You are on page 1of 3

NorthWestern Agusan Colleges

Bay View, Hill Nasipit Agusan Del Norte

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahang Pasulit

Pangalan: Baitang &Pangkat:

Pangkalahatang Panuto: Dapat walang pagbubura ng sagot, isang pagbubura ay isang pagkakaltas ng
kabuoang puntos.

I. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ang _________________ ay isang virtue kung saan kinikilala at tinatanggap ng isang tao ang
kanyang kakayahan.
a. Tiwala sa sarili c. Pagsusumikap sa sarili
b. kamalayan sa sarili d. Matapat sa sarili
2. Ang sumunod na mahalagang aspeto na dapat malinang na kakayahan ng isang tinedyer maliban
sa isa.
a. Kakayahang mas inuuna pa ang ibang tao kaysa sa pamilya
b. Kakayahang magkaroon ng kamalayan sa gagampanang papel sa loob ng pamilya.
c. Kakayahang matutuhan at maunawaan ang mabuting asal sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao
d. Kakayahan makagawa nang maingat na pagpapasiya
3. May tatlong aspektong pagkatao na dapat malaman sa nagdadalaga at nagbibinata .
a. Nakakaunawa sa Sarili, nakakaunawa sa kapwa, nakakaunawa sa sitwasyon ng isang
kaibigan
b. Pakikisalamuha sa mga taong may alam sa iba’t ibang larangan, may damdamin sa
nakakarami, pagpapalawak ng kaisipan
c. Pakikinig sa payo ng nakakatanda, sumunod sa utos ng magulang, may respeto sa bawat
membro ng pamilya
d. Pagbabago sa Pisikal na Kaanyuan, Pag-unlad ng Emosyon, Intelektuwal na Pag-unlad
4. Isang kakayahan kung saan nag-uumpisang mag-iba ang pananaw ng isang tinedyer sa mga
bagay na may kinalaman sa pagpapahalaga ng moral.
a. Pagtamo ng tuntunin ng moralidad
b. Sariling pagpapasiya
c. Papel na gagampanan sa pamilya
d. Paghahanda sa kinabukasan
5. Isang kakayahan kung saan inihahanda ng isang tinedyer ang nais niyang pasukin sa
paghanapbuhay.
a. Paghahanda sa pag-aasawa at pagpapamilya
b. Sariling pagpapasya
c. Paghahanda sa kinabukasan
d. Pagtamo ng mga pagpapahalaga moral
6. Isang kakayahan kung saan nagiging madali ang pakikisalamuha sa kapwa
a. Pakikipag-ugnayan sa Kapwa Tinedyer
b. Papel na gagampanan sa Pamilya
c. Sariling Pagpapasya
d. Pagbabago sa Katawan
7. Isang kakayahan kung saan matuto na siyang magpasiya na mag-isa
a. Sariling Pagpapasiya
b. Sariling kinabukasan
c. Sariling gagampanan sa pamilya
d. Sariling pagpapahalaga
8. Kakayahan nang bumuo ng sariling pamilya.
a. Paghahanda sa Pag-aasawa at pagpapamilya
b. Paghahanda sa Kinabukasan
c. Sariling Pagpasya
d. Pagbabago sa katawan
9. Isang dunong o karunungan na tinataglay ng isang tao
a. Talento c. Virtue
b. Kakayahan d. Multiple Intelligence

10. Ito ay hindi tumtukoy sa kalidad ng ginagawa kundi sa abilidad sa paggawa.


a. Kakayahan c. Multiple Intelligence
b. Talento d. Virtue
11. Taglay ng tao na may lubos na kaalaman sa wika
a. Lingguistic/Verbal c. Logical/Mathematical
b. Visual/Spatial d. Kinesthetic
12. Ukol ito sa ritmo, tunog, at tono
a. Kinesthetic c. Interpersonal
b. Musical d. Naturalist
13. Kakayahang kontrolin sa paggalaw ng katawan
a. Musical c. Logical/Mathematical
b. Kinesthetic d. Visual/Spatial
14. Taglay ng taong madaling makita sa kaniyang isip ang nais niyang gawin.
a. Visual/ Spatial c. Linguistic/Verbal
b. Logical/Mathematical d. Naturalist
15. Ukol ito sa kahusayan sa pagbasa at pagsulat
a. Logical/Mathematical c. Visual/Spatial
b. Linguistic/Verbal d. Naturalist
16. Tumutukoy ito sa pakikipag-ugnayan sa sarili
a. Naturalist c. Intrapersonal
b. Existentialist d. Interpersonal
17. Ginagamitan ng muscle memory ang ganitong kakayahan
a. Naturalist c. Existential
b. Kinesthetic d. Musical
18. Ang kakayahang magmasid sa kalikasan at kapaligiran.
a. Naturalist c. Lingguistic/Verbal
b. Kinesthetic d. Intrapersonal
19. Ukol ito sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
a. Interpersonal c. Naturalist
b. Intrapersonal d. Visual/Spatial
20. Preference na mag-isa
a. Existentialist c. Intrapersonal
b. Interpersonal d. Visual/Spatial
21. Ayon kay ____________may iba’t ibang kakayahan at talento ang isang tao.
a. Dr. Elizabeth Hurlock c. Dr.Daniel T. Drubin
b. Dr. Howard Gardner d. Dr. John G. Hidalgo
22. Ito ay isang pagpapahalaga kung saan handang talikuran ng tao ang mga hilig na batid niyang
maaring maging balakid sa tagumpay at magandang kinabukasan.
a. Tiwala sa Sarili c. Disiplinang Pansarili
b. Katatagan d. Pagpapakumbaba
23. Ito ay pagtanggap sa sariling talino at kakayahan
a. Tiwala sa Sarili c. Disiplinang Pansarili
b. Katatagan d. Pagtanggap sa Sarili
24. Sino ang nagsabi sa katagang ito “Gawin mo ang nais mong gawin, sundin mo ang iyong puso”.
a. Aristotle c. Howard Gardner
b. Andrews Matthews d. Harry Hurlock
25. Isang mahalagang salik kung saan tinatanggap niya ang kanyang itsura o anyo.
a. Personal na interes c. Interes sa pakikipamuhay
b. Interes sa paglilibang d. Pagkahilig sa relihiyon
26. Isang tungkulin kung saan naging modelo ang kabataan ng kapayapaan
a. Sa Bayan c. Sa Sarili
b. Sa Kaibigan d. Sa paaralan
27. Isang interes kung saan ang isang tinedyer kung saan dumadalo sa mga pagtitipon
a. Interes sa sarili c. Personal na Interes
b. Interes sa paglilibang d. Interes sa pakikipamuhay
28. Ang isang hilig kung saan pinagugulan ng oras katulad ng isports, pagsasayaw, panonood ng sine,
pakikinig ng radyo at iba pa.
a. Interes sa paglilibang c. Pagkahilig sa relihiyon
b. Personal na interes d. Interes sa pakikipamuhay
29. Isang tungkulin kung saan pinapaunlad ang pangkaisipan, moral, at espiritwal na pagpapahalaga.
a. Sa sarili c. Sa relihiyon
b. Sa bayan d. Sa kaibigan
30. Ayon kay______________isang sikat na psychologist na merong paraan kung paaano makakalaya sa
mga sagabal sa pagbabago.
a. Dr. Edward Hurlock c. Dr. Daniel T. Drubin
b. Dr. Elizabeth Hidalgo d. Dr.Howard Gardner

II. Gamit ang Venn diagram, ilarawan kung ano ang pinagkaiba at kapareho sa salitang “kakayahan” at
“talento” ng isang tao. 20 points

Talento Kakayahan

You might also like