You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
SOLSONA NATIONAL HIGH SCHOOL
Solsona

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10


I. PAGPIPILI. Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Itiman ang bilog ng titik ng tamang
sagot.
1. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. bi-sexual B. gender C. transgender D. sex
2. Ano ang tawag sa panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki?
A. bi-sexual B. gender C. transgender D. sex
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa konsepto ng kasarian ang TOTOO?
A. Ang konsepto ng gender at sex ay magkapareho.
B. Ang pagkakakilanlang pangkasarian ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik.
C. Ang mga aspektong may kinalaman sa sex ay hindi mag-iiba paghambingin man ng mga lipunan.
D. Tumutukoy ang oryentasyong sekswal bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao.
4. Bakit nakulong si Aziza Al Yousef noong Disyembre 3, 2013 sa Saudi Arabia?
A. Dahil sa pakikilahok niya sa mga aktibistang lumalaban sa pamahalaan.
B. Dahil sa pagpatay niya sa kanyang kaibigan na si Eman Al-Nafjan.
C. Dahil sa kanyang pakikipaglaban sa karapatan ng mga kababaihan.
D. Lahat ng nabanggit
5. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na
kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan ko at ikahiya ang aking kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin ko siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin ang aming pagkakaibigan.
6. Si Maria ay walang nararamdamang atraksyong sekswal sa dalawang kasarian. Ano ang kanyang pagkakakilanlang pangkasarian?
A. Asexual B. Bisexual C. Lesbian D. Transgender
7. Ang bisexual ay mga taong nakakaramdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng parehong
pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at ang kaniyang pag-
iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma ay tinatawag na________.
A. bakla B. homosexual C. lesbian D. transgender
8. Ano ang tawag sa mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay
babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki?
A. Heterosexual B. Homosexual C. Transgender D. Transsexual
9. Anong kasarian ang inilalarawan ng simbolong nasa kanan?
A. babae B. lalake C. LGBT D. wala sa nabanggit
10. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng gender?
A. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag). C. Nagbabago ang boses ng mga nagbibinata.
B. Nagkakaroon ng buwanang regla ang mga babae. D. Ang Saudi Arabia lang ang hindi nagpapahintulot sa mga kababaihan na magmaneho ng sasakyan.
11. Ano ang tawag sa partido political ng LGBT Group?
A. Ladlad B. Ang Ladlad C. Laylayan D. Ang Laylayan
12. Ano ang tawag sa dokumento na nagsasaad nang hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan noong panahon ng mga Kastila?
A. Boxer Codex B. Boxer Code C. Code of Kalantiaw D. Code of Sumakwel
13. Anong dekada ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas?
A. 60 B. 70 C. 80 D. 90
14. Noong taong 2012 ay binaril si Malala Yousafai ng isang grupo dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga
batang babae sa Pakistan. Ano ang tawag sa grupong ito?
A. Abu Sayyaf B. Tabalin C. Taliban D. Wala sa nabanggit
15. Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na
hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.
C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapon.
D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan tulad ng Magna Carta of Women.
E. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.

A. 1,2,3,4,5 B. 3,2,4,5,1 C. 2,3,4,5,1 D. 4,5,1,3, 2


16. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring
patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
17. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng unang prinsipyo ng Yogyakarta?
A. Karapatan ng lahat ng tao na mabuhay.
B. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan.
C. Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao
D. Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko.
18. Sino ang mga tinutukoy na “mga anak” sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act?
A. mga anak ng babaeng inabuso C. mga tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
B. mga anak ng lalaking inabuso D. mga anak na labing-walong (18) taong gulang
19. Paano nagsimula ang LGBT movement sa Pilipinas noong dekada 90?
A. Pagsasagawa ng welga ng mga LGBT. C. Pagtatatag ng partido political ng LGBT
B. Pagtatatag ng mga iba’t- ibang organisasyon ng mga miyembro ng ikatlong kasarian D. Pagpatay sa mga kumakalaban sa LGBT
20. Ano ang tawag sa mga babae noong unang panahon na itinuturing na prinsesa at itinatago sa mata ng publiko?
A. Bakat B. Bunikot C. Binukot D. Wala sa nabanggit
21. Sino ang nagtatag sa political party ng mga LGBT sa Pilipinas?
A. Anderson Cooper B. Danton Remoto C. Geraldine Roman D. Jake Zyrus
22. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa mga babaylan noong unang panahon ang HINDI totoo?
A. Mga kababaihan lamang ang nagiging babaylan. C. Mas madaling pakinggan ng Diyos ang dasal ng mga babaeng babaylan
B. May mga lalaking babaylan sa Visayas.. D. Wala sa nabanggit
23. Bakit kinailangang magpanggap na babaeng babaylan ang mga lalaking babaylan sa Visayas noong dekada 70?
A. Dahil sa mas gusto ng kanilang Dioys ang mga babaeng babaylan.
B. Upang mas madaling mapakinggan ng kanilang Diyos ang kanilang mga panalangin.
C. Sapagkat mas madali ang mga ginagawang seremonya ng mga babaeng babaylan.
D. Lahat ng nabanggit
24. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang
babae at lalaki ay maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli ay ___________.
A. kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente
B. ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
C. ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento samantalang ang kalalakihan ay dominante at naghahanap
ng makakain.
D. babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili, at
mahilig sa kuwento.
25. Ang mga sumusunod ay mga ipinagbabawal na gawin ng mga kababaihan sa Kanlurang Asya at Africa, MALIBAN sa isa, Ano ito?
A. maglakbay nang mag- isa C. mahalal at humalal ng kandidato sa eleksyon
B. makipaghiwalay sa asawang lalaki D. magmaneho ng sasakyan nang mag- isa
26. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong nang tradisyon sa India at sa iba pang bansa sa Timog Asya. Ang
magulang ng babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki. Ang ganitong tradisyon ay ipinagbawal na sa
India noon pang 1961. Anong batas ang ipinatupad kaugnay nito?
A. India Penal Code B. Anti-Dowry Law C. Nine-point checklist D. Violence – against Dowry Law
27. Ano ang kahulugan ng pangalan ng isang pangkulturang pangkat sa Papua New Guinea na Arapesh?
A. bagay B. hayop C. lugar D. tao
28. Bakit itinuring ni Hillary Clinton ang mga LGBTQI bilang ”invisible minority”?
A. Sapagkat sila ay makatarungan at responsable.
B. Dahil sa kanilang patuloy na pagpupunyagi tungo sa pagkakapantay- pantay.
C. Sapagkat sila ang susi sa pagtatamo ng kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
D. Dahil marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan,
negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan.
29. Ano ang tawag sa anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
A. pang-aabuso B. diskriminasyon C. pagsasamantala D. pananakit
30. Ilang araw ang pagdiriwang ng International days on the Elimination of Violence Against Women sa Pilipinas?
A. 10 B. 12 C. 15 D. 18
31. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at
kanilang mga anak. Ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki.
32. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China isinasagawa
ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang
pirasong bakal o bubog sa talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela
sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan. Ano ang tawag dito?
A. Babaylan B. Purdah C. Lotus Feet D. Dowry
33. Anong grupo ang tinawag ni Hillary Clinton bilang mga “invisible minority”?
A. LGBT B. NGO’s C. indigenous people D. civil organizations

34. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang
Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog B. Pangangaliwa ng asawang lalaki C. Sexual Harassment D.Sex Trafficking
35. Anong petsa pinagdiriwang ang International Day for the Elimination of Violence Against Women?
A. November 20 B. November 25 C. November 27 D. November 30
36. Ano ang tawag sa isang pinag-isang kampanya ng UN Women para sa pagakakapantay-pantay ng lahat ng mga kasarian?
A. CEDAW B. International Rights of Children C. #HeforShe.org D. #SheforHe.org
37. Sinong emperor sa China ang nagpatanggal sa pagsasagawa ng foot binding sa bansa?
A. Mao Zedong B. Sun Yat Sen C. Sen Yat Sun D. Tcahmbuli
38. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang
babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at ‘Women in Especially
Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
A. Maralitang tagalunsod C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
B. Kababaihang Moro at katutubo D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
39. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “LGBT rights are human rights.”
A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao. C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao
B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao. D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
40. Ano ang iyong mahihinuha sa larawan sa kanan?
A. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.
C. Ang mga lalaki ay maaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing bahay.
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay.

41. Alin sa mga sumusunod na istadistika ng 2013 National Demographic and Health Survey ang HINDI tama?
A. 5% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal.
B. Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal simula edad 15.
C. Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal, pisikal at/o pananakit na sekswal
mula sa kanilang mga asawa.
D. Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago
ang sarbey, 65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.
42. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital
Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal
43. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o
tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng
karahasan MALIBAN sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo
C. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop
D. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo
44. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng ikalawang prinsipyo ng Yogyakarta?
A. Karapatan ng lahat ng tao na mabuhay.
B. Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan.
C. Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao
D. Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko.
45. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia
ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano
ang pangunahing layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay- pantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
46. Basahin at suriin ang bahagi ng awit ni Noel Cabangon na nasa kaliwa at sagutin ang tanong sa ibaba.
Ano ang mensahe ng awit na ito?
KUMILOS MGA KALALAKIHAN
Noel Cabangon A. Ang mga babae ay mahina at kailangang alagaan ng kalalakihan.
Kumilos mga kalalakihan B. Ang kalalakihan ay mas malakas at makapangyarihan kaysa sa kababaihan.
Makiisa laban sa karahasan C. Ang kalalakihan ay dapat sumuporta at tumulong upang
Maging kasama, kapatid, at mapangalagaan ang karapatan ng kababaihan
kaibigan D. Ang kalalakihan ay dapat kumilos upang mapangalagaan ang kababaihan, hindi sila dapat
saktan at paglaruan

47. Paano maisasakatuparan ng pamahalaan ang mga layunin ng Magna Carta for Women?
A. Pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae.
B. Pag- alis o pagrepaso ng mga batas na nagpapalala sa diskriminasyon sa mga kababaihan.
C. Pagtanggal sa mga istrukturang na nagpapahiwatig na hindi pantay ang mga babae at lalaki.
D. Lahat ng nabanggit

48. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?


A. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kalalakihan.
B. May mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y maaring nitong bawiin.
C. Inaatasan lamang nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan.
D. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito.

49. Paano ka makatutulong sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng lahat tao sa kabila ng magkakaibang pagkakakilalnlang
pangkasarian?
A. Pagkutya sa mga miyembro ng LGBTQI.
B. Paggalang sa pagkakakilalang pangkasarian ng lahat ng tao.
C. Pagtulong sa pagpapakilala sa lahat ng tao ng kanilang mga karapatan ayon sa itinatadhana ng estado.
D. Lahat ng nabanggit
50. Ayon sa ulat na inilabas ng National Demographic Health Survey ng National Statistics Office noong 2013, isa sa bawat limang
babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal simula edad 15 at anim na porsyento ang nakaranas ng
pananakit na pisikal. Bilang isang mag- aaral, ano ang gagawin mo upang makatulong sa pamahalaan na bawasan o patuloy nang
wakasan ang pag –iral ng mga ito?
A. Paggawa ng brochure na naglalaman ng mga uri ng karahasan sa iba’t- ibang kasarian.
B. Hikayatin ang mga opisyales ng barangay na magsagawa ng symposium upang ipaalam sa mga kabarangay ang mga
batas na maaaring malabag sa tuwing inaaabuso ang mga kababaihan.
C. Paglikha ng mga islogan na naglalaman sa kahalagahan ng paggalang sa karapatan ng lahat ng nilalang na ipapaskil sa
mga lugar na nakikita ng lahat ng tao.

Prepared by: Reviewed by: Noted by:

THERESA GAY L. VISCONDE ANGELO B. PASCUAL RIZALINA T. MANZANO, Ed.D.


Teacher II Master Teacher I School Principal IV
Date Accomplished: ___________
GUILLERMA C. BARENG
Head Teacher III
Date Accomplished: December 27, 2019 Date Accomplished: _____________

You might also like