You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
CABOTONAN HIGH SCHOOL
Omalo, Lagonoy, Camarines Sur
S/Y 2022-2023

ARALING PANLIPUNAN 10
Ikalawang Pamanahunang Pagsusulit

Pangalan:___________________________________ Seksyon:_________________ Iskor

I. MULTIPLE CHOICE
PANUTO: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?


a. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
b. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
c. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa buong mundo
d. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa
mundo.
2. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
a. Ekonomikal c. Teknolohikal
b. Sosyo-kultural d. Sikolohikal
3. Sa iyong palagay, ano ang maituturing na pinakamalalang problemang kinakaharap sa ekonomiya ng
Pilipinas?
a. Pagdami ng krimen sa bansa
b. Unemployment o kawalan ng trabaho
c. Pagdami ng kaso ng HIV sa bansa
d. Problema sa droga
4. Totoo nga ba na ang ang globalisasyon ay nakabatay sa pang-aabuso?
a. Hindi, dahil napalawak ang pagkakataong binibigay at nakukuha sa kalakalan ng mga mamumuhunan
at manggagawa.
b. Siguro, dahil marami ngayon ang naabusong manggagawang Pilipino.
c. Oo, dahil marami ang nag-iisip na ang mga namumuhunan ay umunlad dahil sa pagbangon nito mula
sa pang-aabuso ng iba.
d. Oo, dahil ang paraan lamang na yumaman ka ay ang pagkuha ng pagmamay-ari ng iba.
5. Ang mayayamang kapitalista ng mga bansa ay patuloy na nagsusulong ng pandaigdigang malayang
kalakalan bilang isang paraan ng pagdaragdag ng kanilang sariling kayamanan at impluwensya. Maiuugnay
ito sa anong dahilan ng globalisasyon?
a. Kasunduan sa malayang kalakalan
b. Napabuti at napaunlad ang transportasyon
c. Napabuti at napabilis ang komunikasyon
d. Pagdami ng Multinational Corporations
6. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?
a. Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
b. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na aspekto.
c. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking
industriya.
d. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na
matagal nang naitatag.
7. Marami ang nagiging kakompetensiya sa kalakalan ng mga maliit na negosyante dahil sa globalisasyon.
Bilang isang kawani ng pamahalaan, ano ang maimumungkahi mo para matulungan sila?
a. Gumawa ng programang maglalaan ng karagdagang pondo upang makasabay sa mga dayuhang
namumuhunan.
b. Gumawa ng anunsiyo na hayaan na lamang magnegosyo ang mga dayuhan sa kanilang lugar.
c. Hayaan silang magbenta kahit saan nila gusto.
d. Huwag magbayad ng buwis upang lumaki ang kita sa negosyo.
8. Bakit mahalaga ang pagbabagong dala ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao sa buong mundo?
a. Kakaunting trabaho ang ibinibigay nito sa mahihirap na bansa.
b. Maraming magsasaka ang nalugi sa pagbebenta ng kanilang produkto.
c. Naging malaya ang pagdaloy ng kapital, salapi, kalakal at kultura mula at papunta sa iba’t ibang
destinasyon.
d. Naging tambakan ng langis na produkto ang mga industryalisadong bansa.
9. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang
namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod:

I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.


II. Nabago ang dinomiko (oras, sistema, instruktura) ng paggawa sa maraming kompanya at naapektuhan
ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga Call Center Agents.
III. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.

Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?


a. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
b. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
c. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
d. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
10. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Alin sa
mga sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino?
a. Jolibee c. Unilab
b. McDonalds d. San Miguel Corporation
11. Sa iyong palagay, sa anong aspeto ng globalisasyon ang mabilis na lumaganap sa buong daigdig?
a. Pangkultura c. Pang-sikolohikal
b. Pang-ekonomiya d. Pampulitika
12. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pinakaangkop na pahayag tungkol sa globalisasyon?
a. Mabuting epekto lamang ang dulot ng globalisasyon.
b. Suliranin ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
c. Nakakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
d. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng iilang tao lamang.
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pangunahing puna ng mga tumututol sa globalisasyon?
a. Matutulungan ng mauunlad na bansa ang mahihirap na bansa.
b. Magiging sunud-sunuran ang mahihirap na bansa sa mauunlad na bansa.
c. Lulutasin nito ang problema ng kahirapan sa daigdig.
d. Higit na magpapalala sa malaking agwat sa pagitan ng mahihirap at mayayamang bansa.
14. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
a. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga
bansa.
b. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
c. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
d. Dahil sa globalisasyon, mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng
kapinsalaan.
15. Maituturing ito na mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa, samahang rehiyunal at maging
pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
a. Ekonomikal c. Politikal
b. Teknolohikal d. Kultural
16. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa epekto ng globalisasyong ekonomikal?
a. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.
b. Naapektuhan ang kalusugan ng manggagawang namamasukan sa mga call centers.
c. Nagkaroon ng limitadong trabaho ang mga Pilipino.
d. Nagkaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa.
17. Ano ang positibong ipinapahiwatig ng larawan sa ibaba sa ekonomiya ng ating bansa?
a. Maraming tao ang nakararating sa iba’t ibang bansa.
b. Maraming produktong banyaga ang nakararating sa iba’t ibang bansa.
c. Maraming klaseng polusyon ang nangyayari sa iba’t ibang sulok ng mundo.
d. Maraming pamilya ang nawawalay sa isa’t-isa.
18. Ang ating pangulo ay nagnanais na paigtingin ang agrikultura ng ating bansa upang makasabay sa mga
hamon ng globalisasyon. Ikaw ay isang kawani ng Department of Agriculture, ano ang maaari mong
maimungkahi sa Pangulo upang mapaunlad ang ating agrikultura?
a. Mamahagi ng lupa sa mga magsasaka upang lumaki ang kita nila.
b. Bigyan ng iba pang hanapbuhay ang mga masasaka upang magkaroon sila ng sapat na kita para sa
kanilang kabuhayan.
c. Pag-aralin ang mga magsasaka upang lumawak ang kanilang kaalaman sa pagsasaka.
d. Magkaroon ng pangmatagalang programa para sa magsasaka na nagbibigay sa kanila ng pondo
upang makabili ng sapat na pataba, butil at makabagong teknolohiya upang maparami ang kanilang
ani.
19. Ang ahensya ng pamahalaan na nagbabalangkas at nangangasiwa sa iba’t ibang patakaran at programang
nauukol sa paggawa.
a. DPWH c. DepED
b. DOLE d. POEA
20. Ang sektor ng ekonomiya na pinakamalaking tagapagtustos ng trabaho o employment.
a. Sektor ng Agrikultura c. Sektor ng Serbisyo
b. Sektor ng NGOs d. Impormal na sector
21. Marami sa mga pamilya ng OFW ay nakakaranas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa
pagkawasak nito. Paano kaya sila matutulungan?
a. Bigyan sila ng load pantawag sa kanilang kaanak.
b. Bigyan sila ng kunting ayuda.
c. Makisimpatya sa kanila.
d. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila.
22. Sa pagtatayang isinagawa ng APEC (2016) kinilala ang Pilipinas bilang isa sa “emerging and developing
countries” sa Asya dahil sa pagyabong ng sektor ng serbisyo. Ano ang nagiging suliranin ng isang developing
country?
a. Patuloy ang pagbaba ng mga bahagdan ng mga small-medium enterprises (SMEs) sa bansa
b. Nagiging tambakan ng mga surplus na kagamitan galing sa ibang bansa.
c. Hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado
d. Hindi malayang patakaran ng mga mamumuhunan
23. Ang sektor na ito ay masasabing may pinakamalaking bahagdan na maraming naempleyong manggagawa sa
loob ng nakalipas na sampung taon (DOLE, 2006-2016). Ang paglaki ng porsyento o bilang ng mga
manggagawa sa sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilipino.
a. Sektor ng Agrikultura
b. Sektor ng Industriya
c. Sektor ng Serbisyo
d. Impormal na sector
24. Ang mga sumusunod ay mga kalagayan ng manggagawa sa lakas ng paggawa sa bansa maliban sa isa. Ano
ito?
a. Lubusan naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga
dayuhang produkto sa bansa.
b. Ang mga lokal na magsasaka ay hindi nakakaranas ng kakulangan sa mga patubig at suporta ng
pamahalaan sa pagbibigay ayuda.
c. Pagkasira ng biodiversity, kakulangan sa mga sakahan, dumagsa ang mga nawalan ng hanapbuhay
sa mga pook rural, nawasak ang mabubuting lupa na mainam sanang taniman.
d. Mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga manggagawa sa BPO.
25. Ito ay pangunahing dahilan ng pangingibang bansa ng mga Pilipino.
a. Makapaghanap-buhay na may mataas na sahod.
b. Makapagbisita at makapaglibang sa mga makasaysayang pook.
c. Makapag-aral sa mga tanyag na unibersidad sa ibang bansa.
d. Matuto ng makabagong kasanayan at kakayahan.
26. Karamihan sa mga industriya na may kaugnayan sa konstruksiyon, beverages, mining at enerhiya ay
pagmamay-ari ng ibang bansa. Bunsod nito, ang mga pamantayan sa pagpili, pagtanggap at pasahod sa
manggagawa ay ayon sa kanilang pamantayan at polisiya. Ano ang implikasyon nito sa mga manggagawang
Pilipino?
a. Ang mga batas at polisiya ng mga dayuhang kompanya ay taliwas sa patakaran ng ating pamahalaan
b. Nagdulot ito ng maikling oras ng pagtatrabaho ng mga manggagawa
c. Nagdulot ito ng iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng
mababang pasahod
d. Tumaas ang kanilang kita dahil dolyar ang ibinayad sa kanila
27. Ano sa iyong palagay ang ugat ng unemployment sa ating bansa?
a. Kaunti lamang ang nalilikhang trabaho taun-taon at nagbago ang mga kakailanganing kasanayan ng
mga kompanya
b. Mabagal magtrabaho ang mga Pilipino at sila ay walang kasanayang teknikal at bokasyonal
c. Malaking bahagdan ng populasyon ng bansa ay mga bata, matatanda at mga ina
d. Maraming Pilipino ang hindi marunong bumasa at sumulat
28. Bakit nangyayari sa bansa ang paglaki ng unemployment at underemployment na sanhi rin ng paglaki ng
bilang ng job-mismatch?
a. Hindi makasabay ang mga college graduates sa demand na kasanayan at kakayahan na entry
requirement ng mga kompanya
b. Ang mga kursong pinili ng mga mag-aaral ay taliwas sa kanilang interes at kakayahan
c. Dahil sa kulang ang kaalaman ng mga nagtapos sa kolehiyo batay sa itinakda ng kompanya
d. Dahil sa kakulangan sa iba’t ibang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino
29. Bakit tinututulan ng marami ang sistemang kontraktuwalisasyon?
a. Dahil nakukuha lamang ng mga manggagawa ang sahod pagkatapos ng kanilang kontrata.
b. Dahil nababawasan ang oras ng pagtatrabaho.
c. Dahil hindi nakukuha ng mga manggagawa ang mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng
mga regular.
d. Dahil sagabal ito sa pag-unlad ng bansa.
30. Isa sa mga naidulot ng globalisasyon ay pagtaas ng demand ng bansa para sa iba’t ibang kasanayan sa
paggawa na globally standard. Paano ito tinutugunan ng ating bansa?
a. Pagdaragdag ng mga asignatura sa sekondarya na may kinalaman sa kalakalan at
pagmamanupaktura.
b. Pagtatayo ng mga paaralan na maglilinang sa mga mag-aaral upang maging globally competitive.
c. Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education at lilinangin sa mga mag-aaral ang mga
kasanayan na pang ika-21 siglo upang sila ay maging globally competitive.
d. Pagdaragdag ng sampung taon sa basic education ng mga mag-aaral.

II. Panuto: Ang sumusunod na pahayag ay ang mga Epekto ng Globalisasyon. Tukuyin kung saang
Dimensyon ng Globalisasyon ito nakaka apekto: Ekonomikal, Teknolohikal, Kultural, Politikal. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

MABUTING EPEKTO NG GLOBALISASYON

31. Malaki ang nagagawa ng globalisasyon kung pambansang seguridad ang pag-uusapan.
Nakakatulong ito upang maiwasan ang mga pag-aawayan sa pagitan ng mga bansa maging ang
di-pagkakasundo-sundo ng mga ito.

32. Nagkakaroon ng higit na maraming bilang ng mga hanapbuhay na maaaring mapasukan dahil sa
pag-usbong ng maraming korporasyon sa mga bansa.

33. Pagpapabilis ng komunikasyon, trabaho o transaksyon ng mga tao at bansa gamit ang mobile
phones, kompyuter at social media.

34. Ang relihiyon ay isa sa mga pinakaunang naapektuhan ng globalisasyon na kung saan ito ay
kumalat o lumawak sa pamamagitan ng migrasyon, imperyalismo at pangangalakal.

35. Mabilis na pagtaas ng cross-border movement para sa mga kalakal, serbisyo, teknolohiya at
kapital. Dulot din nito ang pagkakaroon ng malayang kalakalan ng mga bansa.
DI-MABUTING EPEKTO NG GLOBALISASYON

36. Nabawasan ang pagtangkilik ng sariling kultura dahil mas niyayakap ang mga banyagang kultura.

37. Sa aspeto ng pambansang seguridad, ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang
internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng karahasan.

38. Nagiging sagabal minsan ang kasunduan kung ang isang bansa ay nakakaroon ng pansariling
interes. Ang mga bansang lumagda sa kasunduan ay di-maaaring sumuway mula sa napag-
usapan, tila higit ang kapangyarihan ng isang samahan kaysa bansang kasapi nito.

39. Pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng mga
multinational corporations na may malalaking puhunan laban sa mga lokal na namumuhunan
sapagkat malaki ang impluwensya nila sa mga polisiya na ipinapatupad ng pamahalaan.

40. Dahil higit na maraming produkto ang nililikha, higit na maraming hilaw na sangkap ang kinukuha
na kadalasang nauuwi sa pagkawasak ng kapaligiran. Ang pagkawasak na ito ng kapaligiran ay
nauuwi sa problema ukol sa suplay ng tubig at pagkain.

III. PAGTAMBALIN

Panuto: Hanapin sa hanay B ang tinutukoy ng bawat pahayag sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

41. Kalagayan ng isang manggagawa na may a. Mura at Flexible Labor


kasalukuyang trabaho ngunit hindi sapat ang
kinikita at hindi tugma ang kanyang kasanayan b. Kawalan ng Seguridad sa
at tinapos na kurso sa kolehiyo. pinapasukang kompanya

42. Kalagayan ng isang indibidwal na kasalukuyang c. Unemployment


walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng
trabaho. d. Job-mismatch

43. Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o e. Kontraktuwalisasyon


namumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita
at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
mababang pasahod at paglimita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa.

44. Kalagayan ng manggagawa na kung saan mayroon


lamang limitadong panahon ng pagtatrabaho sa isang
kompanya at hindi sila binabayaran ng mga benepisyong
ayon sa batas na tinatamasa ng mga manggagawang
regular.

45. Kaakibat nito ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa


karapatan ng mga manggagawa tulad ng mahabang
pagpasok sa trabaho, mababang pasahod, hindi pantay
na oportunidad sa pagpili ng empleyado para sa mga
manggagawang Pilipino.
IV. PILIIN SA KAHON

Panuto: Tukuyin ang mga Batas na nagangalaga sa mga karapatan ng mga manggagawang Pilipino base sa
ipinapahayag sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat sa sagutang papel.

Batas Republika Blg. 1131 Batas Republika Blg. 1052

Batas Republika Blg. 1933 Batas Republika Blg. 679

Batas Republika Blg. 772

46. Batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga manggagawa


47. Batas na nagtatakda na pagkalooban ng maternity leave
48. Batas na nagtatadhana ng patakaran ukol sa pagkatanggal ng mga manggagawa
49. Batas na nagbabawal sa pagtanggap ng manggagawa na wala pang 18 taong gulang
50. Batas na nagtatakda ng pagbabayad sa mga manggagawa na napinsala sa oras ng trabaho

Prepared by: Reviewed by:

SHANE B. BARRANDA GENEROSA N. MORENO


Subject Teacher School Head

You might also like