You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF COTABATO
Amas, Kidapawan City
UNANG MARKAHAN
EXIT ASSESSMENT
ARALING PANLIPUNAN 10

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito
sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa Kontemporaryong Isyu?


A. Nagbibigay kalayaan sa tao na tuklasin ang kaniyang sarili.
B. Mga isyung walang epekto sa kabuhayan at kalusugan ng tao.
C. Isyung may malinaw na epekto o impluwensya sa lipunan o sa mga mamamayan.
D. Ang mga isyu na umusbong simula noong pagkadiskubre ng tao hanggang ngayong kasalukuyan.

2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga?
A. Pamahalaan C. Paaralan
B. Pamilya D. Lipunan

3. Saan mang dako sa mundo ay maraming nangyayaring samu’t saring isyu sa araw-araw. Ano ang
pinatutunayan ng pahayag?
A. Balita C. Gender Issues
B. Isyu D. Kontemporaryong Isyu

4. Sa kantang “Anak” ni Freddie Aguilar, anong bahagi ng lipunan ang binibigyang-diin?


A. Lipunan C. Pamilya
B. Pamahalaan D. Paaralan

5. Sa Pilipinas ay mayroong mahigit 182 na lenggwahe ang ginagamit ng iba’t ibang lahi sa lipunan.
Gayunpaman, hindi ito nagiging hadlang sa pagkakaintindihan ng bawat isa dahil ang mga mamamayan ng
Pilipinas ay may iisang ________.
A. Edukasyon C. Pamahiin
B. Kultura D. Pananampalataya

6. Sa halip na mawalan ng pag-asa ay mas lalo pang nagsumikap sa pag-aaral si Arturo hanggang makapagtapos
siya ng isang kurso at naging isa ng ganap na abogado. Ano ang inilalarawan ng pahayag?
A. Kapangyarihan C. Ranko
B. Karapatan D. Achieved Status

7. Saan sa mga sitwawayon ang nagpapakita ng pagkakaiba ng Isyung Personal sa Isyung Panlipunan?
A. Malungkot na ibinalita ni Allan na wala na itong trabahong babalikan sapagkat kasama siya sa
pagbabawas ng trabahador dulot ng pandemya.
B. Sa katatapos na 2022 Election pinag-usapan sa social media at minaliit ng iilan ang kakayanan ni
Robin Padilla sa pagkakapanalo nito bilang senador ng bansa.
C. Binatikos ng mga labor group ang pamahalaan sa kawalan ng aksiyon nito sa tumataas na
unemployment rate ng bansa. Isa nga sa mga apektado ay si Ador na tatlong taon na naghahanap ng
mapagtatrabahuan.
D. Ipinasara ni pangulong Duterte ang Isla ng Boracay sa loob ng 6 buwan para sa rehabilitasyon dahil sa
matinding problema sa polusyon at pagkasira ng kalikasan.

8. Sa iyong palagay, bilang isang mamamayan mahalaga ba na mapabilang ka sa isang social group?
A. Oo, dahil nakatutulong ito sa pag unlad ng pag-uugali ng isang tao.
B. Hindi, dahil nagdudulot ito ng hindi pagkakaunawaan at gulo sa isang organisasyon.
C. Oo, dahil mas nababahagi ng bawat isa ang kaniyang kakayahan para bumuo ng isang ugnayang
panlipunan
D. Hindi, dahil nagdudulot lamang ito ng mga isyu at hamong panlipunan.
9. Mula sa mga suliranin sa solid waste ng bansa, ang pamahalaan ay nagpatupad ng batas para magkaroon ng
legal na batayan at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Anu ang batas na ito?
A. Ecological Solid Waste Management Act of 2003
B. Ecological Solid Waste Management Act of 2002
C. Ecological Solid Waste Management Act of 2001
D. Ecological Solid Waste Management Act of 2000

10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng tamang pagtapon ng basura sa isang komunidad?
A. Maayos na ginagamit ng mga mamamayan sa isang baranggay ang MRF sa bawat tahanan.
B. Nagkaroon ng Municipal –wide Composting at vegetable gardening program.
C. Ang kompanya ng kemikal ay may ginawang sewerage filtering process bago itinatapon ang mga
liquid waste nito.
D. Tambak ang saku-sakong pinaghalong basura sa bakanteng lote dahil sa sira ang sasakyang
tagakolekta ng basura ng Munisipyo.

11. Alin sa mga sumusunod ang mga pangunahing sanhi ng pagkasira ng kalikasan?
A. Fuel wood harvesting at Migrasyon
B. Kaingin Sytem at land conversion
C. Illegal logging at Illegal mining
D. Migrasyon, at mabilis na pagtaas ng populasyon

12. Ang mga nararanasang malalakas na bagyo, malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, tagtuyot, forest fire,
madalas at matagal na kaso ng La Niña at ay mga patunay na nararamdaman na ng Pilipinas ang_______.
A. pagkasira ng likas na yaman
B. climate change
C. solid waste management
D. epekto ng kapaligiran

13. Ito ay isa sa mga NGO na naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at
pangangalaga sa kalikasan at pagsulong ng kapayapaan.
A. Mother Earth Foundation C. Bantay Kalikasan
B. Clean and Green Foundation D. Greenpeace

14. Ano-anong mga aspeto ng lipunan ang naapektuhan ng mga kalamidad na nararanasan sa Pilipinas?
A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan
B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
C. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan
D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura

15. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang HINDI nagdudulot o nagpapalala sa kalamidad?
A. Pagkakalbo ng kagubatan
B. Pagmimina at quarrying
C. Paninirahan sa ligtas na lugar
D. Paninirahan sa paanan ng bulkan

16. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isyung panlipunan?


A. Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay.
B. Ang isyung panlipunan ay karaniwang kumakatawan sa suliraning panlipunan.
C. Ang isyung panlipunan ay nakaaapekto sa malaking bahagi ng lipunan.
D. Lahat ng nabanggit ay wasto tungkol sa isyung panlipunan.

17. Ano ang panganib na dulot ng patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng
konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere?
A.Polusyon sa Yamang Tubig.
B. Pagkasira ng Yamang Lupa
C. Pagkawasak ng Likas na Yaman
D.Pagkakaroon ng Climate Change
18. Ano ang dapat gawin habang may bagyo?
A. Mananatili sa bahay at makikinig sa mga balita sa radyo at telebisyon.
B. Siguraduhing handa ang emergency kit at ibalot ito ng plastic upang hindi mabasa.
C. Ihanda ang de-bateryang radio, flashlight, at ekstrang baterya, kandila at posporo o lighter.
D. Ipagbawal ang paglalaro ng mga bata sa baha dahil marumi ang tubig, lalong-lalo na kung mula sa
kanal.

Para sa bilang 19.


Mayroong mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbang
ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan
ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100, 000 trabaho,
maaaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong
50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaaring ito ay ituring na
isyung panlipunan.

19. Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?
A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.
B. Nakaaaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal
ay nakaaaapekto sa isang tao lamang
C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinakaharap ng isang lipunan.
D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinakaharap ng indibiduwal.

Para sa bilang 20. Basahin ang talata sa ibaba


“Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng
kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay
maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang
produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao.
Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na
nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.”

20. Anong likas na yaman ang tinalakay sa talata?


A. Yamang tubig C. Yamang gubat
B. Yamang lupa D. Yamang mineral

21. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng suliranin sa solid waste?


A. Pagkasira ng Ozone Layer
B. Pagkakalbo ng gubat
C. Pagkakaroon ng polusyon sa hangin
D. Pagbabara ng mga estero

22. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang naglalayong makatulong upang


maibsan ang matindi at masamang epekto ng pagdating ng malakas na bagyo?
A. DSWD C.PAGASA
B.NDRRMC D.PHIVOLCS

Para sa bilang 23, basahin ang talata sa ibaba.


“Ako ay lubos na naghahangad sa pagbabago para sa ating lipunan.
Magtulungan tayong lahat upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin
ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating makita sa mundo.
Sapagkat ang kahirapan ay kakabit na ngating pagkasilang. Dahil kung
nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig
sabihin makakaya rin natin kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam
sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na kabataan ay nais na
maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng
mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na
kaalaman para sa kinabukasan ng ating bayan. Balang araw, tayo ay
magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo habang hindi pa huli ang
lahat. Kung may magagawa ka, simulan mo na. Huwag matakot harapin
ang hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan kung
mismo tayo ay hindi marunong gumawa ng paraan. Kaya para sa mga
kabataang Pinoy, huwag tayong magbulag-bulagan sa mga nagaganap
dahil tayo ang pag-asa ng hinaharap.”
23. Batay sa talata, ano ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong
panlipunan?
A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan.
B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad.
C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan,
D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan.

24. Isang paraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok
sa pag-tukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
A. Public-Private Disaster Risk Reduction Management
B. Community-Based Disaster and Risk Management
C. National Disaster Risk Reduction Management Council
D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Framework

25. Kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.


A. Anthropogenic Hazard C. Resilience
B. Disaster Awareness D. Vulnerability

26. Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay
nahaharap sa isang sakuna o kalamindad sa isang partikular na panahon.
A. Capacity Assessment C. Risk Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment

27. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa ikatlong yugto ng Disaster Management?
A. Damage Assessment C. Needs Assessment
B. Loss Assesment D. Property Assesment

28. Ito ay uri ng hazard na dala ng bagyo, lindol, tsunami, thunderstorm, storm surge at landslide.
A. Anthropogenic Hazard C. Natural Hazard
B. Disaster Hazard D. Risk Hazard

29. Anong uri ng pamamaraan sa paglutas ng mga isyung panlipunan kapag ang pamahalaan ang tagaplano at
ang mga mamamayan ay tagatanggap lamang?
A. Bottom-up approach C. Top-down approach
B. Upside-down approach D. Upper-top approach

30. Anong pamamaraan ang ginagamit kapag ang mamamayan ay nagiging aktibo sa pakikilahok sa paglutas
ng mga isyung panlipunan?
A. Bottom-up approach C. Top-down approach
B. Upside-down approach D. Upper-top approach

31. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga dapat gawin kapag may lindol?
A. DROP, COVER, HOLD C. HOLD, DROP, COVER
B. COVER, DROP, HOLD D. COVER, HOLD, DROP

32. Ilan sa mga Barangay ng lalawigan ng North Cotabato ay apektado ng landslide noong July 5, 2020 na
nagresulta sa pagkasira ng mga pananim ng mga magsasaka ayon sa report ni Edwin Fernandez ng Philippine
News Agency kuha sa https:// www. Pna.gov.ph. Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang maaari mong
gawin upang makatulong sa isyung kinakaharap ng iyong lalawigan?
A. Pananalangin sa Poong Maykapal araw-araw
B. Pagtatanim ng mga punong kawayan sa Asik-Asik Falls
C. Paggamit ng lambat sa pangigisda sa Rio Grande de Mindanao
D. Pagtatapon ng mga basura ayon sa Proper Solid Waste Management

33. Alin sa mga sumusunod na hakbangin at gawain ang nakatuon sa


pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad, istruktura, at mga naantalang
pangunahing serbisyo?

A. Disaster Response
B. Disaster Preparedness
C. Disaster Prevention and Mitigation
D. Disaster Rehabilitation and Recovery
34. Isaayos sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga yugto sa Community-Based Disaster Risk Reduction
Management Plan?
I. Disaster Rehabilitation and Recovery
II. Disaster Response
III. Disaster Preparedness
IV. Disaster Prevention and Mitigation
A. I, II, III, IV C. III, IV, II, I
B. II, IV, III, I D. IV, III, II, I

35. Alin ang HINDI katangian ng top-down approach?


A. Isinusulong CBDRRM o Community-Based Disaster Risk Management
B. Mabagal ang daloy ng impormayon
C. Ang mga NGO ang siyang nangunguna sa pagsasagawa ng pagpaplano
D. Nagmumula sa pamahalaan ang pagpaplano hanggang sa implementasyon

36. Saan nakasentro ang top-down approach?


A. Iba’t ibang sektor C. Pamahalaan
B. Mamamayan D. NGO

37. Ang sumusunod ay tumutukoy sa Disaster Preparedness, MALIBAN


sa_______________.
A. Ang Kitubod High School ay nagkaroon ng earthquake symposium at drill.
B. Ang mga SSG officers ay nagkaroon ng first aid training upang tumugon kung may sakuna.
C. Si Bhrian ay boluntaryong sumama sa pagbigay ng mga pagkain at gamot sa mga nasalanta ng
bagyo.
D. Si Royce ay nanguna sa pakikilahok sa pagsasanay ng mga kabataan sa panahon ng sakuna.

38. May apat na yugto ang Community-Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan, isa sa mga yugto na ito ay ang Disaster Response. Alin sa mga sumusunod ang
tumutukoy dito?
A. Pagsasaayos ng mga nasirang istruktura na dala ng kalamidad.
B. Pagkuha ng mga assessment sa mga bagay na maaring masira dahil sa kalamidad.
C. Pagbibigay ng mga seminar at training sa first aid at mga gagawin kung may kalamidad.
D. Pagbibigay ng mga pisyolohikal na tulong, at iba pang mga pangangailangan ng mga nasalanta.

Para sa bilang 39, suriin ang larawan na nasa ibaba.

39. Ang Manila Bay dolomite sand project ng DENR ay nakakahalaga ng 349 milyong peso at nagbago sa
dating anyo nito na dagat ng basura. Anu ang iyong mahihinuha sa larawan?

A. Mababatid na kapag nagtutulungan ang


pamahalan at ang mga mamamayan ay
magbubunga ito ng magandang kinalabasan para
sa kalikasan.
B. Darating din ang panahon na babalik ito sa
dating marumi at mabahong dagat dahil sa
ningas kugon na pag-uugali ng mga tao.
C. Ang paglalagay ng dolomite sand sa
dalampasigan bilang artipisyal na buhangin ay
maganda at pangmatagalang solusyon.
D. Bunga ito ng determinadong administrasyon ng
pangulo ng bansa sa pagpapatupad ng mga batas.

40. Ang sumusunod ay ginagawa upang maiwasan at mabawasan ang epekto ng kalamidad MALIBAN sa:
A. Geo hazard mapping
B. Gumawa ng mga flood control systems
C. Maglagay ng early warning devices
D. Magtalaga ng mga evacuation centers

You might also like