You are on page 1of 8

Paaralan : Dapa National High School

Asignatura : Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Pagsusulit : Ikalawang Markahan
Petsa : January 26- 27, 2022
Inihanda ni : Cristy S. Forcadilla

Pangalan: ______________________________________Grado at Seksyon:__________________ Iskor:_____


Panuto: Basahin ng husto ang mga katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
PAG-ALALA

1. Ano ang tawag sa kilos na isinasagawa nang may kaalaman at pagsang-ayon sa kahihinatnan ng kilos?
A. Konsensiya B. Kusang- loob C. Walang kusang- loob D. Di Kusang- loob
2. Ang __________________ ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa
sarili.
A. Kilos B. Konsensiya C. Kapanagutan D. Kalikasan
3. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang halimbawa ng makataong kilos?
A. Pag-ihi B. Pagnanakaw C. Pagtibok ng puso C. Pagkurap ng mata
4. Sino ang nagsasabi na hindi lahat ng kilos ay obligado?
A. G. Galilei B. I. Newton C. Aristotle D. Santo Tomas
5. Anong uri ng kamangmangan ang nagpapakita ng kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may
pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman at paraan upang malagpasan at matuklasan ito?
A. Madaraig B. Konsensiya C. Kusang-loob D. Di- madaraig
6. Ano ang tawag sa mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa
araw-araw?
A. Gawi B. Takot C. Karahasan D. Masidhing damdamin
7. Ito ay isang pangunahing sangkap sa anumang tagumpay?
A. Konsensiya B. Pananagutan C. Responsibilidad D. Masidhing damdamin
8. Noong unang ginamit ang tabako, ang mga tao ay higit na walang kamalayan sa mga nakakapinsalang
epekto nito. Ito ay tinutukoy ang tungkol sa?
A. Gawi B. Takot C. Karahasan D. Kamangmangan
9. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may ilang yugto ang Makataong Kilos?
A. 6 B. 9 C. 12 D. 14
10. Sa yugto na ito tinitimbang ng isip ang pinaka-angkop at pinakamabuting paraan.
A. Utos B. Pagpili C. Paggamit D. Praktikal na paghuhusga sa pinili
11. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
A. Kilos ng tao B. Kusang-loob C. Di kusang-loob D. Walang kusang- loob
12. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil katwiran
mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan?
A. Kilos ng tao B. Di kusang-loob C. Kusang-loob D. Walang kusang- loob
13. Ayon kay Aristoteles, saan nakasalalay ang pagiging mabuti at masama ng isang kilos?
A. obligasyong gawin ang kilos
B. paraan upang maisagawa ang kilos
C. intensiyon kung bakit ginawa ang kilos
D. pagkakataon kung kailan ginawa ang kilo
14. Sa proseso ng pagkilos, anong elemento ang tinutukoy ng pahayag na ito “Kasama ba sa iyong layunin
ang kinalabasan ng iyong kilos?”
A. Paglalayon C. Pagpili ng pinakamalapit na paraan
B. Pagsasakilos ng paraan D. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin
15. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
A. Pagsusugal B. Paglilinis ng ilong C. Pagpasok ng maaga D. Maalimpungatan sa gabi
16. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
A. Dahil sa kahinaan ng isang tao C. Dahil s amalakas na impluwensiya sa kilos
B. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip D. Dahil hindi kayang maapekyuhan ang kilos-loob
17.
Paaralan : Dapa National High School
Asignatura : Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Pagsusulit : Unang Markahan
Petsa : October 27-28, 2022
Inihanda ni : Cristy S. Forcadilla

Pangalan: ______________________________________Grado at Seksyon:__________________ Iskor:_____


Panuto: Basahin ng husto ang mga katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
PAG-ALALA
1. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
A. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
B. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
C. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.
D. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
2. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
A. isip B. kilos-loob C. pagkatao D. damdamin
3. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang
bigyan ito ng kahulugan?
A. mag-isip B. maghusga C. makaunawa D. mangatwiran
4. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat
ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.
A. isip B. kilos-loob C. emosyon D. karunungan
5. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
A. Ito ay sukatan ng kilos
B. Ito ay nauunawaan ng kaisipan
C. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
D. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao.
6. Ano ang tawag sa munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa kaniya sa
gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon?
A. Memorya B. konsensiya C. kilos- loob D. pagmamahal
7. Alin sa mga sumusunod ang unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
A. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
B. Kasama ang hayop, likas sa tao ang pagpaparami
C. May likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan
D. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay
8. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?
A. Puso C. Ang mga maling nagawa ng tao
B. Pamumuhay ng isang tao D. Kung ang kilos ay tama o mali
9. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
A. kilos- loob B. konsensiya C. pagmamahal D. responsibilidad
10. Kung ang isang tao ay gustong makita ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili. Anong aspekto
ng kalayaan ang ipinapakita?
A. Freedom from B. Freedom for C. Freedom to D. Freedom between

PAG-UNAWA
11. “Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro.” Ano ang
nais iparating ng kasabihan?
A. Kamukha ng tao ang Diyos.
B. Kapareho ng tao ang Diyos.
C. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
D. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.

12. Si Maria ay nag-aaral ng mabuti dahil malapit na ang final exam dahil sa kagustuhang makapasa sa
pagsusulit. Ano ang panloob na pandama ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. instinct B. Memorya C. kamalayan D. imahinasyon
13. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano
ang kahulugan nito?
A. walang sariling panindigan ang kilos-loob
B. nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip
C. kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
D. hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito
14. Nakita ni Juan ang babala sa tindahan “No Face mask No Entry”. Hindi siya nagpupumilit na pumasok sa
tindahan dahil nakalimutan niyang dalhin ang kanyang facemask. Ano ang kanyang ginamit upang
maunawaan ang sinasabi ng babala?
A. Puso B. Konsensiya C. pagkagustong pakultad D. pangkaalamang
pakultad
15. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madaraig?
A. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama
B. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby
C. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito
D. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid
16. Kailan masasabi na ang paghusga ng konsensiya ay tama?
A. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung walang taong nasaktan dahil sa desisyong ginawa.
B. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung mas maraming tao ang nakinabang sa kinalabasan ng kilos.
C. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung hindi kailangang pag-isipan ng maayos ang mga pasiyang
kailangang gawin.
D. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat
ng obhektibong pamantayan ay naisasakatuparan nang walang pagkakamali.
17. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang
subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan
pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
A.Batas Positibo C. Likas na Batas Moral
B. Batas ng Diyos D. Ang Sampung Utos ng kilos?
18. Pagkapili ni Pedro ng mga kinakailangan sa paglalakbay, napahinto at sinusuri ang bawat bagay na
dadalhin niya sa paglalakbay. Tinimbang at nagtanong kung sapat ang kanyang dadalhin. Aling kilos ang
isinasagawa ni Pedro?
A. Pagsusuri ng bigat ng dadalhin C. Pagninilay-nilay
B. Pagtimbang gamit ang timbangan D. Lahat ng nabanggit
19. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula
mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?
A. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.
B. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.
C. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging Malaya.
D. Ang hadlang sa pagiging Malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.
20. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang
pahayag ay:
A. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ang pagtulong sa kapuwa
B. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.
C. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao.
D. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.
21. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
A.Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
B. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
C. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
D. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito

Para sa bilang 22

Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya sa pagsusulit o hindi.
Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang
tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay.

22. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito?


A. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
B. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos.
C. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin.
D. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon.
23. Hindi lamang masamang kitilin ang sariling buhay kundi masama ring kitilin ang buhay ng kaniyang
kapuwa. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?
A. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papagaralin ang mga anak
C. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay
D. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa
lipunan.
24. Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:
A. Bahala ang tao sa kanyang kilos
B. Makabubuti sa tao na kumilos nang tama
C. Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos
D. Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
25. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin?
A. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos
B. Dahil nakasanayan na nating manalangin
C. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral
D. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya
26. Bago sumali sa paligsahan sa pag-akyat ng bundok, inalam muna ni Pedro ang katangian ng kanyang
aakyating bundok. Nalaman niya na ito ay isang “rain forest” kung saan may mga linta sa daraanan niya.
Nagpasya siyang magbaon ng “anti leech sock” para hindi siya makagat ng mga linta. Alin ang nakatulong
sa kanyang pagpapasya?
A. Ang una at pangalawang salik
B. Ang sitwasyon ng bundok na kanyang aakyatin.
C. Ang impormasyong nabasa niya tungkol sa mga linta.
D. Ang mga payo ng mga bihasang umaakyat sa mga rainforest.
27. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
B. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa
C. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
D. Kahit pagod na galling sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.
28. Alin sa aytem sa ibaba ang hindi naaangkop na gawain sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
A. Kusang-loob B. Pagmamahal C. Makasarili D. Responsibilidad
29. Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang kilalanin ang bagay
na nakikita, tunog, o amoy ng kaniyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang buhay. Mayroon din
itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang kabutihan o kapakanan. Mula sa mga
pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop?
A. upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao
B. mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito
C. ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili
D. kailangan Makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila

30. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon.
Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na
dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
A. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
B. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.
C. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.
D. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.
31. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
A. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti.
B. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya.
C. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral.
D. Kung magsasanib ang tama at mabuti.
32. Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya?
A. Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao
B. Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao
C. Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian
D. Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman
33. Ang pakikinig sa mga isinasagawang “Information Education Campaign” ay isang paraan para makabuo ng
pasya kung aling Senior High Track ang paghahandaan.
A. Tama dahil sa mga impormasyon nakasalalay ang ating pasya.
B. Walang kinalaman ang IEC sa pagpapasya ng kursong nais kunin.
C. Hindi ito kailangan dahil hindi naman makakatulong para mabawasan ang gastusin.
D. Tama dahil makakatulong ito para maliwanagan ang bawat mag-aaral kung ano ang kanilang dapat
ihanda.
34. Hindi mauunawaan ni Rex ang leksiyon ng kanyang guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan
siya ng interes na makinig. Dahil dito wala siyang natutuhan sa itinuro kung kayat sinisisi niya ang
kanyang guro. Sang-ayon ka ba sa kaniya?
A. Hindi sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos.
B. Hindi sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
C. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral.
D. Sang-ayon, dahil sa responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.
35. Bilang mag-aaral, ano ang kailangang mong gawin upang makamit ang tunay na kalayaan?
A. Magpasa ng batas sa kongreso.
B. Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate ng paaralan.
C. Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala tungkol sa isyo.
D. Manahimik at maglathala ng mga storya ng naging biktima ng pang aapi sa social media.
36. Bakit ang panloob na pandama ay walang direktang ugnayan sa reyalidad?
A. Dahil magkaugnay ito sa panlabas na pandama.
B. Dahil hindi konektado ang isip sa panloob na pandama.
C. Dahil ang reyalidad ay nagpapakilos sa panlabas na pandama.
D. Dahil dumidepende lamang ito sa impormasyong hatid ng panlabas na pandama.
37. Si Loisa ay palaging sumasama sa kanyang Tita sa pamimigay ng tulong sa mga batang kalye. Alin sa mga
sumusunod ang magandang naidulot sa kay Loisa at Tita niya tuwing pinaglilingkuran nila ang iba?
A. Nakakaramdam sila ng takot baka maubos ang pera nila.
B. Nakakaramdam sila na isa silang makapangyarihan sa lahat.
C. Nakakaramdam ng ugnayan sa ibang tao para maipadama ang pagmamahal sa kanila.
D. Nakakaramdam ng paghihinayang sa pera at oras sa mga mataong hindi marunong tumanaw ng
utang na loob

Para sa bilang 38-39

Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa
pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong- gusto niya ito.

38. Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya
sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong- gusto niya ito. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at
ang udyok ng kaniyang damdamin?
A. ang tao ay may kamalayan sa sarili
B. malaya ang taong pumili o hindi pumili
C. may kakayahan ang taong mangatwiran
D. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
39. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
A. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi.
B. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit.
C. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan
niyang gawin.
D. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa
tamang direksiyon.
40. Bakit ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain?
A. Dahil tao lang ang may isip at kilos-loob
B. Dahil tao lang ang may kakayahang gumawa ng tama.
C. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nilikha siya ng Diyos ayon sa
kanyang wangis.
D. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nakikibahagi siya sa karunungan at
kabutihan ng Diyos.
41. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit
hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na
ito?
A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
C. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
D. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa
mabuti
42. Isa sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay kumiling sa
mabuti.
A. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan
B. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa
C. Talikuran ang mga pagkakamali
D. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay
43. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano
ang gagawin?
A. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob.
B. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
C. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.
D. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.
44. Sinisiraan ka ng iyong kaklase sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya ginawa ito ay dahil crush din pala
niya ang crush mo. Ano ang maaari mong gawin sa kaklse mo?
A. Hindi na lamang ako kikibo
B. Hindi ko siya papansinin sa klase
C. Isisiwalat ko ang ginawa niya sa mga kaklase naming
D. Makikipag-usap ako ng mabuti at tatanungin kung bakit niya itong ginawa

45. Naririnig mong nag-uusap ang iyong kaklase tungkol sa plano nilang pangongopya sa darating na pasulit.
Paano mo gagamitin ang iyong panloob na pandama sa narinig mo?
A. Hindi na lamang ako kikibo
B. Isusumbong ko ang plano nila sa aming guro
C. Isisiwalat ko ang narinig ko sa mga kaklase namin
D. Makikipag-usap ako ng mabuti at tatanungin ko kung tama ba ang narinig ko.
46. Alam mong mahihirapan ang iyong magulang na tustusan ang pag-aaral mo sa kolehiyo. Nangako ang
iyong ama na gagawin niya ang lahat, makapag-aral ka lang. Ngunit inalok ka ng trabaho ng iyong
kaibigan pagkatapos mo ng sekundarya. Ano ang maaari mong isaalang-alang sa pagsagawa ng
pagpapasya?
A. Tanging ang isip lamang ang gagamitin para sa pagpapasya.
B. Makinig sa konsensiya at paunlarin ang sarili sa kahit may nahihirapang kamag-anak.
C. Gamit ang isip at kilos loob harapin ang katotohanan at isasabuhay ang pagtulong sa pamilya.
D. Gamit ang isip at kilos loob tutuparin ang pangarap na makatapos kahit nahihirapan ang pamilya.
47. May isang matandang pasahero na wala ng mauupuan sa bus na sinasakyan mo. Ano ang makabuluhang
bagay ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon bilang isang mamamayang may layunin sa buhay?
A. Hindi ako titingin sa matanda
B. Tatayo ako at ibibigay ko ang aking upuan
C. Maaawa ako sa kanya pero wala akong gagawin
D. Sisigaw ako ng malakas para marinig ng driver nang matulungan
48. Ang unang yugto ng konsensiya ay ang alamin at naisin ang mabuti. Bakit marami parin sa mga mag-aaral
ang paulit-ulit na mangongopya tuwing pasulit?
A. Dahil alam nila hindi sila mahuhuli ng kanilang guro.
B. Dahil sa kagustuhan nilang makakuha ng mataas na marka
C. Dahil kulang ang kaalaman ng isang tao sa totoong mabuti
D. Dahil ayaw nilang mapapagalitan sila ng kanilang mga magulang
49. Ang malayang kilos ay kilos na “managot ako.” Bumagsak ang iyong marka dahil hindi ka pumapasok sa
klase. Paano mo harapin ang kinahinatnan ng iyong ginawa?
A. Hindi na ako papasok sa paaralan
B. Mangangako akong hindi na uulitin
C. Hihingi ako ng tawad sa aking magulang at tatanggapin ko kung ano ang parusa na ipapataw sa akin
D. Magagalit ako at sisisihin ko ang aking mga magulang dahil hindi sa kanilang pagpapabaya
50. Bilang isang anak, paano mo maipapakita ang tunay kahulugan ng kalayaan sa iyong pamilya?
A. Pagiging mapagmataas
B. Makipag-away sa mga kapatid
C. Tutulong sa gawaing bahay at igalang ang mga magulang
D. Magtampo sa magulang kapag hindi naibigay ang gusto kong bagay.

Good
Luck
my
dear
student
s!

You might also like