You are on page 1of 10

Detalyadong

Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan 9

Aralin 3: Implasyon

Jomillen C. Momo
Pre-service Teacher

Mr. Joel N. Espina


Cooperating Teacher
I. Mga Layunin
Makalipas ang 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Naibibigay ang kahulugan o konsepto ng implasyon;
b. Nailalahad ang mga palatandaan ng implasyon at;
c. Nagagamit ang mga paraan sa pagsukat ng implasyon.
d. Makalahok sa talakayan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Implasyon
Sanggunian: Modyul: Ekonomiks - Araling Panlipunan - Modyul para sa Mag-aaral. Pahina 275-259, AP
Time: isinulat nila: Marivic L. Lera/ Edgardo M. Cruz / Ferdinand A. Fontillo/ Genoveva C. Labrador at Jose B.
Bilasano (Editor).
Youtube link: ANO ANG IMPLASYON AT PARAAN NG PAGSUKAT NITO? // AP 9 Q3 MELC 3// w/
computation https://www.youtube.com/watch?v=iTzQiwTxD6k
Mga Kagamitan: Pantulong na Biswal (Canva PowerPoint Presentation) at Laptop.

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Paghahanda
A1. Pang araw-araw

1. Pagbati
Magandang Umaga sa inyong lahat! Magandang umaga din po, Bb. Jomillen!

2. Panalangin
Sino ang nakatukang magdasal ngayon? Kung maaari ay (Nananalangin)
pumunta na dito sa harapan at pangunahan ang buong klase.

3. Pagsasaayos ng Silid Aralan


Bago ang lahat. Maaari bang pakiayos ang mga upuan. (Inayos ang mga upuan at dinampot ang mga
Damputin din ang mga kalat sa inyong paligid. kalat)
Pagpapabalik Aral

A2. Pagbabalik-Aral
Mga tanong:
1. Sa inyong palagay, ano-ano dapat gawin ng : Suportahan ang mga bahay-kalakal at
pamahalaan upang mapataas ang GNI at GDP ng sambahayan sa mga produkto at serbisyong
bansa? kanilang nais ibenta sa markahan.

Palaguin ang produksyon ng bansa sa


pamamagitan ng paggawa ng mga
pangsuportang programa.
2. Bakit mahalagang kwentahin ang GNI at GDP? : Upang malaman nating kung ang bansa ay
lumalago o hindi.
Upang malaman kung Maganda ang economic
performance ng bansa.

A3. Pagganyak o Motibasyon


DA VINCI CODE:

: 1libong piso/ mga pagkain/ mga biniling


1. Ano sa palagay ninyo ang nasa larawan? produkto/ pangunahing pangangailangan/
essential needs o pagkain at iba pa.
Tama ang inyong mga tugon.

: Ma’am nagpapakita po ito ng kakulangan o


2. Ano ang pinapahiwatig nito? pagtaas ng bilihin

: ayon sa dami ng produktong kayang bilin


3. Paano ninyo nasabi na may kakulangan o pagtaas sa noong 2013 kaysa mga produktong nabibili
bilihin batay sa larawan? noong 2021.

Tama ang inyong ga tugon. Mahusay!

Ang larawan ay nagpapakita na tinatawag nating


IMPLASYON at iyan ang ating lektura sa araw na ito.

B. Paglalahad

Madalas ninyo siguro marinig sa inyong magulang ang mga


katagang ito “magtipid kayo mga anak,dahil masyadong
mataas ang mga presyo ng bilihin ngayon”. Karamihan sa
pamilyang Pilipino ay suliranin ang kakapusan ng kanilang
kinikita dahil sa mataas na presyo ng bilihin. Bakit kaya
patuloy na tumataas ang mga bilihin sa pamilihan ngayon?
Iyan ang ating aalamin sa ating lektura.

C. Pagtatalakay

KONSEPTO NG IMPLASYON (Pagpreresenta ng Biswal)

Ano ang Implasyon?


Ito ay patuloy na pagtaas ng presyo ng pangkalahatang
bilihin sa loob ng isang particular na panahon.
TATLONG BATAYAN NG IMPLASYON
• Ayon sa tradisyonal na mga ekonomista, ang
implasyon ay bunga ng pagdami ng suplay ng salapi
sa sirkulasyon.

• Ayon kay John Maynard Keynes, ang implasyon ay


tulak ng patuloy na paglaki ng pangangailangan ng
mga tao sa produkto at serbisyo (demand)
samantalang hindi nagbabago ang dami ng suplay.

• Ayon naman sa mga radikal na ekonomista, ang


mungkahi ni Keynes ay hindi pang-matagalan
solusyon sa implasyon. Batay sa kanila, ito ay bunga
ng mababang produksiyon, malaking gastusin sa
produksiyon at monopolyo.

Ayon kay Milton Friedman, “Inflation is one form of


taxation without legislation.”

Hinahalintulad niya ito sa buwis na kinakailangan na


bayaran ng mga mamamayan lalo na ang epekto nito ay
hindi ito sinasabatas. Ang implasyon ay nararamdaman ng
lahat ngunit hindi lahat ng pagtaas ng presyo ay maituturing
nating implasyon. Dahil gaano man kaganda ang isang
produkto tulad ng damit. Kung ito ay nagtaas ng presyo
hindi pa rin ito maituturing na implasyon kayundin ang mga
okasyong produkto tulad ng bulaklak. Bakit? Dahil ang
implasyon ay ang kabuuang pagtaas ng presyo ng mga
bilihin na kabilang sa tinatawag na MARKET BASKET OF
GOODS. : ma’am, bakit hindi po kasama yung damit at
bulaklak sa implasyon?
Nauunawaan po ba? May tanong?

Magandang katanungan, dahil hindi po sila kasama sa mga


pangunahing bilihin o produkto at serbisyo na kailangan ng
mga tao.

Market Basket of Goods


Ito ay listahan ng mga pangunahing produkto at serbisyo.

MGA PALATANDAAN NG IMPLASYON


• Madalas at patuloy na pagtaas ng lebel ng presyong
halos lahat ng bilihin sa mga pamilihan sa buong
bansa.

Pakibasa nga po ang susunod na slide.

PARAAN SA PAGSUKAT NG IMPLASYON

: (Binasa ang slide)


• Ang pagtaas o pagbaba ng implasyon ay masusukat
sa pamamagitan ng "Price Index." Ito ang average na
presyo ng mga bilihing produkto kaugnay ng mga
presyo nito sa isang batayang taon o "base year/
Period".

Tatlong Mahalagang Konsepto Na Gingamit Sa Pagsukat


Sa "Price Index"

BASKET
- grupo ng mga produkto at serbisyo na kadalasang
binibili ng mga tao.

BASE YEAR/ PERIOD


- panahon/ taon na pinagbabatayan ng presyo ng mga
bilihin.

TIMBANG
- halagang kinakabit sa produkto o grupo ng mga
produkto.

Iba't Ibang Uri Ng Price Index

1. GNP IMPLICIT PRICE INDEX O GNP DEFLATOR

- ito ang average price index na ginagamit para mapababa


ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang totoong
GNP. Ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo
ng mga produkto at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa
loob ng isang taon.

2. WHOLESALE OR PRODUCER PRICE INDEX (PPI)


- ito ang average price index na ginagamit para mapababa
ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang totoong
GNP. Ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo
ng mga produkto at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa
loob ng isang taon.

3. CONSUMER PRICE INDEX (CPI)


Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at
serbisyong ginagamit ng mga knosyumer. Batayan sa
pagkompyut ng CPI ang presyo at dami ng produktong
kadalasang kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng
tinatawag na market basket. Ang market basket ay ginagamit
din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga
konsyumer.

PORMULA NG CPI AT PAGKOMYUT

𝐾𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑢𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜𝑛


𝐶𝑃𝐼 = 𝑋 100
𝐾𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑠𝑒ℎ𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜𝑛
Aytem 2019 (base 2020
year)
Bigas 32.00 43.00
Gatas 54.00 62.00
Mantika 41.00 65.00
Tinapay 47.00 53.00
Karne 195.00 220.00
Inumin 165.00 198.00
Tabako 65.00 72.00
Itlog 155.00 165.00
Iba pang 610.00 725.00
produkto
Kabuuan o
Total Weighted 1364.00 1603.00
Price (TWP):
Ngayon, subukan nating kunin ang CPI ng taong 2019.
Gamitin natin ang datos na nasa screen at ang pormula.
𝐾𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑢𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜𝑛
𝐶𝑃𝐼 = 𝑋 100
𝐾𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑠𝑒ℎ𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜𝑛

1,364
𝐶𝑃𝐼 = 𝑋 100
1,364

𝐶𝑃𝐼 = 1 𝑋 100

𝐶𝑃𝐼 = 100 : opo!


Ayon sa kompyutasyon natin ang CPI ng taong 2019 ay 100.
: (Nagkompyut at nagsulat sa pisara)
Naiintindihan po ang kompyutasayon ng CPI?
𝐶𝑃𝐼
Kung gayun subukan ninyong ikompyut ang CPI para taong 𝐾𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑢𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜𝑛
2020. Sino ang maaaring magsagot? = 𝑋 100
𝐾𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑠𝑒ℎ𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜𝑛

1,603
𝐶𝑃𝐼 = 𝑋 100
1,364

𝐶𝑃𝐼 = 1.17521994135 𝑋 100

𝐶𝑃𝐼 = 117.521994135

𝐶𝑃𝐼 = 117.52

Tama! Mahusay!

Bukod sa pagalam ng CPI meron din tayong ginagamit o


kinokompyut na Antas ng Implasyon at Purchasing Power.
Ano ang Antas ng Implasyon at pormula nito?

Ito ay masusukat sa pamamagitan ng mga datos mula sa


Price Index. Upang malaman ang mga pagbabago sa presyo
ng mga produkto at serbisyo, ang pamahalaan ay nagtatalaga
ng mga piling produkto na kumakatawa sa mga
pangunahing panganagilangan ng mga mamamayan at
pinaggagastusan din nito.

Para makuha natin ang Antas ng Implasyon, sundan natin


ang pormula at gamitin ulit natin ang datos.

Pormula:
𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛 − 𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝑁𝑎𝑘𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛
𝐴𝑛𝑡𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝐼𝑚𝑝𝑙𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 = 𝑋 100
𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝑁𝑎𝑘𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛

117.52 − 100
𝐴𝑛𝑡𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝐼𝑚𝑝𝑙𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 = 𝑋 100
100

17.52
𝐴𝑛𝑡𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝐼𝑚𝑝𝑙𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 = 𝑋 100
100

𝐴𝑛𝑡𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝐼𝑚𝑝𝑙𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 = 0.1752 𝑋 100

𝐴𝑛𝑡𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝐼𝑚𝑝𝑙𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 = 17.52 % : Opo!


: Wala po.

Naiintindihan po ba?
May tanong?

Kung gayon, tumungo tayo sa susunod na bahagi.

Purchasing power
Sa pamamagitan ng CPI, maaari rin nating makuha ang
Kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili o ’Purchasing
Power”.

Pormula:

𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛


𝑃𝑢𝑟𝑐ℎ𝑎𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑜𝑤𝑒𝑟 =
𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑢𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛

Muli gamitin natin ang datos mula sa Price Index.

Para sa taong 2019:

𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛


𝑃𝑢𝑟𝑐ℎ𝑎𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑜𝑤𝑒𝑟 =
𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑢𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛
100 : opo!
𝑃𝑢𝑟𝑐ℎ𝑎𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑜𝑤𝑒𝑟 =
100
: (nagkokompyut)
𝑃𝑢𝑟𝑐ℎ𝑎𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑜𝑤𝑒𝑟 = 1
𝑃𝑢𝑟𝑐ℎ𝑎𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑜𝑤𝑒𝑟
Nauunawaan po ba? 𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛
=
𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑢𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛
Kung gayon, subukan ninyong ikompyut ang Purchasing
power ng taong 2020.
100
𝑃𝑢𝑟𝑐ℎ𝑎𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑜𝑤𝑒𝑟 =
117.52

𝑃𝑢𝑟𝑐ℎ𝑎𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑜𝑤𝑒𝑟 = 0.85091899251

𝑃𝑢𝑟𝑐ℎ𝑎𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑜𝑤𝑒𝑟 = 0.85

Tama! Mahusay ang inyong sagot!

D. Paglalapat

Spotlight!
Para sa inyong gawain punan ang chart na ito. Sagutan ito sa
isang buong papel. Huwag kalimutang isama ang
kumpyutasyon.

Taon Total Consumer Inflation Purchasing


Weighted Price Rate Power : Ang mga magaaral ay sinasagutan ang chart.
Price Index (IR)
(TWP) (CPI)
2011 1,985
2012 2,000
2013 2,300

1. Mula sa talahanayan, ano ang may pinakamataas na


CPI?
2. Anong taon ang may pinakamalaking bahagdan ng
pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga
pangunahing produkto na kabilang sa Market basket
of goods?

E. Paglalahad
Ang suliranin sa implasyon sa kasulukuyang panahon ay
hindi natin mapipigilan sapagkat ito’y patuloy na tumataas sa
paglipas ng panahon.

1. Bilang miyembro ng pamilya ninyo, Ano ang • Upang malaman niya kung ilan ang dapat
kahalagahan ng pagtukoy ng halaga ng piso? gastahin at ipunin na salapi na kanilang
magagamit sa kanilang pang araw-araw
na pamumuhay.
• Mahalagang malaman din ng bawat
kasapi ng pamilya ang kahalagahan ng
piso upang maging maingat sila at
matalino sa pamamahala ng kanyang
pang-araw-araw na pamumuhay.
• Ang bawat isang miyembro ng pamilya
ay dapat maging masinop sa kanilang pag
gasta sapagkat dito nakasalalay kung ang
pamilya ba ay hindi nahihirapan sa buhay
hanggang sa darating na panahon.

• Naiinis o nagagalit.
2. Paano mo mailalarawan ang karaniwang reaksiyon • Naglilista ng mga pangunahing
ng inyong mga magulang sa tuwing may pagtataas ng pangangailangan.
presyo sa mga bilihin? • Nagtitipid ng salapi o sa mga gastusin.

3. Paano namn ang inyong reaksiyon sa tuwing


sinasabihan kayo na magtipid ng mga magulang
ninyo? Ano ang maaari ninyong gawing solusyon
ukol dito?

Tama ang inyong mga tinuran. Mahusay!

IV. Pagtataya
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
Identification:

Sagutan ang mga sumusunod sa isang buong papel.

1. Ang implasyon ay tulak ng patuloy na paglaki


ng pangangailangan ng mga tao sa produkto
at serbisyo (demand) samantalang hindi
nagbabago ang dami ng suplay. Kaninong
pananaw ito? : Ang mga mag-aaral ay nagsasagot.

Sagot: John Maynard Keynes

2. Sino ang nagsabi nito “Inflation is one form


of taxation without legislation.”?

Sagot: Milton Friedman

3. Ito ay tumutukoy sa listahan ng mga


pangunahing produkto at serbisyo.

Sagot: Market Basket of Goods

4. Ano ang pormula para sa pagkuha ng CPI?


Sagot:
𝐾𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑢𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜𝑛
𝐶𝑃𝐼 = 𝑋 100
𝐾𝑎𝑏𝑢𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑒𝑠𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑠𝑒ℎ𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜𝑛
5. Ano ang pormula para sa Antas ng Implasyon
o Inflation Rate?
Sagot:
𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛 − 𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝑁𝑎𝑘𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛
𝐴𝑛𝑡𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝐼𝑚𝑝𝑙𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 = 𝑋 100
𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝑁𝑎𝑘𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛

6. Ito ay tumutukoy sa pagtaas ng


pangkalahatang presyo ng bilihin sa buong
bansa.

Sagot: Implasyon

7. Ano ang pormula para sa Purchasing Power?


Sagot:

𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛


𝑃𝑢𝑟𝑐ℎ𝑎𝑠𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑜𝑤𝑒𝑟 =
𝐶𝑃𝐼 𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑘𝑢𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑜𝑛

8-10. Ibigay ang tatlong uri ng Price Index.


Sagot:
• GNP Implicit Price Index o GNP Deflator
• Wholesale or Producer Price Index (PPI)
• Consumer Price Index (CPI)
V. Kasunduan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
Para sa inyong takdang-aralin, alamin ang mga
sumusunod na terminolohiya. Isulat ito sa inyong
BIG NOTEBOOK.

1. Implasyong Demand-Pull
2. Implasyong Cost-Pull
3. Implayong Import
4. Hyperinflation
5. Katamtamang Implasyon
6. Mababang Implasyon
7. Deflation

Kailan ipapasa? sa susunod nating klase.

May mga katanungan pa ba? :Wala na po.

Naintindihan po ang gagawin? :Opo.

Kung gayun, tayo na at manalangin. : Nananalangin

Maraming salamat.

Huwag ninyong kalimutan ang takdang aralin niyo na : Opo ma’am. Salamat po at paalam!
ipapasa sa susunod na ating pagkikita. Dito
nagtatapos ang ating lektura. Paalam!

You might also like