You are on page 1of 14

Medrano, alyssa mae d.

Bsed 2- social studies

Detailed lesson plan


(asynchronous activity)

April 2022
DETAILED LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 9

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay:
• Maipapaliwanag ang kahulugan ng Ekonomiks
• Matutukoy ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang araw-araw na
pamumuhay at ang mahahalagang konsepto ng Ekonomiks

II. NILALAMAN
A. PAKSA: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks
B. SANGGUNIAN: Ekonomiks- Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-
aaral. Unang Edisyon 2015, Pahina 12 hanggang 22
C. KAGAMITAN: Laptop, Powerpoint Presentation, Modules o Aklat at
Flashcards

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
“Magsitayo ang lahat upang (Tatayo ang lahat ng mag-aaral at
tayo ay manalangin na pupunta sa una ang mamumuno
pamumunuan ng inyong sa pagdarasal)
kamag-aral na si
________________. “Tayo ay magsitungo, ipikit ang
mata at damhin ang presensya ng
Panginoon.

Panginoon, maraming Salamat po


sa ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay
matuto. Pagkalooban mo po kami
ng isang bukas na isip at malawak
na pang-unawa upang ang mga
itinuturo sa amin at ang mga aralin
ay aming maunawaan. Amen!”

Maraming Salamat sa iyo


______________.

2. Pagbati
“Isang mapagpala at
magandang umaga sa “Magandang Umaga rin po,
inyong lahat!” Ma’am!”

“Maaari ng magsi-upo ang (Uupo ang mga mag-aaral)


lahat”

3. Pagtatala ng Liban sa klase


“Kapag tinawag ko ang
inyong pangalan makikisabi
ng Present at kung wala
naman ang aking tinawag
pakisabi ng Absent”

(Tatawagin ang pangalan ng “Present po!”


mga mag-aaral) “Absent po!”
B. Paglinang ng Aralin (Lesson
Proper)
1. Pagganyak (Motivation)
“Bago tayo dumako sa (Nakikinig ang mga mag-aaral)
talakayan para sa ating
unang aralin, ay
magkakaroon muna tayo ng
pampasiglang gawain. Kaya
makinig ng mabuti sa
instruction na aking
ipapaliwanag. Okay?” “Opo!”

“Ang ating pampasiglang


gawain ay tinatawag na PICK
ONE. Mayroon ako ditong 6
na flashcards (ipapakita ang
flashcards) at ito ay nahahati
sa Option A at Option B. Pipili (Nakikinig ang mga mag-aaral)
kayo sa dalawang option na
ito at ipapaliwanag ninyo
kung bakit iyon ang inyong
napili.”

“Naintindihan ba? Malinaw


ba ang gagawin?” “Opo Mam”

“Kung naintindihan na ang


panuto atin ng simulant ang (Nakikinig ang mga mag-aaral)
pampasiglang gawain. Maari
kayong magtaas ng inyong
kamay kung nais ninyong
sumagot”

(Ipapakita ang dalawang


unang Flashcards)

(Ang mga mag-aaral ay


nagsitaasan ng kamay).

“Ang unang larawan ay ang


option A at ang ikalawang
larawan ay Option B, ngayon
ay maari na kayong pumili”

“At ang unang sasagot ay si


__________” “Ang pipiliin ko po ay ang Option B”

“Bakit option b ang iyong


napili?” “Option B po ang pinili ko dahil higit
pong mas masustansya ang mga
prutas kaysa sa mga pagkain na
nasa option A”
“Mahusay! Maraming
Salamat sa iyong pagsagot
___________. May nais pa
bang sumagot para sa Option (Muling nagsitaasan ang kamay ng
na ito?” mga mag-aaral)
“Sige, Ikaw naman ang “Option B din po ang napili ko dahil
sumagot ____________” ito po ay mabuti sa ating katawan”

“Magaling! Ngayon dumako


naman tayo sa ikalawang
pamimiliaan”

(Ipapakita uli ang Flashcards)


(Nagsitaasan ang kamay ng mga
mag-aaral)

“Ngayon naman, ay si “Option A po ang aking napili dahil


_____________ ang ito ay isang magandang ehersisyo
magbabahagi ng kanyang at nakaktulong din po upang tayo
sagot” ay makatipid”

“Mahusay! Maraming
Salamat sa iyong pagsagot.”

“May nais pa bang (Nagsitaasan ang kamay ng mga


sumagot?” mag-aaral)

“Sige, Ikaw naman ang mag “Option B naman po ang aking


bahagi ng iyong sagot napili dahil mas mapapadali po
____________.” tayong makararating sa ating
pupuntahan”
“Magaling! Maraming
Salamat sa iyong pagsagot
__________.”

“Magkaiba ang naging sagot


ng inyong kamag-aral sa
ikalawang pamimilian.
Ngayon naman ay tingnan
natin kung magkaiba ba muli
ang inyong magiging
desisyon o sagot sa ikatlong
pamimiliian.”

(Ipapakita uli ang Flashcards)

(Nagsitaasan ang kamay ng mga


mag-aaral)

“Ikaw naman ang magbahagi “Ang napili ko po Ma’am ay Option


ng iyong sagot B, dahil sa panahon ngayon na
________________” mataas ang presyo ng mga bilihin
ay kailangan po nating magtipid at
mag-ipon para sa iba pa nating
mga pangangailangan”

“Magaling! Salamat sa iyong


sagot. May nais pa bang (Nagsitaasan ang kamay ng mga
magbahagi ng ng kanyang mag-aaral)
sagot?”
“Option A po ang aking dahil
“Sige, ano ang iyong kailangan at magagamit po natin
desisyon ____________.” ang laptop sa pag-aaral”

“Magaling! Maraming
Salamat sa inyong aktibong
partisipasyon sa ating
pampasiglang gawain.”

“Napakahuhusay ninyong (Papalakpak ang mga mag-aaral)


sumagot. Palakpakan ang
inyong mga sarili.”

2. Introduksiyon sa Aralin
A. Paglalahad
“Ngayon naman ay dumako
na tayo sa ating unang Aralin. “Handa na po Ma’am”
Handa na ba ang lahat na
makinig at matuto?”

“Magaling! Kung handa na (Ang mga mag-aaral ay makikinig)


ang lahat ay akin ng
sisimulan ang talakayan sa
introduksyon ng ating aralin.”

(Ipapakita ang nasa


powerpoint presentation)

“Ating aalamin kung ano nga


ba ang kahulugan at
kahalagahan ng Ekonomiks.
Sa inyong palagay, ano ang
kinalaman ng pagpili o pag
dedesisyon sa aralin?
Katulad ng ginawa ninyo
kanina kayo ay pumili at
nagdesisyon.”

“Maaari ko bang marinig ang


iyong “Para po sa akin ay may
sagot_____________?” kaugnayan po sa ekonomiks o sa
ating aralin ang pagpili at
pagdedesiyon na kung saan
nalalaman po natin kung alin po
ang ating higit na kailangan”
“Maraming Salamat sa iyong
sagot.”

“Tama ang kanyang naging


sagot, Sa pagpili o pag (Ang mga mag-aaral ay makikinig)
dedesisyon ay nalalaman
ang higit na mahalaga sa
napakaraming pamimilian at
dahil dito ay nalalaman din
kung alin ang
pangangailangan at
kagustuhan at ito ay
maiiugnay sa ekonomiks
dahil alinman sa ating
pangangailangan o
kagustuhan ay nagmumula
sa mga hilaw na sangkap na
ginagamit sa pagbuo ng
produkto. At ang produkto ay
ibebenta sa pamilihan na
ating bibilhin. At sa mga
produktong ito ay
makagagawa tayo ng
desisyon o pagpili kung alin
ang dapat ikonsumo at hindi.”

3. Interaksyon
Tanong ko, Sagot Mo!

“Ngayon, Ano ang “Ang ekonomiks po ay may


pagkakaunawa ninyo sa kinalaman sa pagpili at
Ekonomiks base sa ating pagdedesisyon”
pampasiglang gawain?”
“Mahalaga po sa ekonomiks ang
pagpili at pagdedesisyon”
“Magaling! Salamat sa
inyong mga tugon.”

C. Pagtatalakay
(Gamit ang powerpoint
presentation ay tatalakayin ang
mga sumusunod at ipapabasa
sa mga mag-aaral ang nasa
presentasyon).

(Ang mga mag-aaral ay aktibong


“Ano nga ba ang kahulugan ng nakikinig)
ekonomiks? Maari mo bang
basahin ang nasa presentasyon “Ang Ekonomiks ay isang sangay
_________?” Agham Panlipunan na nag-aaral
kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan
ng tao. Ito ay mula sa salitang
Griyego na oikonomia, kung saan
ang oikos ay nangangahulugang
bahay at ang nomos naman ay
pamamahala.

“Maraming Salamat! Ang


ekonomiks ay nag-aaral tungkol (Ang mga mag-aaral ay aktibong
sa kung paano tutugunan ang nakikinig)
walang hanggang
pangangailangan ng tao. At ayon
kay Mankiw (1997) ay may
pagkakatulad din ang
ekonomiya at sambahayan.
Dahil ang sambahayan tulad ng
lokal at pambansang ekonomiya
ay gumagawa din ng desisyon.
Nagpaplano ito kung paano
mahahati hati ang mga gawain at
nagpaplano kung paano hahatiin
ang mga limitadong resources
sa maraming pangangailangan
at kagustuhan. Samantala, ang
pamayanan katulad ng
sambahayan ay gumagawa din
ng iba’t ibang desisyon, kung
ano-anong produkto at serbisyo
ang gagawin? paano gagawin?
para kanino? at gaano karami
ang gagawin? Ang aking mga
nabanggit ay ang apat na
katanungan sa ekonomiks.
Nabuo ang apat na katanungan
sa ekonomiks o 4 economic
questions dahil sa kakapusan,
dahil ditto kailangan ng
mekanismo kung pamamahagi
ng limitadong pinagkukunang
yaman.”

“Okay, nakukuha at naiintindihan


pa ba ang aking sinasabi?” “Opo Ma’am”

“Kung ganon, maaari nyo bang (sabay-sabay magsasalita ang


banggitin muli kung ano ang apat mga mag-aaral)
na katanungan sa ekonomiks o
ang 4 economic questions? “Ano ang gagawin?”
“Paano gagawin?”
“Para kanino?”
“Gaano karami?”
“Bakit nga nagkaroon ng 4
Economic Questions?” “Dahil po sa kakapusan”

“Tama! Ngayon ay atin ng ituloy


ang talakayan. Kaya makinig ng (Ang mga mag-aaral ay aktibong
mabuti. Sinasabi na ang nakikinig)
kakapusan ay kaakibat na
ngbuhay dahil mayroong
limitasyon ang kakayahan ng tao
at may limitasyon din ang
pinagkukunang yaman, tulad ng
yamang likas at yamang kapital.
Ang yamang kapital ay maaaring
maubos at hindi na mapalitan.
Samantalang ang yamang
kapital o capital goods tulad ng
mga makinarya, gusali at mhga
kagamitan sa paglikha ng mga
produkto ay may limitasyon din
ang maaaring malikha. Kaya
kailangan na magdesisyon ang
pamayanan batay sa apat na
pangunahing katanungang
pang-ekonomiya na kapaki-
pakinabang sa lahat. Sa madali’t
salita ang kakapusan na
pinagtutuunan ng pag-aaral ng
ekonomiks ay pang araw-araw
na suliraning kinahaharap hindi
lamang ng pamayanan at
sambahayan, kundi ng bawat
indibidwal pati ng mga mag-aaral
na tulad ninyo.”
“Naunawaan ba ang kahulugan
ng Ekonomiks?” “Opo, Ma’am”
“Okay kung inyong naunawaan,
dumako naman tayo sa
pagtalakay ng Mahahalagang
Konsepto sa Ekonomiks.
Sinasabi na bahagi na daw ng
buhay ang pagkakaroon ng mga
choice. Tama ba?” “Opo, Ma’am”

“Sa pagproseso ng pagpili ng


mula sa mga choice ay, ay hindi “Trade off ay ang pagpili o
maiiwasan ang trade off. Ngunit pagsasakripisyo ng isang bagay
ano nga ba ang trade off? Maaari kapalit ng ibang bagay.”
mo bang basahin ang nasa
presentasyon
______________.”

“Salamat! Ang trade off o pagpili


o pagsasakripisyo ng isang (Ang mga mag-aaral ay aktibong
bagay kapalit ng ibang bagay, nakikinig)
mahalaga ang trade off, dahil sa
pamamagitan nito ay maaaring
masuri ang mga pamimilian
upang makabuo ng mainam na
pasya o desisyon. Halimbawa,
Nalalapit na ang inyong
pagsusulit, mag-aaral ka ba o
maglalaro? Dahil mayroon ka ng
pamimilian ay gagawa ka na ng
desisyon at alin man sa dalawa
mong pamimilian ay kailangan “Opportunity cost ay tumutukoy
mong mag sakripisyo ng isa. sa halaga ng bagay o ng best
Ngunit sa ginawa mong alternative na handang ipagpalit
pagsasakripsiyo ay dito na sa sa bawat paggawa ng
papasok yung opportunity cost. desisyon.”
Makikibasa nga muli ng nasa
presentasyon __________.”

“Sa opportunity cost ito yung


halaga ng bagay na iyong (Ang mga mag-aaral ay aktibong
ipinagpalit para makuha o nakikinig)
makamit ang iba pang bagay,
halimbawa, nalalapit na ang
inyong pagsusulit, ano ang iyong
gagawin? Maglalaro ka ba o
mag-aaral? Mas pinili mo ang
paglalaro kaysa sa mag-aral.
Ang halaga ng oras na inilaan
mo para sa paglalaro ay
katumbas sana ng oras na
ilalaan mo sa pag-aaral kung ito
ang iyong pinili. At dahil nga
paglalaro ang iyong pinili
bumagsak ka sa iyong
pagsusulit. Ang nagging
opportunity cost dito ay yung
iyong pag-aaral kasi ipinagpalit
mo ang iyong pag-aaral sa
paglalaro”

“Sumunod naman ay ang (Ang mga mag-aaral ay aktibong


incentives. Maari mo bang nakikinig)
basahin kung ano kahulugan ng
incentives? “Incentives ay halaga na
makukuha sa pagpili ng isang
bagay, produkto o serbisyo.”
“Salamat! Kung sa opportunity
cost kailangan mong ipagpalit
ang ibang bagay para makuha (Ang mga mag-aaral ay aktibong
ang ibang bagay, ang incentives nakikinig)
naman ito yung may makukuha
kang kapalit sa desisyong iyong
ginawa. Halimbawa, sa pagitan
ng pag-aaral at paglalaro ay mas
pinili mo ang mag-aral, resulta
nito ay nakakuha ka ng mataas
na marka, kapalit ng iyong
mataas na marka ay dinagdagan
ng iyong magulang ang
allowance mo. Yung
karagdagang allowance na
nakuha mo ay ang incentives na “Opo!”
tinutukoy. Nakuha ba?”

“Ngayon naman ay ating “Marginal thinking ay sinusuring


talakayin ang Marginal thinking mabuti ng isang indibidwal ang
at makikibasa nga uli ng nasa gastos, halaga o pakinabang na
presentasyon ________.” makukuha mula sa gagawing
pagpili o desisyon.”
“Salamat! Sa ekonomiks ay
mayroon kasabihan na ‘rational
people think at the margin’ ang
ibig sabihin nito ay sinusuri ng
isang indibidwal ang
karagdagang halaga maging ito
man ay gastos o pakinabang na
makukuha sa gagawing
desisyon. Katulad ng mga
halimbawa kanina at katulad ng
pampasiglang gawain na ating
ginawa kanina. Syempre bago
kayo pumili ay pinag-isipan nyo “Opo Ma’am”
muna kung bakit iyon ang inyong
pipiliin, tama ba?

“At sa pagpili at pagdedesiyon (Ang mga mag-aaral ay aktibong


na inyong ginawa ay nagamit nakikinig)
nyo na ang konsepto ng trade
off, opportunity cost, incentives
at marginal thinking. At ang mga
ito ay makakatukong sa inyo
upang makabuo ng matalinong
pagdedesisyon.”

“Naunawaan ba?” “Opo!”

“Kung inyong nauunawaan, (Nagtaas ng kamay ang mga


maari ninyong sagutin ang mag-aaral)
katanungan na paano
nakatutulong sa matalinong
pagdedesisyon ang mga
konsepto ng trade off,
opportunity cost, incentives at “Nakakatulong po ang trade off,
marginal thinking?” opportunity cost, incentive at
maginal thinking sa matalinong
“Okay, ano ang iyong pagdedesisyon sa pamamagitan
sagot______?” po ng nasusuri po ang mga
pagpipilian”

“Mahusay! Maraming Salamat (Nagtaas ng kamay ang mga


sa iyong kasagutan. May nais pa mag-aaral)
bang sumagot?

“Sige, ano ang iyong masasabi?” “Nakatutulong po ito upang


masukat kung alin po ang mas
mahalaga at kailangan sa mga
pamimilian”

“Magaling! Ngayon naman ay “Opo!”


dumako na tayo sa ating huling
topic na ating tatalakayin
ngayong araw. Handa na ba
uling makinig?”

“Atin ng talakayin ang “Bilang bahagi ng lipunan,


kahalagahan ng Ekonomiks. magagamit ang kaalaman sa
Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sa upang
ekonomiks sapagkat mauunawaan ang mga
makakatulong ito sa mabuting napapanahong isyu na may
pamamahala at pagbuo ng kaugnayan sa mahahalagang
matalinong desisyon. Malaki ang usaping ekonomiko ng bansa.”
matutulong nito sa iyo bilang
mag-aaral at kasapi ng pamilya
at lipunan. Bilang bahagi ng
lipunan bakit mahalaga ang
ekonomiks? Makikibasa uli ng
nasa presentasyon _______.”

“Maraming Salamat! bilang (Nagtaas ng kamay ang mga


kasapi ng lipunan ay mag-aaral)
napakahalaga ng kaalaman
natin tungkol sa ekonomiks dahil “Inflation Rate po’
nga nagiging aware o nalalaman “Kalungan po sa mga supply ng
natin ang mga isyu na may pagkain”
kinalaman sa ekonomiya. Maari
ba kayong magbigay kung ano-
anong mga isyu ito?”

“Tama! Bilang kasapi ng lipunan (Ang mga mag-aaral ay aktibong


mahalagang alam ninyo ang nakikinig)
mga usaping iyan, at ang
kaalaman ninyo sa ekonomiks
ay makatutulong din upang
mauunawaan ninyo ang mga
batas at programang
ipinapatupad na may kaugnayan
sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
At bilang isang kasapi ng
pamilya ay magagamit mo din
ang kaalaman mo sa ekonomiks
sap ag-uanawa sa mga desisyon
na mula sa mga pamimilian na
mayroon ang iyong pamilya,
magagamit mo din ito upang
makapagbigay ka ng
makatwirang opinion tungkol sa
mahahalagang desisyon sa
inyong pamilya na may
kinalaman sa paggasta o pagpili
at pagdedesisyon. At bilang
mag- aaral ay maaaring higit na
matalino, mapanuri at
mapagtanong kayo sa mga
nangyayari sa paligid. At maaari
itong humubog sa inyong pag-
unawa, ugali at gawi sa
pamamaraang makakatulong sa
iyong pagdedesisyon para sa
kinabukasan at hanapbuhay sa
hinaharap.”

• Paglalahat
“Tandaan na ang ekonomiks ay
may mahalagang kaugnayan sa
ating pang araw-araw na Gawain
o sa ating buhay. Maging ang
simpleng pag dedesisyon mo o
ng bawat isa sa atin ay may
kaugnayan sa ekonomiya. Ang
mahahalagang konsepto sa
ekonomiks ay ating isabuhay,
dahil ito ay makatutulong sa atin
upang makabuo ng matalinong
pag dedesisyon.

At dito nagtatapos nag ating


aralin tungkol sa Kahulugan at “Opo”
Kahalagahan ng Ekonomiks.
Naunawaan ba ninyo ang
aralin?”

“Kung talaga ngang (Nagtaas ng kamay ang mga


nauunawaan, saan nga nagmula mag-aaral)
ang salitang ekonomiya?”

“Sige, ________. Ano ang iyong “Nagmula po ang ekonomiks sa


sagot?” salitang Griyego na Oikonomiya,
na kung saan ang oikos ay
nangangahulugang bahay at
nomos naman ay pamamahala.”

“Mahusay! Ano ano nga ang 4 na (Nagtaas ng kamay ang mga


katanungan sa ekonomiks o ang mag-aaral)
4 Economic questions?”

“Gusto ko naman marinig ang “Ang 4 na katanungan sa


boses ni ______.” ekonomiks po ay ano ang
gagawin? Paano gagawin? Para
kanino? At gaano karami?
“Magaling! Sino naman ang
makapagbibigay ng (Nagtaas ng kamay ang mga
mahahalagang konsepto ng mag-aaral)
ekonomiks?”

“Sige, ________. Ano ang iyong “Ang mahahalagang konsepto po


sagot?” ng ekonomiks ay trade off,
opportunity cost, incentives at
“Ang huling tanong, ano ang marginal thinking”
kahalagahan ng ekonomiks sa
pang araw-araw na (Nagtaas ng kamay ang mga
pamumuhay?” mag-aaral)

Okay, ano ang iyong sagot


_____.” “Ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang araw-araw na
pamumuhay ay natutulungan tayo
nitong magkaroon ng tama ta
mamtalinong pag dedesisyon sa
pagpili.

“Mahusay! Tunay ngang kayo ay


nakinig ng mabuti sa ating aralin.
Maraming Salamat sa inyong (Kukuha ng papel at magsasagot)
pakikinig at pagsagot sa ating
talakayan.”

D. Paglalapat
“Ngayon naman ay kumuha kayo (Tahimik na magsasagot ang mga
ng papel at sagutan ang nasa mag-aaral)
presentasyon. Sagot na lamang
ang inyong isulat.”

(Ip-present ang gawain)

JUMBLED LETTER: Suriin ang


mga sumusunod na pahayag
upang maiayos at mabuo ang
ginulong letra.
1. KSOKOEMIN - mula sa
salitang griyego na
oikonomia
2. OMONS -
nangangahulugang
pamamahala
3. FOTDERFA - pagpili o
pagsasakripisyo ng isang
bagay kapalit ng ibang bagay
4. POPTONITY SYOC -
tumutukoy sa best alternative
5. KOISO -
nangangahulugang bahay.

“Tapos na ba ang lahat?”


“Opo”
“Kung tapos na ating tsekan
ang inyong sinagutan, (Magpapalitan ng papel ang mga
makipagpalit ng papel sa mag-aaral)
katabi”

“Babanggitin ko ang mga


sagot. (Ang lahat ng mag-aaral ay nag
1. EKONOMIKS tsetsek ng papel)
2. NOMOS
3. TRADE OFF
4. OPPORTUNITY COST
5. OIKOS
“Ipasa pauna ang lahat ng (Ipapasa pauna ang mga papel)
inyong papel”

E. Integrasyon

“Bilang isang mag-aaral at “Bilang mag-aaral kailangan kong


bilang bahagi ng lipunan matutunan ang ekonomiks dahil
bakit kailangan mong sa pamamagitan nito ay
matutunan ang ekonomiks?” nagkakaroon ako ng kaalaman
upang maging mapanuri at
matalino pagdating sa pagbuo ng
desisyon. At bilang bahagi ng
lipunan mahalaga ito dahil
nakatutulong ito upang
maunawaan ang napapanahong
isyu sa bans ana may kaugnayan
sa ating ekonomiya. At nalalaman
din ang mga batas at program
ana may kinalaman sa ekonomiks
IV. PAGTATAYA
A. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang griyego na


________________?
A. Aikonomia B. Oikanomia C. Oikonomia D. okiosnomos

2. Ito ay nangangahulugang bahay. Alin ito sa mga sumusunod?


A. Nomos B. Oika C. Oikos D. Oikonomia

3. Ito ay nangangahulugang pamamahala. Alin ito sa mga sumusunod?


A. Ekonomiks B. Nomos C. Oikos D. Okonomia

4. Ito ay tumutukoy sa mga kagamitan sa paglikha ng produkto tulad ng


makinarya at gusali. Alin ito sa mga sumusunod?
A. Resources B. Yamang kapital C. Yamang likas D. Yamang tao

5. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagpili o pagsasakripisyo ng


isang bagay kapalit ng ibang bagay?
A. Incentives B. Marginal thinking C. Opportunity Cost D. Trade off

6. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best


alternative ba hanadang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon?
A. Incentives B. Marginal thinking C. Opportunity cost D. Trade off

7. Ito ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao


at may limitasyon ang pinagkukunang yaman. Alin ito sa mga
sumusunod?
A. Alternatives B. Kakapusan B. Kakulangan D. Shortage

8. Ano ang tawag sa sangay ng Agham Panlipuan na nag-aaral kung


paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman?
A. Ekonomiks B. Ekonomiya C. Macroeconimics D. Microeconomics

9. Ayon sa kanya ang ekonomiya ang ekonomiya at sambahayan ay


maraming pagkakatulad. Sino siya sa mga sumusunod?
A. Chopra B. Gladwell C. Mankiw D. Ocampo

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahalagahan ng Ekonomiks?


A. Makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong
desisyon.
B. Makatutulong ito sa pag unawa sa mga desisyon mula sa mga
pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
C. Makatutulong ito upang maging higit na matalino, mapunuri at
mapagtanong sa nangyayari sa kapaligiran
D. Makatutulong ito upang lumaki ang kita

V. Takdang Aralin
Bumuo o sumulat ng isang sanaysay tungkol sa iyong natutuhan at
realisayon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks at paano ito
makatutulong sa iyo bilang isang mag-aaral bilang kasapi ng pamilya at
lipunan.

Inihanda ni:
Alyssa Mae D. Medrano
BSED 2- Social Studies

You might also like