat ng nabanggit
34. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang
pangungusap ay:
a. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa
lipunan.
b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat
ng tao.
c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan
sa pamahalaaan.
35. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw. 
b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya
c. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.

II. PANUTO: ANG TUNAY NA KALAYAAN AY ANG PAGGAWA NG KABUTIHAN. Pag-aralan ang mga situwasyon
nakaraniwang ginagawa ng ilang nagdadalaga at nagbibinatang katulad mo. Lagyan ng check (/) kung may kalayaan
at ekis (x) kungwalang kalayaan ang bawat sitwasyon. 
____36. Pagbibisyo (pagsugal, pagsigarilyo, pag-inom ng alak, pagkalulong sa droga) 
____37. Maagang pag-aasawa o pagbubuntis 
____38. Pagsunod sa magulang.
____39. Paggalang sa nakatatanda 
____40. Paggawa ng gawaing bahay 
____41. . Pagpapabaya sa pag-aaral (hindi gumagawa ng project, o naghahanda ng takdang-aralin, etc.) 
____42. Pagrebelde sa magulang 
____43. Pagsama sa maling barkada. 
____44. Pag-aaral ng mabuti 
____45. Umiiwas sa masamang bisyo at barkada

III. Panuto: Magbigay ng isang karanasan na may kinalaman sa iyong paggamit ng konsiyensiya. Gamit ang mga gabay
na mga guhit sa ibaba, isulat ang sagot sa iyong dyornal notbuk.

A. Isulat sa loob ng kahon ang iyong karanasan kung ano ang nangyari.

B. Sa loob ng speech balloon, isulat ang iyong pasya o ginawa sa pangyayari.

C. Sa hugis puso ay isalaysay ang iyong natutunan sa pangyayari at ang iyong napagtanto tungkol ditto.

You might also like