You are on page 1of 12

Banghay Aralin Sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV

I. Layunin
• Natatalakay ang mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan.
• Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan sa tahanan.
• Naiisa-isa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Mga hayop na maaring alagaan sa tahanan. Hal. Dagang costa, Kalapati, Love Birds at ibp.
B. Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4; EPP4AG-0h-15
C. Kagamitan: Ms Word, PPT, at Litrato.

III. Pamamaraan

GURO MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
“Mga Anak tayo ay tumayo at manalangin.
Panginoon salamat po sa panibagong araw na
ito, Salamat po sa lahat ng blessing at
pagpapala na aming natanggap bigyan mopo (TUMAYO AT NANALANGIN)
ng malulusog na pangangatawan at talas ng
isip ang aking mga estudyante ingatan at
gabayan mo po sila sa lahat ng bagay. Ito’y
aming dinadalangin sa pangalan ni Jesus.
AMEN.

2. Pagbati
“Magandang umaga mga anak kong maganda
at guwapo.”

“Kumusta ang weekend niyo?” “Magandang umaga po mam.”

“Mahusay, Bago tayo tumungo sa ating pag- “Okay naman po mam.”


aaralan ngayong araw meron bang lumiban sa
ating klase?”

“Magaling, Bigyan niyo ang inyong mga “Wala po mam.”


sarili ng tatlong palakpak.”

3. Balik Aral “1,2,3 Palakpak.”


“Okay. Mga anak ano nga ba ang ating
tinalakay noon nakaraang klase.?”

“Mga wastong pamamaraan po ng paglilinis


ng bahay at bakuran po mam.”
“Mahusay, Ngayon meron akong inihandang
simpleng aktibidad. Handa na ba kayo mga
anak?”

“Opo Mam.”

B. Pagganyak

Panuto: Sabihin kung sa labas o loob ng tahanan


pweding alagaan ang mga hayop na nasa larawan.

“Okay. Mga anak nakikita niyo na ba ang


larawan?”

“Opo Mam.”

“Okay. Sa larawan anong pangalan ng hayop ang


unang nasa itaas? Sinong gusting sumagot?”

(JENNY)
“Ako po mam.”
“Sige Jenny.”

“Baka po mam.”
“Magaling. Saan pweding alagaan ang baka sa
labas o loob ng bahay jenny?”

“Sa labas po mam.”

“Mahusay Jenny. Ang sunod na hayop na nasa


larawan anong pangalan ng hayop na ito?”

“Kabayo po mam.”

“Ang galing ito’y isang kabayo. Saan ito pweding


alagaan sa labas o loob ng bahay?”
“Sa labas po mam.”

“Mahusay. Ang sunod na hayop anong pangalan


nito? Sinong gusting sumagot?”

(CATHY)
“Ako po mam.”
“Okay cathy.”

“Pusa po mam.”
“Mahusay Cathy. Isa itong pusa pagkatapos ng
pusa anong kasunod na hayop? Sinong gustong
sumagot?”

(JANE)
“Ako po mam.”

“Okay sige jane ano ang iyong sagot?”

“Baboy po mam.”

“Magaling jane. Baboy ang pangalan ng hayop na


ito saan pweding alagaan ang baboy sa loob o
labas ng bahay jane?”

“Sa labas po mam.”

“Tama Magaling. Pagkatapos ng baboy anong


pangalan ng hayop na nasa larawan?”

“Tupa po mam.”
“Mahusay. Isa itong tupa saan ito pweding
alagaan sa loob o sa labas ng bahay?”

“Labas po mam.”

“Magaling pagkatapos ng tupa ano ang kasunod


na hayop?”

“Manok po mam.”

“Magaling isa itong manok saan pweding alagaan


ang manok sa loob o labas ng bahay?”

“Labas po mam.”
“Mahusay. Pagkatapos ng manok anong kasunod
na hayop?”
“Aso po mam.”

“Magaling isa itong aso saan ito pweding alagaan


sa loob o labas ng bahay?”

“Pwedi pong sa labas mam at pwedi ding


pong loob mam.”
“Mahusay ang aso ay pweding alagaan sa loob at
labas ng bahay natin. Pagkatapos ng aso anong
kasunod na hayop?”

“Bibe or itik po mam.”

“Mahusay saan ito pweding alagaan sa loob o


labas ng bahay?”

“Labas po mam.”

“Magaling ang lahat ng sumagot sa ating


simpleng aktibidad ay may karagdagang puntos sa
ating susunod na aktibidad. Ang ating tatalakayin
ngayong araw ay may kinalaman sa ating
simpleng aktibidad kanina.”

C. Paglalahad
Saan natin matatagpuan ang mga hayop na nasa
larawan?

“Okay mga anak saan natin matatagpuan ang mga


hayop na ito?”

“Sa tahanan po mam.”

“Magaling matatagpuan ang mga hayop na ito sa ating


mga tahanan. Ang ating tatalakayin ngayong araw ay
tungkol sa mga hayop na maaring alagaan sa bahay o
tahanan.”

D. Pagtatalakay
“Sino sa inyo ang may alagang hayop sa bahay?”
(MGA MAG-AARAL)
“Ako po mam.”
“Ako po mam.”

“Okay jenny ano ang iyong alagang hayop sa


bahay?”

(JENNY)
“Aso po mam tsaka kuneho po mam.”

“Wow meron kang alagang kuneho at aso bakit ka


nagaalaga ng hayop jenny?”

“Dahil pet lover po ako at nakakaaliw pong


magalaga ng hayop kagaya po ng mga
inaalagaan ko ngayon mam.”

“Mahusay pagpatuloy molang yang jenny. Okay


mga anak aking ipapakita isa-isa ang mga hayop
na pweding alagaan sa tahanan at aking
babanggitin ang mga kabutihan at
kapakinabangan naidudulot nito sa ating buhay
handa na ba kayo?”

“Opo mam.”

“Okay ang unang larawan anong hayop ito?”

“Aso po mam.”

“Magaling sino ang may alagang aso dito sa


bahay taas ang kamay.”

(TAASAN NG KAMAY)

“Mahusay! Ang aso ay mainam alagaan


nakakatulong ito sa paglalakad at maging bantay
ng ating tahanan. Ngunit nakakatakot kapag
sinasaktan dahil ito ay lumalaban. Ang aso ay isa
mga hayop na mainam alagaan. Sa katunayan
maraming mga pamilya ang naggugugol ng
panahon sa pag-aalaga nito.”

“Ang sunod na larawan anong uri ng hayop ito?”


“Pusa po mam.”

“Magaling! Sinong may alagang pusa sa bahay?”


“Ako po mam.”
“Ako po mam.”

“Okay. Ang pusa ay mahusay din alagaan dahil


bukod sa ito’y taga huli ng daga, Mabait din itong
kalaro ng mga bata.”

“Ang sunod na larawan anong uri ng hayop ito?”

“Manok po mam.”
“Magaling! Ang manok ay hindi gaanong
mahirap alagaan. Dahil hindi ito nangangagat sa
halip ito’y nagbibigay ng karagdagang kita dahil
ito ay nagbibigay ng itlog at karne na pweding
pagkakakitaan. Kinakailangan ang ibayong ingat
sa pag-aalaga ng manok dahil may mga
pagkakataong kung saan nagkaroon ito ng sakit.
Maari itong mamatay dahil sa hindi inaasahang
pagdapo ng sakit kagaya ng bird flu.”

“Okay mga anak sinong merong alagang manok


sa bahay?”

(MAG-AARAL)
“Kami po mam.”
“Ako po mam.”
“Mabuti magangdang mag-alaga ng manok dahil
pwedi itong pagkakakitaan. Ang sunod na
larawan anong uri ng hayop ito?”

“Kuneho po mam.”
“Magaling isa itong kuneho isa itong maliit na
hayop ngunit mainam itong alagaan dahil mabait at
nagbibigay ito ng masustansyang karne at hindi madaling
dapuan ng sakit. Hindi ito maselan sa pagkain, maaari mo
ito bigyan ng built ng mais o mga dahoon o berdeng gulay
ay kanilang kinakain.”

“Sinong may alagang kuneho sa bahay?”

(JENNY)
“Ako po mam.”

“Ay oo si jenny ay may alagang kuneho sa


kanilang bahay. Ang susunod na larawan anong uri ng
hayop ito?”

“Mga isda po mam.”

“Mahusay! Ito ay mga isda ang pag-aalaga ng


mga ito ay nakakalibang ito na Gawain, Nakakaalis ito ng
stress at pagod. Sa kasalukuyan maraming uri ng isda na
pweding alagaan ang iba ay pweding pagkakitaan. Pwedi
din mag-alaga sa bahay na inilalagay sa aquarium ang
aquiarium ay isang lalagyang mat tubig kung saan
pinapakai ang mga isda. Ito ay ginagawang palamuti o
atraksyon sa tahanan, opisian at ibp.”

“Sinong may aquiarum sa bahay o mga alagang


isda?”

“Ako po mam.”
“Okay. Ang susunod na larawan anong uri ng
hayop ito?”

“Dagang costa po mam.”

“Magaling! Isa itong dagang costa na mainam din


alagaan ito ay nagbibigay aliw sa nag-aalaga. Isa siyang
uri ng daga na matuturuan sa ipapagawa sa kanya
katulad ng carnival ito ay ginagamit sa laro sa ibabaw ng
mesa na may kahon na kapag narinig na nila ang signal ay
tatakbo sila agad sa loob ng kahon. Okay mga anak
sinong may alagang dagang costa sa bahay?”

“Wala po mam.”

“Okay. Iilan lamang ang mga merong alaga nito.


Pero meron tayong alagang daga pero hindi sila kagaya
ng nasa larawan tama ba ako?”

“Opo mam.”

“Okay mga anak ang susunod na larawan anong


uri ng hayop ito?”
“Kalapati at Love Birds po mam.”

“Mahusay! Ang pag-aalaga ng kalapati ay madaling


pagkakitaan bukod sa nakakalibang. Masarap din itong
gawing karne. Kagaya din ang mga love birds pwedi itong
pagkakitaan kapag dumami pwedi itong ibenta. Sinong
merong alaga ng kalapati at love birds sa bahay?”

“Ako po mam Love birds.”


“Ako po mam kalapati ng kuya ko.”

“Mabuti! Ano pang mga hayop na alam niyo na pweding


alagaan sa tahanan?”

“Baboy po mam.”
“Kambing po mam.”
“Baka po mam.”
“Itik po mam.”

“Magaling! Ang mga inyong ibinigay na pwedi pang


alagaan sa tahanan ay pwedi rin itong pakinabangan at
pagkakitaan tama ba ako?”

“Opo mam.”

“Okay. Akin din ipapakita ang wastong pamamaraan ng


pag-aalaga ng mga hayop sa tahanan. Pakibasa mga ito
sino gustong magbasa?”

1. Bigyan ng sapat na liwanag at bentilasyon


2. Maaliwalas na lugar
(CHERRY)
3. Tamang paraan ng pagpapakain “Ako po mam.”
4. Kalinisan at kaayusan
5. Maglagay ng mas maraming pakainan o painuman
6. Paghihiwalay sa may sakit
7. Pabakunahan ang mga hayop laban sa peste at sakit
8. Malinis na kapaligiran

“Okay sige cherry.”

“1. Bigyan ng sapat na liwanag at bentilasyon


2. Maaliwalas na lugar
3. Tamang paraan ng pagpapakain
4. Kalinisan at kaayusan
5. Maglagay ng mas maraming pakainan o painuman
6. Paghihiwalay sa may sakit
7. Pabakunahan ang mga hayop laban sa peste at sakit
8. Malinis na kapaligiran.”

“Salamat cherry. Kailangan natin gawin ang mga


pamamaraan na ito upang hindi mapabayaan ang ating
mga alagang hayop sa bahay.”
“Naiintindihan ba ang ating tinalakay ngayong araw?”
“Opo mam.”

“Wala ba kayong mga tanong?”

“Wala po mam.”

“Okay mga anak ating susubukin kung lubos niyong


naunawaan o meron kayong natutunan ngayong araw
meron ako inihandang pagsasanay kumuha ng papel at
sagutin ang mga ito.”

(Naglagay ng papel at ballpen)

PAGSASANAY
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng hayop ang maaring
alagaan sa bahay. Ilagay sa tamang hanay ang inyong
sagot.

• Aso
• Palaka
• Kabayo
• Kuneho
• Ibon
• Tigre
• Ahas
• Kambing
• Manok
• Buwaya
• Leon
• Pusa
• Kalabaw
• Agila
Maaring alagaan sa Bahay Hindi maaring alagaan sa
Bahay

“Bibigyan ko kayo ng limang minuto para sagutin ito.”

(AFTER 5MINS)
“Tapos na ba mga anak?”
“Opo mam.”
“Magaling bigyan niyo ang inyong mga sarili ng tatlong
palakpak.”

“1,2,3 Palakpak.”
“Marami bang natutunan ngayong araw?”
“Opo mam.”
“Mahusay meron akong ibibigay na isa pang pagsasanay
itoy ating ichecheck sa susunod na ating klase.
Maliwanag ba mga anak?”

“Opo mam.”

“At magbibigay akong takdang aralin at sagutin ito sa


inyong bahay. Inuulit ko magandang umaga at magiingat
kayo palagi. GOOD DAY CLASS!”

“Good Day po mam vane.”

IV. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang tamang sagot.

1. Isa itong hayop na malambing at pweding maging isang bantay ng tahanan.


A. Pusa
B. Aso
C. Baka
D. Kabayo
2. Ang hayop na ito ay taga huli ng daga sa bahay at pweding kalaro ng bata.
A. Kuneho
B. Baboy
C. Kalapati
D. Pusa
3. Ito ay nangingitlog, Nanunuka at pweding gawing karne.
A. Manok
B. Daga
C. Buwaya
D. Ahas
4. Ang mga hayop na ito ay inaalagaan sa aquiarum.
A. Dolphin
B. Isda
C. Kambing
D. Manok
5. Ang hayop na ito ay kumakain ng berdeng gulay at hindi ito maselan sa pagkain.
A. Buwaya
B. Ahas
C. Manok
D. Kuneho
V. Takdang Aralin
Panuto: Gumupit sa mga hindi ginagamit na libro sa inyong bahay ng mga hayop na pweding alagaan sa
tahanan.

Preffered By: Samson, Vanessa, M.


BEED2A
Teacher: Mam Valerie Macatuno, LPT

You might also like