You are on page 1of 6

Department of Education

Region VII, Central Visayas


Division of Toledo City
TOLEDO CITY SCIENCE HIGH SCHOOL
Ilihan, Toledo City, Philippines 6038
Tel no.: (032)322- 6037

ARALING PANLIPUNAN 10
THIRD PERIODICAL EXAMINATION

BASAHING MABUTI ANG BAWAT PANGUNGUSAP. ISULAT ANG MALAKING TITIK NG PINAKATAMANG SAGOT SA
INYONG SAGUTANG PAPEL.

1. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas ng salitang sex at gender. Ano ang tinutukoy
ng World Health Organization (WHO) na tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng
babae sa lalaki?
A. Bi-sexual B. Transgender C. Gender D. Sex
2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
A. sex B. Gender C. Bi- Sexual D. transgender
3. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala,
paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso B. diskriminasyon C. pagsasamantala D. pananakit
4. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong nang tradisyon sa India at sa iba pang bansa sa Timog Asya. Ang
magulang ng babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki.
Ang ganitong tradisyon ay ipinagbawal na sa India noong pang 1961. Anong batas ipinatupad kaugnay nito?
A. India Penal Code B. Anti-Dowry Law C. Nine-point checklist D. Violence – against Dowry Law
5. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages
ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. South Africa B. Pakistan C. Uganda D. United Arab Emirates
6. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan
at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas
na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang
lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae.
7. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng
parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawa at ang
kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na:
A. bakla B. transgender C. lesbian D. homosexual
8. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang
babae at lalaki ay maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli ay:
A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente
B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento samantalang ang kalalakihan ay dominante at
naghahanap ng makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili, at
mahilig sa kuwento.
9. Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon
sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
__ A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang kanilang
isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
__ B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.
__ C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga
Hapon.
__ D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan tulad ng Magna Carta of
Women.
__ E. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri
o timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
A. 1,2,3,4,5 B. 3,2,4,5,1 C. 2,3,4,5,1 D. 4,5,1,3, 2
10. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o
tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng
karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
11. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China
isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang tatlong pulgada gamit ang
pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu
ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan. Ano ang
tawag dito?
A. Babaylan B. Purdah C. Lotus Feet D. Dowry
12. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian
nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog B. Pangangaliwa ng asawang lalaki C. Sexual Harassment D. Sex Trafficking
13. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga
batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at ‘Women in
Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
A. Maralitang tagalunsod
B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
14. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit
maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
15. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at matanda) ang biktima ng Female
Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal
16.Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba.
KUMILOS MGA KALALAKIHAN
Noel Cabangon
Titik at Musika
Kumilos mga kalalakihan
Makiisa laban sa karahasan
Maging kasama, kapatid, at kaibigan
Itigil ang karahasan sa kababaihan
H’wag mo silang saktan, h’wag mong sigaw-sigawan
H’wag mong idadaan sa lakas ng boses at katawan

Ano ang mensahe ng awit na ito?


A. Ang kalalakihan ay mas malakas at makapangyarihan kaysa sa kababaihan.
B. Ang mga babae ay mahina at kailangang alagaan ng kalalakihan.
C. Ang kalalakihan ay dapat sumuporta at tumulong upang mapangalagaan ang karapatan ng kababaihan
D. Ang kalalakihan ay dapat kumilos upang mapangalagaan ang kababaihan, hindi sila dapat saktan at paglaruan
17. Suriin ang larawan at sagutin ang tanong sa ibaba.

Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?


A. Ang mga lalaki ay maaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing bahay.
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.
C. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay
18. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao.
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
19. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa at
para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.
20. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta
Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?

““LGBT rights are human rights.”


Ban Ki – Moon
UN Secretary General

A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT


B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan
21. Paano naiimpluwensiyahan ng relihiyon ang pananaw ng mga tao tungkol sa homosekswalidad?
A. Sumusnod ng mga tao ang turo ng kani-kanilang mga relihiyon.
B. Itinatanggi ng iba’t-ibang relihiyon ang pagkakaroon ng mga homoseksuwal.
C. May mga pangkat ng relihiyon na tumatanggap sa mga homoseksuwal at may mga pangkat ding kumukondena sa
Kanila.
D. Walang imopluwensiya ang relihiyon sa pananaw ng tao tungkol sa homosekswalidad.
22. Bakit mahirap sa maraming LGBT ang pagbuo ng kanilang pagkakakilanlang seksuwal?
A. Kaunti lamang sila sa kanilang pamayanan.
B. Biktima sila ng maraming uri ng diskriminasyon
C. Hindi sila naturuan tungkol sa kanilang pagkakakilanlan.
D. Hindi pa sila lubos na tanggap ng lipunan o bansang kanilang kinabibilangan.
23. Paano nakatutulong ang media sa pagsulong ng pagtanggap sa mga LGBT?
A. Binibigyan nito ng pagkakataon ang mga LGBT na makapagpahayag ng kani-kanilang sariling opinyon.
B. Ipinapakilala nito ang kahusayan ng mga LGBT sa industruya ng pelikula, telibisyon, at fashion.
C. Ipinapakita nito ang mga rally at demonstrasyon ng mga pangkat ng mga LGBT.
D. Pinapalawak nito ang pagtingin ng mga tao sa LGBT.
24. Bakit mas masasabing mas bukas na ang hukbong sandatahan sa mga LGBT?
A. Binibigyan prayoridad sa serbisyo at mga LGBT
B. Maari ng sumali sa Philippine Armed Services ang mga LGBT.
C. Malawak ang pagtingin ng mga sundalo sa miyembro ng LGBT.
D. Binibigyan ng espesyal na pagsasanay ang mga sundalo nagpahayag na sila ay LGBT.
25. Paano nakatulong ang mga grupo tulad ng “Ang Ladlad” sa pakikipaglaban ng mga LGBT para sa kanilang mga karapatan?
A. Namuno ito sa mga kilos protesta ng mga LGBT.
B. Nagsilbi itong boses ng mga LGBT.
C. Naisabatas nito ang mga ipinaglalabang karapatan ng mga LGBT.
D. Lumalabas ang mga miyembro nito sa media upang ipagtanggol ang mga LGBT.
26. Paano lumaganap ang partisipasyon ng mga pangkat ng LGBT sa ating lipunan?
A. Dumami ng organisasyon ng mga LGBT.
B. Namayagpag sa pelikula at telebisyon ang mga LGBT.
C.. Mas maraming na mga politiko na umaamin na sila ay kasapi ng LGBT.
D. Ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga LGBT ang mas maraming karapatan.
27. Bakit hindi isang isyung politikal kundi panlipunan na rin ang same sex marriage?
A. Isa itong pandaigdigang isyu
B. Pinag-usapan ito sa lipunan
C. May kinalaman ito sa relihiyon ng isang tao.
D. Saklaw nito ang mga karapatang pantao at karapatang sibil.
28. Paano nagkakaroon ng diskriminasyon batay sa kasarian?
A. Hindi nakakatamasa ng pagkakataon makapagtrabaho sa ibat-ibang larangan ang mga LGBT.
B. Mas kinikilala ang mga lalaki sa larangan ng politika kaysa mga babae at LGBT.
C. Mas makapangyarihan ang mga lalaki sa lipunan kay samga babae at LGBT.
D. Nagkakaiba ang mga paraan ng pagtrato sa mga LGBT sa iba’t-ibang panig ng daigdig.
29. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng gender stereotyping?
A. Ang kababaihan ay angkop sa trabaho gaya ng nars, sekretarya habang ang kalalakihan ay angkop sa inhenye
B. Sa India nagbibigay ng dowry ang pamilyang babae sa pamilya ng lalaki ng kaniyang mapapangasawa.
C. Ang pagpapakasal ng dalawang magkatulad na kasarian ay nakakasira sa institusyon ng kasal,
D. Sa lipunang egalitarian , pantay ang tungkulin at responsibilidad ng babae at lalaki sa tahanan.
30. Anong ideya ang nagsusulong na wakasan ang diskriminasyon ng kasarian sa lipunan?
A. Gender disparity C. Gender Equity
B. Gender Equality D. Gender Neutrality
31. Sa anong salik ang humubog sa gender role ng isang indibiduwal na binunbuo ng mga tao na kapareho ng edad, antas at mga
interes?
A. Mass media C. Pamilya
B. Paaralan D. Peer Group
32. Si Raul ay naniniwala na dapat ang lalaki ang nasusunod at may awtoridad sa pamilya. Anong uri ng diskriminasyon ang
ipinapahayag dito?
A. Edad B. kasarian C. kulay ng balat D. lahi
33. Anong oryentasyong sekswal ang may atraksiyon sa indibidwal na nabibilang sa opposite sex?
A. Bisexual B. Heterosexual C. Homosexual D. Transgender
34. Paano nagkakaiba ang kasarian sa sekswalidad?
A. Hindi magkakaiba ang kahulugan ang kahulugan ng dalawang terminong ito.
B. Ang kasarian ay epekto ng kultura.Samantalang ang sekswalidad ay biyolohikal.
C. Ang kasarian ay biyolohikal samantalang ang sekswalidad ay kultural.
D. Ang kasaran ay sekswalidad at madaling mapalitan ng sinuman.
35. Paano mailalarawan ang homosexual?
A. Nakararanas sila ng atraksiyon sa kapareho nilang kasasrian.
B. Nakakaranas sila ng atraksiyon sa katulad na kasarian at iba pang kasarian.
C. Madali para sa kanilang makilala at matanggap ang kanilang sekswal na oryentasyon.
D. nakatamasa sila ng mataas na pagtingin sa kanilang kinabibilangang komunidad.
36. Bakit sinasabing ang mga lalaki ang pinakapangyarihan sa maraming lipunan sa daigdig?
A. Sila ay malakas sa pisikal na aspekto.
B. Karaaniwang nananatili sa tahanan ang mga babae
C. Mas nakakaranas ng diskriminsasyon mula sa kababaihan at homosexual
D. Nakakukuha sila ng higit na pribilehiyo sa pamahalaan, edukasyon at trabaho.
37. Bakit sinasabing ang homophobia ay isang uri ng diskriminasyon?
A. Itinataguyod nito ang heterosekswalidad.
B. Hindi nito iginagalang ang mga karapatang pantao.
C. Pinagkakait nito ang karapatan ng mga homosexual
D. Hangad nitong hindi tanggapin at hindi igalang ang isang pangkat.
38. Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity?
A. Ang sexual orientation ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal,
emosyonal, at sekswal samantalang ang gender identity ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao.
B. Ang sexual orientation ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao
samantalang ang gender identity ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, at sekswal.
C. Ang sexual orientation ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal at
emosyonal samantalang ang gender identity ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao.
D. Ang sexual orientation ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao
samantalang ang gender identity ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal at emosyonal.

39. Anong oryentasyong sekswal ang maaring maiuri kapag ang isang babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng
may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae?
A. Lesbian b. Bisexual C. Gay D. Transgender
40. Anong oryentasyong sekswal ang maaring maiuri kapag isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan,
ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma?
A. Lesbian b. Bisexual C. Gay D. Transgender

41. Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa
subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano
ang mahihinuha natin sa sitwasyong ito?
A. Natanggalan ng karapatan ang mga babae mula sa makapangyarihang kalalakihan
B. Mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
C. Hindi binibigyan ng importansiya ang mga babae sa lipunang kanyang kinabibilangan
D. Ang mga babae ay madaling mabibiktima sa mga mapang-abusong gawain
42. Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female
Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang ipinapakita ng aspektong ito?
A. Politikal B. Sosyolohikal c. Kultural D. Sikolohikal
43. Paano mawakasan ang karahasan sa mga kababaihan na katulad ng nasa larawan?

A. Bawalan ang mga kababaihan na mag-asawa


B. Proteksiyonan ang mga karapatan ng mga kababaihan
C. Bigyan ng sapat na trabaho ang mga babae
D. Hindi hinayaan ang mga babae na makalabas ng bahay
44. Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang
sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa
bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong
paa. Ano ang tawag ng tradisyong ito?
A. Purda B. lily feet C. dowry D. neck coiling
45. Alin sa mga sumusunod ang hindi katanggap-tanggap sa mga kababihan ng Cameroon sa Africa ang kanilang tradisyon na
breast ironing/breast flattening?
A. Maiwasan ang maagang pagbubuntis
B. Paghihinto sa pag-aaral
C. Para hindi magiging alipin
D. Para hindi magahasa
46. Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at gender identity o SOGI)
na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng
Nobyembre, 2006. Ano ang layunin ng naturang pagtitipon-tipon?
A. upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakaisa ng mga LGBT.
B. upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.
C. upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakabuklod-buklod ng mga LGBT.
D. upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapatiran ng mga LGBT.
47. Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008. Bakit mahalaga ang batas na ito?
A. upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan.
B. upang alisin ang lahat ng uri ng pang-aabuso laban sa kababaihan
C. upang alisin ang lahat ng uri ng di makatarungan laban sa kababaihan
D. upang alisin ang lahat ng uri ng pang-aalipin laban sa kababaihan
48. Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang (tulad ng media-advocacy, symposium, documentary
presentation at iba pa) na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Ano ang iinapakitang karakter ng mga mag-aaral?
A. Kamalayang sibiko C. Pambansang pagkakaisa
B. Pananagutang panlipunan D. Pagkamakabayan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Toledo City
LURAY NATIONAL HIGH SCHOOL (NIGHT)
SEMI-FINALS
FILIIPINO 7
PANUTO I – BASAHING MABUTI ANG PANGUNGUSAP AT ISULAT ANG TITIK SA TAMANG SAGOT SA
INYONG SAGUTANG PAPEL:

1. Ang tawag sa kaharian nina Don Fernando at Donya Valeriana


a. Albanya b. Berbanya c. Krotona
2. Ang punong tirahan ng Ibong Adarna
a. Piedras Platas b. Piedro de Oro c. Piedras Blanca
3. Ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon
a. Namamatay b. nakakatulog c. naging bato
4. Ang bagay na hiningi ni Don Juan sa ama bago siya umalis sa kaharian
a. Salapi o yaman b. bendisyon c. pagkain at tubig
5. Ang panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana
a. Don Pedro b. Don Juan c. Don Diego
6. Dito sa bundok na ito matatagpuan ang nakadapo na kumikinang na puno ng Piedras Platas
a. Bundok Tabor b. Alemanya c. Berbanya
7. Ilang beses magpalit ng balahibo at umawit ang ibon
a. tatlo b. lima c. pito
8. Ang babae na unang tumambad sa paningin ni Don Juan ng siya ay lumusong sa balon
a. Leonora b. Donya Juana c. Maria

You might also like