You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Dibisyon ng Lungsod ng Batangas
Lungsod ng Batangas

IKATLONG PAMANAHONG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN


GRADO 10 (KONTEMPORARYONG ISYU)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas
ng salitang sex at gender. Ano ang tinutikoy ng World Health Organization
(WHO) na tumutukoy sa biolohikal at pisyolohikal na katangian ng nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bisexual B. Gender C. Sex D. Transgender
2. Sina Al Youself at Al Nafjan ay mga kilalang tagpagtaguyod ng kampanya laban sa
pagbabawal sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan sa bansng Saudi Arabia.
Bakit sila nakulong?
A. Dahil sa paglabag sa Women Driving Ban
B. Dahil sa paglabag sa di pagsusuot ng Purdah
C. Dahil sa paglabag sa kanilang tradisyon
D. Dahil sa paglabag sa pagdadala ng Koran

3. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano
ang tawag sa anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtatamasa ng mga
babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?

A. Diskriminasyon B. Pagsasamantala C. Pananakit D. Pang-aabuso

4. Sang-ayon sa bansang ito ang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy sa kalagayan


ng isang tao na nakararanas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,
emosyonal,seksuwal; at malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad sa kanya, iba sa kanya o kasariang higit sa isa. Aling bansa ang
nagpahayag nito?

A. India B. Saudi Arabia C. South Africa D. Yogyakarta

5. Natuklasan mo na ang iyong kaibigan ay isang bisexual. Siya ang iyong kasama
simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos
mong matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal. Ano ang iyong gagawin?

A. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at pananatilihin ang aming


pagkakakilanlan
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya ito inilihim sa akin
D. Lalayuan at ikakakhiya ko ang aking kaibigan
6. Suriing mabuti ang mga sumusunod na simbolo:
Alin sa mga simbolo ang kumakatawan sa isang transgender?

A. B. C. D.

7. Ang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik,


kung siya ay lalaki, babae o pareho. Ito ay maaaring maiuri maliban sa isa. Alin ito?

A. Heterosexual B. Homosexual C. Bisexual D. Asexual

8. Kung ang isang tao ay nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa isang maling


katawan, ang kanyang pag-iisip ang pangangatawan ay hindi magkatugma. Saang
uri ng katauhan siya nabibilang?

A. Asexual B. Gay C. Lesbian D. Transgender

9. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga babaeng may
pusong lalaki at umiiibig sa kapwa babae. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy ng
pahayag na ito?

A. Babae B. Gay C. Lesbian D. Lalaki

10. Sang-ayon sa isang Kultural na kasanayan sa Panay, ang mga babae ay hindi
pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng mga kalalakihan
hanggang sa magdalaga.Itinuturing silang prinsesa. Ano ang tawag dito?

A. Bayot B. Binukot C. Boxer Codex D. Tibo

11. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaring patayin ng lalaki ang kanyang
asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang
ipinahihiwatig ng sitwasyong ito?

A. Ang babae ay maaring lamang mag-asawa ng isa


B. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa.
C. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng
kalalakihan noon kaysa kababaihan.
D. May pantay na karapatan ang babae at lalaki

12. Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t-ibang porma ng karahasang


nararanasan ng kababaihan na tinagurian bilang Seven Deadly Sins Against
Women. Ano ang tinutukoy ng pahayag na ito?

A. Anti-Violence Against Women and their Children


B. Magna Carta for Women
C. GABRIELA
D. CEDAW

13. Ang mga lalaki at babae ay may kani-kanilang papel na ginagampanan sa iba’t-
ibang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas. Saanong panahon nagkaroon ng ideya ng
kalayaan, karapatan at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas?

A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Hapones


B. Panahon ng Espanyol D. Panahong Pre kolonyal
14. Sa panhong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa
homoseksuwalidad.Ito rin ang panahon na pinaniniwalaang umusbong ang
Philippine Gay Culture. Sa anong dekada ito naganap?

A. Dekada 40 B. Dekada 50 C. Dekada 60 D. Dekada 70

15. Ang mga lalaking Babaylan ay hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan
ng mga babae, ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae at
nagbabalat-kayo ring babae. Sa palagay mo bakit kaya nila ginagawa ito?

A. Upang ang kanilang mga panalangin ay pakinggan ng espiritu


B. Upang makilala sa lipunan
C. Upang magsilbi sa mga kababayan
D. Upang maging mahusay na pinuno

16. Iba’t-iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa
New Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang babae at lalaki ay maalaga o
mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli
ay_____________

A. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kwento samantalang


ang kalalakihan ay dominante at naghahanap ng makakain.
B. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
C. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang
kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili, at mahilig sa kwento.
D. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo at bayolente.

17. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM)
sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng
pagsasagawa nito?

A. Upang sundin ang kanilang kultura at paniniwala


B. Upang hindi mag-asawa ang mga kababaihan
C. Upang hindi maakit ang mg kalalakihan
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal.

18. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t-ibang


karhasanng nararanasan ng kababaihan na tinaguriang Seven Deadly Sins
Against Women.Ang mga sumusunod na karahasan ay kabilang sa mga ito
maliban sa isa. Alin ito?

A. Sex Trafficking C. Pambubugbog


B. Sexual Harassment D. Pangangaliwa ng asawang lalaki

19. Sila ay ang mga primitibong pangkat ng mga tao sa Papua New Guinea kung
saan kapwa ang babae at lalaki ay mapag- aruga sa kanilang mga anak, sila rin
ay matulungin, mapayapa at kooperatiba sa kanilang pamilya. Saang pangkat ng
mga tao sila nabibilang?

A. Arapesh B. Mundugumor C. Tasaday D. Tchambuli

20. Bagamat kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki na hiwalayan ang
kanilang asawa, mayroon paring makikitang pagkiling sa mga lalaki. Kung
gustong hiwalayan ng lalaki ang kanilang asawa, maaari niya itong gawin. Alin
sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay sa sitwasyon?
A. Pagbibigay ng karapatan sa babaeng makapag-asawang muli.
B. Pagbibigay ng karapatan sa mga ari-arian ng mag-asawa
C. Pagbibigay ng karapatan sa mga babaeng tumira sa kanilang ipinundar na
tahanan kasama ang mga anak.
D. Pagbawi sa mga ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama.

21. Ang Konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Bagama’t kung isasalin ang
dalawang salitang ito sa wikang Pilipino ay katumbas ito pareho ng salitang
kasarian. Paano nagkakaiba ang kasarian sa seksuwalidad?

A. Ang kasarian at seksuwalidad ay madaling mapalitan ng sinuman.


B. Ang kasarian ay biyolohikal, samantalang ang seksuwalidad ay kultural
C. Ang kasarian ay epekto ng kultura samantalang ang seksuwalidad ay biyolohikal
D. Ang kasarian at seksuwalidad ay magkasingkahulugan.

22. Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa


magkasamang impluwensiya ng international media at local na interpretasyon ng
mga taong LGBT na nakaranas mangibang-bansa. Paano nakatulong ang media
sa pagsulong ng pagtanggap sa mga LGBT?

A. Binibigyan nito ng pagkakataon ang mga LGBT na makapagpahayag ng kani-


kanilang sariling opinyon.
B. Ipinakikilala nito ang kahusayan ng mga LGBT sa industriya ng pelikula,
telebisyon, at fashion.
C. Ipinapakita nito ang mga rally at demonstrasyon ng mga pangkat ng LGBT.
D. Pinapalawak nito ang samahan ng mga LGBT.

23. Noong Abril 2010, ang partidong Ang Ladlad ay ganap nang pinayagan ng katas-
tasang Hukuman ng Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan. Ang mga
sumusunod na pahayag ay nagpapatunay ng pagkilala sa LGBT maliban sa isa.
Alin ito?

A. Pagpapatunay ito na ganap ng pantay ang karapatan ng babae, lalaki at LGBT


sa halalan.
B. Paraan upang maipakita ng LGBT ang kanilang kakayahan sa lipunan.
C. Patunay na ang LGBT ay maaaring lumahok sa iba’t-ibang larangan.
D. Patunay na ang LGBT ay patuloy na nakararanas ng diskriminasyon.

24. Mahalaga para sa mga kababaihan ang mabigyan ng pagkakataong makilahok


sa proseso ng pagboto. Sa ganitong sitwasyon nararamdaman nila ang pantay
na karapatan ng bawat isa. Saang bansa sa Kanlurng Asya pinayagan ang mga
babae na makaboto nitong ikalawang bahagi ng ika-20 siglo?

A. Egypt B. Iraq C. Libya D. Saudi Arabia

25. Ang “Anti-Homosexuality Act of 2014” ay nagsasaad na ang same-sex


relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na
pagkabilanggo. Anong bansa ng nagpasa ng batas na ito?

A. South Africa B. Pakistan C. Uganda D. United Arab Emirates

26. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng
karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence,
maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang mga sumusunod ay palatandaan
ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa. Alin ito?
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo
C. Sinisisis ka sa kaniyang pananakit o sinsabi sa iyo na nararapat lamang ang
ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinsampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong anak o alagang hayop.

27. Sa sinaunang China isinasagawa ang footbinding sa kababaihan kung saan


pinapaliit ng hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirsong
bakal o bubog sa talmpakan.Ano ang tawag sa ganitong klase ng paa?

A. Babaylan B. Dowry C. Lotus feet D. Purdah

28. Ang pagbabayd at pagtangagap ng dowry ay daang taon ng tradisyon sa India at


sa iba pang bansa sa Timog Asya. Ang magulang ng babae ay magbibigay ng
pera, damit, alahas sa pamilya ng lalaki. Ang ganitong tradisyon ay
ipinagbabawal na sa India noon pang 1961. Anong batas ang ipinatupad
kaugnay nito?

A. India Penal Code C. Nine-point shecklist


B. Anti- Dowry Law D. Violence- Against Dowry Law

29. May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa


karapatan ng kababaihan. Isa na dito ang kaugalian sa bansng Cameron sa
kontinente ng Africa, kung saan pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng
batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula. Ang mga
sumusunod na pahayag ay ang mga dahilan kung bakit ito isinasagawa maliban
sa isa. Alin ito?

A. Maagang pagbubuntis ng anak


B. Paghinto sa pag-aaral
C. Pagkagahasa
D. Pagiging kilala o tanyag sa lipunan ng mga kababaihan

30. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas, kundi pati
na rin sa buong daigdig, kaya itinakda ang International Day for the Elimination of
Violence Against Women. Kailan ito itinakda?

A. Setyembre 25 B. Oktubre 25 C. Nobyembre 25 D. Disyembre


25

31. Kung sa China isinasagawa ang footbinding sa kababaihan, Sa India naman


isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa
kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang
katawan. Ano ang tawag dito?

A. Dowry B. Liliy feet C. Lotus feet D. Purdah

32. Maari mong malamang inaabuso ka na ng iyong karelasyon kung napapansin


mo ang ganitong pangyayari. Paano mo ito malalaman?

A. Inaalayan ka ng bulaklak at tsokolate


B. Ipinaghahanda ka ng pagkain
C. Pinagbabantaan ka ng karahasan
D. Ipinagbibigay alam sayo ang lahat ng bagay

33. Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang


relasyon o tinatwag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin.
Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t-ibang uri. Ang mga sumusunod ay
ilan sa karahasan maliban sa isa. Alin ito?

A. Emosyonal B. Seksuwal C. Pisikal D. Mental

34. Kauna-unahang transgender na miyembro ng kongreso. Siya ang kinatawan ng


lalawigan ng Bataan. Siya rin ang pangunahing taga-pagsulong ng Anti-
Discrimination bill sa kongreso. Sino ang tinutukoy ng pahayag na ito?

A. BB Gandang Hari B. Geraldine Roman C. Joel Cruz D. Vice Ganda

35. Maraming mga babae, lalaki,at LGBT na naging matagumpay sa kanilang


napiling larangan hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa ibang panig ng munndo.
Ano ang iyong mahihinuha sa pahayag na ito?

A. Ang mga lalaki ay mas malakas kaysa mga babae


B. Ang mga babae ay mahina at kailangang gabayan
C. Ang mga LGBT ay nakakaranas ng diskriminasyon
D. Bawat isa ay may karapatang ipakita ang kanyang kakayahan upang ito’y
malinang.

36. Ito ang mga katagang winika ni dating UN Secretary General Ban Ki-Moon “
LGBT rights are human rights” upang hikayatin ang mga miyembro ng estado
na wakasan na ang mga pang-aapi at pang-aabuso. Ano ang ibig sabihin ng
pahayag na ito?

A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.


B. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao
D. Ang karapatan ng LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.

37. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa Lipunan. Noong Nobyembre
6-7,2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia ang 27 eksperto s
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t-
ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?

A. Bumuo ng batas na magbibigay proteksyon sa LGBT laban sa pang-aabuso at


karahasan.
B. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
C. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
D. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng
mga LGBT.

38. Ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women
ay ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil
at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya. Kailan ito inaprubahan ng United Nations General
Assembly?

A. Disyembre 17, 1979 C. Disyembre 19, 1979


B. Disyembre 18, 1979 D. Disyembre 20, 1979

39. Bilang state party ng CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang
diskriminasyon at di pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae. Ano ang
tungkulin ng state parties?
A. Igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
B. Ito ay pagkilala sa kababaihan ng mga paniniwala at kultura
C. Ito ay pagmamahal sa sariling lahi
D. Ito ay ipinagbbawal sa bawat mamamayan.

40. Ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women
ay isang international na kasunduang inaprubahan ng United Nations General
Assembly at niratipika ng 189 states. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi
lumagda sa CEDAW?

A. China B. India C. Iran D. Philippines

41. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na
nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sinu-sino ang pwedeng mabigyan ng
proteksyon ng batas na ito?

A. Magkasintahan C. Mga bagong kasal


B. Ang asawang lalaki D. kababaihan at kanilang mga anak

42. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang
pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga
may kapansanan, mga babae sa iba’t-ibang larangan. “Marginalized Women” at
Women in Especially Difficult Circumstances”. Alin sa mga sumusunod ang
kabilang sa Women in especially difficult circumstances?

A. Maralitang tagalunsod
B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot

43. Kapag ang isang babae ay di pinapayagang magtrabaho ng walang sapat na


dahilan at hindi rin sinusuportahan ng kanyang asawa ang kanyang mga anak,
siya ay nakararanas ng anong uri ng karahasan?

A. Emosyonal o sikolohikal C. Seksuwal na pang –aabuso


B. Ekonomik o pinansiyal na pang-aabuso D. Pisikal na pang-aabuso

44. Si Fe ay 35 taong gulang, may asawa, may 5 anak na 1, 4, 5, 6, at 8 taong


gulang. Madalas siyang bugbugin ng asawa niyang walang trabaho at lasinggero.
Tanging paglalabada ang trabaho ni Fe. Anong uri ng karahasan ang
nararanasan ni Fe?

A. Emosyonal o sikolohikal C. Seksuwal na pang –aabuso


B. Ekonomik o pinansiyal na pang-aabuso D. Pisikal na pang-aabuso

45. Ang pang-aabuso ay hindi pribadong usapin kundi isang krimen. Ito ay paglabag
sa karapatang pantao ng mga_________________.

A. Babae B. Gay C. Lalaki D. Transgender

46. Ito ay ibinibigay para maiwasan ang ano pa mang karahasan sa babae o bata na
nakararanas ng pang-aabuso. Nakatala rin ito sa seksyon 7 ng Implementing
Rules and Regulations na sumasagot sa iba pang pangangailangan ng biktima.
Ano ang tawag dito?
A. Admission Order C. Protection Order
B. Proclamation Order D. Mission Order

47. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na
nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay
nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang
tinutukoy sa batas na ito?

A. Kababaihan na may edad na 15 pataas


B. Kababaihan na walang anak at asawa
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan n nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may
kasalukuyang nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating
asawang babae.

48. Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay. Alin sa mga
sumusunod ang itinalaga bilang taga pagtaguyod nito?

A.Pagamutan B. Paaralan C. Pamahalaan D. Simbahan

49. Sa kabila ng mga batas na ipinatutupad upang mapangalagaan ang kababaihan


ng pamahalaan, bakit marami paring kababaihan ang nasasadlak sa
prostitusyon?

A.Dahil sa matinding kahirapan


B.Dahil sa karanasan ng pang-aabuso
C.Dahil sa pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot
D.Dahil sa kakulangan sa edukasyon sa reproductive health

50. Mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may
limitadong kakyahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at
serbisyo.Alin ang tinutukoy ng pahayag na ito?

A. Magna Carta
B. Women in Especially Difficult Circumstances
C. Marginalized Woman
D. Anti-Violence Against women Act

Inihanda ni:
DIONISIA B. ABU
Guro, Araling Panlipunan Grado 10

Pinagtibay:
Dr. EPITACIO P. ABELA
EPS I, Araling Panlipunan
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Dibisyon ng Lungsod ng Batangas
Lungsod ng Batangas

SUSI SA PAGWAWASTO

IKATLONG PAMANAHONG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN


GRADO 10 (KONTEMPORARYONG ISYU)

1. C 26. A
2. A 27. C
3. A 28. B
4. D 29. D
5. A 30. C
6. D 31. D
7. D 32. C
8. D 33. D
9. C 34. B
10. B 35. D
11. C 36. D
12. C 37. D
13. A 38. B
14. C 39. A
15. A 40. C
16. C 41. D
17. D 42. D
18. D 43. B
19. A 44. D
20. D 45. A
21. B 46. C
22. B 47. D
23. D 48.C
24. D 49. A
25. C 50.C

You might also like