You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III- Central Luzon
City Division of San Jose del Monte
SAN JOSE DEL MONTE HEIGHTS HIGH SCHOOL
Ikaapat na Markahan (Lagumang Pagsusulit)
I. Multiple Choice: Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel. Ang anumang uri ng bura ay hindi pinahihintulutan.

1. Ang ________________ ay tumutukoy sa pagbibigay halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing


pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho.
a. Pambuhay na halaga c. Ispiritwal na halaga
b. Pandamdam na halaga d. Banal na halaga

2. Ang ________________ ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao sa kanyang


kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
a. Pambuhay na halaga c. Ispiritwal na halaga
b. Pandamdam na halaga d. Banal na halaga

3. Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho, hindi kailanman nalilimutan ni Lonil na mag-ehersisyo at kumain ng
masusustansiyang pagkain. Hindi rin niya iwinawaglit sa kanyang isipan ang pagkonsulta sa doktor upang
matiyak na maayos ang kanyang kalususgan at pangangatawan. Nasa anong antas ng pagpapahalaga naroon si
Lonil?
a. Banal na Pagpapahalaga c. Ispiritwal na Pagpapahalaga
b. Pambuhay na Pagpapahalaga d. Pandamdam na Pagpapahalaga

4. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pagkakasunud-sunod ng mga pagpapahalaga?


a. Banal, Ispiritwal, Pandamdam, Pambuhay
b. Pambuhay, Pandamdam Ispiritwal, Banal
c. Pandamdam, Pambuhay, Ispiritwal, Banal
d. Pandamdam, Pambuhay, Banal, Ispiritwal

5. Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay tinaguriang ordo amoris na nangangahulugang:


a. Order of the heart c. Hierarchy of Values
b. Order of the brain d. Hierarchy of Needs

6. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na hindi nakikita ng ating mga mata, ngunit ating nararamdaman at naiisip.
a. Panloob na Salik c. Hirarkiya ng Pagpapahalaga
b. Panlabas na Salik d. Birtud

7. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na pagpapaliwanag ng kasabihan na, “The end does not justify the
means?”
a. Maaari mong gawin lahat ng paraan na alam at kaya mo kung ikaw ay may malinis at magandang
layunin.
b. Kahit gaano kaganda at kalinis ang layunin mo, ngunit kung ang pamamaraan mo ng pagkamit nito
ay mali, ito pa rin ay maituturing na mali.
c. Ang mali ay maaaring maging tama lalo na kung ito ay sinasang-ayunan ng nakararami.
d. Ang pagpapahalaga ang siyang nagbibigay katuturan o saysay sa buhay ng indibidwal.

8. Si Aling Norma ay nasa dapit-hapon na ng kanyang buhay. Kaya naman ibinubuhos niya ang kanyang oras sa
paglilingkod sa Diyos. Malimit siyang magbahagi ng salita ng Diyos sa mga taong naliligaw ng landas kaya
naman labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga mahal sa buhay at kapitbahay. Nasa anong antas ng
pagpapahalaga si Aling Norma?
a. Banal na Pagpapahalaga c. Pandamdam na Pagpapahalaga
b. Ispiritwal na Pagpapahalag d. Pambuhay na Pagpapahalaga

9. Ang pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat o kabutihang ng nakararami kaysa sa sarili ay naglalarawan


sa anong antas ng pagpapahalaga?
a. Banal na Pagpapahalaga c. Ispiritwal na Pagpapahalaga
b. Pandamdam na Pagpapahalaga d. Pambuhay na Pagpapahalaga

10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama?


a. Isinasaad ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga na lahat ng bagay ay nararapat na pahalagahan.
b. Sa tulong ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga, natututo ang indibidwal na mamili ng kanyang mga
pahahalagahan.
c. Ayon kay Max Scheler, mayroong limang antas ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga.
d. Ang Ispiritwal na Pagpapahalaga ay ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga.

11. Ang pahayag na “No man is an island.” ay may kaugnayan sa araling ______________.
a. Birtud at Pagpapahalaga c. Panloob na Salik
b. Hirarkiya ng Pagpapahalaga d. Panlabas na Salik

12. “Natatangi ka.” Ang pahayag ay nangangahulugan na:


a. Ang bawat indibidwal ay may natatanging kakayahan hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa
mundong kanyang ginagalawan.
b. Naiiba ang taglay mong ganda. Mas angat ka sa nakakarami.
c. May kakayahan kang mangarap; kaya kung mangangarap, lubusin mo na.
d. Mas mahusay mong nagagampanan ang mga tungkuling iniaatas sa iyo dahil sa natatangi mong
angking galing at kakayahan.

13. Sa paanong paraan mapapanatili ang moral na integridad ng isang tao?


a. Makiayon sa kung ano ang pananaw at opinyon ng nakararami.
b. Piliing gumawa ng tama kahit pa sabihin ng iba na ikaw ay hindi marunong makisama.
c. Paniwalaan ang kasabihang “Majority wins.”
d. Gawin ang ginagawa ng nakararami upang kagiliwan at huwag mapag-iwanan.

14. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na Panloob na Salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng
pagpapahalaga?
a. Pagsasabuhay ng Birtud c. Konsiyensiya
b. Media d. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

15. Ang pinakamatinding katunggali ng tao ay ang _____________.


a. Media c. kaaway
b. Droga d. sarili

16. Naniniwala si Aljen na lahat ng kilos o pasiya ng isang tao ay may kaakibat na pananagutan o responsibilidad.
Kaya naman hindi niya ugaling maghanap ng taong mabubuntunan ng sisi upang gumaan lamang ang kanyang
pakiramdam. Anong panloob na salik ang lubos na nakaimpluwensiya sa kanya?
a. Konsiyensiya c. Disiplinang Pansarili
b. Pagsasabuhay ng Birtud d. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

17. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o mas mapataas ang dignidad ng
isnag bata at maisabuhay ang mga halaga. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang tiwala ng isang bata sa kanyang sarili.
b. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga magulang upang bantayan at
paunlarin ang halaga ng kanilang mga anak.
c. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging hadlang upang maisabuhay ng
isang bata ang mga halaga.
d. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan ng lipunan at anak ng Diyos.
18. Ang mga sumusunod ay pamamaraan upang mahubog ang mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
a. Gamitin ng lubusan ang kalayaan.
b. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos.
c. Tanggapin ang kahihinatnan ng pasya at kilos.
d. Iayon ang kilos at pasiya sa tama at mabuti.
19. Naging ugali na ni Nick na magsabi ng pasasalamat sa tuwing siya ay nakatatanggap ng kahit anumang bagay
mula sa kanyang kapwa. Sapagkat alam niya na ito ay isang magandang asal na dapat taglayin ng isang
kabataang tulad niya. Naniniwala rin siya na magkakaroon lang ng saysay ang pag-aaral ng magandang asal
kung ito ay nailalapat sa pang araw-araw na buhay. Anong panloob na salik ang isinasabuhay ni Nick?
a. Disiplinang Pansarili c. Pagsasabuhay ng Birtud
b. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan d. Moral na Integridad

20. “Ang bawat tao sa mundo ay nagtataglay ng mga pagpapahalaga, ngunit hindi nalilinang ang mga ito sa loob
lamang ng isang magdamag.” Ang pahayag ay nangangahulugang:
a. Ang paghubog nito ay dumaraan sa masusi at matagal na proseso.
b. Limang taon ang kailangang bunuin upang mahubog ang pagpapahalaga.
c. Mahuhubog lamang ang pagpapahalaga kung ang indibidwal ay may mataas na pang-unawa at pag-
iisip.
d. Lahat ng nabanggit

21. “Mas malala pa sa pagiging bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.” Ano ang higit
na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller?
a. Mahirap maging isang bulag.
b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin.
c. Hindi mabuti ang walang pangarap.
d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay.

22. Ang sumusunod ay naglalarawan sa panaginip maliban sa?


a. Ang panaginip ay natatapos din kapag ikaw ay nagising.
b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog.
c. Tinatawag ding “wish fulfillment”
d. Ito ay nagsisimula sa isip at handang isakatuparan sa totoong buhay

23. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng pamilya sa paghubog ng halaga ng kanilang mga anak maliban sa:
a. Ituro ang mga tang pakikisamahan at pagkakatiwalaan.
b. Ituro ang magpahalaga hindi lamang sa sarili kundi mas higit para sa kapwa.
c. Ituro ang prinsipyong moral sa pamamagitan ng kanilang pansariling kaisipan, ugali at salita.
d. Gabayan ang isang bata sa kilalanin, unawain, isapuso, iangat at isabuhay ang pangkalahatang
katotohanan.

24. Kung nais ng isang guro na maging mabuting tao ang kanyang mag-aaral, ang nararapat niyang gawin ay:
a. Tiyakin na hinding-hindi siya magkakamali sa harap ng kanyang mag-aaral.
b. Bigyan ng pangaral araw-araw ang kanyang mag-aaral.
c. Ituro sa kanya ang lahat ng bagay na dapat niyang malaman.
d. Maging mabuting ehemplo o halimbawa.

25. Ang isang kabataang tulad mo ay nararapat na maging MAGNIFYING GLASS kaysa maging isang
SPONGE. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Sundin ang sinasabi at ginagawa ng nakararami upang maging kalugud-lugod sa kanilang paningin.
b. Maging mapanuri sa bawat kilos at pasiya na gagawin dahil hindi lahat ng salik ay may positibong
epekto.
c. Gawing tama ang mali at ang mali naman ay gawing tama sapagkat iyan ang malimit na nangyayari
sa kasalukuyang panahon.
d. Ilapat sa pang araw-araw na buhay lahat ng nakikita o nasasaksihan sa kapaligirang ginagalawan.
26. Ang mga sumusunod ay mga kasanayang maaaring maging gabay ng isang kabataan upang maiwasan ang
negatibong impluwensiyang dulot ng media maliban sa:
a. Pag-aralang pairalin ang pagtitimpi sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng
mga birtud.
b. Suriing mabuti ang kredibilidad ng tao o kompanya at ang kanilang mga ibinabahaging palabas,
produkto o patalastas.
c. Matutong talikuran ang tuksong dulot ng mga patalastas, mga panooring nagapapakita ng imoralidad,
pagiging malabis na bulgar at minsan ay may kalaswaan
d. Wala sa nabanggit

27. Ito ay pinakatunguhin o pinakapakay na iyong nais marating o puntahan sa hinaharap.


a. Pangarap c. Pantasya
b. Panaginip d. Mithiin

28. “No man is an island.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?


a. Hindi kayang mabuhay ng tao sa isang isla.
b. Ang tao ay panlipunang nilalang, kailangan niyang makipagkapwa-tao.
c. Ang buhay ng isang tao ay nakadepende sa mga taong nakapaligid sa kanya.
d. Kayang mabuhay ng tao na siya lamang mag-isa sapagkat siya ay natatanging nilikha.

29. Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na __________.


a. Katarungan c. Maingat na paghuhusga
b. Responsibilidad d. Birtud

30. Kung ang isang bata ay nakagawa ng hindi tama, bagkus na sila ay pagtawanan at hayaan, dagli silang itama
sapagkat:
a. Ito ang kanilang kalalakihan at kapag nakasanayan na, ito ay mahirap ng baguhin at iwasto.
b. Kapag hindi sila itinama, iisipin nila na walang masama sa kanilang ginagawa.
c. Gagawin nila ito nang paulit-ulit.
d. Lahat ng nabanggit

31. Ano ang ibig sabihin ng titik S sa akronim na SMART-A?


a. Systematic b. Sustainable c. Specific d. Scientific

32. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng taong may pangarap?


a. Iniaasa sa tadhana ang buhay.
b. Handang kumilos upang maabot ang pangarap.
c. Nakadepende ang buhay sa magulang.
d. Iniaasa ang takbo ng buhay sa Maykapal.

33. Ang impluwensiya ng magulang at guro sa isang kabataan ay naglalahong parang bula sa oras na sila ay
makisalamuha sa kanilang _______________.
a. Kapwa kabataan c. Katayuang Panlipunan-Pangkabuhayan
b. Pamana ng Kultura d. Media

34. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, mas sinusunod ng mga kabataan ang kanilang mga kaibigan kaysa
sa kanilang mga magulang at guro sa kadahilanang:
a. Ito ang kanilang tinitingala at iniidolo.
b. Ayaw nilang mapag-iwanan at gusto nilang makasama lagi sa grupo.
c. Parehas sila ng hilig sa buhay.
d. wala sa nabanggit

35. “Kung ano ang ipinapakita mo ngayon ay salamin o repleksyon kung paano ka pinalaki ng iyong mga
magulang.” Ang pahayag ay nangangahulugan na:
a. Ang paraan ng pag-aaruga ay may malaking ambag sa mga kinikilos o ugali mo sa kasalukuyang
panahon.
b. Ang paraan ng pag-aaruga ang siyang magsasabi kung ano ang magiging kahahantungan ng iyong
buhay sa hinaharap.
c. Ang paraan ng pag-aaruga ay isang sandata upang magkaroon ng lakas ng loob upang harapin ang
hamon sa buhay.
d. Ang paraan ng pag-aaruga ay nagsisimula at nagtatapos lamang sa iyong mga magulang.
II. Panuto: Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa Hanay A. Hanapin ang sagot mula sa
Hanay B. Isulat ang MALAKING TITIK sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Disiplinang Pansarili A. Paulit-ulit na paggawa ng tama
2. Birtud B. Nagbibigay saysay o katuturan sa buhay ng tao
3. Pagpapahalaga C. Pinakamahirap na gawain o “task” ng isang indibidwal
4. Konsiyensiya D. loco parentis
5. Media E. gumagawa ng tama kahit ang nakararami ay gumagawa ng mali
6. Guro F. “The end does not justify the means.”
7. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama G. May pinakamalakas na impluwensiya sa kabataan dahil sa

makabagong/ modernong panahon.


8. Kapwa kabataan H.Batas na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng mga tao.
9. Moral na Integridad I. Pundasyon ng lipunan at personalidad ng indibidwal
10. Pamilya J. Laging may kakambal na responsibilidad o pananagutan
K. May malaking impluwensiya sapagkat malimit makasama
at makahalubilo

11. Pandamdam na Pagpapahalaga L. tunguhin ng isip na nais mangyari sa hinaharap


12. Bokasyon o calling M. gawaing naaayon sa tawag ng Diyos
13. Labis na kahirapan N. bunga ng malikhaing isip
14. Pantasya O. Pinakamataas na antas ng pagpapahalaga
15. Mithiin P. layuning matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng tao

Q. hadlang sa pagtuturo ng pagpapahalaga

“Set your minds on things that are above, not on things that are on earth. “
Colossians 3:2

You might also like