Professional Documents
Culture Documents
Grade 7
Grade 7
Region III
Division of Pampanga
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
MARAMING PAGPIPILIAN: Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na konsepto. Piliin ang
pinakatamang sagot.
I.PANGKAALAMAN (25 pts.)
1. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito’y natutuklasan lamang. Ito ay nagmula sa
mismong katotohanan. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Di-nagbabago c. Unibersal
b. Obhetibo d. Walang hanggan
2. Ang likas na batas moral ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang
katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Anong katangian ito ng likas na batas moral?
a. Di-nagbabago c. Unibersal
b. Obhetibo d. Walang hanggan
4. Ang paghusga ng konsensya ay nakabatay sa maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling
paraan. Hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali. Anong uri ito ng konsensya?
6. Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang gagawin. Dahil dito ano
ang palaging kakambal ng kalayaan?
10. Hinuhusgahan ng konsensya ang tama bilang tama at bilang mali ang mali. Anong uri ito ng konsensya?
12. Ito ay batas na ibinigay ng Diyos sa tao noong siya ay likhain. Hindi kailangan ng
isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang batas na ito.
a. kamangmangan c. kasinungalingan
b. b. kasamaan d. katotohanan
15. Ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto, dahil ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
Kung gayon, ano ang tunguhin ng kilos-loob?
16. Ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto, dahil ito ay naakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
Kung gayon, ano ang tunguhin ng kilos-loob?
18. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng
bagay na nangyayari sa ating buhay.
19. Ito ay kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
20. Alin sa mga sumusunod ang nilikha ayon sa “wangis ng Diyos” at nagtataglay ng kakayahan na
nagpapabukod-tangi sa lahat?
21. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa;
22. Ang konsensya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali. Saan ibinabatay ng konsesnya ang
kanyang paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos?
23. Ang likas na batas moral ay nakaukit sa pagkatao ng isang indibidwal kaya’t ang unang prinsipyo nito ay;
26. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong upang masanay at malinang ang isip at kilos-loob na
gampanan ang kanilang mga tungkulin?
27. Hanggang kailan ibinibigay ang ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
28. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa dignidad ng tao ang mali?
a. Ang mga taong walang pinag-aralan at mga taong maliit sa lipunan ay walang dignidad dahil sa
kalagayan nila sa buhay
b. Lahat ng tao, anuman ang kanyang gulang at anyo ay may dignidad
c. Mapangangalagaan ang tunay na dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao kaugnay
ang Diyos
d. Lahat ng mga nabanggit
30. Ano ang maidudulot sa tao kung iniiwasan niya ang paggamit ng maling konsensya?
a. Mababawasan ang nagkakasakit na tao
b. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
c. Wala sa mga nabanggit
d. Magkakamit ang tao ng kayamanan
31. Dahil hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya sa bawat tao, nararapat lamang na ito ay hubugin. Alin sa
mga sumusunod ang makatutulong sa paghubog ng konsensya?
a. Masamang bisyo ng barkada c. Paglalaro at pamamasyal
b. Pagdarasal at pagsisimba d. Pagsali sa fraternity
32. Ang mga sumusunod ay kakayahan at katangian ng isip. Alin ang hindi kasama?
a. Ang isip ay may kakayahang mag-alaala
b. Ang isip ay may kapangayarihang mangatwiran
c. Ang isip ay may kapangyarihang magsuri
d. Ang isip ay walang limitasyon at perpekto
33. Alin sa mga sumusunod na paraan ang hindi makatutulong sa paglinang ng konsensya?
a. Padalus-padalos na pagpapasya kahit may pag-aalinlangan
b. Pagsasabuhay ng mga moral na alituntunin sa lahat ng oras at pagkakataon
c. Patuloy na pag-aaral at pagbabasa
d. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya
34. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad. Alin ang hindi kasama?
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa
b. Irespeto ang mga taong mayayaman at may magandang buhay
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
d. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
35. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang gurong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng tulong
b. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
c. Isang negosyante na nagpapautang ng pera na nagpapatubo ng mataas na halaga
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
36. Sino sa mga sumusunod ang naging makatwiran sa paggamit ng kanyang isip?
a. Si Charles na laging naglalayag at iba-iba ang iniisip habang nagtuturo ang guro
b. Si Christian na palaging nag-iisip ng dahilan upang upang makapaglaro ng dota
c. Si Christofer na palaging handa sa klase dahil nakagawian na niya ang pag-aaral ng leksyon
d. Si Mariella na inuubos ang kanyang oras sa pagte-text imbes na gumawa ng takdang aralin
37. Alin sa mga sumusunod na kilos ng kabataan ang labag sa likas na batas moral?
a. Paggawa ng takdang aralin at mga proyekto sa itinakdang panahon
b. Pagsunod sa alituntunin na ipinatutupad sa pamayanan
c. Pagtulong sa mga taong nasalanta ng kalamidad
d. Pagtatapon ng basura kahit saan
39. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa?
a. Pag-inom ng alak c. Pagsunod sa batas
b. Pasisinungaling sa kapwa d. Pagsusugal
III. PANG-UNAWA ( 10 pts.)
42. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti”. Ang pangungusap ay;
a. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa
nang naaayon sa kabutihan
b. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kalayaan kung magiging mayaman ang tao
c. Tama, dahil ang tao ay may kakayahang gawin ang masama
d. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa
nang naaayon sa kabutihan
44. Bakit ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin, at gawing ganap ang isip at kilos-loob?
a. Upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao
b. Upang magamit ito sa pagkakaroon ng pera at makilala sa lipunan
c. Upang mapagharian ang buong mundo
d. Wala sa mga nabanggit
45. Sobra ang sukli na natanggap ni Bong nang bumili siya ng pagkain sa isang canteen. Alam niyang kulang
na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong
uri ng konsensya mayroon si Bong?
a. Maling konsensya c. Purong konsensya
b. .Nalilitong konsensya d. Tamang konsensya
48. Dahil sa kahirapan ng buhay ng pamilya ni Syria, natuto siyang magnakaw o magbenta ng ipinagbabawal
na gamot. Para sa kanya, tama lang ang kanyang ginawa dahil nakakatulong naman siya sa kanyang
pamilya. Anong uri ng konsensya ang taglay ni Syria?
a. Maling konsensya c. Purong konsensya
b. Nalilitong konsensya d.Tamang konsensya