You are on page 1of 23

Banghay Aralin sa Filipino IV

Wika

I. Layunin

 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto

Unawain ang binasang teksto

II. Paksa at Aralin

A. Paksa : Pagbasa ng teksto


B. Sanggunian : Hiyas sa Filipino IV.P 10-13,16 F4pB – III ad – 3.1
C. Kagamitan : Loptop

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

I. Panimulang Gawain

 Panalangin  Our Father……………………......Amen

 Pagtsetsek ng pagliban at di pagliban  Present……………………………Absent

 Pagbati

“Magandang Umaga mga Bata” - “Magandang Umaga po Ma’am”

A. Balik Aral
( Mga Mag- aaral)
- “ Bago tayo magsimula sa ating bagong
Talakayan . May ipapabasa akong
pamagat ng teksto at sagutin kung sino - “Naibibigay ang kahulugan ng salita sa
ang akda nito. pamamagitan ng pormal na depinasyon”.

1. El Filibusterismo - ( Ang mga bata ay nagbigay ng iba’t ibang


2. Kjkj halimbawa.)
3.

- “ Magbigay ng halimbawa”

B. Pagganyak
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

( Ang guro ay magpapakita ng isang


Kwento.)

“ Si Maria at ang kanyang Aso at Pusa”

Hinabol ni Bruno si Kiting at nang


madatnan nya ito ay pinagkakagatkagat
nya. Hindi naman nilakasan ng aso ang
pagkakakagat sa pusa pero nagdulot ito ng
maliliit na pasa.
Pag – uwi ni Maria nagalit sya kay Bruno ,
hidi nya ito pinakain habang awing awa
siya sa kiting .Nais ng bata na matuto raw
ang aso kaya ginawa nya ito , kahit
masakit rin para sa kanya.
Nanghina si Bruno at masakit ang loob nya
sa parusa ni Maria.
Umalis ulit si Aling Rosa at ang kanyang
anak na si Maria. Saktong sa pagsarado ng
pintuana ,itinulak ni kuting ang kanyang
kainan patungo kay Bruno. Hinang – hina,
bumangon ang aso at kinain ang natitirang
pagkain sa kainan ng pusa. Si Kutin naman
, umupo lang sa gilid at pinanood lang ang
aso na kumain. Nasiyahan si Bruno sa
ginawa ng pusa at nagkabati rin sila.
Subalit , masama parin ang loob ng aso
kay Maria. Noong dumating sila ng nanay
nya ay hindi ito lumapit, tanging si Kiting
lang.Nilapitan ng bata ang alagang aso at
hinimas himas ang ulo nito.
“ Bruno gali ka pa rin bas a akin? Laron a
tayo ni Kiting. Ikaw kasi, huwag mo na
ulit kakagatin si kiting, e, ang liit pa naman
nya”. Sabi ni Maria.
Ipinangako ni Maria na hinding hindi nya
na papagutoman muli si Bruno.Nagsisi rin
sya sa ginawa nya sa aso at ipinangako nya
sa sarili na hinding- hindi na nya
parurusahan ang mga alaga kahit ano pa
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
- “Nagustuhan nyo ba ang kwento mga bata?” - “ opo Ma’am!”

- “ Magaling”

C. Paglalahad

- Ngayon may mga katanungan akong


ipapasagot sa inyo.

- “Sino si Bruno sa kwentong nabanggit?” - “Joan , ayon sa kwento si Bruno po ay


ang aso.”
- “ Tama, ang galing ni Joan!”

- “Sino si Kiting sa kwentong nabanggit?” - “ Mark, ayon sa kwento si Kiting po ay


ang pusa.”

- “ tama ba mga bata si Mark sa kanyang ( Mga Bata )


sagot?”
- “ Opo Ma’am”

- “ Okay , tama si Mark”

- “ Sa tingin nyo, Bakit kaya pinarusahan ni - “ Clara… Pinarusahan ni Maria si Bruno


dahil kinagat nito si Kiting”.
Maria si Bruno?”

- “ Magaling Clara”

- “ Tama ba, na parusahan ni Maria si - “ Mika, Hindi po tama na parusahan ni


Maria si Bruno”.
Bruno”?
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

- “ Tama , napakagaling”
-
- “ Bakit kaya hindi dapat parusahan ni - ( Kanya – Kanyang sagot )
Maria si Bruno?

- “ Magaling”

- Sino Pa? - ( Kanya –kanyang sagot )

- “ Tama, Magaling”

- “ Eh , yung ginawa ni Kiting Kay Bruno - “ Jasmin, Tama po Ma’am”


Na ibinigay nya ang kanyang pagkain
kay Bruno?”
( Mga Bata )

- Sang ayon ba kayo mga bata sa sagot ni - “ Opo, Ma’am”


Jasmin?”

- “ Okay, magaling”

- “ Naintindihan ba mga bata ang - “ Opo, Ma’am”


Kwento?”

- “ Okay, sige mayroon pa akong


inihandang isang kwento.”

- Ipapabasa ang kwento sa isang mag –


aaral habang ibang mag aaral ay tahimik
na sinusundan ang pagbabasa.

“ Ang Maya , at Ang Agila At Mga Hayop Sa


Gubat”
Sa gubat Matalibugho may sa isang ibong
nagngangalang Maya. Si Maya ay isang ibong
maya.
Isang araw habang lumilipad sa kakahuyan ay
may narinig syang malakas na tinig.
Pinakinggan nya ng mabuti ang tunog, at nakita
ni Maya si Agila nakasabit sa sa patibong ng
mga mangangaso.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

“ Tulungan mo ako Maya! Tulungan mo ako!” ang


pagmamakaawa ni Agila

“ Sandali lang Kaibigang Agila at hihingi ako ng


tulong, wag kang maingay baka marinig ka ng mga
tao”. Ang sagot ni Maya. Lumipad ng mabilis si
Maya patungo sa kanyang bahay para humingi ng
tulong sa mga kapwa ibon. Binalikan nila sa Agila
ngunit hindi pa rin ito matangggal sa lambat.

“ Mga kaibigang ibon, tulungan nyo akong maialis


sa lambat si Agila, paano ba natin maaalis si Agila sa
lambat?” tanong ni Maya.

“ Maghihiwalay tayo at humingi ng tulong sa iba


pang mga hayop”. Sabi ng isang ibon, sumasang-
ayon namn si Maya at naghiwahiwalay sila.

Dumating sila Oso, Leon, Usa ,Tigre, Elephante,


Pagong, Unggoy, Kuneho, , Buwaya at Uwak.

“Bakit nandito si Uwak?” tanong ni unggoy.” Gusto


ko lang tumulong” Ang biglang sagot ni Uwak.

“ Uwak , lumipad ka sa taas at subukan mong


putulin ang lambat at Unggoy umakyat ka sa puno
at alalayan mo si Uwak”. Ang utos ni Maya

Umakyat si Unggoy at lumipad pataas ng puno si


Uwak ngunit kahit ilang ilit ng subukan ni Uwak
hindi pa rin nya maputol – putol ang tali.

“ Oso, samahan mo si Unggoy sa taas ng puno” ang


biglang sabi ni Maya.

“ Elephante , pataasin mo sa likod mo si Leon”


dagdag pa nya.

Pagkataas ni Oso sa puno ay sinimulan na niyang


putulin ang lambat na sinasabitan ni Agila at bigla
itong napigtas. Nalaglag ang lambat kasama si Agila
ngunit nasalo siya ni Leon na mabilis na tumalon.

“ Mga kaibigan maraming salamat…Akala ko


magiging tinola na ako”. Ang pasasalamat ni Agila
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

“Anong silbe ng pagtira natin sa iisang gubat kung


hindi naman tayo magtutulungan?” sabi ni Maya.

Nagsaya silang lahat sa pagkakaligtas kay Agila at


namuhay sila ng masaya at masagana. Kahit na
magkakaiba ang kanilang mga kinakain, pag uugali,
at kahit na iba iba ang kanilang uri , nagawa pa rin
nilang tlungan ang isa’t isa.
( Mga Bata )

- “ Okay maganda ba ang kwento, mga - “ Opo, Ma’am”


Bata?”

- “ Nagustuhan nyo baa ng Kwento?” - “ Opo, Ma’am”

- “ Sinong makapagbibigay sa akin kung - “ Jonel , ang pamagat po ng kwento ay


Ano ang pamagat ng Kwento?” Ang Maya at Ang Agila At Mga Hayop
sa Gubat.
- “ tama, Jonel”

- “ Sinu – sino ang mga pangunahing mga


tauhan sa kwento magbigay ng isa.” - “ Diomangay , isa sa mga pangunahing
tauhan sa kwento ay si Maya.

- “ Magaling, sinu pa?”

- “ Tama” - “ Ritchel , si Agila”

- “ Tama” - “ Koyz , si Pagong”

- “Tama” - “ Melissa , si Uwak”

- “ Tama “ - “ Edward , si Leon”

- “ Tama” - “ Jaimeto , si Elephante”

- “ Tama “ - “ Diolagon , si Oso”

- “ Tama “ - “ Villar , si Tigre”

- “ Tama “ - “ Omhar, si Kuneho”

- “ Tama “ - “ Michael, Si Buwaya”


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

- “ Lahat ba ay nabanggit na?” - “ Opo, Ma’am”

- “Sino ang nakarinig ng paghingi ng - “ Edilly, Ang nakarinig ng paghingi ng


tulong ni Agila?” tulong ni Agila ay si Maya.”

- “ Tama”

- “ Ano ang sunod na hakbang ni Maya - “ Cristine , Ang sunod na ginawang


Ng marinig nya ang pagsigaw ni Agila hakbang ni Maya ay umalis ito at
Na humihingi ng tulong?” humingi ng tulong sa ibang mga hayop”.

- “ Magaling”

- “ Sino – sino ang mga tumulong sa ( Isa isang nagbahagi ang mga mag- aaral ng
pagsagip o pagligtas kai Agila?” Kanilang mga sago .)
magbigay ng isa.

- Jeromina , si Agila”
- “ Tama”
- “ Roa, si Pagong”
- “ Magaling”
- “ Emily , si Uwak”
- “Tama”
- “ Jessa , si Leon”
- “ Tama “
- “ Jaimeto , si Elephante”
- “ Magaling”
- “ Diolagon , si Oso”
- “ Magaling “
- “ Villar , si Tigre”
- “ Tama “
- “ Eva , si Kuneho”
- “ Magaling “
- “ Cemaco, Si Buwaya”
- “ Tama

- “ Paanu nila nailigtas si Agila sa kamay - “ Jaimeto , Nailigtas nila si Agila sa


Ng mga mangangasaso?” pamamagitan ng pagtutulunga sa bawat
isa bawat isa.

- “ Tumpak!, Nakagaling.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

- “ Naiintindihan na ba mga bata?” - “ Opo, Ma’am “

D. Paglalahat
( Kanya – Kanyang mga sagot )

- Sa unang kwentong nabasa nyo kanina na


may pamagat na “ Si Maria at ang kanyang - “ Edward…………………..”
Aso at Pusa, ano – ano ang inyong mga
natutunan batay sa inyung nabasa?

- “ Wow! Ang galing”. - “ Jaimeto……………………”

- “ Sinu pa?”

- “ Tama, ang galing”

- “ Magaling “ - “ Michelle………………..…”

- “Sa pangalawang kwento namn , ano – ano ( Kanya – kanyang sagot ang mga mag- aaral )
Inyong mga natutunan na may pamagat na
Ang Maya at Ang Agila At Mga Hayop sa
Gubat. Ang sasagot namn ngayon ay yung
mga hindi pa nakasagot kanina.

- “ Tama “ - “ Jonathan……………………”

- “ Sinu pa?” - “ Relyn………………………”

- “ Magaling”

- “Sige nga kung nakinig kayo ano paki ulit ng - “ Cajurao……………………”


ang sinabing sagot ni Relyn?”

- Tama , nakikinig talagang mabuti si cajurao


sa sagot ng mga classmate nya!”

II. Paglalapat

 Hahatiin ang Klase sa apat na pangkat


at ang bawat pangkat ay may iba’t
ibang uri ng kwento.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

- “ Ngayon mga bata ay magkakaroon


Tayo ng pangkatang Gawain. Pa-
Pangkatin ko ang buong klase sa apat
na pangkat, at ang apat na pangkat ay
may iba’t ibang kwento.

- “ Ano ang gagawin nyo? Sagutin ang


bawat tanong batay sa nasabing kwento
mayroon kayo. Isusulat nyo ang inyong
mga sagot sa isang malinis na manila
paper na aming ibibigay at ilalahad nyo
ito sa harapan, pumili lamang ng mga
representative sa paglalahad. Nandito
ang mga katanungan sa pisara, isulat
ang tanong bago sagutan.

- “Naiintindihan baa ng Panuto mga - “Opo, Ma’am”


bata?”

 Ipapakita ng Guro ang mga


katanungang sasagutan ng mga mag-
aaral.

- “ Sa pagkakataong ito bago natin


simulan ang activity sa pangkatang
Gawain ano – ano ang dapat nating
maging batayan ? upang masagutan ng - “ Glen Makikilahok po Ma’am”
maayos ang activity?

- “ Diomangay Wag maingay po Ma’am”

- “Edward, magbibigay po Ma’am ng


- “ Okay, Magaling “ opinion”

- “ Bibigyan ko lamang kayo ng lima o - At iba pa…………………


anim na minute upang sagutan ang
ativity.

- “ Ngayon ay simulant na”.


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

III. Ebalwasyon

Panuto : Kumuha ng isang kalahating papel


( crosswise ) at sagutin ang mga
Sumusunod na mga tanong

“ Ang Sapatero at ang mga Duwende”

May isang sapatero na ubod ng hirap at may


materyales lang para sa isang pares na
sapatos . Isang gabi ginupit na nya at
inihanda ang mga materyales para gawin sa
umaga ang sapatos .
Anong laking gulat niya nang magisnan niya
kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at
kai husay pa ng pagkakagawa! Madaling
naipagbili niya ang mga sapatos at nakabili
siya ng materyales para sa dalawang pares.
Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa
kinabukasan. Paggising niya sa umaga nakita
uli na yari na ang dalawang pares na sapatos.
Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at
bumuli na namn siya uli ng mga gamit para
sa apat na pares. Inihanda niya uli ito sa mesa
para magawa sa umaga .
Ganoon na naman ang nangyari, na tila may
tumutulong sa kanya sa paggawa ng mga
sapatos . Kinalaunan sa tulong ng
mahiwagang mga sapatero panggabi,
gumaling ang buhay ng mga sapatero
“ Sino kaya ang mabait na tumutulong sa
akin?”tanong niya sa asawa.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

“ Sino nga kaya? Gusto mo , huwag tayong


matulog mamaya at tingnan natin kung sino nga
siya ? alok ng babae.

Ganon na nga ang ginawa ng mag asawa


kinagabihan. Nagkubli sila sa likod ng makapal na
kurtina para Makita kung ano ang nangyayari sa
gabi. Nang tumugtog ang alas dose, biglang
pumasok sa bintana ang dalawamg kalbong
duwende.

Tuloy tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang pag


tatrabaho. Pakanta kanta at pasayaw sayaw pa na
parang tuwang tuwa sila sapag gawa. Madali
nilang natapos ang mga sapatos at mabilis din
silang tumalon sa bintana.

“ mga duwende pala!” sabi ng babae. “ kay babait


nila, ano?”

“ oo nga, paano kaya natin sila pasasalamatan?


Ayaw ata nila mag pakita sa tao”

“ hayaan mo itatahi ko sila ng mga pantalon at


baro at iiwan nalang natin sa mesa sa gabi.

Dalawang pares na maliliit na pantalon at


dalawang pang itaas ang tinahi ng babae para sa
mga matutulunging duwende. Ipinatong nila ito
sa mesa kinagabihan at nangubli uli sila sa likod
ng kurtina.

Tuwang tuwa ang maliliit na sapatero ng Makita


ang mga damit dahil nahulaan nilang para sa
kanila iyon. Isinuot nila ang mga ito at sumayaw
sayaw sa galak.

Pag katapos nilang magawa ang mga sapatos na


handing gawin, mabilis silang tumalon sa bintana
na suot ang mga bagong damit. Buhat noon hindi
na bumalik ang dalawang duwende ngunit nag
patuloy naman ang swerte sa buhay ng mag
asawa na marunong gumanti sa utang na loob.
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Ano ang pamagat ng kwento?


2. Sino sino ang mga pangunahing tauhan?
3. Sino ang tumutulong sa paggawa ng mga
sapatos sa mag – asawa?
4. Ano ang ginanting loob ng mga asawa sa
mga dwende?
5. Ano ang aral na mapupulot sa kwento
6. Sa tingin nyo bakit kaya tinulungan ng mga
dwende ang mag-asawa?
7. Paanu inilawaran ang mga Dwende sa
kwento?
8. Paanu inilarawan ang Sapatero sa kwento?
9. Sa anong paraan o hakbang natuklasan ng
mag asawa na ang dwende ang tumutulong
sa kanila?
10. Ano ang sinisimbolo ng mga Dwende sa
kwento?

IV. Takdang – Aralin

Mangalap ng isang maikling kwento at


isulat ito sa isang buong papel at sagutan ang
mga sumusunuod na mga tanong.

1. Ano ang pamagat ng kwento?


2. Sino ang sumulat ng Kwento?
3. Sino – sino ang mga pangunahing mga
tauhan sa kwento?
4. Ano ang mapupulutan aral sa kwento?

You might also like