You are on page 1of 12

CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.

CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nalalaman ang mga iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya
b. Nasusuri ang mga mekanismo ng alokasyon sa iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya
bilang sagot sa kakapusan
c. Nakakagawa ng collage na naipapaliwanag ang iba’t ibang sistemang pang-eknomiya

II. Paksang Aralin

Paksa : Iba’t-ibang Sistemang Pang-Ekonomiya


Sanggunian : EKONOMIKS: Pahina 5-17
Mga kagamitan : Laptop, projector, at mga kagamitan biswal
Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa mga konsepto tungkol sa iba’t ibang sistemang pang-
ekonomiya

III. Pamamaraan
Gawaing-Guro Gawaing-Mag-aaral
A. Paunang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
Maari bang ikaw ang manguna sa atin upang manalagin?

Okay po Ma’am

Inaanyayahan ang lahat na tumayo para sa ating pambungad (Tumayo ang lahat para sa para
na panalangin manalangin)

“Tayo ay masitungo, ipikit ang mata


at damhin ang presensya ng
Panginoon.”

“Panginoon, marami salamat po sa


ibingay ninyong panibanging
Salamat Ms. pagkakataon upang kami ay matuto.
Pagkalooban mo po kami ng isang
bukas na isip at malawak na pang-
unawa upang ang mga itinuturo sa
amin at ang mga aralin ay aming
maunawaan. Amen!”
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

2. Pagbati
Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga din po Ma’am

Kamusta naman ang araw niyo?

Masaya ba?? Ayos lang ba?? (Lahat ng mag-aaral ay nagsabi ng


kanilang naramdaman )

okay naman po at masaya po dahil


may panibagong kaalaman naman po
Mabuti naman kong ganon. tayo tatalakayin

3. Pagtatala ng liban sa klase.


Ngayon naman tayo ay mag-attendance itaas ang kamay at
sabay sabihing ang present kapag kayo ay tinawag ang pangalan (Tinawag ang lahat pangalan ng mga
niyo at sabihin niyo din kong may absent na inyo. mag-aaral)

“Present po”

“Absent po si

4. Balik- aral
Bago tayo magtunggo sa bagong aralin sa araw na ito, tayo
muna ay tutungo sa pagbabalik-aral at ating muna tatalakayin
ang ating nakaraan paksa. Base sa inyong naaalala, sino sa inyo
ang nakakatanda ng paksang ating tinatalakay noong nakaraan
araw?

(Ang mag-aaral ay tinataas ang kanilang kanang kamay)

Sige, ikaw mag-aaral X “Ma’am ako po”

Mahusay! Ano naman ang ibig sabihin ng salitang Ekonomiya?

Sige, ikaw naman mag-aaral Y


“Ako po”
Magaling!

Ano-ano naman ang iba’t ibang sistema ng pang-Ekonomiya?

Sige, ikaw mag-aaral Z

“Ma’am ako din po”

5. Pagganyak

B. Pag-unlad na Gawain
1. Aktibiti
Magkakaroon tayo ng aktibitidad na tinatawag na jumbled
letters, kung saan tutukuyin ninyo kung ano ang tamang
termonolohiya. (Nagbigay ang kanilang guro ng ilang
minute upang pagisipan at masagot ng
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

NOMYECO mabilis ang tanong na binigay sa


Ito ay isang panlipunang agham na pina-aaralan ang mga kanila)
proseso ng pagkuha, paggawa, palitan, pamamahagi, at
pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo

MANMOCD NOMYECO
Sa , ang ekonomoya ay nasa ilalim ng komprehensibong
kontrol at regulasyon ng pamahalaan

RAMTEK NOMMECO
Sa ganitong sistema ang bawat kalahok-konsyumer at
prodyuser, kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes
na makakuha ng pakinabang.

XIMED NOMYECO
Ito ay isang Sistema na kinapapalooban ng element ng Market
economy at Command economy.

DISYOTRANAL AN NOMIYAKOE
Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya

Ang guro ay magbibigayng Panimulang pagtataya upang


malaman ang kanilang kaalaaman sa panibagong aralin na
walang sapat na ideya tungkol ditto
(Agad naman ng handa ang mga
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat panggungusap mag-aaral sa kanilang panimulang
at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. pagtaaya na parte ng kanilang
Isulat sa sagutang papel ang mga tamang sagot. pagkatuto)

1. Sa Market economy, ito ang nagtatakda kung gaano


karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang maliklikhang product at serbisyo ng mga
prodyuseyr.

A. Likas-yaman
B. Pamahalaan
C. Presyo
D. Prodyuser

2. Ang sistemang pang-ekonomikongito ay sumasagot sa


unangkatanungang pang-ekonomiko batay sa puwersa
ng pamilihan.

A. Traditional Economy
B. Market Economy
C. Command Economy
D. Mixed Economy
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

3. Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim


ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:

A. Konsyumer
B. Pamahalaan
C. Pamilihan
D. Prodyuser

4. Bakit kailagang isaalang-alang ang paggamit at


paglinang ng lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa?

A. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas


ng kasiyahan at kapakinabangan mula rto
B. Upang mas lumaki ang kita ng ekonomiya ng ating
bansa at ng mamamayan nito
C. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na
kaya ng ating bansa
D. Nararapat itong biyang pansin dahil katotohanang
may kakapusan na umiiral

5. Alin sa sumusunod angmithiin ng bawat sistemang


pang-ekonomiya?

A. Mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng


ating bansa
B. Makamit ang pinakamataas na kasiyahan at
kapakinabagan mula rito
C. Makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung
paano episyenteng magagamit ang pinagkukunang-
yaman ng bansa
D. Matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao

6. Sa iba't ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa


mundo, anong katangian na nakapagbubukod-tangi sa
sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito
ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?

A. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong kontrol at


regulasyon ng pamahalaan.
B. Ang anumang produkto na kanilang nalilikha ay
ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino
ang dapat gumamit.
C. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital,
pakikipag ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa
ng gawain.
D. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit
maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga
usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang
panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.

7. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong


interpretasyon sa kasabihang, "There isn't enough to go
around," ni John Watson Howe?
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

A.May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya't hindi


ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
B. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-
yaman ay hahantong sa kakapusan.
C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang
mga pinagkukunang-yaman.
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman
sa buong daigdig.

8. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang


kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa Market
economy?

A. Wala, sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya


nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o
interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may
kontrol pa rin sa ilang mga gawain.

9. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na


pangunahing pang ekonomikong katanungan. Alin sumusunod
ang sumasagot sa katanungang: "Ano-anong produkto at
serbisyo ang gagawin?"

A. puwersa ng pamilihan
B. utos ng pamahalaan
C. tradisyon, kultura at paniniwala
D. sa puwersa ng pamahalan

9. Piliin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng


pagpapasiya ng market economy:

A. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala


B. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang
makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
C. Hinahayaan ang pamilihan na manghimasok ang pamahalaan
sa pagdedesisyon.
D. Ito ay alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at
mamimili.

Kaya ngayon, bago natin pormal na pasimulan ang ating


panibagong paksang tatalakayin, nais kong panuorin ninyo ang
aking inihandang video presentation, nais kong suriin ninyo ng
mabuti ang video dahil mayroon akong mga katanungan para sa
inyo pagkatapos niyo itong panuorin. “Opo”

Naintindihan at maliwanag ba?

Magaling! ngayon naman ay simulan na natin ang video


presentation.
(Pagpapanuod ng video)
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

(1126) Alokasyon - YouTube

(Matapos panuorin ang video……)


Tungkol saan kaya ang video na inyong napanuod? Maam ako po
Sige, Mag-aaral E

Magaling! Ano-ano ang mga mekanismo ng alokasyon sa iba't


ibang sistemang pang-ekonomiya?
Maam ako po ideya
Ikaw naman mag- aaral F?

Mahusay!

Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili! Mahusay! dahil talaga


namang nakinig kayong mabuti sa ating mga talakayan.

Gawain 2: Venn Diagram (Compare and Contrast)


Nakasulat sa bawat diagram ang dalawang sistema pang-
ekonomiya. Tutukuyin ninyo ang pagkakaiba ng bawat isa sa
kanilang nasasakupang diagram, ilagay sa gitna ang mga
kasagutan. Sa gitnang bahagi naman ng dalawa ay ibigay ninyo
ang pagkakatulad ng dalawang sistema ng pang-ekonomiya.
Gawin ito sa sagutang papel.

2. Analisis
Ngayon na kayo ay tapos na magsagot, mayroon akong mga
ilang inihandang katanungan para sa inyo.

Ano ang mga naging batayan mo upang matukoy ang mga


pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyonal na ekonomiya at
command economy?
Maam ako po?
Sige ikaw nak L

Magaling! Anong paraan ang iyong ginamit upang matukoy ang


pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng dalawang alokasyon?

Mahusay! Paano naman nakatulong ang naunang aralin sa


pagtukoy mo sa mga naging tugon mo sa gawain?

Magaling! Paano naman kaya makakatulong ang iyong


pagkakatukoy sa pagkakaiba at pagkakatulad ng tradisyonal na
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

ekonomiya at command economoy sa anong uri ng alokasyon


nabibilang ang inyong lipunan?

Tama!

3. Abstraksyon
*Ano ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa
daigdig? Makikibasa
Student A: (Tataas ang kamay)
Traditional Economy, Market
Economy, Command Economy, and
Mixed Economy.
(Tama!)

Traditional Economy- ito ang unang anyo ng sistemang pang-


ekonomiya. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-
ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap
sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot
lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit,
pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikha ng
produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng
produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng
matatanda sapagkat sa Traditional Economy, bagama’t walang
tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na
pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang anumang
produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa
kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

*Sa inyong palagay, ano ang iba pang halimbawa ng traditional


economy?
Student B: (Tataas ang Kamay)
Pagsasaka po ma’am.

Mahusay!)
Ang kasunod ay ang Market Economy…

Sa Market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungan


pang-ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang
pamilihan. Sa ganitong Sistema, ang bawat kalahok- konsyumer at
prodyuser, kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na
makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa lakas-paggawa ay
maaaring makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho. Ang
pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng puwersa
ng pamilihan. Ang Market economy ay nagpapahintulot sa pribadong
pagmamay-ari ng capital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
presyo at pangangasiwa ng mga gawain. Presyo ang pangunahing
nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung
gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga
prodyuser ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng
mga mamimili. Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng


pamilihan.

Ang kasunod naman ay Command Economy…

Sa Command Economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng


komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang
pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa
pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng
sentralisadong ahensiya (central planning agencies). Katunayan
ang pagpapasya sa proseso ng gawaing pang-ekonomiya ay
sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy
rin ang mga gagamiting pinagkukunang-yaman sa paglikha ng
kapital. Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon ng
kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod para
sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ang kita naman sa lupang
sakahan ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagtatakda
sa halaga ng mga produktong nagmumula rito. Ang patakaran
sa Command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union.
Sa kasalukuyan, nanatiling may ganitong sistemang pang-
ekonomiya sa Cuba at North Korea.

*Sa inyong palagay, paano kung walang kumokontrol sa ating


ekonomiya, ano ang magiging epekto nito sa ating bansa?
Student C: (Tataas ang Kamay)
Siguro po ma’am…
(Ayan, tama! Mahusay!)

At ang pang apat ay Mixed Economy…

Ang Mixed Economy ay isang sistema na kinapapalooban ng


elemento ng Market economy at Command economy. Walang
maituturing na isang kahulugan ang Mixed economy. Ito ay
kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang
sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing
pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at
pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan.
Ang salitang Mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang
isang sistemang nabuo at may katangian na bunga ng
pagsasanib o kumbinasyon ng Command at Market economy.
Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit
maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga
usaping nauukol sa pangangalaga sa kalikasan, katarungang
panlipunan, at pagmamay-ari ng estado. May pribadong
pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastruktura at
mga organisasyon. Ang sistemang Mixed economy ay
nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadong
pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayunpaman, ito
ay hindi nanganghulugang ganap na awtonomiya para sa kanila
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan


ng pamahalaan.

4. Aplikasyon
Panuto: Punan ng tamang sago tang usapan ng dalawang tauhan
sa bawat kahaon. Isulat ang iyong sagot sagutang papel.

IV. Ebalwasyon

Panghuling Pagtatay

Panuto: Suriin at pakinggang mabuti ang mga inihandang


katanungan na ibibigay sa pamamagitan ng diktasyon. Isulat sa
sagutang papel ang mga sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasiya


ng Market economy:
A. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala
B. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang
makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
C. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok
ang pamahalaan.
D. Ito ay alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at
mamimili.
2.Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi
ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa Market economy.
A. Wala, sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya ay
nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o
interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pakikinabang sa
pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may
kontrol pa rin sa ilang mga gawain.
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

3. Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng


komprehensibong
kontrol at regulasyon ng
A. konsyumer
B. pamahalaan
C. pamilihan
D. prodyuser
4. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami
ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang
malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
A. likas-yaman
B. pamahalaan
C. presyo.
D. prodyuser
5. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-
ekonomiya?
A. mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa
B. makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan
mula rito
C. makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano
episyenteng
magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa
D. matugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
6. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na
pangunahing ekonomikong katanungan. Alin sa sumusunod
ang sumasagot katanungang: "Ano-anong produkto at serbisyo
ang gagawin?
A. puwersa ng pamilihan
B. utos ng pamahalaan
C. tradisyon, kultura at paniniwala
D. sa puwersa ng pamilihan at pamahalan
7. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang
ng lahat ng pinagkukunang- yaman ng bansa?
A. upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng
kasiyahan at kapakinabangan mula rito
B. upang mas lumaki ang kita ng ekonomiya ng ating bansa at
ng mamamayan nito
C. mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya
ng ating bansa
D. nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may
kakapusan na umiiral
8. Sa iba't ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa
mundo, anong katangian na nakapagbubukod-tangi sa
sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang
ginagamit ng mas nakararaming bansa?
A. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong kontrol at
regulasyon ng pamahalaan.
B. Ang anumang produkto na kanilang nalilikha ay
ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino
ang dapat gumamit.
C. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital,
pakikipag ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa
ng gawain.
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

D. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit


maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga
usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang
panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.
9. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa
unang katanungang pang-ekonomiko batay sa puwersa ng
pamilihan.
A. Traditional Economy
B. Market Economy
C. Command Economy
D. Mixed Economy
10.Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon
sa kasabihang, "There isn't enough to go around", ni John
Watson Howe?
A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya't hindi
ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
B. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-
yaman ay hahantong sa kakapusan.
C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang
mga pinagkukunang-yaman.
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman
sa buong daigdig
V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng isang collage tungkol sa iba't ibang
sistemang pang-ekonomiya. Lagyan ng maikling pahayag sa
ibaba ng collage tungkol sa kahalagahan at kapakinabangan ng
bawat sistemang pang-ekonomiya.
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG COLLAGE
Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos

Nilalaman Naipakikita ang 40 pts.


mga bumubuo,
gamit, at
kahalagahan ng
iba’t ibang
sistemang
pang-
ekonomiya

Presentasiyon Maayos at na 20 pts.


presentasiyon

Malikhaing Gumamit ng 20 pts.


Pagbuo recycled
materials at
angko na
disenyo ayon sa
salik na napili.
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya
Province of Quezon R4ARegistrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

Caption/ Pahayag Naglalaman 20 pts.


ang pahayag ng
angkop na
paliwanag ukol
sa gamit at
kahalagahan ng
iba’t ibang
sistemang pang
ekonomiya

Kabuuan 100 pts.

Inihanda nina:
Laborte, Lyka Marie S.
Macatangay, Lanmiel Aser O.
Magboo, Jaica Yna P.
Magkalas, Alynna J.
BSED3-Social studies

You might also like