You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A-CALABARZON
SANGAY LUNGSOD NG ANTIPOLO
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
TP 2022-2023

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip MALIBAN sa:


A. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alala
B. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
C. Ang isip ay may kapangyarihan maglapat ng mga pagpapasya.
D. Ang isip ay may kapangyarihang mag-suri.
2. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. mag-isip B. paggawa
C. umunawa at magpasya D. magtimbang ng esensiya ng mga bagay
3. Ano ang pangunahing katangian ng isip at kilos-loob?
A. magsuri at mapanagutang kilos B. Pag-unawa at Pagpapasya
C. Pagpapasya at Paggawa D. Katotohanan at Kabutihan
4. Alin sa mga sumusunod ang tunguhin ng kilos-loob?
A. kabutihan B. kagalakan
C. kapayapaan D. kapanatagan
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI makatutulong upang mapaunlad mo ang iyong isip at kilos-loob?
A. Pagninilay-nilay sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid.
B. Pag wawalang bahala sa panuntunang moral.
C. Pagiging mapanuri sa mga lumalabas na bagong katuruan.
D. Pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat sa pagpili ng kilos
6. Nahuli ng kanyang guro si Roland na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya
lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni
Roland ang kaibigan at ito raw na nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Roland sa pagkakataon na ito?
A. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto ito para sa sarili.
B. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang
pagkakamali.
C. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
D. Lahat ng nabanggit
7. Ang iyong mayamang kaibigan ay nagyayang huwag nang ipagpatuloy ang inyong pagaaral at samahan na lang
siyang papasyal-pasyal sa iba’t-ibang lugar. Ano ang iyong gagawin?
A. Samahan ang kaibigan dahil minsan lamang makapasyal.
B. Samahan ang kaibigan upang di magtampo.
C. Ipagpatuloy ang pag-aaral at ipaliwanag ang dahilan sa di pagsama sa pamamasyal.
D. Ipagpatuloy ang pag-aaral kunwari at tumakas sa magulang upang makapamasyal.
8. Bakit ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao sa lahat ng nilalang?
A. Sapagkat ang utak ng mga hayop ay higit na maliit kaysa sa tao.
B. Sapagkat ang isip at kilos-loob ay naangkop lamang sa katayuan ng tao
C. Sapagkat tao lamang ang nakakapag-isip na gumawa ng mabuti para sa kaniyang kapwa.
D.Sapagakat ang tao lamang ang pinagkalooban ng isip at kilos-loob.
9. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
A. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng Kalayaan at kilos-loob.
B. Sa pamamagitan ng pagdaan ng mahabang proseso ng pag-iisip at pagpili.
C. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan.
D. Lahat ng nabanggit
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI makakatulong sa pagbuo ng wastong pasya.
A. Tukuyin o alamin ang iyong layunin o nais na resulta.
B. Mangalap ng iba’t ibang impormasyon at gayahin ang mga nagging pasya.
C. Alamin ang magiging bunga o masamang epekto ng bawat pagpipilian.
D. Pumili, magdesisyon o gumawa ng pasya.
11. Niyaya si Angie ng kanyang mga kaibigang mamasyal sa parke ngunit di siya pinayagan ng kanyang magulang
kaya’t umalis siya ng walang paalam. Ang ginawa niya ay:
A. Tama, dahil bahagi ng pagdadalaga at pagbibinata ang paggawa ng sariling mga pasya.
B. Mali, dahil ang paglabag sa utos ng ating mga magulang ay taliwas sa paggamit ng kilos-loob.
C. Tama, dahil ang pakikisama sa ating mga kaibigan ay mahalagang bahagi ng ating pagkatao.
D. Mali, dahil hindi niya isinama ang kanyang magulang sa kanilang pag-alis.
12. Inilaan ni Isaac ang araw ng Sabado sa pagtulong sa kanyang magulang sa paglilinis ng kanilang bakuran at
bahay. Ang ginawa niya ay:
A. Tama, dahil bilang mga anak ay nararapat tayong tumulong sa gawaing bahay.
B. Mali, dahil ang araw ng Sabado ay para dapat sa ating mga kaibigan.
C. Tama, dahil ito ang kapalit ng baon na ibinibigay ng ating mga magulang sa atin.
D. Mali, dahil bata pa tayo at karapatan nati ang mag-enjoy at maglaro tuwing Sabado.
13. Hilig ni Eric na mag skateboard kaya kahit ipinagbabawal pa ito dahil sa COVID-19, siya ay lumalabas upang
maglaro. Ang ginawa niya ay:
A. Tama, dahil ehersisyo rin naman ang pag-iiskateboard.
B. Mali, dahil dapat siya ay may quarantine pass bago muna siya mag-skateboard.
C. Tama, dahil ito ay paraan din upang hindi ma-bored sa bahay sa panahon ng COVID-19.
D. Mali, dahil maaari siyang mapahamak o magkasakit sa hindi niya pagsunod sa patakaran.
14. Madalas naghuhugas ng kamay si Ana upang makaiwas sa sakit. Ang ginawa niya ay:
A. Tama, dahil sinusunod niya ang sabi sa telebisyon na ito ang gamot laban sa Covid.
B. Mali, dahil maaksaya ito sa tubig.
C. Tama, dahil ito ay paraan upang maprotektahan niya ang sarili at ibang tao laban sa Covid.
D. Mali, dahil maaaring maging magaspang ang kamay niya dahil dito.
15. Nagtatanim si Eric sa kanilang bakuran.Ang ginawa niya ay:
A. Tama, dahil nagiging produktibo siya sa pamamagitan nito.
B. Mali, dahil may ibang tao ang dapat asahan patungkol dito.
C. Tama, dahil ibebenta niya sa mataas na halaga ang anumang magiging bunga ng tanim niya.
D. Mali, dahil ito ay aksaya sa oras.
16. Ito ang nagbubuklod sa lahat ng tao sapagkat ito ay nagtatakda ng mga bagay na dapat sundin ng lahat. Ito ay
hindi kailanman maiiba o mapapalitan ng tao.
A. Obhektibo (Objective) B. Pangkalahatan (Universal)
C. Walang Hanggan (Eternal) D. Di Nagbabago (Immutable)
17. Ito ay hindi naaapektuhan ng pagsunod o hindi pagsunod ng tao dahil nakasalig ito sa realidad at sa
katotohanan.
A. Obhektibo (Objective) B. Pangkalahatan (Universal)
C. Walang Hanggan (Eternal) D. Di Nagbabago (Immutable)
18. . Ito ay matibay na saligan sapagkat ito ay mananatiling totoo sa anomang panahon at sitwasyon dahil ang
batas na ito ay walang katapusan.
A. Obhektibo (Objective) B. Pangkalahatan (Universal)
C. Walang Hanggan (Eternal) D. Di Nagbabago (Immutable)
19. Ito ay sumasakop sa lahat ng tao, anoman ang pinanggalingang lugar, kultura, lahi o komunidad.
A. Obhektibo (Objective) B. Pangkalahatan (Universal)
C. Walang Hanggan (Eternal) D. Di Nagbabago (Immutable)
20. Ang katotohanan ay nagmumula sa Diyos at hindi imbensiyon lamang. Ang tao ang kusang nakatutuklas nito.
Maniwala ka man o hindi, ito ay mananatili.
A. Obhektibo (Objective) B. Pangkalahatan (Universal)
C. Walang Hanggan (Eternal) D. Di Nagbabago (Immutable)
21. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.
A.Likas na Batas na Moral B. Likas na Batas
C. Batas ng Kalikasan D. Saligang Batas
22. Natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos. Ano ang tinutukoy dito?
A. halaman B. hayop
. C.tao D. lahat ng nabanggit
23. Sa pamamagitan ng nito, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik upang
makaunawa at gumawa nang naaayon sa katotohanang natuklasan
A. Isip B. kilos
C. katawan D. buhay
24. ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay pakultad (faculty) na
naaakit sa mabutiat lumalayo sa masama. Ito ay ayon sa paglalarawan ni ______?
A. Santo Tomas B. Santo Tomas de Aquino
C. Manuel Dy D. Manuel de Aquino
25. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na________?
A. Isip B. kilos-loob
C. puso D. lahat ng nabanggit
26. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.
A. Isip B. kilos-loob
C. puso D. wala sa nabanggit
27. Kung ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran, ang gamit ng kilos-loob ay ___________
A. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
C. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
28. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
B. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
C. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay, maging malusog at
makaramdam.
D. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din silang alagaan upang lumaki,
kumilos at dumami.
29. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
30. Maaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
C. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa
patuloy na pagsasanay
D. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na
ito sa pagkilala ng tama.
31. Ang tao ay nakagagawa ng masama kung ang kilos-loob ay naiimpluwensiyahan ng isip. Ito ay:
A. Mali, dahil magkaiba ang isip at kilos-loob.
B. Mali, dahil ang kilos-loob ng tao ay laging mabuti.
C. Tama, dahil malaki ang bahaging ginagampanan ng isip sa tao sapagkat ang kilos-loob ay
nakabatay sa kung ano ang ididikta ng isip.
D. Tama, dahil kung ano ang gusto ng isip ay iyon dapat ang masunod.
32. Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Sumusunod tayo sa batas para maging malaya.
B. Nakatakda ang kalayaan sa batas-moral.
C. Ang kalayaan ng tao ay ginagabayan ng likas na batas moral.
D. Ang kalayaan ay nasa batas-moral.
33. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Hindi makatulog nang maayos si Ronald kung hindi siya makainom ng alak.
B.Sa sobrang takot ni Dulce sa ina, hindi niya masabi ang kanyang mga hinanakit.
C. Hindi mapakali sa kanyang upuan si Matilde dahil nakokonsensya siya sa kanyang ginawa.
D. Nag-eensayo si Febe para mahasa ang kanyang talento.
34. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang
A. konsensya B. kilos-loob
C. dignidad D. moralidad
35. Paano malalaman kung napanagutan ang paggamit ng kalayaan?
A. Nagagawa ang gusto at nais mo B. Natutugunan ang iyong pangangailangan
C. Nakahanda kang harapin ang kahinatnan ng iyong pasiya. D. Nagagawa mong salungatin ang batas-moral
36. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang lumalabag sa batas-moral?
A. pakikihalubilo sa iba B. pakikipagrelasyon sa may asawa
C. pakikipagkaibigan sa kapwa D. pakikipag-usap sa mga kakilala
37. Ano ang mensahe ng pahayag na ito? “Hindi tunay na malaya ang tao kapag wala siyang kakayahang magmalasakit sa
iba at nakakulong lamang siya sa pansariling interes”
A.Ang tunay na kalayaan ay para sa pansariling interes.
B. Tunay na malaya ang tao kung iniisip niya ang pansariling interes.
C.Tunay na malaya ang tao kung napilitan siyang gumawa para sa iba.
D.Tunay na malaya ang tao kung may kakayahan siyang gumawa ng mabuti para sa sarili at sa kapwa
38. Ano ang ugaling ipinakita ng tao sa pahayag na “Nakakulong ka sa pansarili mong interes"?
A. mahabagin B. matapang C. magiliw D. makasarili
39. Ano ang nagbibigay direksyon sa kalayaan?
A. isip B. batas-moral C. puso D. dignidad
40. Ano ang kasalungat ng kalayaan?
A. pagtakas B. pagkakulong C. pag-alpas D. pagkawala
41. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng kalayaan?
A. Pagbibisyo (pagsugal, pagsigarilyo, pag-inom ng alak, pagkalulong sa droga)
B. Maagang pag-aasawa o pagbubuntis
C. Pagsunod sa magulang dahil mahal mo sila.
D. Pagsama sa maling barkada.
42. Ano ang nagtatakda ng hangganan ng ating Kalayaan?
A. isip B. likas na batas-moral C. puso D. dignidad
43. Alin ang kabilang sa panloob na kalayaan?
A. Kalayaang tumukoy B. Kalayaang kumilos
C. kalayaang bumoto D. Kalayaang magsalita
44. Si Lulu ay gusto nang umuwi dahil marami siyang kailangang asikasuhin sa kanilang tahanan. May mga kasabay siyang
umuuwi upang mas makatipid sa pamasahe. Ang kanyang mga kasabay sa pag-uwi ay dadaan pa sa mall. Hindi nakauwi
agad si Lulu dahil dito. Ano ang ipinakita ng sitwasyon?
A. Panloob na kalayaan ni Lulu B. Panlabas na kalayaan na naapektuhan ng iba
C. Kalayaang gawin ang gusto D. Kalayaang pumili
45. Ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang kanyang naisin. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil hindi ganap ang tao
B. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang mga ito
C. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaand.
D. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos-loob
46. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
A. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
B. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral
C. Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais.
D. Lahat ng nabanggit
47. Ang ________ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang
kapwa.
A.Konsensya B. kalayaan C. dignidad D. kilos at loob
48. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
B. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng
tao.
C. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
D. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa
pamahalaaan.
49. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
B. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya
C. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
D. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili
50.Sino sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng tunany na kahulugan ng DIGNIDAD?
A. Si Ana ay lumiliban sa klase.
B. Si Pedro na ginagawa ang anumang inutos sa kanya.
C Si Pedro na ay pantay ang pakikitungo sa tao mahirap man o mayaman.
D. Si Tomas na mabait sa kanyang mga kaibigan.
51. Ang tunay na mensahe ng gintong aral (Golden Rule).
A. Siya ay iyong kapwa tao. B. Magkatulad ang inyong pagkato bilang tao.
C. Ang tao ay may dignidad. D. May Karapatan ang bawat indibidwal.
52. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
A. Kapag siya ay nagiging masamang tao.
B. Sa sandaling malabag ang kanyang karapatang pantao.
C. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao.
D. Hindi nawawala ang dignidad ng tao gaano man siya kasama.
53. Paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kilala.
C. Maging tapat sa lahat na ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga tao.
D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
54.Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kapwa, maliban sa:
A. Si Ana ay hindi kinakalimutan magdasal.
B. Si Pedro na ginagawa ang utos sa kanya ng kaniyang magulang.
C. Si Juan na ay pantay ang pakikitungo sa tao mahirap man o mayaman.
D. Si Tomas ay matulungin sa kapwa.
55. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng KAWALANG paggalang sa dignidad ng kapwa, MALIBAN sa:
A. Pagiging maalalahanin sa mga aksyon na gagawin lalo na pag sangkot ang ibang tao.
B. Pagbalewala sa sinasabi ng iba.
C. Pagtanggap sa kalakasan at kahinaan ng kapwa.
D. Pagkakaroon ng mataas na pagtingin sa sarili.
56. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng mga tao sa lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
57. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad MALIBAN sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Maging pantay sa pakikitungo sa tao kung mabuti sa iyo ang taong iyon.
D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
58. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
A. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na
B. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
C. Isang politikong walang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba.
59. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
A. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
B. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao.
60. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
B. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.
C. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
D. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.

Inihanda ni: Ipinasa kay:

MARRY ANNE C. ELINZANO MARY ANN N. NAVAJA


Guro, ESP 7 Tagapangulo, Kagawaran ng ESP

Sinuri ni: Binigyang-pansin ni:

CHRISTOPHER L. BIRUNG HENRY M. LICO


Guro, Filipino 7 Punongguro II
ss

You might also like