You are on page 1of 7

SUMMATIVE TEST-ARALING PANLIPUNAN 10

SECOND QUARTER
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot. Ipasa
lamang ang Sagutang Papel.
1. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang
panig ng mundo. Alin sa mga sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino?
A. Jolibee C. San Miguel Corporation
B. McDonalds D. Unilab

2. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may


kaukulang bayad upang ito ang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang
maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito?
A. Outsourcing C. Subsidy
B. Fair trade D. Pagtulong sa bottom billion

3. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo-kultural maliban sa isa.


Alin dito?
A. paggamit ng mobile phones C. pagsunod sa KPop culture
B. E-commerce D. pagpapatayo ng JICA building

4. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa sa buhay ng tao sa kasalukuyan?


A. Paggawa C. Migrasyon
B. Ekonomiya D. Globalisasyon

5. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural
B. Teknolohikal D. Sikolohikal

6. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon


ipinatupad nila ang mura at kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.

7. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang pag-angat ng kanilang
ekonomiya. Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang kaanib upang higit na maayos ang .
A. Edukasyon, pamumuhunan at isports
B. Pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang political
C. Pamumuhunan, kalakalan at pagtutulungang politikal
D. Pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya

8. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon


ipinatupad nila ang mura at kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa na
nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang
dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa
pandaigdigang kalakalan.
9. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?
A. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinaununlad ang mga malalaking industriya.
D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal
nang naitatag.

10. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural
B. Teknolohikal D. Sikolohikal

11. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang


prosesong pandaigdig.
A. Globalisayon C. Urbanisasyon
B. Migrasyon D. Transisyon

12. Mayroon ding nagsasabi na ang globalisayon ay nagsimula noong taong 2001 nang
pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York. Anong perspektibo o
pananaw ang isinasaad nito?
A. Ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa.
B. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago
C. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.
D. Ang globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn.

13.Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng


globalisasyon ang lugar ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
C. Pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa buong bansa.
D. Pagdagsa ng gamit ng ATM pagdeposit, pagbabayad at pagwiwithdraw at iba pang-transaksyong pinansyal.

14. Ano ang pinaka-angkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa


globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na
magdudulot ng kapinsalaan.
D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at
kolaborasyon ang mga bansa.

15. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o


nakaugat na sa bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito?
A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.
B. May tiyak na pinagmulan ang globalisayon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao
C. Ang paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan
D. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyan ay makabago na.

16. Sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang nakapagpabagong lubusan sa buhay ng tao?


A.Edukasyon C. Globalisasyon
B. Ekonomiya D. Paggawa
17. “Binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng mga manggagawang Pilipino”, ano ang nais ipahiwatig ng
pahayag na ito?
A. Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at paglalabas ng pera gamit ang mga Automated
Teller Machine (ATM).
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.

18. Ang globalisayon ay nagdulot ng maraming suliranin sa paggawa. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang?
A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na
globally standard.
B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigidigang pamilihan.
C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na ipinupukol sa
kanila ng mga taong galit sa kanila.
D. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget,
computer/IT programs, complex machines
at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.

19. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisayon


ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis na produksiyon sa iba’t ibang krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa
pandaigdigang kalakalan.

20. Bakit nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t
ibang isyu sa paggawa?
A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
B. Nais ng pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
D. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang
namumuhunan na mas nagpatingkad ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang
kompanya at korporasyon sa bansa.

21. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor.
Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ngmura at flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga
manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad ng malaking
pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa
ng mga manggagawa.
C. Ito ayparaan ng mgamamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ayparaan ng mgamamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng malaking pasahod at pagpapahaba sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
22. Ang pagpasok ng Pilipinas sa mga usapin at kasunduan sa mga pandaigdigang institusyong pinansyal tulad ng
IMF-WB at WTO ay lalong nagpahina sa kita ng mga lokal na magsasaka. Alin sa sumusunod na pahayag ang
sumusuporta dito?
A. Ang mga produktong agrikultural ay malayang naiaangkat sa ibang bansa.
B. Ang mga dayuhang produktong agrikultural ay malayang naibebenta sa mga
lokal na pamilihan sa mababang halaga.
C. Ang mga lokal na de-kalidad na produkto tulad ng mangga at saging ay
itinatanim at nakalaan lamang para sa ibang bansa.
D. Ang mga lupaing mainam na taniman ay sumasailalim sa land conversion at
pinatatayuan ng iba’t ibang dayuhang industriya.

23. Isa sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa kaugnay ng paglaki ng


unemployment at underemployment ay ang paglaki ng job-mismatch? Bakit ito
nangyayari?
A. Dahil sa kakulangan sa iba’t ibang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino
B. Ang mga kursong pinili ng mga mag-aaral ay taliwas sa kanilang interes at
kakayahan.
C. Dahil sa kulang ang kaalaman ng mga nagtapos sa kolehiyo batay sa itinakda ng kompanya.
D. Hindi makasabay ang mga nakapagtapos ng kolehiyo sa dapat na kasanayan at kakayahan na kailangan ng
kompanya.

24. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang suliranin tulad ng paglitaw ng iba’t ibang anyo
ng kontraktuwalisayon. Paano madaling naipataw ng mga kapitalista ang patakarang ito?
A. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga bansa sa pandaigdigang kalakalan.
B. Binigay ito na probisyon ng pandaigdigang institusyon pinansyal sa Pilipinas.
C. Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhunan, kalakalan, at
batas paggawa.
D. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga kapitalista at mga collective bargaining unit.

25. Ayon sa ulat ng International Labor Organization (ILO) noong 1992 at 1997, mas
dumarami ang bilang ng na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o kontrakwal kaysa sa
permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working arrangement ng
pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa hanay ng sekto ng serbisyo, sub-sektor
nito at ng mga TNC’s. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito?
A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng mga manggagawa upang
maging regular.
B. Ito ay bunsod mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang
kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible ang paggawa sa bansa.
C. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit
mura at flexible labor ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga
pribadong kompanya nag awing kaswal ang mga manggagawang Pilipino.
D. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng
pagpayag sa iskemang subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng
mas maraming dayuhang kompanya na magtayo ng mga negosyo at serbisyo
sa bansa.

26. Ano ang migrasyon?


A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga
mamamayan.
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang
pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente.
27. Sino ang binansagang “economic migrants”?
A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di
kaya ay kaguluhan.
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad
ang kanilang kabuhayan.
D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng
oportunidad sa bansang pinagmulan.

28. Ano ang brain drain?


A. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
B. Ang pandemya na kumitil sa buhay ng libu-libong tao sa buong mundo.
C. Ang pagpunta sa ibang bansa at pagkaubos ng mga manggagawang Pilipino.
D. Ang kawalan ng pag-asa sa buhay ng mga naiwan ng mga nasawi sa COVID-

29. Ano ang kahulugan ng househusband?


A. Ang househusband ay ang mag-asawang parehong nagtatrabaho para sa
pamilya.
B. Ang househusband ay ang pagtutol ng mga anak na magtrabaho ang sinuman sa
kanilang mga magulang.
C. Ang househusband ay ang asawang babae na naiiwan sa bahay habang ang
asawa namang lalaki ay siyang nagtatrabaho.
D. Ang househusband ay ang asawang lalaki na naiiwan sa bahay habang ang
asawa namang babae ay siyang nagtatrabaho.

30. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting epekto ng migrasyon sa mga papaunlad na bansa gaya
ng Pilipinas?
A. Brain Drain
B. Economic Migration
C. Integration
D. Multiculturalism

31. Ano ang tawag sa mga pinapadalang pera ng mga migranteng manggagawa sa Pilipinas na siyang nakakatulong
din sa paglago ng ekonomiya ng bansa at sa bansang
pinagtatrabahuan nila?
A. Forced labor C. Subsidy
B. Remittance D. Tariff

32. Kung ihahambing noon, ang Pilipinas ay may maikling basic education kaya tinuturing na second class
professionals ang karamihan sa mga Pilipino. Dahil dito, nagkaroon ng reporma sa sistema ng edukasyon noong
2010 na tinatawag na .
A. Bologna Accord C. Monroe Doctrine
B. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord

33. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit may nagaganap na pag-alis o paglipat ng isang tao sa isang lugar,
maliban sa isa
A. Nahikayat ng mga kamag-anak na nakatira sa abroad
B. Pag-aaral ng mga makabagong kaalamang teknikal
C. Makapamasyal sa iba’t ibang tanawin sa mundo
D. Maghanapbuhay para kumita ng malaki
34. Noong 1985, pansamantalang itinigil ang mga proyektong konstraksyon sa Gitnang
Silangan, ngunit humimok naman sila ng mga trabahong pangserbisyo, sila ay
nangailangan ng mga lokal na manggagawa, nars at iba pang manggagawa. Anong
kasarian ang kadalasan nilang kinuha sa mga trabahong ito?
A. Kababaihan C. Kalalakihan
B. Kabataan D. Miyembro ng LGBTQ+

35. Noong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas sa kanilang bansa. Ano
ang mahihinuha rito?
A. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
B. Kahirapan ang namamayani sa Asya at hindi kaginhawaan ng pamumuhay
C. Kakaunti ang oportunidad na makukuha ng mga Asyano sa kanilang bansa
D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ang mga Asyano bunga ng iba’t ibang hanapbuhay na mapapasukan na
angkop sa kanilang natapos
SUSI NG PAGWAWASTO:
1.B 21.C
2.A 22.B
3.D 23.B
4.D 24.A
5.D 25.A
6.C 26.D
7.A 27.C
8.C 28.C
9.A 29.D
10.D 30.A
11.A 31.B
12.C 32.B
13.D 33.C
14.D 34.A
15.C 35.C
16.C
17.A
18.C
19.D
20.D

You might also like