You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS ORIENTAL
Dumaguete City

Edukasyon sa Pagpapakatao 7- Quarter 3


3rd Periodic Test

Name: _____________________________________ Date: _________


Grade & Section: _____________________________ Score: ________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat
para sa kanya: sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
A. Karunungan C. Kalayaan
B. Katarungan D. Katatagan

_____2. Ito ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa
tamang katuwiran.
A. Birtud B. Gawi C. Moral D. Agham

_____3. Ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok
o panganib.
A. Katatagan B. Moral C. Katarungan D. Kalayaan

_____4. Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?


A. Pamana ng Kultura C. Pamilya at Pag-aaruga sa anak
B. Mga Kapwa Kabataan D. Guro at Tagapagturo ng relihiyon

_____5. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng pamilya sa paghubog ng mga halaga ng
kanilang anak maliban sa:
A. ituro sa mga anak na ang pagsisinungaling ay tama.
B. ituro ang magpahalaga hindi lamang sa sarili kundi mas higit para sa kapwa
C. ituro ang prinsipyong moral sa pamamagitan ng kanilang ugali, pansariling kaisipan
at salita.
D. gabayan ang isang bata na kilalanin, unawain, isapuso, at isabuhay ang
pangkalahatang katotohanan

_____6. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol sa birtud?


A. Ang birtud ay taglay ng tao sa kaniyang kapanganakan.
B. Ang birtud ay nangangahulugang pagiging malakas at matatag.
C. Ang birtud ay pinagpasiyahang gawin ayon sa tamang katuwiran.
D. Ang birtud ay paulit-ulit na kilos na makakasama sa ibang sarili at kapwa.

_____7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo tungkol sa halaga (values)?
A. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valorem.
B. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
C. Ito ay di-nababago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.
D. Ito ay nangangahulugang pagiging marupok o mahina at pagiging di-makabuluhan.

_____8. Ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud.


A. Intelektwal na Birtud B. Agham C. Moral na Birtud D. Sining

_____9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa Halagang Pangkultura/Panggawi ang


totoo?
A. Ito ay halagang nagmula sa tao.
B. Ito ay may mithiin na tumatagal at nanatili,
C. Ito ay may layunin na gumawa ng masama sa kapwa.
D. Halimbawa nito ay ang pansariling pananaw, opinyon, ugali o damdamin.
.
_____10. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na
kinahihiligan?
A. Nakapagpapasaya sa tao
B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap

_____11. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tama.


A. Kapag hindi nagtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang halaga hindi
lang ang halaga ang nasisira kundi pati ang taong hindi tumutugon dito.
B. Kahit pa napababayaan ng isang tao ang kanyang katawan at kalusugan dahil
sa pagtulong sa kapwa nanatili pa ring mabuti ang kanyang gawain
C. Ang sino man, bata man o matanda ay may sapat ng kakayahang bumuo ng
kanyang sariling pagkatao at magkamit ng mataas na antas ng halaga.
D. lahat ng nabanggit

_____12. Masasabi lamang na tunay na naging epektibo ang edukasyon sa pagpapahalaga sa


tahanan kung:
A. tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at ng kanilang mga
anak
B. walang sino man sa kanilang mga anak ang hindi naisasabuhay ang pagiging
maingat sa kanilang mga paghuhusga
C. nasiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay matagumpay na
naisasabuhay ang parehong halaga na kanilang itinuro
D. lahat ng nabanggit

_____13. Si Kryshna ay nagsisimula nang magdadalaga, dumarating na ang pagkakataon na


nagpapaalam siya sa kanyang ulang na gagabihin sa pag-uwi sa bahay dahil may mga
proyektong kailangang gawin kasama ang kanyang mga kaklase. Kinausap ito nang
mabuti ng kanyang magulang upang sabihin na papayagan ito ngunit kailangang
makauwi sa itinakdang oras. Kapag hindi niya ito nagawa ay hindi na siya muling
papayagan ng kanyang mga magulang. Anong mahalagang aral ang itinuturo sa kanya
ng kanyang mga magulang?
A. Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud
B. Ang halaga ng pagtataglay ng moral na integridad
C. Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga
D. Pag-unawa na ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad

_____14. Sa paanong paraan nagkakaroon ng kaugnayan ang halaga at birtud?


A. Matatawag lamang na mahalaga ang isang bagay kung ito ay ginagabayan
ng lahat ng mga birtud
B. May kaugnayan ang halaga at birtud dahil pareho lamang itong naghahangad ng
kabutihan para sa tao.
C. Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa kanyang
pagkatao pagyayamanin niya ito at pahahalagahan.
D. Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin niya ang
angkop na birtud na mas makapagpapayaman dito.

_____15. Alin sa mga pahayag ang totoo tungkol sa Ganap na Pagpapahalagang Moral
(Absolute Moral Values)?
A. Di-Paggalang sa buhay C. Paggalang sa dignidad ng tao
B. Pagbubuklod ng Pamilya D. Di-Pagmamahal sa katotohanan

_____16. Ang birtud na ito ay parehong moral at intelektuwal. Ito rin ay itinuturing na Ina ng mga
moral na birtud.
A. katatagan C. Birtud
B. Katarungan D. Maingat na Paghuhusga

_____17. Ang batas na ito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito
ay permanente.
A. Obhetibo B. Universal C. Eternal D. Immutable

_____18. Ang pinakawagas na uri ng kaalaman, pinakahuling layunin ng lahat ng kaalaman ng


tao at nagtuturo sa tao upang humusga ng tama at gawin ang mga bagay na mabuti
ayon sa kaniyang kaalaman at pag-unawa.
A. Sining B. Pag–unawa C. Katarungan D. Karunungan

_____19. Ano ang pinakamakabuluhang layunin ang pagiging isang mag-aaral?


A. Pataasin ang marka
B. Pagiging mabait na mag-aaral
C. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip
D. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto

_____20. Si Gerard ay isa nang binatilyo, Malimit ay gumagala na siya kasama ang mga
kaibigan. Nagpapaalam naman siya sa kanyang mga magulang ngunit sinisigurado niya
na palagi siyang sumusunod sa mga payo at utos nito, lalong-lao na sa pagsunod sa
mga tagubilin. Ano ang iyong mahihinuha mula sa sitwasyon?
A. Bawat Kalayaan ay may limitasyon.
B. Bawat paglabas ng bahay ay kailangang maging ligtas
C. Bawat gala kasama ang mga kaibigan, kailangang may kasamang bantay
D. Bawat Kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad

_____21. Ang mga sumusunod ay katangian ng pagpapahalaga maliban sa:


A. ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.
B. ang pagpapahalaga ay ang kapangyarihan na umuudyok sa tao at ang kailangan ng
tao upang mabuhay.
C. ang pagpapahalaga ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan
ang pinahahalagahan.
D. ang pagpapahalaga ay tumatayong batayan, layunin at dahilan ng
pangangailangang kumilos sa gitna ng mga pagpipilian.

_____22. Ito ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip.


A. Agham C. karunungan
B. Pag-unawa D. maingat na paghuhusga

_____23. Alin sa mga sumusunod ang angkop sa ispiritwal na pagpapahalaga ayon kay Max
Scheler?
A. Hindi pagsasabi ng totoo C. Hindi pagsunod sa batas
B. Hindi pagtulong sa kapwa D. Makipagkaibigan sa kapwa

_____24. Labis na binibigyang pansin ni Venus ang kanyang kalusugan dahil natatakot siyang
magkasakit. Palagi siyang nag-eehersisyo at kumakain ng masustansiyang pagkain. Sa
anong antas ng pagpapahalaga mayroon Si Venus?
A. Banal na halaga C. Pambuhay na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Pandamdam na halaga

_____25. Gustong-gusto ni Armela na magpahinga at manatili sa bahay kaysa bumiyahe at


makipagsiksikan sa maraming tao upang makapagsimba. Sa anong antas ng
pagpapahalaga mayroon siArmela?
A. Pandamdam na halaga C. Pambuhay na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Banal na halaga

_____26. Si Lara ay isang matulunging guro. Pagkatapos ng trabaho ay pumupunta siya sa


bahay-ampunan upang tulungan ang mga batang hindi marunong bumasa at sumulat.
Sa anong antas ng pagpapahalaga meron si Lara?
A. Pandamdam na halaga C. Pambuhay na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Banal na halaga

_____27. Si Rochelle ay isang Nars na tumutulong sa mga batang maysakit. Kahit na marami
siyang ginagawa ay hindi nakakalimot sa pagdarasal at pagninilay. Para sa kanya ang
pagdarasal at pagpapasalamat sa Panginoon ang pinakamahalaga sa lahat. Nasa
anong antas ng pagpapahalaga si Rochelle?
A. Pambuhay na halaga C. Banal na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Pandamdam na halaga

_____28. Si Angela ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pagkabuntis.


Tumatanggap lamang siya ng suporta galing sa kanyang mga magulang na
nagtratabaho sa ibang bansa. Labis ang pagsisisi na nadrama ni Angela. Dahil sa
kanyang kalagayan ay hindi niya pinababayaan ang kanyang sarili at ang kanyang
magiging anak. Nasa anong antas ang halaga niAngela?
A. Pandamdam na halaga C. Banal na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Pambuhay na halaga

_____29. Ang mga sumusunod ay mga uri ng ispiritwal na halaga ayon kay Max Scheler, maliban
sa:
A. Pagpapahalaga sa katarungan
B. Pagpapahalagang pangkagandahan
C. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan
D. Pagpapahalaga sa katiwasayan ng damdamin at isipan

_____30. Si Eden ay mahilig manalangin tuwing siya ay magigising, bago kakain at matulog o
may suliranin, hindi niya nakakalimutang magdasal parati sa Diyos. Nasa anong antas
mayroon si Eden?
A. Pambuhay na halaga C. Banal na halaga
B. Ispiritwal na halaga D. Pandamdam na halaga

_____31. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ito ang nagpapasigla sa iyo na
kumilos at gumawa.
A. Hilig B. Mithiin C. Kakayahan D. Pagpapahalaga

_____32. Ito ay kalakasan (“power” o mas akma, “intellectual power”) upang makagawa ng isang
pambihirang bagay tulad musika o sa sining. Ito ay likas na tinataglay ng tao dahil na
rin sa kanyang intellect o kakayahang mag-isip.
A. Hilig B. Mithiin C. Kakayahan D. Pagpapahalaga

_____33. Siyang nagiging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais, kaiga
igaya, kahanga-hanga o kapaki-pakinabang. Mga motibo upang piliin ang isang
hakbangin o pasya.
A. Hilig B. Mithiin C. Kakayahan D. Pagpapahalaga

_____34. Ito ay ang pinakatunguhin o pinakapakay ng iyong nais na marating o puntahan sa


hinaharap. Sa simpleng salita, ito ang nais mong mangyari sa iyong buhay sa
hinaharap.
A. Hilig B. Mithiin C. Kakayahan D. Pagpapahalaga

_____35. Isa sa mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin ang pagkakaroon ng tuon sa nais nating
maabot, may kasiguruhan at pinag-isipan.
A. Tiyak o Specific C. Naabot o Attainable
B. Angkop o Relevant D. Nasusukat o Measurable

_____36. Si Celeste ay isang medical sales representative sa isang malaking kumpanya ng


gamot. Siya ay nagtapos ng medisina sa isang kilalang pamantasan sa Maynila.
A. job market B. job mismatch C. labor market information D. jobs street

_____37. Matagal nang nagtratrabaho si Analyn sa pagawaan ng payong. Sa katunayan siya


ngayon ay isa nang tagapangasiwa roon. Nagsimula siya bilang isang manggagawa sa
assembly line bagama’t siya noo’y isa nang lisensiyadong guro.
A. job market B. job mismatch C. labor market information D. job hunting

_____38. Nakatira si Mang Juan sa isang kariton sa kanto ng Aurora Boulevard at St. Michael
Street. Naisanla nito ang lupang sinasaka nang magkasakit ang asawa at
kinakailangang lumuwas ng Maynila upang magtrabaho. Mag-iisang taon nang
namumulot ng basura si Mang Juan para kumita at makaipon upang muling makabalik
ng probinsya.
A. job market B. job mismatch C. labor market information D. jobs misfit

_____39. Ito ay ang pinakatunguhin o pinakapakay sa pagpapahalaga ng iyong nais na marating


o puntahan sa hinaharap. Sa simpleng salita, ito ang nais mong mangyari sa iyong
buhay sa hinaharap.
A. Mithiin B. Kakayahan C. Pagpapahalaga D. Hilig

_____40. Ang liham ni Rizal sa mga kababaihan ng Malolos ay isang pagpapahayag ng kanyang
papuri at paggalang sa katapangang ipinamalas ng mga ito sa pagsusulong ng
karapatan sa edukasyon. Nagpapahayag ito ng kanyang damdamin tungkol sa halaga:
A. ng mga kababaihan sa pagpapaunlad ng lipunan
B. ng pag-aaral maging para sa mga kababaihan
C. na ipaglaban ang karapatan sa edukasyon
D. ng mga kababaihan sa pagtataguyod ng edukasyon

_____41. Ang pahayag na, “Mahalagang papel ang ginagampanan ng edukasyon sa


pagtatagumpay nina Rose Ambubuyog, Cecilio K. Pedro, at Diosdado Banatao,” ay
tama dahil________.
A. lahat sila ay nagtapos ng kurso sa kolehiyo.
B. lahat sila ay patuloy na nag-aaral at nagsasanay.
C. lahat sila ay dating mahihirap na naiangat ang katayuan sa buhay
D. Lahat ng nabanggit

_____42. Ang liham ni Rizal sa mga kababaihan ng Malolos ay isang pagpapahayag ng kanyang
papuri at paggalang sa katapangang ipinamalas ng mga ito sa pagsusulong ng
karapatan sa edukasyon. Nagpapahayag ito ng kanyang damdamin tungkol sa halaga:
A. ng mga kababaihan sa pagpapaunlad ng lipunan
B. ng pag-aaral maging para sa mga kababaihan
C. na ipaglaban ang karapatan sa edukasyon
D. ng mga kababaihan sa pagtataguyod ng edukasyon

_____43. Ang kahulugan ng pahayag na, “paligsahan ng merkado sa paggawa o job market” ay:
A. Maraming pare-parehong kasanayan ang nagpapaligsahan sa iilang trabaho
B. Depende sa kasanayan at kwalipikasyon ng mga manggagawa ang pasahod dito.
C. Maraming mga bagong job titles o trabaho sa ngayon ang walang katapat na
manggagawang may kasanayan para dito.
D. Ang mga trabaho at ang katumbas na pasahod sa mga ito ay nakadepende sa antas
ng pangangailangan ng mga kumpanya para sa kasanayang ito at ang bilang ng
mga mayroong ganitong kasanayan.

_____44. Isang halimbawa ng highly skilled worker ang inhenyero sapagkat_________.


A. malaki ang pasahod sa kanya ng kompanya
B. siya ang nagbubuo ng mga bahagi ng produkto sa isang industriya
C. siya ang gumagawa ng balangkas at nag-iisip ng mga kailangang sangkap at
disenyo ng produkto
D. lahat ng nabanggit

_____45. Ano ang buod ng talata:

Itinuturo sa haiskul ang kahalagahan ng kalinisan at pangangalaga sa


kapaligiran. Sina Juan at Lynn ay kapwa mag-aaral sa haiskul kung kaya’t
sinisikap nilang pangalagaan ang kalinisan ng kanilang kapaligiran. Karamihan ng
mga kabataan sa kanilang barangay ay tumigil na ng pag-aaral. Marami rin sa mga
matatanda dito ang “no read, no write”. Marami sa kanila ang nagtatapon ng mga
basura kung saan-saan lamang. Madalas na mayroong nagkakasakit sa kanilang
barangay. Isa si Juan sa mga malubhang nagkasakit bunga ng maruming
kapaligiran.

A. Walang pagkakaisa ang mga tao sa kanilang barangay.


B. Mas maraming hindi nangangalaga sa kanilang kapaligiran sa barangay nila Juan.
C. Hindi lang ang mga hindi nakapag-aral ang nagdurusa sa kasalatang bunga
ng kawalan ng edukasyon.
D. Hindi nagpapatupad ng proyektong kaugnay sa pangangalaga sa kapaligiran
ang pamahalaan ng barangay.

_____46. Bilang isang mag-aaral, ano ang pangmatagalang solusyon na maaari mong gawin
upang matulungan ang iyong barangay?
A. Hihimukin ang mga kapwa kabataan na bumalik sa paaralan
B. Wala kang magagawa sapagkat ikaw ay mag-aaral lang sa haiskul
C. Mamamahagi ng proyekto na nagsasaad ng mga hakbang sa pangangalaga sa
kapaligiran
D. Maghahain ng petisyon sa barangay upang magkaroon ng proyektong
mangangalaga sa kapaligiran

_____47. Bakit isa sa mahahalagang indikasyon ng pagkakaroon ng sapat na edukasyon ang


tamang pag-awit ng Lupang Hinirang?
A. Araw-araw inaawit sa paaralan ang pambansang awit Lupang Hinirang
B. Isang palatandaan ng sapat na edukasyon ang paggalang sa mga simbolo ng
Pilipinas.
C. Bahagi ng pormal na edukasyon ang pagtuturo ng tamang pag-awit ng Lupang
Hinirang
D. Ang kahusayan sa pagmememorya ng kanta ay isang palatandaan ng sapat na
Edukasyon

_____48. Sa survey ng Filipino Youth Study noong 2001, lumalabas na malayo pa rin ang mga
Pilipino sa ideya ng EDCOM ng isang Pilipinong may sapat na edukasyon. Karamihan
ng mga kabataan (65%) ang hindi sumasali o nakikilahok sa mga gawaing pansibika o
pangkomunidad. Ibig nitong ipakahulugan na:
A. Walang pagmamahal sa bayan ang mga kabataang Pilipino.
B. Indikasyon ng pag-aaral sa kolehiyo ang pagiging makabansa.
C. Karamihan ng mga kabataang Pilipino ay walang pinag-aralan.
D. Katangian ng Pilipinong may sapat na edukasyon ang pakikilahok sa mga gawaing
pansibika at pampamayanan.
ANSWER KEY
EsP 7- Q3
Item No. Answer
1 b
2 a
3 a
4 c
5 a
6 d
7 b
8 a
9 b
10 d
11 d
12 c
13 a
14 d
15 c
16 d
17 c
18 d
19 d
20 d
21 c
22 b
23 d
24 c
25 c
26 c
27 c
28 d
29 c
30 c
31 a
32 c
33 d
34 b
35 a
36 a
37 b
38 c
39 a
40 d
41 d
42 d
43 a
44 c
45 b
46 a
47 b
48 d

You might also like