You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

BULACAN STATE UNIVERSITY


TEACHER EDUCATION PROGRAM
HAGONOY CAMPUS
Iba-Carillo, Hagonoy, Bulacan
A.Y. 2023-2024

Masusing Banghay-Aralin sa Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan IV


(Home Economics)

WASTONG PAGHIHIWALAY NG BASURA SA BAHAY

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nakikilala ang uri ng mga basura gamit ang larawan;
b. nakapagbibigay halimbawa sa mga uri ng basura; at
c. naisasagawa ang wastong paghihiwalay ng mga basura;
d. naipaliliwanag ang kahalagahan ng wastong paghihiwalay ng basura sa bahay.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Wastong Paghihiwalay Ng Basura Sa Bahay
Kagamitan: Manila Paper, tape, picture, Powerpoint, laptop at basurahan
Pinagkunan ng Paksa: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (Home Economics)
Ikalawang Markahan – Modyul 5 Wastong Paghihiwalay ng Basura sa Bahay (EPP4HE-
Og-10, pahina 1
https://www.youtube.com/watch?v=8wnNo2gHIYE
https://www.youtube.com/watch?v=tNfz0vSHjEU
III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL

A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin:

“Magandang umaga mag-aaral”


“Magandang umaga rin po Ma’am”
“Maaari ba tayong mag sitayo
upang manalangin sa araw na
ito” (Ang mga mag aaral ay magsisitayo)

“Maaari bang pangunahan ito ng


isa sa inyong klase” (Nagboluntaryo ang isang mag aaral)

“Ating iyuko ang ulo at damhin


ang presensya ng Panginoon”
(Nagsiyuko ang lahat)

“Panginoon maraming salamat po sa


araw na ito at kami’y Inyong pinagtipon
tipon upang matuto sa araw na ito.
Maraming salamat po at ang bawat isa
sa amin ay nakarating na ligtas sa
paaralan. Nawa po bigyan Ninyo po
kami ng sapat na kaalaman at malawak
na pang-unawa para po sa aming
magiging aral sa araw na ito. Kayo po
ang maging sentro ng aming pag-
aaralan sa araw na ito. Kayo po ang
aming itataas sa pangalan ng Inyong
anak na si Jesus
‘Amen!” Amen!”

2. Pagbati

“Magandang umaga muli sa inyo


lahat”
“Magandang umaga rin po”
“Maaari na kayo maupo “
3. Pagtatala ng lumiban sa klase (Mga naupo)

“Maaari bang malaman mula sa


class secretary ng ating klase
kung may lumiban sa araw ng
klase ngayon”

“Maraming salamat maaari “Class secretary: Wala pong lumiban sa


kanang maupo” araw na ito ma’am”

“Palakpakan ninyo ang inyong (naupo)


sarili sapagkat walang lumiban
sainyo ngayon”

(Pumalakpak)
4. Panimulang Gawain
“Bago tayo dumako sa ating talakayan
meron tayong laro na may pamagat na picto
word”

“Alam ba ninyo kung ano ang picto word?”

“Handa naba kayo sa ating laro” “Opo”

“Kung gayon tayo ay magsimula sa ating “Opo’


laro na nangangailangan ng 2 pangkat.
Bawat isang pangkat ay may representative
sa paghula ng nasa larawan at sila lamang
ang maaaring sasagot at paunahan sa
pagpindot sa ating buzz. Naunawaan ba.”

“Opo Ma’am”
“Para sa ating unang larawan”

(Ang bawat representative ng bawat


grupo ay inaasahang makasagot)

“WALIS”

“Mahusay”

“Para sa ating ikalawang larawan”

“PLASTIC”

“Mahusay”

“Para sa ating ikatlong larawan”

“Magaling”
“RECYCLE”
“Para sa ating huling larawan”

“BASURAHAN”

“Mahusay at maraming salamat sa inyo pag


sagot maaari na kayo bumalik sainyo upuan”

5. Pagganyak

May inihanda akong awitin na nais ko na


inyong pakinggan at sabayan sa pag awit.

“Ang pamagat ng awiting ito ay ‘’Masdan


Mo ang Kapaligiran’’ na inawit ng bandang (Sasabayan ng mag-aaral ang awit)
ASIN”
“Naibigan ba ninyo ang awitin na inyong “Opo”
napakinggan at napanuod”

“May katanungan ako sa inyo ayon sa kanta


na inyong napakinggan at sinabayan tungkol “Tungkol po sa ating kapaligiran na iba
san ang mensahe ng kanta” na sa nakasanayan nating tanawin”

“mahusay mayroon pa bang nais sumagot”


(Ang mga mag-aaral ay magbabahagi
ng kanilang sagot)

“Mahusay ang inyong mga naisagot at


talagang inyong pinanuod at kinanta ang
awitin”

B. Paglalahad

“Ano sa tingin ninyo ang nasa


larawan?”

“Apat na klase ng basurahan po guro”


“Mahusay ang iyong naturan ano pa”

“Nabubulok at di nabubulok po”


“Magaling ano pa mayroon pa bang nais
sumagot”
“Nabubukod din po ang mga ibang
basura na ating nagagamit kagaya po sa
ospital at ibang bagay po”

“Magaling ang inyong mga naturan at lahat


ng mga inyong naisagot ay tama”
Pagtalakay sa paksa:

“Tayo ay tumungo na sa ating talakayan sa


araw na ito”

“Ano kaya sa tingin ninyo ang ginagawa ng


nasa larawan?”

(Nagtaas ng kamay ang mag-aaral)

“Mga batang naghihiwalay ng basura”

“Magaling mga batang nag hihiwalay ng


basura ayon sa tamang lagayan nito dahil
ang ihihiwalay natin ay ang mga basurang
nabubulok, di-nabubulok at mga basurang
maaari pang magamit pati na rin mga
basurang delikado na nagmula sa ospital o
mga bagay na ating ginagamit sa panahon na
ito”

“Maaari bang pakibasa”


“Makatutulong ang wastong
paghihiwalay ng basura upang
mapanatili natin ang ating kaligtasan,
kalusugan at ating kapaligiran”

“Maraming salamat sa pagbasa ang


paghiwalay ng ating basura ay malaking
tulong sa ating sarili upang maiwasan ang
maaaring trahedya na magkasugat sa
pagkuha ng halo-halong basura at maaari
magkasakit sa di kaaya-ayang amoy nito
kaya sa pagbukod ng basura ating
nabibigyan ng maayos na kapaligiran at
maaliwalas na tanawin sa ating lugar”

“Ayon sa larawan anong klaseng basura


kaya ito nabibilang”

(Nag taas ng kamay ang mag-aaral)

“Nabubulok po na basura”
“Tama ito ay nabubulok bakit nasabi ito ay
nabubulok, maaari bang pakibasa”

“Ang basurang nabubulok ay maaring


gawing compost pit na ilalagay sa
isang hukay upang ibaon at gawin
“Maraming salamat sa pagbabasa, ang pataba ng lupa”
paghiwalay ng basurang nabubulok ay
malaking tulong ito sa atin lalo na sa mga
nagtatanim na ang kanilang pataba sa lupa
ay ang nabubulok na basura na binabaon”

“Maari ba ninyo piliin sa larawan na ito ang


mga basurang nabubulok at ilagay sa tamang
lagayan”

“Maraming salamat sa inyong pagsagot” (Mga mag-aaral ay pipili sa larawan at


ilalagay sa tamang basurahan)
“Mayroon pa bang nais sumagot at
magbigay ng sagot na maaaring nabubulok
na wala sa larawan’

“Tama ang lahat ang inyong naturan na (Ang mag-aaral ay mag bibigay ng iba’t
kasagutan” ibang halimbawa ng nabubulok)

“Ngayon ayon sa larawan na inyong nakikita


sa ano namang klase ng basura ito maaaring
mabilang”

“Mahusay ito ay
basurang hindi (Magtataas ng kamay ang mga mag-
nabubulok o di nabubulok” aaral)

“Maaaring bang pakibasa”


“Mga basurang hindi po nabubulok
Ma’am”
“Maraming salamat sa pag basa ang di-
nabubulok ay maaari pa nating
mapakinabangan kaysa ating sunugin na
hindi maganda sa ating kalikasan basta atin
itong linisin ng maayos bago gamitin sa
ibat-ibang paraan”
“Ang basurang di-nabubulok ay
“Ayon sa mga larawan na narito maaari ba maaaring gamiting muli o i-recycle at
ninyong piliin ang di-nabubulok na basura maaari din itong pagkakitaan”
na maaaring mai-recycle pa at ilagay sa
tamang lagayan”

“Maraming salamat sa
mahusay na pagsagot mayroon pa bang nais
na magsagot sa basurang di-nabubulok na
maaari mai-recycle pa?”
(Ang mag-aaral ay magsasagot ayon sa
“Maraming salamat sa pagsagot” kanilang kaalaman)

“Kung inyong napansin mayroong basura na


hindi naisama sa nabubulok at di-nabubulok
dahil ito ay dapat nakabukod gaya ng aking
nabanggit kanina na mahalagang nakabukod
ang basurang nanggaling sa ospital o ating
ginamit na personal na maaaring makahawa
ng sakit or magkasakit ang kukuha ng
basura at mahalaga na hindi lamang (Ang bawat mag-aaral ay mag ng
dalawang basurahan ang ating ilaan kundi kanilang kaalaman)
tatlo”

“Maaari ba ninyong ilagay sa basurahan ang


basurang kailangang nakabukod sa di-
nabubulok na basura upang hindi makahawa
ng kung anumang mikrobyo ang mayroon”

“Maraming salamat sa
inyong pagsagot”

“Mayroon pa bang nais magbigay ng


halimbawa na kailangan na ibukod sa di-
nabubulok upang matiyak na hindi
makakahawa ng anumang sakit sa ibang tao
na wala sa larawan”

“Maraming salamat sa pagbabahagi ng


inyong kasagutan naunawaan ba ang ating
talakayan sa araw na ito?”

“May katanungan pa ba?”

“Maraming salamat kung gayon ako ang (Ang mag-aaral ay inaasahang mailagay
may katanungan” sa tamang basurahan ang basura)

C. Paglalahat
1. Ano ang wastong pagtapon ng basura?
2. Ilan dapat ang ating ilaan na basurahan?
Anu-ano ang mga ito?
3. Bakit mahalagang itapon sa wastong
tapunan ang ating mga basura?
4. Paano ka makakatulong sa inyong bahay (Ang mag-aaral ay mag bibigay ng
sa tamang pagtatapon ng basura? kanilang nalalaman)

Panuto: Punan ng kasagutan ang tanong “Opo”


ayon sa iyong mga natutunan sa wastong
paghihiwalay ng basura sa bahay. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel. “Wala po”

1. 3 bagay na iyong natutunan:


1.
2.
3.
2. 2 bagay na nakapukaw ng iyong interes:
1.
2.
3. 1 bagay na nais mong matutunan:
1.
D. Paglalapat (Ang mag-aaral ay makapagbahagi ng
Panuto: Isulat ang TAMA kung nagsasaad kanilang kaalaman)
ng katotohanan at MALI kung walang
katotohanan. Ilagay sa patlang ang tamang
sagot.
1. Ang pagtatapon ng basura ay
nangangailangan ng malaking halaga.
2. Ang compost pit ay simpleng
pagbabaon ng kahit anong basura upang
gawing pataba ng lupa.
3. Ang pagsunog ng papel at plastic
ay hindi magandang epekto sa ating
kalikasan.
4. Ang nabubulok na basura ay
maaari pang magamit.
5. Ang di-nabubulok ay maaaring
ibaon sa lupa.
Sagot:
1. MALI
2. MALI
3. TAMA
4. MALI
5. MALI

E. Pagpapahalaga
Bakit mahalaga na ibukod ang ating basura?
At sa anong paraan ito nakakatulong?

(Tumanggap ng ibat-ibang sagot mula


sa mag-aaral)

IV. Pagtataya
Panuto: Isa-isahin ang mga uri ng basura ayon kung saan ito naaangkop. Ilagay sa loob
ng kahon ang tamang sagot.

Balat ng prutas Papel Facemask Pintura

Plastic bottle Diaper Balat ng candy

Lata Dahon Gulay Styropor

Syrange Spray Canister Thinner Baterya

Face shield Pesticide Karton

Nabubulok Di-nabubulok Nareresiklo/ Toxic/ Hazardous


Recycle waste
V. Takdang aralin
Magdala ng mga kagamitan ayon sa sumusunod:
1. Plastic battle 1.5-liter o wilkins na luma
2. Gunting
3. Colored paper (pang design)
4. Glue
5. Lumang tali or yarn pang sabit

Inihanda nina:

MANALO, ALEXANDRA L.
LOPEZ, MARILYN C.

BEEd-3A

MS. DIANA REGALADO


03/28/23

You might also like