Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot .
1.Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa
biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki? A. bi-sexual B. transgender B. Sex C. gender 2. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. A. sex C. gender B. bi-sexual D. transgender 3. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan. A. pang-aabuso C. pagsasamantala B. diskriminasyon D. pananakit 4. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong nang tradisyon sa India at sa iba pang bansa sa Timog Asya. Ang magulang ng babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki.Ang ganitong tradisyon ay ipinagbawal na sa India noong pang 1961. Anong batas ipinatupad kaugnay nito? A. India Penal Code C. Nine-point checklist B. Anti-Dowry Law D. Violence –against Dowry Law 5. Anong bansa ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo? A. South Africa C. Uganda B. Pakistan D. United Arab Emirates 6. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito? A. Kababaihan na may edad 15 pataas B. Kababaihan na walang asawa at mga anak C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae. 7. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian.Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawa at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na: A. bakla C. homosexual B. lesbian D. transgender 8. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang babae at lalaki ay maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli ay: A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento samantalang ang kalalakihan ay dominante at naghahanap ng makakain. C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili, at mahilig sa kuwento. 9. Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. _______ A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. _______ B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos. _______ C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapon. ___ D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan tulad ng Magna Carta of Women. _______ E. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki. A. 1,2,3,4,5 C. 3,2,4,5,1 B. 2,3,4,5,1 D. 4,5,1,3, 2 10. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa. A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago. B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo. C.Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo. D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop. 11. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan. Ano ang tawag dito? A. Babaylan C. Purdah B. Lotus Feet D. Dowry 12. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa. A. Pambubugbog C. Sexual Harassment B. Pangangaliwa ng asawang lalaki D. Sex Trafficking 13. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino.Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’,at ‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances? A. Maralitang tagalunsod C. Magsasaka at manggagawa sa bukid B. Kababaihang Moro at katutubo D. biktima ng karahasan at armadong sigalot 14. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito? A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae. B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa. C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan. 15. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito? A. Pagsunod sakanilang kultura at paniniwala B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan. D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal 16. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “LGBT rights are human rights”Ban Ki –Moon A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao. B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao. C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao. D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao. 17. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin? A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan. B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual. C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin. D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan. 18. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito? 19. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin? A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan. B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual. C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin. D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan. 20. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito? A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan. 21. Ito ang tawag sa mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki. A. Homosexual C. Heterosexual B. asexual D.sexual 22. Ang mga taong nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha A. asexual C. sexal B. Heterosexual D. Homosexual 23. Sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae A. Lesbian C. Bisexual B. Gay D. Asexual 24. Ang mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae A. Lesbian C. Bisexual B. Gay D. Asexual 25. Ang mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian A. Transgender C. Bisexual B. Gay D. Asexual 26. Ang mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian A. Lesbian C. Bisexual B. Transgender D. Asexual 27. kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan A. Transgender C. Bisexual B. Gay D. Asexual 28. Ito ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae. A. Gender C. sexual orientation B. Sex D. gender identity 29. gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. A. Gender C. sexual orientation B. Sex D. gender identity 30. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa. A. Gender C. sexual orientation B. Sex D. gender identity 31. Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak. A. Gender C. sexual orientation B. Sex D. gender identity 32. Ito ay nangangahulugang tao. A. Mudugumur C. Arapesh B. Tchambuli D. Lahat ng nabanggit 33. Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. A. Genital Female Multilation C. Foot Binding B. Female Genital Mutilation D. Wala sa nabanggit 34. Ito ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. A. Anti-Violence Against Women Act C. Anti-Violence Against Women and Their Children Act B. Magna Carta for Women D.Lahat ng nabanggit 35. Ang batas na ipinatupad upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay. A. Magna Carta for Women C. Anti-Violence Against Women and Their Children Act B. Anti-Violence Against Women Act D. Wala sa nabanggit 36. Ito ang tawag sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. A. Women in Especially Difficult Circumstances C. Marginal Women B. Poor women D. Marginalized Women 37. Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong. A. Women in Especially Difficult Circumstances C. Marginal Women B. Poor women D. Marginalized Women 38. Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman. A. Pari C. Babaylan B. Shaman D. Wala sa nabanggit 39. Ito ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. A. Female Genital Mutilation C. Foot Binding B. Women in Especially Difficult Circumstances D. Lahat ng nabanggit 40. GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms Integrity, Leadership and Action) – Isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinaguriang bilang Seven Deadly Sins Against Women. A. Women in Especially Difficult Circumstances C. Womens Association of the Philippines B. Gabriela D. Lahat ng nabanggit 41.Isang inisyal na tumutukoy sa lesbiyan, bakla, bi-sexual, transgender, at mga di tiyak. A. LGBT C.LGBTQ B. LGBD D.Wala sa nabanggit 42. Pagsasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu sa India ng pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging ang hubog ng kanilang katawan. A. Female Genital Mutilation C. Foot Binding B. Women in Especially Difficult Circumstances D. Purdah 43. Queer o Questioning - mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan. A. bi-sexual C.Queer B. asexual D. Lahat ng nabanggit 44. Tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. A. Sex C. Asexual B. Gender D. Transgender 45. Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong . A. Hulyo 18, 2008 C. Hulyo 28, 2008 B. Hulyo 8, 2008 D. Hulyo 7, 2008 46. Anong panahon na ang mga kababaihan ay mas mababa kaysa sa mga kalalakihan? A. Panahon ng mga Español C. Panahon ng mga Amerikano B. Panahon ng mga Hapones D. Lahat ng nabanggit 47. Anong bahagi ng siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae na bumuto? A. Ika-18 siglo C. Ika-20 siglo B. Ika-15 siglo D. Ika-19 siglo 48. Saang rehiyong nagtungo ang mga antropologo upang pag-aralan ang pangkulturangpangkat? A. Sepik Papua New Guinea C. New Guinea B. Sepik Papua D. Lahat ng nabanggit 49. Ito ang panahon na ang mga kababaihan ay kabahagi ng mga kalalakihan sa pakikipaglaban. A. Panahon ng mga Español C. Panahon ng mga Amerikano B. Panahon ng mga Hapones D. Lahat ng nabanggit 50.Sa panahon ng mga hapon ang mga kalalakihan ay nagging katuwang at sa kanilang pamamahala . A. Alipin C. Kaagapay B. Puppet D. Wala sa nabanggit