You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Division of Samar
PAGSANGHAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pagsanghan, Samar

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10


Pangalan:_______________________________Baitang & Seksiyon:_______________Petsa:_________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang pinakatamang sagot. Isulat ang titik sa
sagutang papel.

1. Ano ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng kontemporaryong isyu?


A. Ito ang pag-aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa kasalukuyan
B. Malaking hakbang na nagsusulong sa pagtanggap at pagggalang sa pagkakaiba ng tao
C. Ito ang pag-aaral ng pagbabalik-tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyan ng kahulugan sa kasalukuyan
D. Ito ay ang pag-aaral ng pagbabalik-tanaw sa nakaraang isyu at hamong pangkapaligiran, pang-ekonomiya,
pangkasarian at pampolitika

2. Isyung may kinalaman sa sistema ng pamamahala at pagkakamit at paggamit ng kapangyarihan.


A. Isyung panlipunan C. Isyung pangkapaligiran
B. Isyung pangkalakalan D. Isyung politikal
3. Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari?
I. Nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang.
II. Walang epekto sa lipunan o mamamayan.
III. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.
IV. Nagaganap sa kasalukuyang panahon.
A. I, II, III C. III, IV
B. I, IV D. I, II, III, IV

4. Tumutukoy sa pangmatagalang pag-init ng daigdig mula sa dating antas ng temperature nito tungo sa
kasalukuyang taglay na init ng mundo.
A. Climate change C. Greenhouse effect
B. Global warming D. Heat wave

5. Ang deporestasyon, pagnipis ng ozone layer at pagguho ng lupa ay nagbibigay babala sa kahaharaping mga
suliranin subalit walang gaanong ginawang paraan ang mga tao upang maiwasan ito. Sa mga sumusunod na
suliraning pangkapaligiran, alin ang hindi nararanasan ng bansang Pilipinas?
A. Deforestation C. El Niῆo
B. Desertification D. Soil Erosion

6. Anong ahensiya/departamento ng pamahalaan ang nagbibigay ng ulat-panahon, nagmomonitor ng paparating na


bagyo, at nagbibigay ng mga signal at paala-ala sa mga tao?
A. PAGASA B. PHIVOLCS C. DOTC D. NDRRMC

7. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang
mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.
Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang
pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga
mamamayan na nakasalalay sa sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong likas na yaman ang tinalakay
sa talata?
A. Yamang tubig B. Yamang gubat C. Yamang lupa D. Yamang mineral
8. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas?
A. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
B. Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao
C. Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
D. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno

9. Ano ang tawag sa wastong pangungolekta, paglilipat, pagtatapon o paggamit, at pagmo-monitor ng basura ng
mga tao sa isang tiyak na lugar?
A. waste management C. waste monitoring
B. suliraning pangkapaligiran D. garbage disposal

10. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
A. hazard C. natural hazard
B. disaster D. anthropogenic hazard

11. Ang pinakasentro ng Community Based Disaster Risk Reduction ay ________________.


A. pamahalaan C. mamamayan
B. Non Government Organization D. private sectors

12. Sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya, ang Pilipinas ang inabot ng mas malalang sakuna sa mga nakaraang
taon. Alin sa mga sumusunod na bagyong sumalanta sa Pilipinas na kumitil ng buhay ng higit sa 6,000 katao?
A. Bagyong Hanna C. Bagyong Yolanda
B. Bagyong Pepe D. Bagyong Ondoy

13. Alin ang isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang anomang sakuna kung may lindol?
A. athletic meet C. fire drill
B. earthquake drill D. fun run

14. Ano ang tawag sa dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala, pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy
sa mga kasapi, pamumuno at pagkontrol sa isyung pangkapaligiran?
A. Disaster Management C. Disaster Operation
B. Disaster Mitigation D. Disaster Risk

15. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad.
A. top down approach C. top down and bottom-up approach
B. bottom-up approach D. approaches

16. Kung ang bagyo, tsunami at thunderstorm ay kabilang sa mga natural hazard, alin naman ang nabibilang sa
anthropogenic hazard?
A. landslide C. storm surge
B. lindol D. terorismo

17. Bukod sa pamahalaan, sino pa ang maaaring maging kaagapay nila sa pagbalangkas ng disaster management
plan?
A. mga mamamayan C. mga pribadong sektor
B. mga pampublikong sector D. lahat ng nabanggit

18. Isa sa mga pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management
Framework ay ang pagbuo ng disaster resilient na mga pamayanan. Malaki ang posibilidad na maging disaster
resilient ang mga pamayanan kung maayos na maisagawa ang CBDRRM. Ano ang ibig sabihin ng CBDRRM?
A. Country Based-Disaster and Risk Management
B. Community Based-Disaster and Risk Management
C. Community Based-Disaster and Risk Reduction Management
D. Community Based-Based Disaster and Risk Management
19. Ito ay isang sitwasyon kung saan ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa
pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan.
Anong CBDRRM Approach ang tinutukoy dito?
A. Bottom-up approach C. Top-down and Bottom-up approach
B. Top-down approach D. Approaches

20. Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Hazard Assessment
B. Disaster Response D. Recovery and Rehabilitation

21. Mahalagang malaman ng lahat ng mamamayan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad
kung kaya’t ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain tungkol sa proteksiyon, paghahanda at
pag-iwas sa iba’t ibang uri ng sakuna at hazard ay gampanin ng ikalawang yugto ng DRRM plan o ng Disaster
preparedness. Saang layunin ito nabibilang?
A. to advise B. to announce C. to inform D. to instruct

22. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna o hazard at
kalamidad. Anong yugto ng DRRM Plan ito?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery

23. May tatlong uri ng pagtataya sa disaster response. Alin ang HINDI kabilang?
A. Hazard Assessment C. Needs Assessment
B. Loss Assessment D. Damage Assessment

24. Saang yugto ng DRRM Plan nabibilang ang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon,
suplay ng tubig at kuryente at pagkukumpuni ng bahay?
A. Disaster Prevention and Mitigation C. Disaster Response
B. Disaster Preparedness D. Disaster Rehabilitation and Recovery

25. Bilang isang kabataan na siyang pag-asa ng bayan, paano ka makakatulong sa pamahalaan upang maibsan o
mabawasan man lang ang mga suliraning kinakaharap nito?
A. Iwasang maging bahagi ng mga pangunahing suliraning ito
B. Alamin ang mga suliraning panlipunan
C. Makibahagi sa pagbibigay ng solusyon sa pamayanang kinabibilangan, sa lipunan, sa bansa, at sa mundo
D. Mangatwirang bata pa para mangialam sa problema ng bansa o ng mundo

26. ANALOHIYA: Mother Earth Foundation, Clean and Green Foundation, Bantay Kalikasan, Greenpeace:
______________; Solid waste problem, deforestation, water and air pollution: Suliraning Pangkapaligiran
A. Non Government Organizations C. Business sectors
B. Private sectors D. Local Government Units

27. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa solid waste?
A. manghikayat sa mga kababayan sa pamamagitan ng information campaign drive
B. isagawa sa sariling tahanan ang 3 R’s.
C. isabuhay ang mga natutunan sa paaralan.
D. lahat ng nabanggit
28. ANALOHIYA: bagyo, lindol, tsunami, thunderstorms, storm surge, at landslide: natural hazard; maiitim na
usok mula sa mga sasakyan at mga pabrika, pagsusunog ng basura, pagtatapon ng basura sa kung saan-saan:
________________.
A. Anthropogenic or human-induced hazard C. natural calamities
B. Natural hazard D. man-made
29. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging
handa sa mga kalamidad?
A. dapat may nalalapitang mga malalakas sa pamahalaan lalo na yaong mga nakaupo sa pwesto
B. may transportasyon at komunikasyong handa
C. mag-ipon ng emergency fund
D. maging alerto, magbasa tungkol sa iba’t ibang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad, makibahagi sa anumang
drill na isinasagawa sa pamayanan

30. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin upang maibsan ang suliranin sa kapaligiran?
A. Pagkakanya-kanyang paglilinis
B. Pagsama sa mga welga kontra sa maling pagtatapon ng basura
C. Suporta ng iba’t ibang sektor ng lipunan
D. Pabayaan na lang magkukusang mawawala ang mga suliranin

31. Ang ating bansang Pilipinas ay kilala na isa sa madalas na sinasalanta ng mga kalamidad tulad ng bagyo.
Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong sa mga biktima ng nakakaranas ng ganitong suliranin?
A. Magbasa ng mga pahayagan C. Manood ng telebisyon buong araw
B. Magbigay ng donasyon sa mga nasalanta D. Ipagwalang-bahala ang nagyari sa mga biktima

32. Ang ukay-ukay business ni Charity ay isa sa mga naapektuhan nang magpatupad ang pamahalaan ng Enhance
Community Quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19. Ano kaya sa tingin mo ang maaari niyang
gawin upang kumita ang kanyang negosyo sa gitna ng krisis?
A. Magdesisyon magsara na lamang dahil walang bibili
B. Maglive selling o gumawa ng account sa Shopee/ Lazada
C. Magreklamo sa pamahalaan sa kanilang ipinatupad
D. Magbawas ng mga appliances sa bahay at ibenta

33. Paano makatutulong ang mga mamamayan sa pamamahagi ng kaalaman tungkol sa disaster preparedness?
A. sa pamamagitan ng barangay assembly, pamamahagi ng flyers, pagdidikit ng poster o billboard, mga
patalastas sa telebisyon, radyo, at pahayagan
B. sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa sariling pamilya lamang
C. sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon, babala at pagbibigay ng payo sa mga kakulay sa pulitika o
tinatawag na political color coding
D. wala sa nabanggit

34. ANALOHIYA: Elements at risk, People at risk, at Location of people at risk: _________________; needs
assessment, damage assessment, loss assessment: disaster response
A. Vulnerability assessment C. Hazard assessment
B. Capacity assessment D. Risk Assessment

35. Isa ka sa mga opisyales ng Sangguniang Kabataan, ano ang maitutulong mo upang maging isang aktibong
kasapi ang bawat tinedyer sa CBDRM sa inyong pamayanan?
A. Magsilbing halimbawa para tularan ng kapwa tinedyer.
B. Hayaang mag-enjoy ang kapwa tinedyer sa buhay nila sa katwirang minsan lang maging bata.
C. ang mga matatanda sa pamayanan ang kakausapin hinggil dito.
D. Makikipag-usap sa mga kapwa-opisyales ng Sangguniang Kabataan

36. Pahayag 1: Hinihiling ang tulong ng lahat ng sektor ng lipunan sa pagbuo ng Disaster Management Plan.
Pahayag 2: Sa pamahalaan, nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging disaster- resilient ang buong
bansa.
A. Tama ang pahayag 1, Mali ang pahayag 2 C. Parehong tama ang mga pahayag
B. Mali ang pahayag 1, Tama ang pahayag 2 D. Parehong mali ang mga pahayag
37. Bakit mahalagang malaman ng mag-aaral ang kanyang gampanin sa mga suliraning panlipunan?
A. Sapagkat tungkulin nila ito sa ating bansa
B. Upang maiba naman ang kanilang gawain
C. Dahil nararapat lang na alam ng bawat isa ang kaniya-kaniyang gampanin.
D. Dahil bahagi ito ng ating buhay at kailangang sumabay sa agos

38. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga
suliraning pangkapaligiran
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning
pangkapaligiran nito

39. Ayon kina Abarquez at Zubair, mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan sa CBDRM Approach dahil
sila ang may posibilidad na makaranas ng mga epekto at hazard. Bakit isinasagawa ang Community Based –
Disaster and Risk Management?
A. Upang mabawasan ang epekto ng hazard at kalamidad
B. Upang maging handa ang komunidad at upang maiwasan ang pinsala sa buhay at ari-arian
C. Upang maligtas ang maraming buhay at ari-arian kung ang pamayanan ay may maayos na plano.
D. Mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga suliraning dulot ng hazard at kalamidad kung ang
lahat ng sektor ay may organisadong plano.

40. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement kung saan nakapaloob ang collaboration with
community and stakeholder?
A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo.
B. Malaki ang posibilidad na maging tagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan.
C. Mas magiging kumprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor.
D. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mga mamamayan.

Inihanda ni:

MAGGIE M. GALE
Guro sa Aral. Pan. 10

“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”


MGA KASAGUTAN:

1. A
2. B
3. C
4. B
5. B
6. A
7. B
8. A
9. A
10. A
11. C
12. C
13. B
14. A
15. B
16. D
17. D
18. C
19. D
20. A
21. C
22. B
23. A
24. D
25. C
26. A
27. D
28. A
29. D
30. A
31. B
32. B
33. A
34. D
35. A
36. A
37. C
38. B
39. D
40. C

You might also like