You are on page 1of 6

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?


A.Paggawa C,Migrasyon
B,Ekonomiya D. Globalissyon

2.Suriin ang dayagram at piliin ang angkop na interpretasyon.


A.Globalisasyon ang susi sa suliraning panlipunan.
B. Globalisayon ang sentro ng suliranin ng pamumuhay ng tao.
C.ng globalisasyon ang aspetong ekonimikal,political at at kultural.
D. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.

3.Ang pagsulpot ng iba’t-ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga local at dayuhang


namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod:
I Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino
II Nagbabago ang dinamiko(oras,Sistema,istruktura) ng paggawa sa maraming
kompanya.
III Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan particular
ang mga call center agents.
IV Binabago ng globalisayon ang lifestyle ng maraming Pilipino.

Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?


A.Nakatutulong ang globalisasyon sa buhay g tao
B. Tumutugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Suliranin lamang ang idudulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Mayroong mabuti at di mabuting epekto ang globalisasyon sa buhay ng tao.

4.Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t-ibang anyo MALIBAN sa,


A.Sikolohikal C.Teknolohikal
B. Ekonomikal D, Sosyo-kultural

5.Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na” binago ng globalisasyon ang
workplace ng mga mangagawang Pilipino”.
A.Pag-angat ng kalidad ng mangagawang Pilipino
B, Pagdagsa ng produktong dayuhan sa Pilipinas
C. Pagdagsa ng mga business process outsourcing sa bansa
D. Paghulog, pagbabayad at pagwiwidrow gamit ang mga Automatic Teller Machine.

6. Bakit itinuturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?


A.Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamaynan.
B.ng masamng epekto sa panlipunang ekonomikal at political na aspeto.
C. Naapektuhan nito ang maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking
industriya,
D. Tuwiran nitong binabago at hinahamon ang mga perennial na institusyon na matagal ng naitatag.

7. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?


A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Makikita sa globalisasyon ang paghihiwalay ng mga bansa sa daigdig.
C.Dahil sa globalisasyon, nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ng
mga bansa.
D. Sa globalisasyon, mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na nagdudulot ng
kapinsalaaan at panganib.
8,Ang kalakalan ay pagpalitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa. Paano napapalawak ang
kalakalang internasyonal at pamumuhunan?
A. Sa pamamagitan ng sistemang kapitalismo C. Sa pamamagitan ng sistemang Pasismo
B. Sa pamamagitan ng sistemang kumunismo D. Sa pamamagitan ng sistemang sosyalismo

9.Isa sa mga anyo ng organisasyong pangnegosyo ay Multinational o Transnational, paano maituturing na


ang negosyo ay isang Multinational?
A. May operasyon ng mga produksiyon at pagbebenta sa ibat’t-ibang bahagi ng daigdig.
B. Hindi ito nagdudulot ng polusyon, aksidente o di makataong Gawain o labor conditions.
C. Pangunahing tagapagsulong ng ekonomikong globalisasyon at neoliberal na polisiya.
D.Maliit ang kita at capital ng mga korporasyong ito kaysa sa maraming bansa sa daigdig.
10. Ang teknolohiya ay tumutukoy sa aplikasyon ng siyentipikong pamamaraan upang mapadali ang
Gawain. Paano ng dulot ng hindi mabuting epekto ang teknolohiya sa kabila ng pagpapabilis nito ng
oras at pagpapalapit nito sa mga malalayong lugar?
A. Lumaganap ang kultura ng pagkahumaling sa pagbili ng material na bagay.
B.Umusbong ang kultura ng karahasan tulad ng kumunismo,hacking,child ponography at cyber
bullying.
C. Naging banta ang dominasyon ng mga Amerikanong industriya ng entertainment at advertising na
unti-untig lumilipol sa mga kultura ng iba’t-ibang komunidad sa mundo.
D.Lahat ng nabanggit

11. Isa sa mga kinahaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang Sistema ng mura at flexible labor. Alin na
mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konseptong ito?
A. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga magagawa sa pagpili ng
kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad
ng malaking pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.
C. Ito ay paraan ng mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mababang pashod at paglilimita sa panahon ng paggwa.
D. Ito ay paraan ng pagpapatupad na palakihin pa ng mga internasyunal na kompanya at kanilang
tax at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mataas na pasahod at walang limitasyon sa panahon
ng paggawa.

12. Mahalaga sa isang manggagawa ang siguridad sa kanilang pinapasukang kompanya, subalit patuloy ang
paglaganap ng iskemang subcontracting. Ano ang iskemang subcontracting?
A. Pag-impleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na
buwan
B. Pagkuha ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas
mahabang panahon.
C.Iskema ng pagkuha ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor ng isang kompanya para sa
pagsasagawa ng isang trabaho o serbisyo.
D. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang
trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

13. Mahalagang maproteksyunan ang kalagayan ng mga mangagawang Pilipino laban sa mababang pasahod
at di-makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho o dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa.
Paano ito maisasakatuparan ng mga mangagawang Pilipino?
A. Pagsagawa ng piket o rally laban sa kompanya at kapitalista.
B.Pagsasabotahe , paninira, o panunuog ng mga planta o kagamitan sa kompanya.
C. Pagboycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena
sa mga ito.
D. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga mangagawa sa mga kapitalismo o may-ari ng kompanya
sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement.
14. Bunsod din ng globalisasyon mas nagiging mabilis din ang pagdating ng mga dayuhang namumuhunan
na mas pinatingkad naman ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhan at local na kompanya at korporasyon
sa bansa. Ano ang tawag sa ganitong uri ng paggawa?
A. Labor-only contracting C. Iskemang subcontracting
B. Contractual Project Based D. Probationary Workers and Learners

15.Sa pagtatayang ginawa ng APEC (2016) kinilala ang Pilipinas bilang isa sa “emerging and developing
countries” sa Asya dahil sa pagyabong ng sector ng serbisyo. Ano ang nagiging suliranin ng isang
developing country?
A. Mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino.
B. Nagiging tambakan ng mga surplus na kagamitan galling sa ibang bansa.
C. Malayang patakaran ng mga mamumuhunan at mga tax incentives na may taripa.
D. Patuloy na pagbaba ng mga bahagdan ng mga small-medium enterprise (SME’s) sa bansa.

16. Isa sa isyung kinakaharap ng ating bansa sa paggawa na kaugnay ng pagdami ng unemployment at
underemployment Alin sa mga sumusunod na dahilan ang pinakawasto?
A. Ang nilikhang trabaho ay para lang sa mga nagsipagtapos sa kolehiyo.
B. Maraming kurso sa mga higher education institution (HEI’s) at kolehiyo.
C. Ang patuloy na pagdami ng job skills sa ating bansa.
D. Pagkakaroon ng job mismatch.

17.Paano nakakaapekto ang mga isyu sa paggawa sa kalagayan ng mga manggagawa sa kasalukuyan?
A. Hindi nakakasabay sa mga college graduate sa demand na kasanayan at kakayahan ng entry
requirement.
B. Hindi tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda ng pagpili ng
mga manggagawa.
C. Patuloy na paglaki ng mga job mismatch sa bansa na maituturing na krisis batay sa ulat ng DOLE
sa kanilang records.
D. Lahat ng nabanggit

18. Ano ang mabuting epekto ng kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino?


A. Pagpapatupad ng iba’t-ibang flexible working arrangements base sa ILO.
B. Naiiwasan ng mga kompanya ang hindi pagbayad ng mga benepisyo ng SSS at iba pa.
C. Hindi na sila kasali sa collective bargaining agreement dahil sa kanilang Gawain ay labor only.
D. Hindi na pinapayagan na sumapi sa alinmang organisasyon o union sapagkat ang kanilang trabaho
ay pansamantala lang ang security at tenure.

19.Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon
ang inilalarawan dito.
I. Maraming mag-aaral na Vietnamese at Koreans ang pumunta sa Pilipinas.
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang
Managers ng mga industriyang nabanggit.

A.Migration transition C. Pemenisasyon ng globalisasyon


B.Globalisasyon ng migrasyon D. Mabilis na paglaki ng globalisasyon

20. Kung ikaw ay naging kalihim ng DOLE, anong programa ang iyong isasakatuparan upang matugunan
ang suliranin sa paggawa?
A. Magkaroon ng mataas na pamantayan sa paggawa.
B. Contractual-project based
C.Tugunan ang job-mismatch
D. Iskemang subcontracting
21. Kapag ang lalaki ang nangingibang bansa upang maghanap buhay, sa iyong palagay bakit hindi ito
gaanong nakakaapekto sa pamilya kapag responsibilidad ang sangkot dito?
A. Patuloy na ginagawa ng babae ang kanyang responsibilidad bilang asawa.
B. Ginagawa ng anak ang mga gawaing iniwan ng ama.
C. Walang responsibilidad ang lalaki sa mga gawaing bahay.
D. Tungkulin ng ama ang maghanapbuhay.

22. Maraming mga Pilipino ang nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa. Ang mga gawaing ito ay
nakabubuti sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga OFW Remittances. Samantala, ano naman ang negatibong
epekto nito sa mga skilled workers na kagaya mo?
A. Pagkakaroon ng maraming balikbayan
B.Lumalaganap ang brain drain
C.Nadaragdagan ang kaalaman ng mga Pilipino
D. Maraming Pilipino amg maeengganyong umalis ng bansa.

23. Katulad ng ibang mga bansa, malaking bilang ng mamamayang Pilipino ay patuloy na nagingibang
bansa upang magtrabaho. Sa iyong palagay, alin ang higit na nakakaimplwensya sa mga Pilipino upang
gawin ito?
A. Pag-aari ng mga dayuhan ang halos lahat ng industriya sa bansa.
B. May mga pagkakataong kumita ng malaki sa paghahanap-buhay sa ibang bansa.
C. Mas kinikilala ang kakayahan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
D. Mas mahusay mag-ingles ang mga Pilipino kaysa mga dayuhan

Matagal ng suliranin ng bansa ang taon-taong mataas na antas ng kawalan ng


hanapbuhay. Hindi maikakaila na isa sa mga solusyon ng ating pamahalaan ay ang pagtutok sa
sector ng serbisyo. Bgaman ang estratehiyang ito ay nakatulong sa ating bansa, itinuturing ng
ilang mga ekonomista na hindi sapat ang umasa ang bansa sa kontribusyon ng sector ng
serbisyo.
Dahil dito, malaking bahagi ng literature ngayon ukol sa paglutas ng suliranin ng
unemployment ay maiuugnay natin sa tungkulin ng pamahalaan na buksan ang ekonomiya ng
bansa sa dayuhang mamumuhunan sa pamamagitan ng pag-alis sa mga restriksyon at malayang
pagpasok ng dayuhang capital at negosyo na inaasahang lilikha ng hanapbuhay sa mga
mamamayang Pilipino.
Gayunpaman, marami rin ang naniniwala sa kasalukuyan na ang pagtatayo o pagsisimula ng
sariling maliit na negosyo o “micro-enterprises” ay makatutulong upang mabawasan ang bilang
ng mga manggagawang naghahanap ng trabaho. Sa ganitong paraan, ang nililikhang negosyo ay
inaasahan ding makapagbibigay ng hanap-buhay sa mga mamamayan ng bansa.

Para sa bilang 24-26. Basahin ang talata sa itaas,pagkatapos sagutin ang sumusunod na tanong.
24. Batay sa artikulo, ano ang paraan upang mabigyang solusyon ang suliraning “unemployment” o kawalan
ng trabaho sa bansa?
A. Mag-aral ng mabuti at upang magkaroon ng maayos na hanapbuhay sa hinaharap.
B. Magtayo ng sariling negosyo.
C. Manghikayat ang pamahalaan ng mga dayuhang mamumuhunan.
D. Mangibang bansa upang magkaroon ng mas magandang oportunidad.
25. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang higit na makapagbibigay ng kalutasan sa suliranin ng kawalan
ng hanapbuhay sa bansa?
A. Bumuo ng sariling negosyo tulad ng “networking”, “buy and sell”, at iba pa.
B. Umalis ng bansa at doon maghanap ng oportunidad ng mas maayos na hanapbuhay
C. Tapusin ang pag-aaral upang magkaroon ng maayos na trabaho sa hinaharap.
D. Paghikayat sa mga dayuhang mamumuhunan sa bansa kasabay ng pagpapalakas ng maliit na
negosyo na “micro-enterprises”.

26. Sa paanong paraan pa mabibigyang solusyon ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay sa bansa?
A. Ipagpatuloy ang “contratualization” at “sub-contractualization” sa mga empleyo.
B. Ipagpatuloy ang paglikha ng disenteng hanapbuhay katuwang ang pribadong sector at mga
dayuhang namumuhunan.
C. Ipagpatuloy ang paglikha ng mga maliliit na negosyo o “micro-enterprises”.
D. Ipagpatuloy ang pangingibang bayan upang makahanap ng mas magandang oportunidad sa
paghahanapbuhay.

Para sa bilang 27-28

Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersyo at industriya ay


nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil ditto, kinakailangang
mapalakas ang pagiging produkto ng natitirang mga lupain sa agrikultura upang
makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon sa bansa.

27. Kung pagbabatayan ang impormasyon sa itaas, paano kaya makaagapay ang sector ng agrikultura sa
suliraning nabanggit?
A. Maghanap muna ng alternatibong maaring pagtamnan tulad ng kabundukan.
B. Bigyang-tugon ang pagpapplano ng pamilya upang hindi na madagdagan ang populasyon ng
bansa.
C. Pagbibigay ng pamahalaan ng prayoridad sa mga “favoured import” sa pandaigdigang pamilihan.
D. Pagtuunan ng pansin ng sector ng agrikultura ang pagtatanim kumpara sa ibang Gawain.

28. Kung ikaw ang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura, ipaliwanag mo kung anong solusyon ang maaari
mong ibigay upang hindi patuloy na mabawasan ang mga lupaing sakahan?
A. Pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan sa mga magsasaka.
B. Pagtatayo ng pribadong kooperatiba.
C. Pag-atas sa mga magsasaka na huwag magbenta ng kanilang lupang sakahan.
D. Pakikipagkasundong pamahalaan sa mga pribadong bangko upang magbigay pautang sa
mababang interes.

29. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga manggagawa,
binago rin nito ang Sistema ng pagpili sa mga manggagawa. Alin dito ang nagpapatunay sa pagbabagong
ito?
A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa
bansa kaya’t kinakailangan ng mga world class workers.
B. Tumaas ang kalidad ng mga loka na produkto sa pandaigdigang pamilihan kaya’t kinakailangang
mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga local na manggagawa.
C.Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinakailangang
pababain ang sweldo ng mga local na manggagawa.
D. Naging Malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang
pagpapasweldo at pangongontrata lamang sa mga local na manggagawa.
30. Maraming mga Pilipino ang nagingibang bansa. Ano ang mahihinuha mo dito?
A. Matugunan ang pangangailangan ng lahat na umaasa sa kanila.
B. Magkaroon ng maraming pera.
C. Ipinapakita lamang na maraming manggagawang Pilipino ang unemployed at underemployed dito
sa ating bansa.
D. Ipinapakita lamang na maraming Pilipino ang naghahangad ng magandang buhay para sa kanilang
pamilya.

Inihanda nina:

MICHELLE S. FALCONIT MARITES C. TORDECILLA ELVIE N. ANTONY


MICVHS – SST-I PGCMNHS- MT-I DNHS- MT-I

LEILA MARIE G. LA TORRE RODA A. FAMADICO DIVINA P. MAGBOO


Leuteboro NHS- MT-I SMNHS MT-I PGCMNHS MT-II

NOTED:

DOMINGO L. MENDOZA Jr. ,Ed.D


Chief, Curriculum Implementation Division

Division Seminar on Test Construction – AP by: Falconit,La Torre,Tordecilla, Antony, Famadico &
Magboo

You might also like