You are on page 1of 2

CATIGBIAN NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHANG PASULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Pangalan : _______________________________ Taon/Pangkat : ______________


Pasulit I : Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng wastong sagot.
1. Ano ang pumupukaw sa kaalaman, pagkagusto na pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon.
a. Pandama b. Pangalaga c. Pangkilos d. Pangatwiran
2. Ano ang kakayahang makuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng karanasan?
a. Makaunawa b. Isip c. Maghusga d. Magnais
3. Ano ang kakayahang magatwiran?
a. Umayaw b. Kilos-loob c. Maghusga d. Damdamin
4. Sino ang may sabi na may tatlong kakayahan na nagkakapareho sa tao at sa hayop?
a. Santo Tomas de Aquino b. Roberto Edward Brena c. Lipio
5. Ano ang nagpapatakbo ng kilos moral ng isang bata, na sa guytong ito umiiral ang superego?
a. Paggabayo b. Awtoridad c. Magpanagutan
6. Ano ang gagamitin sa proseso ng paghubog ng konsensya?
a. Isip, damdamin, kilos-loob, buhay b. Isip, puso, kamay, kilos-loob
7. Sa antas ng likas na pakiramdam at reaksiyon, kanino umaasa sa mga paalala, paggabay at pagbawal ang isang bata?
a. Magulang b. Lolo c. Lola d. Kapatid
8. Ito ay isang mahalagang bahagi ng konsensya na gawin angabuti at iwasan ang masama.
a. Paghatol Moral b. Obligasyong Moral
9. Ano ang isa sa elemento ng konsensya na dapat maunawaan kung ano ang tama o mali, mabuti o masama, at
paghatol?
a. Pakiramdam b. Pagninilay c. Pagpapasya d. Pagpigil
10. Ito ay ang kapangyarihan pumagitna sa pagpili o pagpapasya.
a. Kalayaan b. Konsensya c. Obligasyon
11. Ito ay munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kanya sa gitna ng isang moral na
pagpapasya kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasyon.
a. Elemento b. Awtoridad c. Konsensya
12. Ito ay tumutukoy sa persona(person) ng tao
a. Mahirap Magpakatao b. Madaling Maging Tao
13. Bilang persona, sino ang may halaga sa kanyang sarili mismo?
a. Hayop b. Tao c. Bagay d. Tayo
14. Ano ang nagbibigay katwiran bilang isang kakayahan upang maiimpluwensya ang kilos loob?
a. Damdamin b. Isip c. Ideya d. Katarongan
15. Ano ang karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao?
a. Kalayaan b. Pananagutan c. Responsibilidad d. Abilidad
16. Ano ang kilos na “mananagot ako” at ito ay kilos na nagmula sa akin?
a. Responsableng Kilos b. Malayang Kilos c. Magalagang Kilos
17. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa aspekto ng kalayaan?
a. Kalayaan para sa b. Kalayaan na c. Kalayaan mula sa d. Kalayaan sa
18. Ito ay karaniwang binibigyang katutura ang kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng
kanyang ninanais.
a. Freedom From b. Freedom For
19. Sino ang may sabi na ang tunay na kalayaan ay ang makita ang kapwa at mailagay siyang una bago ang sarili?
a. Brenan b. Johann c. Clark d. Lipio
20. Ano ang nagtutulak sa tapng maglingkod at tumulong sa kapwa?
a. Kamalayan sa sarilo b. Pagmamalasakit c. Pagmamahal d. Pagsasakripisyo
21. Ano ang tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao?
a. Bilang person b. bilang indibidwal c. bilang personalidad
22. Ilang ang katangian ng tao bilang persona?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
23. Sino ang nagbigay diin sa kahalagahan ng pag-unawa na may 2 bahagi ang konsensiya?
a. Lipio b. Clark c. Aquino d. Tomas
24. Ano ang kabuuang kalikasan ng tao?
a. Materyal at espiritwal b. Maghusga at maka-unawa
25. Kung ang tao ay rasyonal, ano ang kalikasan niya?
a. Ispiritwal b. Materyal
26. Ano ang tawag sa kakayahan ng tao na alalahanin ang karanasan o mga pangyayaring nakalipas?
a. Instinct b. Imahinasyon c. Memorya d. Kamalayan
27. Ano ang kakayahan ng tao na lumikha ng larawan mula sa kanyang isip?
a. Kamalayan b. Instinct c. Imahinasyon d. Memorya
28. Ano ang inilarawan ni Santo Tomas bilang isang makatwirang pagkagusto sapagkat itoy naaakit sa mabuti at
lumalayo sa masama?
a. Isip b. Kilos-loob c. Pandama d. Karanasan
29. Paano higit na nagiging malaya ang tao?
a. Kapag ginagawa niya ang mabuti
b. Kapag malaya sa pansariling kahinaan
c. Kapag may batas na gumagabay sa kaniya
30. Paano masasabing ito ay tunay na kalayaan?
a. May pagmamahal at paglilingkod
b. Gagawin ang lahat na katotohanan
c. Unawain ang bawat kakayahan ng tao
31. Ano ang nagtutulak sa mga taong maglingkod at tumulong sa kapwa?
a. Kakayahang mag-abstraksiyon b. Kamalayan sa sarili c. pagmamahal d. pagmalasakit
32. Ano ang itinuturing kambal ng kalayaan?
a. Kilos-loob b. Konsensiya c. Pagmamahal d. Responsibilidad
33. Ang konsensiya ay batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ano ang itinuturing na pinakamataas na
batayan ng kilos?
a. Ang sampung utos ng Diyos b. Likas na batas moral c. Batas ng Diyos d. Batas positibo
34. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustohan at ayon sa pagdedesisyon kung ano ang
gagawin?
a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob
b. May likas na batas moral ang tao
c. May kakayahan ang tao
d. Ang tao ay may kakayahan sa pag-iisip
35. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
a. Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao
b. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan
c. Para maging masaya ang tao sa buhay niya
d. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng tao
36. Paano ka magiging malaya?
a. Kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod
b. Kapag may kabuluhan ang buhay
c. Kapag nalinang ang pagkatao ng tao
d. Kapag nakasentro sa kaniyang sarili
37. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
a. Upang makilala ng tao ang katotohanan na kinakailangan niya
b. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali
c. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
d. Lahat ng nabanggit
38. Bakit dapat paunlarin ng tao ang mga katangian ng pagpapakatao?
a. Upang makakuha ng esensiyang mga umiiral
b. Upang maisagawa ang kanyang misyon sa buhay
c. Sapagkat tumutugon ito sa tawag ng paglilingkod
d. Sapagkat maraming magagawa ang isip ng tao
39. Bakit hindi maituturing na bulag ang pagmamahal?
a. Dahil ang pagmamahal ay galaw ng damdamin
b. Dahil nakikita ng taong nagmamahal ang halaga ng minamahal
c. Dahil may sariling katwiran ang pagmamahal
d. Dahil isinabuhay niya ang mga katangian sa pagmamahal
40. Bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
a. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama
b. Higit na madaling gawin ang masamang bagay kaysa mabuti
c. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong ng bagong kultura
d. Hindi tuloy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya

Good Luck!!!

You might also like