You are on page 1of 8

CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.

CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya Province of
Quezon R4A
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan 9

"Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks"


CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya Province of
Quezon R4A
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

Guro: Hannah Jeanne Honorica Level: Grade 9 - Quarter 1


Asignatura: Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks) Araw ng Pagtuturo: April 05, 2022

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;


I. LAYUNIN A. Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks.
B. Nasusuri ang mga mahalagang konsepto sa ekonomiks
(opportunity cost, trade-off, marginal thinking at incentives).
C. Naisasabuhay ang kahalagahan ng ekonomiks sa
pamamagitan ng simulation at talkshow.

A. Pamantayang Ang mag-aaral aymay pag-unawa sa mga pangunahing konsepto


Pangnilalaman ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang
araw-araw na pamumuhay.

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga


Pagganap pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino
at maunlad na pang araw-araw na pamumuhay.

Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na


pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at
C. Mga Kasanayan sa lipunan.
Pagkatuto
Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
B. Sanggunian Ekonomiks (Araling Panlipunan), pahina 14-20
C. Kagamitan PowerPoint presentation, ilustrasyon, laptop, libro, Quizziz

III. PAMAMARAAN
1. Panimulang gawain  Pambungad na panalangin
 Pagtatala ng liban

2. Motibasyon "CHIKI O LALA"


Sa nauusong sayaw sa social media, isayaw mo ang "Chiki" kung
ikaw ay sumasang-ayon at isayaw ang "Lala" kung hindi ka
sumasang-ayon.
A. Mas uunahin ko na mag tiktok kaysa maghugas ng pinggan.
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya Province of
Quezon R4A
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

B. Uunahin ko ang utos ni Nanay bago mag-laro.


C. Gusto ko ng IPhone na selpon kaya magpapabili ako kay
Tatay kahit wala na kaming bigas.
D. Maglalaro muna ako bago bumili ng gamot ni Lolo.

“Mag- DECIDE ka naman para SATIN”


Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan
kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum
ang iyong desisyon at sa ika-apat na kolum ang dahilan ng iyong
naging pasya.

A. Aktibidad

Rubriks

Pamprosesong Tanong:
A. Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang mga
konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at
B. Analisis marginal thinking?
B. Sa iyong palagay, kailan masasabing matalino ang
pagdedesisyong ginawa ng tao?
C. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks?
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya Province of
Quezon R4A
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

D. Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral ang ekonomiks at


ano ang kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon?
Ipaliwanag.

Kahulugan ng Ekonomiks
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-
aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na
oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at nomos na
pamamahala (Viloria, 2000). Ang ekonomiya at sambahayan ay
maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997). Ang sambahayan, tulad ng
lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga
desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga
gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong
resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang
pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung
magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan,
at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang
kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang
pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang
yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas
ng panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad
ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may
limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon, kailangang
magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing
katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat.
Tingnan ang pigura sa ibaba.

B. Abstraksyon

Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks


Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay
kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang trade off, sapagkat sa
pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa
pagbuo ng pinakamainam na pasya Halimbawa, mag-aaral ka ba o
maglalaro?
Sa ginagawang pagsasakripisyo ay may opportunity cost. Ang
opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon
(Case, Fair at Oster, 2012). Ang opportunity cost ng paglalaro sa
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya Province of
Quezon R4A
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aral na ipinagpalibang


gawin.
Ang incentives ay pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo
at pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa bawat
pagkonsumong produkto o serbisyo.
May kasabihan sa ekonomiks na "Rational people think at the
margin." Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang
karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na
makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa gagawing desisyon sa
pagitan ng pag-aaral at paglalaro, karagdagang allowance at
mataas na grade, ay masasabing maaaring maging matalino sa
paggawa ng desisyon ang isang tao.

Kahalagahan ng Ekonomiks
Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito
sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.
Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan.
Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa
ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na may
kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa. Maaari
mo ding maunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng
ppamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Maaari mo ding magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-
unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang
pamilyang iyong kinabibilangan. Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral,
pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at
kagustuhan ay maaari mong magamit ang kaalaman sa alokasyon
at pamamahala. Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang
makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa
mahahalagang pagdedesisyon ng iyong pamilya.
Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na matalino,
mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran.
Maaari din itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya Province of
Quezon R4A
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

pamaraang makatutulong sa iyong pagdedesisyon para sa


kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.

I-AKTO MO!
Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase at ang bawat grupo ay may
nakalaan na gawain na ipapakita sa malikhaing presentasyon.
Grupo A: Tungkol sa apat na pangunahing katanungang pang-
D. Aplikasyon ekonomiya (Talk Show)
Grupo B: Tungkol sa matalinong pagdedesisyon (Simulation)

Rubriks
Nilalaman: 20 puntos
Kooperasyon: 15 puntos
Pagkamalikhain: 15 puntos
Kabuuang Puntos: 50

Magkakaroon ng maikling pagsusulit na sasagutin sa quizziz na


binubuo ng 15 aytems.

https://quizizz.com/join?gc=58612565

(MGA KATANUNGAN SA QUIZZIZ)

1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano


tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitading pinagkukunang-yaman.

E. Ebalwasyon Ekonomiks
Agham
Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan

2. Ang oikos ay nangangahulugang ________.

Tahanan
bahay
gobyerno
pamamahala

3. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na________.

oikonomia
scientia
ekonomia
monomia

4. May apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na


kapaki-pakinabang sa lahat maliban sa _______.
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya Province of
Quezon R4A
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

Ano ang gagawin?


Paano gagawin?
Para kanino?
Bakit gagawin?

5. Ito ay pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isang


bagay.

Marginal Thinking
Incentives
Opportunity Cost
Trade-off

6. Ito ay tumutukoy sa halaga ng isang bagay o ng best alternative


na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.

Opportunity Cost
Marginal Thinking
Incentives
Trade-off

7. Ito ay pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo at


pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa bawat pagkonsumong
produkto o serbisyo.

Incentives
Marginal Thinking
Trade-off
Opportunity Cost

8. Ito ay nagpapahiwatig ng "Rational people think at the margin".

Marginal Thinking
Trade-off
Incentives
Opportunity Cost

9. Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong


ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.

Tama
Mali

10-15. Bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks at magbigay ng


isang kongkretong halimbawa na nagpapakita ng kahalagahan nito
sa lipunan?

Gumawa ng digital poster na nagpapakita sa nangyayaring


kakapusan ngayong panahon ng pandemya. Gawin ito gamit ang
Canva application.
Rubriks:
F. Takdang Aralin Nilalaman - 20 puntos
Pagkamalikhain - 15 puntos
CSTC COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya Province of
Quezon R4A
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805
Atimonan Contact Number: 042 7171420

Orihinalidad - 15 puntos
Kabuuang Puntos: 50

Inihanda nina:

BSED-SOCIAL STUDIES 3

Abrera, Khaterine Maaliw, Rica Mae


Badua, Glyza Macaraan, Princess Abegail
Bello, Dezarie Magsino, Christine
Cuaresma, Nicole Mancenido, Reymark
De Ocampo, Jackie Quitain, Roselyn
Honorica, Hannah Jeanne Reaveles, Cherryline
Gutierrez, Jovie Venida, May
Linsasagin, Janine

Nabatid ni:

G. Jomar Linsasagin, LPT, MAEd

You might also like