You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF QUEZON CITY
LUCAS R. PASCUAL MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL
L. Pascual Street. Brgy. Baesa, Quezon City

Petsa: __________________________ Oras : __________________

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2


I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
A. Nailalarawan ang mga elemento ng kuwento . (tauhan, tagpuan, pangyayari) (F2PN-Ii-j-12.1)
B. Nakagagamit ng story map o graphic organizer sa pagtukoy ng elemento ng kwento.
C. Nakikilahok nang may kasiglahan at pakikiisa

II. Paksa: Elemento ng Kwento


Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino, MELC-DBOW, PIVOT,
Kagamitan ng Mag-aaral p. 193-195
Kagamitan: larawan, tsart, powerpoint, tarpapel, show me board
Pagpapahalaga: Pagiging matapat
Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao, Arts

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Isulat sa patlang ang nawawalang kambal katinig ng mga salita upang mabuo ang ngalan ng larawan.

____ayber ____usa

____aso ____ipo ____en

2. Balik-aral
Ibigay ang susunod na mangyayari sa kuwento batay sa tunay na pangyayari.
1. May pagsusulit bukas sa Filipino. Nag-aral buong gabi si Kiko. Ano ang susunod na
magyayari kay Kiko?
2. Malakas ang ulan, walang paying na dala si Buboy. Kailangan na niya bumaba sa jeep. Ano
ang mangyayari kay Buboy?
3. Mapili sa pagkain si Hose. Hindi siya kumakain ng gulay. Ano ang mangyayari sa batang si
Jose?

3. Pagganyak
Iparinig at Ipaawit ang awiting “Ang Batang Matapat”

Ang batang si Mona 2x


Naglalakad 2x
Nakapulot siya 2x ng pitaka 2x
Pitakang napulot 2x
Ibinigay sa kanyang guro
Hindi siya natukso 2x
Ito’y itago. 2x

4. Pagpapayaman ng Talasalitaan
 pitaka- isang maliit at patag na lalagyan na maaaring gamitin upang magdala ng mga personal na
bagay tulad ng pera
 pinuri- parang pinasasalamatan ka o natutuwa ang isang tao sayo.
 watawat- sinasagisag nito ang isang bansa

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak na Tanong

2. Tanong Hulang Sagot Tunay na Nangyari


Ano ang napulot ni Mona?
Pamantayan sa pagbasa ng kuwento
 Unawain ang binabasa
 Basahin nang maayos
 Tandaan ang mga detalye ng binabasa
 Umupo nang maayos

3. Pagbasa ng kuwento
Ang Batang Matapat
Maagang pumasok si Mona sa paaralan. Nakakita si Mona ng isang pitaka sa kanyang paglalakad
papunta sa silid-aralan. Ibinigay ni Mona kay Gng. Maulawin ang napulot niyang pitaka. Ipinagbigay alam
ni Gng. Maulawin ang pagkakapulot ni Mona sa pitaka pagkatapos ng pagtataas ng watawat. Pinuri at
pinasalamatan ng may-ari ng pitaka si Mona.

4. Pagtalakay
 Ano ang pamagat ng kuwento?
 Sino ang batang nakapulot ng pitaka?
 Ano ang ginawa niya sa napulot na pitaka?
 Kanino niya ibinigay ang pitakang napulot?
 Ano ang ginawa ni Gng. Maulawin?
 Anong katangian ang ipinakita ni Mona?
 Balikan ang pagganyak na tanong

5. Talakayin ang mga elemento ng kuwento


Elemento ng Kuwento
 Tauhan- mga gumaganap sa kuwennto
 Tagpuan- lugar kung saan naganap ang kuwento
 Pangyayari – mga naganap sa kuwento

Story Map
Pamagat:
Mga Tauhan:
Sino-sino ang mga tao na kumikilos o gumagalaw sa kuwento?
1.
2.
Tagpuan:
Saang lugar o pook nangyari ang kuwento?

Pangyayari:
Kilos o galaw na naganap o nangyari sa kuwento.
1.
2.
3.

6. Paglalahat
Ano-ano ang mga elemento ng kuwento?

7. Pagpapahalaga
Paano natin maipakikita ang pagiging matapat?
Bakit mahalaga ang pagiging matapat?

8. Paglalapat
Basahin at unawain ang maikling kuwento. Isulat ang elemento ng kuwento sa bawat hanay.

Si Melissa
Malakas ang ulan. Habang naghihintay si Melissa sa dyip ay may isang babaeng dumating na walang
payong. Pinasukob ni Melissa sa payong ang babae hanggang sa pareho na silang nakasakay sa dyip.
Nagpasalamat ang babae sa kagandahang loob na pinakita ni Melissa.

Tauhan Tagpuan Pangyayari

C. Pangwakas na Gawain
Pangkatang Gawain
Basahin at unawain ang kuwento. Isagawa ang mga hinihinging Gawain.
Ang Bahay ni Pagong
Linggo nang umaga, nakita ni Matsing si Pagong na mabagal na naglalakad sa plasa. Niyaya niya
itong magkarera. Unahang makarating sa kaniyang bahay. Pumayag si Pagong sa hamon ni Matsing.
Nagsimula ang paligsahan at mabilis na tumakbo si Matsing. Si Pagong naman ay magabal na pumasok sa
kaniyang bahay na bitbit niya ang kaniyang likuran. Nanalo sa paligsahan si Pagong.

Pangkat I
Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento.

Pangkat 2
Iguhit ang tagpuan sa kuwento.

Pangkat 3
Lagyan ng tsek ang patlang kung ito ay nangyari sa kuwentong binasa.
_____1. Niyaya ni Matsing si Pagong sa isang karera.
_____2. Pumayag si Pagong sa hamon ni Matsing.
_____3. Nanalo sa paligsahan si Matsing.
_____4. Mabagal na pumasok si Pagong sa kaniyang bahay.
_____5. Mabilis na tumakbo si Matsing.

IV. Pagtataya
Basahin ang maikling kuwento.
Gagamba
Pabalik-balik ang gagamba sa isang sulok. Mayamaya, may nayri na itong bahay. Ang gandang
bahay! Tila sutla ito.
Nakita ng nanay ang bahay ng gagamba. Dali-dali niya itong winalis. Kaawa-awang gagamba! Muli
na naman itong gagawa ng bahay.
Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Ang gagamba ay gumawa ng bahay ______.
a. sa bubungan b. sa hagdan c. sa sulok
2. Sino ang pabalik-balik sa paggawa ng bahay?
a. gagamba b. langgam c. tipaklong
3. Nakita ng ____________ang bahay ng gagamba.
a. tatay b. nanay c. ate
4. _________ ang gagamba sa paggawa ng kanyang bahay.
a. Paulit-ulit b. Pahinto-hinto c. Pabalik-balik
5. Ginamit ang ______ sa pagsira ng bahay ng gagamba.
a. bunot b. walis c. patpat

V. Takdang-Aralin
Basahin ang maikling kuwento. Hanapin ang tauhan, tagpuan at pangyayari. Isulat ito sa graphic
organizer.
Larong Pambata
Tuwing hapon ay naglalaro sa parke sina Gelo at Gina. Taguan at patintero ang paborito
nilang laruin. Niyaya sila nang kanilang mga kalaro na mag tagu-taguan. Si Gelo ang naging taya. Nagtago
si Gina sa likod ng malaking puno. Pagbilang ni Gelo ng sampu, nagsimula na siyang hanapin ang mga
kalaro. Bong Gina! Nagtatago sa likod ng puno. Nagulat si Gina at tumakbo para unahan si Gelo. Di niya
namalayan na may bato sa harapan niya kaya nadapa si Gina. Tinulungan siya ni Gelo tumayo ngunit dahil
mahapdi at may malaking sugat siya sa tuhod, umiyak na si Gina. Narinig ng nanay ni Gina ang pag-iyak
kaya pinauwi na sila.

tauhan tagpuan
Pamagat

pangyayari pangyayari

Inihanda ni:

CARMELITA M. SARMIENTO
Guro III

Iwinasto ni:

ELMA M. MENDOZA
Dalubguro I

Pinagtibay ni:

LINAFLOR E. CABILDO
Punongguro

You might also like