You are on page 1of 4

Department of Education

Region X
Division of Cagayan de Oro City
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GRADE-10
Pangalan: _________________________________ Grade & Section:______________

I.Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A. mag-isip B. umunawa C. magpasya D. magtimbang ng esensya ng mga bagay
2. Alin sa mga sumusunod ang may kakayahan o kapangyarihang humusga, mangatwiran , magsuri, mag-alala at umunawa ng
kahulugan ng mga bagay?
A. katawan B. kaluluwa C. puso D. isip
3. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao.
B. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan.
C. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga.
D. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na
tunguhin.
4. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa, ito ay may:
A. kapangyarihang mag-alala.
B. kapangyarihang mangatwiran.
C. kapangyarihang maglapat ng pagpapasya.
D. kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.
5. Analohiya: Isip:kapangyarihang mangatwiran – Kilos-loob: _____________
A. Kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos
B. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
C. Kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
D. Kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
6. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
B. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
C. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
D. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay ng impormasyon ng isip
7. Ang pagkakalikha ng tao ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may:
A. katangiang tulad ng katangiang taglay ng Diyos.
B. kakayahang mag-isip, pumili at gumusto.
C. nilalang na walang likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
D. kakayahang gumawa ng malayang pagpili ay isa pang sumasalamin sa paglalang sa tao na kawangis ng Diyos.
8. Saan maihahantulad ang konsensiya?
A. Musika ng buhay B. Konkretong sitwasyon C. Munting tinig D. Mahabang karanasan
9. Anong uri ng batas ng tao ang may kakayahang gawin ang mabuti o masama.
A. Batas sa paaralan B. Batas sa pagpapasya C. Likas na batas moral D. Batas ng Diyos
10. Ano ang gagawin ng isang tao upang mapalayo sa masamang paggamit ng konsensiya:
A. Makikinig sa mga payo ng kaibigan
B. Aalis ng bahay na hindi magpaalam
C. Maniwala sa nakita sa internet
D. Kakausapin ng masinsinan at makikinig ng mabuti sa mga magulang
11. Sa pamamagitan nito, natutukoy ng tao ang kasamaan at kabutihan ng kilos.
A. isip B. kilos-loob C. Konsensiya D. Likas na Batas Moral
12. Sinasabing mali ang kaisipan ng konsensiya kung:
A. Nagninilay B. Nagsisimba
C. Sinusunod ang sinasabi ng mga kaibigan D. Hindi kaagad naniwala sa mga sinasabi ng iba
13. Kailan kailangan hubugin ang konsensiya?
A. Bata pa B. Tumatanda na C. Nag-aasawa na D. Nagdadalaga at nagbibinata
14. Paano mas maging malaya ang tao sa kabila ng hamon ng panahon?
A. Kapag tinuruan ng mga magulang B. Kapag pinagbutihan ang pag-aaral
C. Kapag nagsasabi palagi sa nararamdaman D. Kapag sinunod ang mabuti at tama para sa lahat
15. Ano ang bunga ng pagsunod ng tamang konsensiya?
A. Mapalaganap ang kabutihan B. Makakamit ng tao ang tagumpay
C. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
16. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensiya?
A. Makakamit ng tao ang kabanalan B. Makapagtapos ng pag-aaral ang isang tao
C. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan D. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
17. Ito ay itinuturing na kakambal ng Kalayaan.
A. Kilos-loob B. Konsensiya C. Pagmamahal D. Responsibilidad
18. Ang kalayaan ay gumigising sa anong parte ng katawan ng tao.
A. Isip B. Puso C. Kamay D. Mukha
19. Ito ay uri ng kalayaan na bilang lipunang nilalang ang kaugnayan sa kalayaan na ito ay ang gawin
una ang para sa kapwa bago ang sarili.
A.Kalayaan ayon sa B. Kalayaan mula sa C.Kalayaan para sa D. Kalayaan maaring galing sa
20. Ang kalayaan ng tao ay may kaakibat na___________.
A. Responsibilidad B. Dignidad C. Karapatan D. Konsensiya
21. Saan nagmula ang pinakamalaking hadlang ng kalayaan?
A. Sa sarili B. Sa kapwa C. Sa mga magulang D. Antas ng pamumuhay
22. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.
A. Konsensiya B. Dignidad C. Karapatan D. Batas Moral
23. Saan nagmula ang dignidad ng tao?
A. Diyos B. Kapatid C. Kaibigan D. Magulang
24. Paano mo maipapakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
A. Pahalagahan mo lang ang taong nakatatanda sa iyo.
B. Paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay.
C. Mawawala ang pagtingin sa ibang tao kung makagawa ng masama.
D. Ang dignidad ay hindi ipinagkaloob ng Diyos.
25. Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang sumusunod:
A. Igalang lang ang ibang tao
B. Huwag igalang ang sariling buhay
C. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
D. Pakitunguhan lamang ang kapwa ayon sa kanyang katayuan sa buhay
26. Ito ay nangangahuluganng isang kakulangan ng pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, pananamit at tahanan.
A. Kahirapan B. Malnutrisyon C. Kamusmusan D. Kawalan ng dignidad
27. Ang dignidad ng tao ay hindi nakasalalay sa kalagayan sa buhay ng tao: mayaman ka man o
mahirap/katutubo sapagkat ang tao ay nilikha na kawangis ng Panginoon, dahil sa:
A. mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat
B. nangingibabaw ang hindi paggalang at pakikipagkapatiran
C. dignidad, lahat ay hindi nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makasasama sa ibang tao.
D. Hindi na kailangang tuparin ang iyong tungkulin na ituring ang iyong kapwa bilang
natatanging anak ng Diyos na may dignidad.
28. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito
nagmumula, ang pangungusap ay:
A. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao
B. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng tao
C. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pakilala sa karapatan at
dignidad ng tao
D. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng
lahat ng tao sa lipunan
29. Inaasahan ng Diyos na ang mga taong tumanggap ng biyaya ay magbabahagi ng mga ito bilang
kanilang tungkulin sa kapwa, ang pangungusap ay:
A. Mali, dahil salungat ito sa kahulugan ng dignidad ng tao
B. Mali, dahil ang pagtulong ay iba sa paggalang sa dignidad ng tao
C. Tama, dahil dapat tumanaw ang tao ng utang na loob mula sa Diyos
D. Tama, dahil ito ang nais ng Diyos sa kanyang anak ang magmahalan at magtulungan.
30. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kaniyang dignidad bilang tao?
A. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw
B. Kakausapin siya na manghihingi ng pera sa mga mayayaman
C. Tulungan siyang hanapin ang kaniyang pamilya upang may mag-aaruga sa kaniya
D. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng
disenteng buhay.
Para sa bilang 31 at 32: Suriin ang sitwasyon.

Si Heart ay mahilig sa pagkaing matatamis kaya’t nagkakaroon siya ng diabetes. Naging


maingat na siya sa pagpili ng kanyang mga kinakain kahit gustong-gusto niya ang mga ito.
31. Bakit kaya ni Heart na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang damdamin?
A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili
B. May kakayahan ang taong magnilay
C. Malaya ang taong pumili o hindi pumili
D. May kakayahan ang taong mangatwiran
32. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa sitwasyong ito?
A. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya ang tao ay natatangi
B. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ang pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit
C. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin
D.Magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay sa paggamit
nito ang tamang direksyon
Para sa bilang 33 at 34: Suriin ang sitwasyon.

Nagkakaproblema ng pera ang pamilya ni Marie. Isang araw, dumating sa kanilang bahay
ang isang kolektor ng kuryente, ngunit wala silang pambayad. Inutusan ni Marie ang kanyang ina
na sabihin na wala siya sa bahay at may importanteng pinuntahan. Alam ng kanyang ina na
masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang magiging hatol ng konsensiya
ni Marie? Ano ang dapat niyang gawin?

33. Alam ni Marie na dapat sundin ng kaniyang ina ang kanyang sinasabi ngunit alam din ng kanyang ina na masama ang
magsinungaling. Anong yugto ng konsensiya ang tinutukoy sa pangungusap na ito?
A. Unang yugto B. Ikalawang yugto C. Ikatlong yugto D. Ikaapat na yugto
34. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ni Marie batay sa hatol ng kanyang konsensiya?
A. Tumawag ng pulis at dalhin sa presinto ang kolektor
B. Magtago sa silid at hahayaang maghintay ang kolektor
C. Harapin ang kolektor at sabihin na wala talaga silang pera
D. Iutos sa ibang kasambahay sa pamilya at sabihing wala ang may-ari ng bahay
35. Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: “gawin ang mabuti, iwasan ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng
katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng konsensiya
B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya
C. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
D. Maaaring magkamali sa paghatol ng konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang
kumiling sa mabuti.
36. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
A. Nagagawa ni Erika ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
B. Inamin ni Ana ang kanyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
C. Hindi mahiyain si Anton kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
D . Kahit pagod na galling sa trabaho, sinasamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.
37. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kapwa, maliban sa;
A. Si Tomas ay matulungin sa kapwa
B. Si Ana ay hindi kinakalimutan ang magdasal
C. Si Pedro na ginagawa ang anumang iutos sa kanya
D. Si Juan na pantay ang pakikitungo sa tao mahirap man o mayaman
38. Sino sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng tunay na pagsasabuhay ng dignidad.
A. Si Ana na hindi lumiliban sa klase.
B. Si Tomas na mabait sa kanyang mga kaibigan.
C. Si Pedro na ginagawa ang anumang iutos sa kanya.
D. Si Juan na pantay ang pakikitungo sa tao mahirap man o mayaman.
39. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
A. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya
B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan
na biyaya ng Diyos sa iilang tao
C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at
magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kaniyang kapwa dahil sa kanila natin
matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at espiritwal
40. Karaniwang naririninig mula sa matanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay
makasampu mo muna itong isipin. Ano ang ipinapahiwatig nito?
A. Bigyan ng kahulugan ang buhay.
B. Itaguyod ang dignidad ng kapwa.
C. Isa-alang-alang ang kapakanan ng sariling buhay.
D. Isa-alang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.

Magkasama kayo ng mga kaklase na kumain sa kantina. Masaya kayong


nagkukuwentuhan nang biglang napunta tungkol kay Liza, isa rin sa inyong kaklase. Wala siya sa
grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang
lalaking may asawa. Kapitbahay ninyo si Liza.
41. Mula sa naunawaan mo sa sanaysay, basahin mo ang sumusunod na sitwasyon ni Liza. Ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan
sa sitwasyon. Ano ang gagawin mo sa sitwasyon?
A. Ipagsasabi sa ibang tao ang naririnig tungkol kay Liza
B. Tumahimik na lang at hahayaan silang mag-uusap kay Liza
C. Sabihin sa mga kaklase na alamin muna kung ito ay totoo o hindi
D. Ipagbigay alam sa mga magulang ni Liza ang tungkol sa mga narinig

Para sa bilang 42 at 43.

Si Aling Flor ay may nag-iisang anak. Kaya sinisikap niyang mabigay ang tamang edukasyon at
mabuting pangaral ang anak. Isang araw humingi ang anak ng bagong cellphone ngunit hindi
niya ito pinagbigyan dahil hindi naman ito pangunahing pangangailangan. Sinabi niya sa anak
na maghintay ng tamang panahon sa lahat ng bagay.
42. Ano ang ipinapahayag ng seleksiyon?
A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
B. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
C. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
D. pagpapahiwatig ng nararamdaman
43. Aling prinsipyo ng likas na batas moral ang sinunod ni Aling Flor?
A. Ang paggawa ng mabuti, lumayo sa masama.
B. Ang lahat na may buhay, kasabay sa pangangalaga niya sa saril.
C. Ang lahat ng mga nilikha sa mundo dahil nasa tao ang pagpaparami at bigyang ng mabuting edukasyon ang mga anak.
D. Ang pagiging rasyonal ng tao, kaya natural sa tao ang alamin ang katotohanan at sa
lipunang kanyang kinabibilangan.
44. Sa buong mundo hindi inaasahan ang pagkakaroon ng pandemya na COVID-19. Paano
nagagamit ang dikta ng konsensiya sa panahong ito?
A. Mananatili sa bahay
B. Matakot sa frontliner
C. Umasa sa pamahalaan
D. Mag-isip ng mapagkakakitaan
45. Ang mga sumusunod na kilos ay nagpapakita nang mapanagutang paggamit ng kalayaan, maliban sa:
A. Nagsusumikap makatapos si Jay sa pag-aaral para kinabukasan.
B. Nagsisinungaling sa Mae para hindi masaktan ang ina sa kanyang kasalanang nagawa.
C. Saksi si Jimboy sa ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa mga magulang pero hindi
siya nagsabi dahil baka patigilin ito sa pag-aral.
D. Alam ni Jun na may katiwalian sa pinapasukang trabaho ngunit hindi niya masabi sa may-ari dahil anak nito ang manager
niya.
Para sa bilang 46 hanggang 48.
Basahin ang awitin at ibigay ang iyong saloobin.

ANAK
Inawit ni:Freddie Aguilar
Video ni: yson Uzumaki

Nung isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi’y napupuyat ang iyong nanay


Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga naman kalong kang iyong
Amang tuwang-tuwa sa yo’
Ngayon nga ay Malaki ka na
Nais mong maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa

Ikaw nga biglang nagbago


Nagging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila’y sinuway mo
Di mo man lang inisip na ang
Kanilang ginagawa’y para sa yo’
Pagka’t ang nais mo’y masunod
Ang laya mo di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulong
Sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong anak
Ba’t ka nagkaganyan
At ang iyong mata’y biglang lumuha
Ng di mo napapansin
Pagsisi at sa isip mo’t nalaman
Mong ika’y nagkamali
Pagsisi at sa isip mo’t nalaman
Mong ika’y nagkamali
Pagsisi at sa isip mo’t nalaman
Mong ika’y nagkamali

46. Tungkol saan ang awiting iyong nabasa?


A. Magulang na nagkaroon ng anak.
B. Anak na mahal ng kanyang mga magulang.
C. Magulang na nagpapakita ng pagmamahal sa isang anak.
D. Anak na ginabayan at pinalaki ng maayos ang kanilang mga magulang ngunit naligaw pa rin ng landas.
47. Ano ang kaugnayan ng awit at sa tunay na kahulugan ng kalayaan?
A. Paraan ng pagpapalaki ng isang anak.
B. Kaakibat na responsibilidad sa pagpapalaki ng isang anak.
C. Kaugnayan sa paggawa ng mabuti na may kaakibat na responsibilidad.
D. Ginagawa ng magulang ang kanyang makakaya upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin bilang isang
magulang. Nagpapakita ng responsibilidad bilang isang magulang.
48. Anong pagninilay ang nabuo sa iyong isipan matapos mong mabasa itong napakagandang awitin?
A. Bilang isang magulang, kailangan gawin ang lahat para sa anak.
B. Bilang isang anak, kailangan suklian ang kabutihang ginawa ng mga magulang.
C. Kailangan sisihin ang mga magulang kung ano man ang mangyayari sa anak.
D. Anuman ang gagawin ng isang anak ay nandiyan pa rin ang magulang handang tulungan
ang isang anak na ituwid ang mga pagkakamali.
49. Bilang isang kabataan, paano mo magagamit nang mapanagutan ang kalayaan na ipinagkaloob sa iyo?
A. Gagamitin ko ang kalayaan sa paggawa ng kasamaan.
B. Gagawin mong lahat ng gusto mo dahil lahat ng bagay sa mundo ay may kalayaan.
C. Gagawin ang mga bagay na walang limitasyon, sundin ang dikta ng isip kung ito ba ay mabuti o masama.
D. Gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng kapwa kabataan katulad ng pakikilahok sa mga
proyekto sa paaralan at komunidad.
50. Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
A. Igalang ang sariling buhay, at ang buhay ng kapwa tao anuman ang kanyang kasarian.
B. Sa hirap ng buhay sa panahon ngayon, kailangang gumawa ng masama upang mabuhay.
C. Iisipin lamang ang sarili, huwag ang ibang nilalang. Hindi naman sila makakatulong sa iyong kahirapan.
D. Kailangang babawasan ang paggalang at pagpapahalaga ng isang tao sa kapwa upang siya ay respetuhin.

You might also like