You are on page 1of 5

NORTHWESTERN UNIVERSITY

Don Mariano Marcos Ave., Laoag City, Ilocos Norte


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
DIAGNOSTIC TEST

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
School Year 2022-2023
Pangalan:_______________________________________ Petsa: _______________
Seksyon: _______________________________________ Iskor: _______________

I. PAGPIPILI. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong o pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang titik
ng pinakaangkop na sagot.
1. Sa anong paraan tatanggapin ang mga pagbabagong nagaganap ngayong dalagita o binatilyo ka na?
a. Magkaroon ng tiwala sa sarili c. Huwag pansinin ang mga pagbabago
b. Ikahiya ang mga ito d. Patuloy na mag-asal bat
2. Lahat ay mga inaasahang kilos at asal (developmental tasks) ng isang kabataan maliban sa isa.
a. Marunong magdala ng mga suliranin.
b. Magkaroon ng boyfriend at girlfriend.
c. Mahusay sa pakikisalamuha sa kapwa.
d. Matutong pamahalaan ang mga peer pressure.
3. Ito ay bahagi ng pakikipag-ugnayan sa kapwa upang maipahayag ang iyong nararamdaman, ninanais,
at mga plano sa buhay.
a. pakiki-isa b. paglilibang c. komunikasyon d. pagkukunwari
4. Ito ay nagsisilbing panghikayat sa mga binatilyo at dalagita upang gawin ang mga inaasahan sa
kanya ng lipunan.
a. gabay b. motibasyon c. pagpapagand d. pagmamalasakit
5. Ang multiple intelligence na teoriya ng Howard Gardner ay nagsasabi na…
a. Tunay na matalino ang tao. c. Mayroon ibat-ibang talino ang tao.
b. Dapat gamitin ng wasto ang talento. d. Ang mga kabataan ay dapat linangin ang
talino.
6. Kung ikaw ay may musical intelligence ano ang maaring kahihiligan mong gawin?
a. Magsulat b. mag-isip c. sumayaw d. kumanta
7. Si Manny Pacquiao ay mayroong _________________ intelligence.
a. kinesthetic b. musical c. intrapersonal d. interpersonal
8. Si Alisa ay late bloomer kung pagsayaw ang pag-uusapan, ang ibig sabihin nito ay __________.
a. Hindi niya natuklasan ang talentong ito. c. Wala siyang interes na linangin ito.
b. Wala siyang pakialam dito. d. Huli niyang natuklasan ang kakayahang ito.
9. Ang hilig or interes ay tumutukoy sa:
a. Nakababagot b. Nakakaabala c. Nakakininis d. Nakagigiliwan mong gawin
10. Madalas na magdisenyo at gumuhit si Ben. Anong uri ng interes ang taglay niya?
a. Clerical b. Mechanical c. Social d. Artistic
11. Anong interes ang higit na kailangan ng isang nagnanis na maging politiko?
a. Literary b. Musical c. Persuasive d. Outdoor
12. Hindi lahat ng hilig ng kaibigan ay sasang-ayunan sapagkat…
a. Baka ikagalit ito ng magulang. c. Baka madamay ako sa gulo.
b. Baka ikakasama ko ang paggawa ng ganun. d. Baka matulad ako sa iba.
13. Ang mahusay na mithiin ay nangangailangan ng _________.
a. ibabatay sa hilig mo c. mahabang panahong ilalaan upang makamit
ito
b. tiyak na hakbang na gagawin d. tamang panahon upang ito’y
maisasakatuparan

Diagnostic Test Page 1 of 5


14. Kung nais mong makamit ang minimithi sa buhay, hindi sapat na sasabihin mong gusto kong maging
isang doktor kundi _________.
a. mag-aaral akong mabuti.
b. makikiisa ako sa mga gawaing pampaaralan.
c. tatapusin ko ang mga pangangailangan sa pag-aaral.
d. iiwas ako sa mga barkada upang mapagtuonan ng pansin ang pag-aaral.
15. Lahat ay pananagutan ng kabataan maliban sa isa.
a. sarili b. magulang c. kalikasan d. bisyo
16. Ang isip ng tao ay may kakayahang gawin ang lahat maliban sa isa.

a. Manghimasok sa iniisip ng ibang tao. c. Mag-isip para sa kinabukasan.


b. Magpasya para sa ikakabuti. d. Mamili ng mga opsyon.

17. Ang kakayahang magpasya ng tao ay nararapat gamitin sa…

a. Pansariling kapakinabangan. c. Kabutihang panlahat.


b. Ikakasama ng ibang tao. d. Ikapaririwara ng kinabukasan.
18. Bakit tao ang pinamahala ng Diyos sa ibang nilalang? Sapagkat siya ang…
a. Kanang kamay ng Diyos. c. Nais ng Diyos.
b. May isip at talino. d. Magagawa niya ito.
19. Ang kilos loob ay tumutukoy sa kakayahan ng taong…
a. mag-isip b. magmagaling c. mamahala d. magpariwara
20. Ang antecedent conscience ay tumutukoy sa konsensyang…
a. Umuusig pagkatapos pumawa ng maling gawain.
b. Pumipigil sa taong gumawa ng masama.
c. Tama nag batayan.
d. Mali ang pamantayang pinagbabatayan.
21. Ayon kay Esteban ilang uri ng konsensya?
a. anim b. apat c. lima d. tatlo
22. Saang aspeto ng tao nakaugnay ang konsensya?
a. emosyon b. katawan c. kaisipan d. talent
23. Inuusig nito ang tao pagkatapos piliin ang paggawa ng kasamaan. Anong uri ng konsensya ito?
a. Consequent conscience c. Self-conscience
b. Antecedent conscience d. Lahat ng nabanggit.
24. Anu-ano ang taglay ng tao na kailangan niya ng gabay sa paggamit ng kanyang kalayaan?
a. Isip b. Konsensya c. Kilos-loob d. Damdamin
25. Bilang mag-aaral ay mayroon kang kalayaan. Alin sa mga ito ang hindi kabilang dito?
a. Gumawa ng takdang aralin c. Maglakwatsa
b. Magbigay galang sa guro d. Tumulong sa mga proyekto
26. Saan galing ang dignidad ng tao?
a. Diyos b. Lipunan c. Kapwa tao d. Pamahalaan
27. Ano ang kahulugan ng pagiging kawangis tao sa Diyos?
a. Kahawig ng tao ang Diyos. c. May dignidad ang tao mula sa Diyos.
c. Binigyan ang tao ng kakayahang mag-isip. d. Lahat ng nabanggit.
28. Ano ang isinasaad ng Golden Rule?
a. Igalang ang kapwa na may dignidad.
b. Ituring ang kapwa katulad ng sariling pagkatao.
c. Maglingkod nang buong puso sa kapwa.
d. Laging idaan sa paglilingkod sa kapwa ang pagmamahal sa Diyos.

Diagnostic Test Page 2 of 5


29. Saan nakabatay ang dignidad ng tao?
a. Pinag-aralan b. Estado sa buhay c. Pisikal na kaanyuan d. Wala sa nabanggit
30. Bakit hindi nawawala ang dignidad ng tao sa kabila ng lahat?
a. Dahil nagmula ang dignidad sa Diyos. c. Dahil kawangis siya ng Diyos.
b. Dahil mayroon siyang dunong galing sa Diyos. d. Dahil ito ang nais ng Diyos.
31. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kanya: sino
man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
a. Karunungan b. katarungan c. Kalayaan d. katatagan
32. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI tungkol sa halaga (values)?
a. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore
b. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
c. Ito ay nababago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.
d. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan.
33. Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?
a. Pamana ng Kultura c. Pamilya at Pag-aaruga sa anak
b. Mga Kapwa Kabataan d. Guro at Tagapagturo ng relihiyon
34. Ang ________ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing
pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang ng rangya o luho.
a. pambuhay na halaga c. ispiritwal na halaga
b. pandamdam na mga halaga d. banal na halaga
35. Ang pagpapaunlad ng kaalaman/karunungan na siyang gawain ng ating isip ay makakamit sa pamamagitan
ng paghubog ng .
a. Intelektwal na birtud c. Ispiritwal na birtud
b. Moral na birtud d. Sosyal na birtud
36. Ang mga sumusunod ay mga uri ng ispiritwal na halaga ayon kay Max Scheler, maliban sa:
a. Pagpapahalaga sa katarungan
b. Pagpapahalagang pangkagandahan
c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan
d. Pagpapahalaga sa katiwasayan ng damdamin at isipan
37. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay. Pinahahalagahan ito upang masiguro ang
kanyang kaayusan at mabuting kalagayan.
a. Pambuhay na halaga c. Ispiritwal na halaga
b. Pandamdam na halaga d. Banal na halaga
38. Ang paglalapat ng mga panloob na salik sa pang-araw-araw na buhay ay gabay sa paggawa ng .
a. Moral na paghuhusga c. Matiwasay na pamumuhay
b. Obhektibong paglalahat d. Mapanagutang pasya at kilos
39. Anong kakayahan ang mapalalakas kung mahuhubog mula sa pagkabata ang kakayahan ng isang bata na
gamitin ang tamang konsensya?
a. pagbuo ng moral na paghuhusga c. pagbuo ng mabuting kalooban
b. pagbuo ng tamang pagpapasya d. pagbuo ng matalinong paghuhusga
40. Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na:
a. Katarungan c. maingat na paghuhusga
b. responsibilidad d. lahat ng nabanggit
41. Sino ang pinakaepektibong makapagtuturo sa isang bata na isabuhay ang disiplinang pansarili?
a. Magulang b. guro c. sarili d. kaibigan
42. Mga katangiang dapat taglayin ng kabataan upang maabot ang kanyang mga pangarap maliban sa isa….
a. Katatagan b. kapabayaan c. talion d. kasipagan
43. Ano kaya ang maaring mangyari sa isang kabataan na walang mithiin sa buhay?
a. Siya ay maaring mapahamak. c. Hindi siya makatatapos sa pag-aaral.
b. Maaring wala siyang maabit sa buhay. d. Hindi uunlad sa buhay.

Diagnostic Test Page 3 of 5


44. Ano ang kahulugan ng bokasyon? Ito ay ________________
a. higit sa trabaho o propesyon o negosyo
b. kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin
c. A at B
d. tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod
45. Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap
a. Pangarap b. Mithiin c. Panaginip d. Pantasya
46. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya?
a. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
b. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin.
c. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging batayan ng gagawing tira.
d. Lahat ng nabanggit.
47. Ang higher good ay tumutukoy sa:
a. Kagandahang loob sa bawa’t isa c. Ikabubuti ng mas nakararami
b. Ikabubuti ng mga mahal sa buhay d. Lahat ng nabanggit
48. Ano ang pinakapundasyon ng mabuting pagpapasya?
a. Pamilya b. Pananampalataya c. Pagpapahalaga d. Kasiyahan
49. Nararapat na matuto ang isang kabataan na magpasya nang wasto, ang pahayag na ito ay…
a. Tama sapagkat hindi na siya bata.
b. Tama sapagkat kasama ito sa mga dapat may kasanayan siya.
c. Mali sapagkat maari naman siyang magpatulong sa mga magulang.
d. Mali sapagkat bata pa para sa maga kanitong mga bagay.
50. Binigyan ka ng iyong ina ng dalawang libong piso bilang regalo sa iyong kaarawan. Saan
pinakamagandang ilaan ang nasabing halaga?
a. Aklat b.Panglakwatsa c. Pampanood ng sine d. Magandang damit
51. May mga nagtapos ng kolehiyo na hindi nagagamit ang tinapos na kurso sa hanapbuhay na pinasukan. Ano
ang tawag sa ganitong kalagayan?
a. unemployement b. underemployment c. job mismatch d. Employment
52. Paano maiiwasan ang underemployment?
a. Kumuha na lamang ng mga kursong teknikal-bokasyonal.
b. Tiyaking tamang kurso ang pipiliin.
c. Magkaroon ng tiwala sa sarili.
d. Makinig sa payo ng mga magulang.
53. Kanino nararapat sumangguni ang isang katulad mong nasa ikapitong baitang pa lamang patungkol sa
paghahanda sa pipiling kurso sa hinaharap?
a. mga kabarkada b. nakatatanda c. mga kaibigan d. Idolong artista
54. Sinu-sino ang mga tao na maaring tumulong sa iyo na maghanda sa pipiliing kurso sa hinaharap?
a. mga magulang b. mga kaibigan c. mga guro d. lahat ng nabanggit

55. Isang halimbawa ng highly skilled worker ang inihinyero sapagkat…


a. siya ang nagbubuo ng mga bahagi ng produkto sa isang industriya.
b. siya ang gumagawa ng balangkas at nag-iisip ng mga kailangang sangkap at disenyo ng produkto
c. malaki ang pasahod sa kanya ng kumpanya
d. lahat ng nabanggit.
56. Ang edukasyon tulad ng kalusugan ay kayamanang hindi mapapantayan ang halaga. Sa paanong paraan
ito papahalagahan ng isang kabataan?
a. Pagtuunan ito ng pansin at gawing puso ang mga tungkulin dito.
b. Laging pumasok sa araw-araw at gumawa palagi ng mga takda.
c. Huwag magbubulakbol sa pag-aaral.
d. Sundin sa tuwina ang utos ng guro.
57. Marami sa mga kabataan ang tumigil sa kanilang pag-aaral. Paano mo maiiwasan ang matulad sa kanila?
a. Palagiang humingi ng baon sa mga magulang.

Diagnostic Test Page 4 of 5


b. Lagpasan lahat ng balakid sa pag-aaral at mag-aral nang mabuti.
c. Sikaping mataas ang mga marka sa bawat asignatura.
d. Maging bukas sa mga mungkahi ng iba kung paano pagbubutihin ang pag-aaral.
58. Mahalaga ang bawat asignatura sa paaralan. Ang pahayag na ito ay...
a. Tama sapagkat lahat nito ay kasama sa curriculum.
b. Tama sapagkat ang mga kasanayan na itinuturo ay hangad na mapaunlad ang buong pagkatao ng
isang indibidwal.
c. Mali sapagkat Ingles, Sipnayan, at Agham lamang ang mga mahahalaga.
d. Mali sapagkat hindi lahat ay kailangan.
59. Bakit kailangang matuto ang isang mag-aaral na sumusunod sa pangaral ng mga guro?
a. Upang kagiliwan sila ng guro.
b. Upang magkaroon siya ng paggalang sa mga guro.
c. Upang malaman niya ang kabutihan ng pagiging masunurin.
d. Upang malaman niya ang halaga ng pagsunod sa mga patakaran at batas.
60. Sabi nila na nagiging pantay ang mga mayayaman at mahirap dahil sa edukasyon. Ang pahayag na ito ay...
a. Tama sapagkat pareho ang mga kasanayan na itinuturo sa mga mag-aaral.
b. Tama sapagkat pare-parehong nag-aaral ang mga mamayan at mahihirap.
c. Mali sapagkat mas nakapag-aaral ang anak-mayaman kaysa anak-mahirap.
d. Mali sapagkat mas maganda ang hanapbuhay ng mga nakatapos sa pribadong paaralan.

Diagnostic Test Page 5 of 5

You might also like