Professional Documents
Culture Documents
Eap 2nd Quarter
Eap 2nd Quarter
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na konsepto. Piliin at isulat ang titik ng pinakatamang
sagot bago ang bawat bilang.
1. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito’y natutuklasan lamang. Ito ay nagmula sa
mismong katotohanan. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Di-nagbabago c. Unibersal
b. Obhektibo d. Walang hanggan
2. Ang likas na batas moral ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang
katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Anong katangian ito ng likas na batas
moral?
a. Di-nagbabago c. Unibersal
b. Obhetibo d. Walang hanggan
4. Ang paghusga ng konsensya ay nakabatay sa maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa
maling paraan. Hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali. Anong uri ito ng
konsensya?
a. Maling konsensya c. Purong konsensya
b. Masamang konsensya d. Tamang konsensya
5. Ang tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyang gagawin. Dahil dito
ano ang palaging kakambal ng kalayaan?
a. Masamang kilos c. Pananagutan
b. Pag-aalinlangan d. Problema
6. Ang kalayaang gumusto at kalayaang tumukoy ay halimbawa ng anong uri ng kalayaan?
a. Maling kalayaan c. Panloob na kalayaan
b. Masamang kalayaan d. Purong kalayaan
7. Hinuhusgahan ng konsensya ang tama bilang tama at bilang mali ang mali. Anong uri ito ng
konsensya?
a. Maling konsensya c. Purong konsensya
b. Masamang konsensya d. Tamang konsensya
8. Ano ang salitang Latin na pinagmulan ng salitang konsensya na
nangangahulugang “with knowledge” o mayroong kaalaman?
a. Coup at Scientia c. Cum at Scientia
b. Cum at Laude d. Cum at Senti
9. Ito ay batas na ibinigay ng Diyos sa tao noong siya ay likhain. Hindi kailangan ng
isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang batas na ito.
a. Batas Militar c. Batas ng Tao
b. Batas ng Lipunan d. Likas na Batas Moral
10. Ano ang tunguhin ng isip kung patuloy itong magsasaliksik upang makaunawa at gumawa ayon sa
a. kamangmangan c. kasinungalingan
b. kasamaan d. katotohanan
12. Ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto, dahil ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa
masama. Kung gayon, ano ang tunguhin ng kilos-loob?
a. Kabutihan b. Kagandahan c. Kaguluhan d. Kasamaan
14. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng
lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay.
a. Isip b. Kamay o Katawan c. Mata d. Puso
15. Ito ay kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
a. Isip b. Kamay o Katawan c. Mata d. Puso
16. Alin sa mga sumusunod ang nilikha ayon sa “wangis ng Diyos” at nagtataglay ng kakayahan na
nagpapabukod-tangi sa lahat?
a. Halaman b. Hayop c. Kalikasan d. Tao
17. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa;
a. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
b. Naibabatay ang pagkilos sa maling prinsipyo
c. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
d. Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasya
18. Ang konsensya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali. Saan ibinabatay ng konsesnya
ang kanyang paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos?
a. Batas Militar c. Batas Trapiko
b. Batas ng Tao d. Likas na Batas Moral
19. Ang likas na batas moral ay nakaukit sa pagkatao ng isang indibidwal kaya’t ang unang prinsipyo nito
ay;
a. Gumawa at kumilos para lamang sa sariling kapakinabangan
b. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama
c. Gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa iyo
d. Gawin mo kung anuman ang nais mong gawin mabuti man ito o masama
22. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong upang masanay at malinang ang isip at kilos-loob na
gampanan ang kanilang mga tungkulin.
a. Dagdagan ang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng pag-aaral at ipamalas sa kanyang
pagkatao ang mapanagutang paggamit ng mga ito
b. Gamitin ang kakayahang mangatwiran kahit alam mong ikaw ay mali o wala sa katwiran
c. Gamitin ang kilos-loob upang piliin at gawin ang anumang nais gawin
d. Maging palaassa sa pagpapasya at kilos ng ibang tao
23. Hanggang kailan ibinibigay ang ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
a. Hangga’t siya’y kaibigan mo c. Hangga’t siya’y naghahanap-buhay
b. Hangga’t siya’y maasahan mo d. Hangga’t siya’y nabubuhay
24. Alin ang hindi layunin ng Likas na Batas Moral?
a. Ito ang gumagabay sa kilos ng tao
b. Nagtutulak sa tao na piliin ang masama at maling kilos
c. Pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagaawa siya ng tamang pasya
d. Sa tulong nito nakikilala ng tao ang mabuti at masama
25. Ano ang maidudulot sa tao kung iniiwasan niya ang paggamit ng maling konsensya?
a. Mababawasan ang nagkakasakit na tao
b. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan
c. Wala sa mga nabanggit
d. Magkakamit ang tao ng kayamanan
26. Dahil hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya sa bawat tao, nararapat lamang na ito ay hubugin.
Alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa paghubog ng konsensya?
a. Masamang bisyo ng barkada c. Paglalaro at pamamasyal
b. Pagdarasal at pagsisimba d. Pagsali sa fraternity
27. Ang mga sumusunod ay kakayahan at katangian ng isip. Alin ang hindi kasama?
a. Ang isip ay may kakayahang mag-alaala
b. Ang isip ay may kapangayarihang mangatwiran
c. Ang isip ay may kapangyarihang magsuri
d. Ang isip ay walang limitasyon at perpekto
28. Alin sa mga sumusunod na paraan ang hindi makatutulong sa paglinang ng konsensya?
a. Padalus-padalos na pagpapasya kahit may pag-aalinlangan
b. Pagsasabuhay ng mga moral na alituntunin sa lahat ng oras at pagkakataon
c. Patuloy na pag-aaral at pagbabasa
d. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya
29. Sino sa mga sumusunod ang naging makatwiran sa paggamit ng kanyang isip?
a. Si Charles na laging naglalayag at iba-iba ang iniisip habang nagtuturo ang guro
b. Si Christian na palaging nag-iisip ng dahilan upang makapaglaro ng dota
c. Si Christofer na palaging handa sa klase dahil nakagawian na niya ang pag-aaral ng leksyon
d. Si Mariella na inuubos ang kanyang oras sa pagte-text imbes na gumawa ng takdang aralin
30. Alin sa mga sumusunod na kilos ng kabataan ang labag sa likas na batas moral?
a. Paggawa ng takdang aralin at mga proyekto sa itinakdang panahon
b. Pagsunod sa alituntunin na ipinatutupad sa pamayanan
c. Pagtulong sa mga taong nasalanta ng kalamidad
d. Pagtatapon ng basura kahit saan
32. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa?
a. Pag-inom ng alak c. Pagsunod sa batas
b. Pasisinungaling sa kapwa d. Pagsusugal
35. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti”. Ang pangungusap ay;
a. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa
paggawa nang naaayon sa kabutihan
b. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kalayaan kung magiging mayaman ang tao
c. Tama, dahil ang tao ay may kakayahang gawin ang masama
d. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa
paggawa nang naaayon sa kabutihan
36. Paano nakahihigit ang tao sa hayop?
a. Ang tao ay kumakain ng masasarap na pagkain
b. Ang tao ay may kakayahang manamit ng maayos
c. Ang tao ay nakapamamasyal sa mga magagandang lugar
d. Ang tao ay nagtataglay ng isip at kilos-loob
37. Bakit ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin, at gawing ganap ang isip at kilos-loob?
a. Upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao
b. Upang magamit ito sa pagkakaroon ng pera at makilala sa lipunan
c. Upang mapagharian ang buong mundo
d. Wala sa mga nabanggit
38. Sobra ang sukli na natanggap ni Bong nang bumili siya ng pagkain sa isang canteen. Alam niyang
kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang
pera. Anong uri ng konsensya mayroon si Bong?
a. Maling konsensya c. Purong konsensya
b. Nalilitong konsensya d. Tamang konsensya
41. Dahil sa kahirapan ng buhay ng pamilya ni Syria, natuto siyang magnakaw o magbenta ng
ipinagbabawal na gamot. Para sa kanya, tama lang ang kanyang ginawa dahil nakakatulong naman
siya sa kanyang pamilya. Anong uri ng konsensya ang taglay ni Syria?
a. Maling konsensya c. Purong konsensya
b. Nalilitong konsensya d.Tamang konsensya
43. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya
para sa kanyang sarili?
a. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga
isasagawang pagpapasya sa hinaharap
b. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-
unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.
c. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na
magabayan ang kanyang anak patungo sa tamang landas.
d. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa
pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral.
44. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang kanyang naisin.
Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil hindi ganap ang tao
b. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang
mga ito
c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan
d. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos-loob
49. Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
a. Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya
b. Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
c. Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
d. Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
50. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultu ra at kapaligiran ng tao.