You are on page 1of 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

PANGALAN: _____________________________ SEKSYON: ____________

PANUTO. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at
isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mga kritikal na sandali ng ating buhay kung saan nahihirapan tayong mamili kung ano ang
dapat gawin.
A. problema B. krisis C. pagsubok D. kahinaan
2. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?
A. Puso C. Ang mga maling nagawa ng tao
B. Pamumuhay ng isang tao D. Kung ang kilos ay tama o mali
3. Alin sa mga sumusunod ang pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa?
A. Puso B. Likas na Batas Moral C. Konsensiya D.Kilos-loob
4. Ano ang ibinigay sa tao noong siya ay likhain?
A. Damit B. Pangalan C. Likas na Batas Moral D. Puso
5. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
A. Ang Sampung Utos ng Diyos C. Likas na Batas Moral
B. Batas ng Diyos D. Batas Positibo
6. Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:
A. Bahala ang tao sa kanyang kilos C. Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
B. Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos D. Makabubuti sa tao na kumilos nang tama
7. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
A. isip B. kilos-loob C. pagkatao D. damdamin
8. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili
A. isip B. kilos-loob C. pagkatao D. damdamin
9.Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang
katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.
A. isip B. kilos-loob C. emosyon D. karunungan
10. Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ano ang nais
iparating ng kasabihan?
A. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
B. KamukhangtaoangDiyos.
C. Kapareho ng tao ang Diyos.
D. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
11. Aling yugto ng pagkasino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kaniyang kabuuan, kaya hindi siya
naiimpluwensyahan ng pananaw ng nakakarami dahil sa kaniyang matibay na paninindigan?
A. Persona B. Personalidad C. Individualidad D. Instict
12. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
A. Pagmamahal B. Paglilingkod C. Hustisya D. Respeto
13. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
A. kakayahang mag-abstraksyon C. Kamalayan sa sarili
B. Pagmamalasakit D. Pagmamahal
14. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos?
A. Batas
B. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali.
C. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral
D. Mga batas ng mga may awtoridad
15. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan
ito ng kahulugan?
A. mag-isip B. Makaunawa C. Maghhusga D. Mangatwiran
16. Ito ay ang kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito.
A. Imahinasyon B. Instinct C. Memorya D. Kamalayan
17. Ito ay ang kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan
A. Imahinasyon B. Instinct C. Memorya D. Kamalayan
18. Ito ay kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katwiran.
A. Imahinasyon B. Instinct C. Memorya D. Kamalayan
19. Ito ay ang. Pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa
A. Imahinasyon B. Instinct C. Memorya D. Kamalayan
20. Ang isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang ________.
A. papel ng isip B. nadaraig C. kilos-loob D. hindi nadaraig
21. Alin sa mga sumusunod ang unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay
B. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
C. Kasama ang hayop, likas sa tao ang pagpaparami
D. May likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan.
22. Alin sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay kumiling sa mabuti?
A. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa
B. Talikuran ang mga pagkakamali
C. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na hamon ng buhay
D. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag kinakailangan
23. Ano ang itinuturing na kakambal ng Kalayaan?
A. Kilos-loob B. Konsensya C. Pagmamahal D. Responsibilidad
24. Ano ang tinutukoy naa Mabuti?
A. Ang pagkakaroon ng Kalayaan
B. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa
C. Ang kakayahan ng taong pumili ng Mabuti
D. Ang magamit ang Kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan
25. Ang sumusunod ay katangian ng likas na batas moral maliban sa:
A. Ito ay sukatan ng kilos
B. ito ay nauunawaan ng kaisipan
C. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
D. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
26. Ang konsensiya ay bumubulong na wari’y sinasabi sa atin, “Ito ang mabuti, ang dapat mong gawin”, “Ito ay
masama ang hindi mo dapat gawin”. Anong yugto ng konsensiya ang kinapapalooban nito?
A. Alamin at naisin ang mabuti
B. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon
C. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
D. Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay
27. Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralain ang mga anak
C. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos
at mabuhay sa lipunan
D. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas
yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
28. Bakit mahalagang makilala ng tao ang katotohanan sa kahalagahan ng paghubog sa konsensiya?
A. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan.
B. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan
C. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw
D. Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
29. Bakit mahalagang simulan mula bata ang paghubog ng konsensiya?
A. Mahalaga ito upang makaiwas sa gulo.
B. Mahalaga ito upang makaiwas sa maling paghusga sa mabuti o masama sa hinaharap.
C. Mahalaga ito upang ang gagawin ng bata sa hinaharap ay pawang kabutihan
D. Mahalaga ito upang masanay siya sa tamang pamumuhay.
30. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maipakita ang pananagutan sa kilos maliban sa isa.
A. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa isyung moral
B. Kilalanin ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa isang kilos
C. Iwasan ang mga usapin tungkol sa isyung moral na may kinalaman sa kilos.
D. Suriin ang mga sariling hangarin.
31. Bakit kailangan nating maglaan ng panahon para sa regular na pananalangin?
A. Dahil sa pamamagitan nito nahuhubog ang ating konsensiya
B. Dahil ito ay nakasaad sa Likas na Batas Moral
C. Dahil nakasanayan na nating manalangin
D. Dahil ito ang turo sa atin ng Diyos
32. Saan nagmula ang ating kakayahang maunawaan at piliin ang Mabuti patungo sa mabuting pagkilos?
A. Nagmula ito sa mga itinuro sa atin ng ating mga magulang
B. Nagmula sa konsensiyang nahubog nang mahusay
C. Nagmula sa ipinamana ng magulang
D. Nagmula sa mga natututunan sa paaralan
33. Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensiya?
A. Kapag kumikilos tayo nang may pananagutan
B. Kapag kumikilos tayo ayon sa utos ng may likha
C. Kapag kumikilos tayo ayon sa kagustuhan natin
D. Kapag kumikilos tayo na walang nasasaktan
34. Kailan masasabi na ang paghusga ng konsensiya ay tama?
A. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat
ng obhektibong pamantayan ay naisasakatuparan nang walang pagkakamali.
B. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung walang taong nasaktan dahil sa desisyong ginawa.
C. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung hindi kailangang pagisipan ng maayos ang mga pasiyang.
kailangang gawin.
D. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung mas maraming tao ang nakinabang sa kinalabasan ng
kilos.
35. Bakit ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain?
A. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nakikibahagi siya sa karunungan
at kabutihan ng Diyos.
B. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nilikha siya ng Diyos ayon sa
kanyang wangis.
C. Dahil tao lang ang may isip at kilos-loob
D. Dahil tao lang ang may kakayahang gumawa ng tama.
36. Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya?
A. Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao
B. Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao
C. Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian
D. Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman
37. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
A. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang
kaniyang kalayaan
B. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama
sa kaniyang isip
C. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
D. Lahat ng nabanggit
38. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
A. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
B. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
C. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
D. Kung magsasanib ang tama at Mabuti
39. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman
kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na
masama?
A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
C. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
D. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya
40. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?
A. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama
B. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby
C. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito
D. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid
41. Maituturing na masama ang magsinungaling. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak
C. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa
lipunan.
D. Wala sa nabanggit
42. Hindi lamang masamang kitilin ang sariling buhay kundi masama ring kitilin ang buhay ng kaniyang.
kapuwa. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay
B. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak
C. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa
lipunan.
D. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
43. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
A. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
B. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
C. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.
D. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
44. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama.
Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng
pahayag na ito?
A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
C. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa
mabuti.
D. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
45. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon.
Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat
tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
A. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.
B. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa
C. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
D.nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.

Para sa bilang 46 at 47. Basahin ang talata

“Nagkaroon ng pagsusulit sa Araling Panlipunan si Mar. nag-iisip siya kung mangongopya sa google kahit
bawal. Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi
pinagpagurang tagumpay”.

46. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito?


A. Ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin
B. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
C. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon.
D. May pag-unawa ang tao sa direksyon ng kaniyang kilos

47. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa
sitwasyong ito?

A. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon.
B. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang kaniyang isip at kilos-loob.
C. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal.
D. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan, maglingkod, at magmahal.
Para sa bilang 48 at 49

“Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa
pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito”.

48. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?

a. ang tao ay may kamalayan sa sarili.


b. malaya ang taong pumili o hindi pumili.
c. may kakayahan ang taong mangatwiran.
d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.

49. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?

a. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang
gawin.

b. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay an paggamit nito sa tamang
direksiyon.

c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit.

d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi.

50. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon.
Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat
tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?

A. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.


B. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.c
C. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip
D. d.nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.

Prepared by:
Mailyn D. Equias
Subject Teacher

You might also like