You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Caraga Administrative Region


DEPARTMENT OF EDUCATION
Division of Surigao del Sur
BIGAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bigaan, HInatuan Surigao del Sur

MASUSING BANGHAY ARALIN SA


ARALING PANLIPUNAN – EKONOMIKS 9

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
 Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonoiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng
kapwa mamamayan tungo sa pambanang kaunlaran.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
 Ang mag-aaral ay nakapagmungkahi ng mga pamamaraan kung papaanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
o Nalalaman ang kahulugan ng bahay-kalakal at sambahayan at pati ang gawaing
nito.
o Nauunawan at nalalaman ang paikot na daloy ng siklo ng ekonomiya at ang
kahalagahan nito sa bansa.
o Nabibigyang-halaga ang importansya ng pagiimpok at pamumuhunan gayundin
ang mga suliraning maari nitong kaharapin
o Naiuugnay ang palabas at papasol sa paikot na daloy ng siklo ng ekonomiya.
II. PAKSANG TATALAKAYIN:
A. Paksa: Yunit 3: Aralin 1 Ang paikot na daloy ng Siklo ng Ekonomiya
B. Pahina: 231-242
C. Sanggunian Aklat: Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa mga Mag-
aaral.
D. Mga Materyales: Laptop, LCD Projector, Manila papers, marker.
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati
Magandang Hapon mga Bata! Magandang Hapon din Po Maam Plaza!
c. Pagtatakda ng liban sa klase
(Meron po maam/Wala po maam)
May lumiban ba sa klase ng araw
na ito?

d. Balik-Aral
Malinaw na ba sa inyo ang
naging talakayan nating noong
nakaraan araw ukol sa Sistema ng Opo!
pamilihan?

Kung gayon ano ba ang pamilihan Ito po ang uri ng pamilihan na maari ang
may kompetisyong ganap? mamimili, nagbibili ay may magkatulad na
produkto tulad ng sari-sari store.

Magaling! Sa di-ganap na
kompetisyon, ano ang monopolyo? Ito po ang uri ng pamilihan na iisa ang nagbibili
ng produkto tulad ng SURSECO.

MAHUSAY!

Ano naman ang Oligopolyo? Ito po ay kakaunti lamang na prodyuser subalit


ang bawat isa ay nagpoproduce ng malaking
bahagi tulad ng mga gasolinahan.

Ano naman ang kompetisyong Ito ay ang katamtamang dami ng mga


monopolistiko? prodyuser at konsyumer sa industriya tulad ng
soft drinks.
Mahusay mga Bata!

B. Pagpapahayag
Bago natin pormal na simulan
ang ating susunod na aralin. Tayo ay
maglalaro muna. Hahatiin ang klase sa
dalawang grupo at dapat ay inyong
masagutang ang mga katanungang
nasa manila paper sa loob lamang ng
tatlong minuto. Ang grupo ay
magtatalaga ng isang reporter.

Unang Grupo
1. Ito ang mga nangngasiwa at
nagpapatakbo ng mga salik ng
produksiyon upang gawing mga yaring
produkto o serbisyo.
2. Ito ang pamilihan ng mga kasama sa
pagbuo ng produkto at serbisyo o mga
salik ng produksiyon.
3. Tawag sa balanseng takbo ng
ekonomiya na kung saan
magkasinghalaga ang daloy ng siklo
palabas man o papasok.
4. Tawag sa patuloy na pagtaas ng
halaga ng bilihin na nagdudulot ng
pagbaba ng halaga ng salapi

Mga Sagot:
1. Bahay-Kalakal
2. Pamilihan ng kabuo
3. Ekwilibriyo ng Ekonomiya
4. Implasyon

Ikalawang Grupo
1. Ito ang pinagmumulan at nagmamay-
ari ng mga sangkap o salik ng
produksiyon.
2. Tawag sa kabuoang panghihina ng
mga industriya o ang pagbagal ng mga
economic activity na maaring
magdulot sa pagbabawas ng mga
mangagawa o pagkalugi o pagsara ng
mga negosyo.
3. Pamilihan ng mga nabuong produkto.
4. Tawag sa bahagi mg kita ng
manggagawa o ng pamahalaan na
itinatabi upang magamit sa mga
pangangailangan sa hinaharap o sa
hindi inaasahang pangyayari.
Mga Sagot
1. Sambahayan
2. Resesyon
3. Pamilihan ng Nabuo
4. Impok

Magaling! Bigyan ng Palakapak ang inyong


mga sarili.
Ang tatalakayin sa araw na ito ay ang
paikot na daloy ng siklo ng ekonomiya. Sa ating
ginawang aktibiti kanina, ano sa inyong
palagay ang 2 sektor ng ekonomiya na siyang
makinang ginagamit sa pagtugonsa mga
pangangailngan. Bahay-kalakal at Sambahayan

Sa kabilang banda ano nga ba ulit ang Ito po ang nangangasiwa at nagpatakbo ng
ibig sabihin ng bahay-kalakal? mga salik ng produksiyon upang gawing mga
yaring produkto o serbisyo.

Tama!
Anu-ano naman ang kabilang sa Ito po ang ay ang kapital na produkto, lupa at
pamilihan ng kabuo? paggawa.

Tama!

Ano naman ang sambahayan? Ito po ang pinagmulan at nagmamay-ari ng


mga sangkap o salik ng produksiyon.
Mahusay!
Matapos natin malaman kung ano nga
ba ang gampanin ng sambahayan at bahay-
kalakal na pangunahing sector sa siklo, alamin
naman natin ang dalawang uri ng pamilihan
umiiral sa pambansang uri ng ekonomiya.

Ano ang unang uri ng pamilihan? Ang unang uri ng pamilihan ay ang pamilihan
ng mga salik ng produksiyon o factor markets o
pamilihan ng kabuo.
Tama!
Ano naman ang ikalawang uri ng Ang ikalawang uri ng pamilihan ay ang
pamilihan? pamilihan ng mga tapos ng produkto o
commodity market o pamilihan ng nabuo.
Mahusay!
Upang ipakita ang ugnayan ng
sambahayan at bahay-kalakal, halina at pag-
aralan natin ang modelo. Ano kaya ang
pahiwatig ng linyang pakaliwa?

Mahusay!
Sa kabilang dako nmana sa paanong Ipinapakita lamang po nito ang proseso ng
paraan ito nangyayari? pagbebenta ng bawat sekto sa isa’t isa.
Ang sambahayan po ang nag mamay-ari ng
mga hilaw na materyales at pinagmumulan ng
lakas paggawa na kinakilanangan para sa
isang operasyon kaya ito ay pupunta pamilihan
ng kabuo upang ipagbili o pumasok para sa
isang trabaho at dahil kailangan ito sa paglikha
ng kabuo/produkto, bibilhin nito at mapupunta
sa bahay-kalakal.
Magaling!

Ano naman ang ipinapikta sa linyang


pakanan? Ipinapakita po nito ang pagkunsumo o
paggastos ng bawat sector sa mga produkto o
serbisyo.
Paano naman ito mangyayari?
Mula po sa bahay-kalakal ang pagbabayad ng
salik ng produksion ang magiging kita ng
sambahayan tulad ng sahod (paggawa), upa
(lupa) at interes at tubo (capital).
Mahusay!

Naintindihan ba ang ating talakayan? Opo

Kung gayon ay dumako naman tayo sa


paglabas at pagpasok sa daloy ng, siklo. Ano
ba ang tinutukoy na paglabas-papasok sa
daloy ng siklo? Ito po ay ang pag-iimpok o pamumuhunan

Tama!
Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok Mahalaga po ito para sa akin dahil mayroon po
sa inyo bilang mag-aaral? akong makukuhang pera sa oras ng aking
pangangailangan.

Para sa iyon sa anong paraan ka dapat


mag-impok? Sa bangko po dahil nakakatulong tayo sa ating
ekonomiya.
TAMA!
Halos pareho lang naman dalawang
siklo ang kaibahan lamang ng isa nagkaroon
ng tinatawag na pag-iimpok na siyang
makakatulong upang punan ang mga hindi
inaasahang pangyayari tulad ng pagkalugi o
aksidente.

C. Paglalagom
Bakit mahalagang maunawaan ang
siklo sa daloy ng mga produkto o
serbisyo sa ekonomiya?

D. Paglalapat
Panuto: bumuo ng 4 na pangkat sa
klase ang bawat pangkat ay gagawa
ng kanilang daloy ng siklo sa mga
sumusnod na produkto
Unang grupo- SAPATOS
Ikalawang grupo- BAG
Pangatlong Grupo – DAMIT
Pang-apat na Grupo- LIBRO

Ipakita ang modelo sa Manila paper, at


iulat ito sa boung klase.
Ang mga grupo ay mamarkahan base sa mga
sumusunod.
 Pagkamalikahain - 15%
 Pagkamalinis - 15%
 Pagtutulungan - 20%
 Pagpapaliwanag - 50%
Kabuuan 100%
IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang tama o mali.
Tukuyin kung tama o mali ang bawat pangungusap.
1. Ang sambahayan ang may kakayahang lumikha ng produkto.
2. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahan lumikha ng produkto.
3. Sa unang modelo ay naglalarawan mg simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-
kalakal ay iisa.
4. Ekwilibriyo sa ekonomiya ang tawag sa balanseng takbo ng ekponomiya na kung saan
magkasing halaga ang daloy ng siklo, palabas man o papasok.
5. Ang makroekonomiks ay ang pag-aaral sa kabuuang ekonomiya.
Mga Sagot:
1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Tama
V. KASUNDUAN
 Basahin at pag-aralan ang ikatlong modelo ang pamahalaan at pamilihang pinansiyal
salik ng produksiyon, kalakal at paglilingkod.
 Alamin ang gampanin ng Buwis sa siklo.

You might also like