You are on page 1of 3

Notre Dame of Jaro Inc.

Msgr. Lino Gonzaga St. Jaro, Leyte


GABAY NG MAG-AARAL
ARALING PANLIPUNAN 10- NOTRE DAME & SACRED HEART

Yunit: 2 Ipinasa Kay:


Markahan: Ikalawang Markahan
Ipinasa ni: Bb. Quennie Abegail Z. Artoza Gng. Elvira M. Idano
Guro sa Araling Panlipunan Academic Coordinator

KABANATA 3 Mga Isyung Ekonomiko


MGA GAWAIN
DAY 1
MGA GAWAIN (ACTIVITY)
1. Mananalangin muna bago magsimula ang klase.
2. Magsisimula ang klase sa pamamagitan ng paglalahad ng ekspektasyon. Pagpapaliwanag sa pangkalahatang paksa,
gabay sa pangkabuoang tanong, mga kaalaman at kasanayan na dapat malinang, paraan ng pagtataya at
inaasahang bunga ng pagkatuto, at daloy ng aralin.
3. Hahatiin ang mag-aaral sa limang pangkat para sa paunang gawain na kanilang gagawin.
4. Ipapagawa sa mga mag-aaral ang Tuklasin ang Paunang Kaalaman sa Aralin, aktibidad 1.2.5.1 at sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa pahina 185-186, at Aktibidad 2.3.7.1 sa pahina 202 (pangkatang gawain)
5. Pagkatapos sagutan ang mga tanong ng bawat pangkat pipili ang guro ng mag-uulat sa harapan upang siya ang
mga ulat sa kung ano ang kanilang napag-usapan sa grupo.
DAY 2 at 3
PAGSUSURI (ANALYSIS)
6. Tatalakayin ang “Konsepto ng Unemployment”, “Mga Sanhi at Dahilan ng Unemployment” at “Implikasyon ng
Unemployment”. (Interactive Lecture Discussion with Recitation)
Mga Gabay na Tanong:
1
o Paano nagkakaroon ng unemployment?
o Ano-ano ang sanhi at dahilan ng unemployment?
o Sino-sino ang itinuturing na unemployed persons sa populasyon ng bansa?
o Maari bang makamit ng isang bansa ang full employment o zero unemployment?
o Ano-ano ang mga uri ng unemployment?
o Bakit kaya naging malawakan at napakabigat ng suliranin sa unemployment sa Pilipinas?
o Paano nakakaapekto ang unemployment sa pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?
7. Ipapasagot ang Pag-isipan sa pahina 198 ng aklat maari itong gawing recitation.
8. Ipapagawa ang Pagsusuri sa dokumento, Aktibidad 1.2.5.2 sa pahina 191-193. Maaari din itong gawing pangkatang
gawain.
9. Tatalakayin ang Konsepto ng Globalisasyon, Maikling kasanayan sa Globalisasyon.
Mga Gabay na Tanong:
o Ano ang kahulugan ng Globalisasyon?
o Paano naging isyu ang usapin ng globalisasyon?
o Paano nagsimula at nahubog ang konsepto ng globalisasyon?
DAY 4 at 5
PAGHAHALAW (ABSTRACTION)
10. Tatalakayin ang Bahaging Ginagampanan ng mga Intergovernmental Orgzanizations (IGO’s) at Pandaigdigang
Kasunduan sa Globalisasyon, Bahaging Ginagampanan ng mga Transnational Corporation sa Globalisasyon at Ang
Bahaging Ginagampanan ng Nongovernmental Organizations sa Globalisasyon.
Mga Gabay na Tanong:
o Ano ang bahaging ginagampanan ng IGO’s at pandaigdigang kasunduan ng globalisasyon?
o Maituturing bang instrumento ang mga makapangyarihang bansa partikular ang United States ang mga IGO’s at
pandaigdigang kasunduan para mapairal ang hegemony nito sa buong daigdig?
o Ano ang bahaging ginagampanan ng TNC’s sa isyu ng globalisasyon?
o Nakabubuti o nakakasama ba ang presensiya ng TNCs sa isang bansa? Bakit oo at hindi?
o Ano ang mga NGO?
o Ano ang bahaging ginagampanan nito sa globalisasyon?
o Ano ang ibig sabihin ng “nongovernmental” sa mga NGO?
2
11. Ipapasuri ang Larawan sa pahina 210 at sagutan ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.
12. Ipapasuri ang Larawan at sagutan ang mga sumusunod na tanong sa ibaba sa pahina 211-212
13. Ipapasuri ang Larawan at sagutan ang mga sumusunod na tanong sa ibaba sa pahina 222.

DAY 6
PAGLALAPAT (APPLICATION)
14. Gawin at sagutan ang Rebyu ng Pagkakaunawa sa Aralin 6; III #9 at 10 pahina 200
15. Gawin at sagutan ang Rebyu ng Pagkakaunawa sa Aralin 7; II #14 at 15
16. Gawin ang III #16 sa pahina 235.
17. Maaari itong gawing takdang aralin upang makatipid sa oras.
18. Isusulat ito sa isang buong papel.

You might also like