You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABRZON
Division of Rizal
Binangonan Sub-office
DOÑA SUSANA MADRIGAL ELEMENTARY SCHOOL
ACTIVITY WORKSHEETS IN FILIPINO 6

Week 3 No.1
Pangalan: _____________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: _____________________________ Petsa: _________________

TANDAAN:
Ang Sawikain ay isa sa mga nakasanayang gamitin ng ating mga ninuno sa tuwing sila ay nagkukuwento. Ito ay nagdagdag
ng ganda sa anumang kuwentuhan na ngayon ay unti-unti nang nakakalimutan sa paglipas ng panahon.

A. Panuto: Pagtapat-tapatin. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng sawikaing nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

HANAY A HANAY B
_____ 1. anak-pawis a. tandaan
______ 2. bukambibig b. nabigo sa pag-ibig
______ 3. matigas ang katawan c. hindi makapagsalita
______ 4. malaking isda d. nagkagulo
______ 5. itaga sa bato e. nagkagalit
______ 6. balitang kutsero f. mayaman
______ 7. naghalo ang balat sa tinalupan g. tamad
______ 8. nabuwalan ng gating h. salat sa katotohanan
______ 9. naumid ang dila i. manggagawa
______ 10.nagsaulian ng kandila j. kinakabahan
k. laging sinasabi
B. Panuto: Basahin ang pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng sawikain na may salungguhit na ginamit sa pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Sabi ni Julia sa asawa, "Itaga mo ito sa bato, Kahit hindi nila ako tutulungan, aangat ang ating kabuhayan."
 Pupukpukin ni Julia ang bato
 Managa si Julia
 Tutuparin ni Julia ng walang sala ang kanyang sinabi

2. Kung gusto mong "maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka nila.
 Magsabi ng katotohanan
 Maglaro ng buhangin
 Magsinungaling

3. Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas,


 May ahas na nakapasok sa bahay
 Nangangati ang lalamunan
 Hindi nakakibo, nawalan ng lakas na magsalita

4. Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy maniwala sa kanya.
 Balitang sinabi ng kutsero
 Balitang walang katotohanan
 Balitang makatotohanan
5. Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohanan.
 Nagkaigihan
 Pinagsama-sam ang mga balat at tinalupan
 Matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao

1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABRZON
Division of Rizal
Binangonan Sub-office
DOÑA SUSANA MADRIGAL ELEMENTARY SCHOOL
ACTIVITY WORKSHEETS IN FILIPINO 6

Week 3 No. 2
Pangalan: _____________________________ Lebel: __________________
Seksiyon: _____________________________ Petsa: _________________

A. Panuto: Basahin ang kuwento. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento gamit ang mga
balangkas na nasa ibaba. Punan ng sagot ang tanong sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Sa mga oras na iyon ay napatulog na ni Liling ang maliit niyang kapatid. Nangangamba na rin
siya dahil wala pa ang kanyang nanay at tatay. Malakas pa rin ang hangin at ulan. Tanaw nya rin ang
malalaking alon sa dagat. Tanaw nya rin ang parola at ito ay wala pang ilaw. Hanggang dumilim na
ang buong paligid sapagkat gabi na. Wala pa rin ang kanyang nanay at tatay. Nisip ni Liling ang mga
mangingisda na nasa laot. Paano sila makababalik kung walang ilaw ang parola. Nagtatalo ang
kanyang isipan kung lalabas ng bahay upang ilawan ang parola o hintayin na lang tumigil ang ulan at
hintayin ang kanyang nanay at tatay. Hanggang magdesisyon siya na pailawan ito kahit pa siya ay
natatakot. May hangin at ulan pa rin. Papalabas na siya ng bahay ay biglang kumulog at kumidlat.
Lalo siyang natakot. Nagdadalawang isip siya kung tutuloy pa rin. Ngunit sumagi pa rin sa isip nya
ang mga mangingisda na nangangailangan ng ilaw ng parola. Kaya sa kabila ng takot ay pinilit
niyang mapuntahan ang parola. Nilakasan niya ang kanyang loob hanggang marating niya ang
parola at sinikap niyang maakyat ito. Kahit nanginginig sa takot ay nagawa na rin niyang pailawan
ang parola. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanilang bahay. Nagpalit siya ng damit at natulog sa tabi
ng kanyang kapatid.

(Hango sa Kuwentong Panatilihin ang Liwanag, Liling! ni Honoria S. Unida)

2.Ano ang sumunod


1.Ano ang unang pangyayari?
pangyayari?
________________________
__________________________
________________________
______________________

3.Ano ang suliranin sa


4.Ano ang wakas ng kuwento? kuwento?
_________________________ ________________________
_______________________ ________________________

2
B. Panuto: Basahin ang kuwento. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan
ng paglalagay ng bilang 1-6. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Dagang Bukid at Dagang Lungsod

Ayaw pumayag ni Metromaws na tirahan ng mga dagang bukid ang malalaking imburnal na
nakabaon sa mga kalsadang lungsod. Parang langis at tubig ang kanilang paninindigan. Nagkainitan
ang dalawang pangkat. Parang nagdelubyo sa malalaking imburnal sa sagupaan ng mga dagang
lungsod at mga dagang bukid.
Hindi nila namalayan na malakas ang buhos ng ulan sa lungsod. Sinlakas ng hampas ng
malaking alon ang agos ng tubig ulan patungong mga imburnal. Parang hagupit ng tadhana ang
pangyayari. Tinangay ng agos sina Dagambu at Metromaws. Huli na ang lahat. Wala silang
pagkakataong makatakbo sa matataas na bahagi ng malalaking imburnal. Nalunod ang di mabilang
na mga dagang lungsod at dagang bukid. Pagkaraan ng malakas na ulan, para silang mga waterlily
na nakalutang sa lagusan ng tubig patungong dagat. Mga salot na wala nang buhay.

Hindi nila namalayan na malakas ang buhos ng ulan.

Ayaw pumayag ni Metromaws na tirahan ng mga dagang bukid ang malalaking


imburnal.

Nagkainitan ang dalawang pangkat.

Para silang mga waterlily na nakalutang sa lagusan ng tubig. Mga salot na wala nang
buhay.

Tinangay ng agos sina Dagambu at Metromaws.

Nalunod ang di mabilang na mga dagang lungsod at dagang bukid.

3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABRZON
Division of Rizal
Binangonan Sub-office
DOÑA SUSANA MADRIGAL ELEMENTARY SCHOOL
ACTIVITY WORKSHEETS IN FILIPINO 6
Week 4 No.1
Panuto: Basahin ang mga kuwento. Ibigay ang hinuha o maaaring wakas nito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Matalinong bata si Raul. Siya ang nangunguna sa klase subalit ang hindi niya matutuhan ay ang dumating
sa takdang-oras. Isang araw, mayroon silang pagsusulit sa paaralan. Nag-aral siyang mabuti. Kinabukasan,
tinanghali siya ng gising kaya nahuli sa pagpasok. Nang umuwi si Raul matapos ang pagsusulit, mukha siyang
malungkot na malungkot. Ano sa palagay ninyo ang nangyari?
a. Maaaring sumakit ang ulo ni Raul
b. Maaaring may nawala si Raul
c. Maaaring pinagalitan ng guro si Raul
d. Maaaring hindi natapos ni Raul ang pagsusulit

2. Iniwan ni Aling Puring na nag-iisa sa bahay ang kanyang bunsong anak. Naisipan ng batang maglaro ng
lutu-lutuan. Kinuha niya ang posporo at sinindihan ang kanilang kalan. Biglang sumiklab ang apoy. Ano ang
maaaring mangyari?
a. Nasunog ang bahay nina Aling Puring.
b. Nakapaglaro ng lutu-lutuan ang bata.
c. Umiyak ang bunsong anak ni Aling Puring.
d. May mga bisitang dumating sa kanilang bahay.

3. Isang araw, naisipang ayusin ni Flora ang kanilang altar. Hinugasan niya ang plorerang mahal na mahal ng
kanyang ina, pinunasan at nilagyan ng magagandang bulaklak. Ilalagay na lamang niya ito sa altar nang
dumating ang rumaragasang pusang hinahabol ng aso. Lumundag ang pusa sa kamay niyang may hawak na
plorera. Nabitawan niya at nabasag ang plorera. Ano kaya ang gagawin ni Flora?
a. Magwawalang bahala
b. Itatapon ang plorera
c. Magsasabi ng totoo sa kanyang ina
d. Ilalagay sa altar ang basag na plorera.

4. Kaisa-isang anak ni Aling Perla si Ramil. Si Ramil ay laging malungkot, masakitin at mahinang kumain.
Isang araw, pinayuhan ni Aling Perla ng kanyang kaibigan na pabayaan niyang maglaro ang anak sa labas ng
bahay upang makalanghap ng sariwang hangin at mainitan ng araw. Pinakain din siya ng mga gulay at
bungang-kahoy at pinainom ng sariwang gatas.
Sa palagay ninyo, pagkatapos mapagpayuhan ng isang kaibigan ang kanyang ina, ano ang mangyayari kay
Ramil?
a. Siya ay lalong pumayat.
b. Siya’y naging masaya at malusog.
c. Lalo siyang naging masakitin.
d. Lalo siyang ikinulong ng ina.

5. Malakas ang buhos ng ulan. Baha na sa mga daan. Inggit na inggit si Roberto sa mga batang
nagtatampisaw subalit kagagaling lamang niya sa sakit. Dumaan ang kanyang mga kaibigan at niyaya siyang
maligo sa ulan. Ano kaya ang ginawa ni Roberto?
a. Hindi sumama si Roberto sa mga kaibigan.
b. Sumama siya agad sa mga kaibigan.
c. Nagalit si Roberto sa mga kaibigan.
d. Nagtutulug-tulugan na lamang si Roberto.

4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABRZON
Division of Rizal
Binangonan Sub-office
DOÑA SUSANA MADRIGAL ELEMENTARY SCHOOL
ACTIVITY WORKSHEETS IN FILIPINO 6
Week 4 No.2
A. Panuto: Isulat muli ang mga pangungusap sa ibaba. Ipakita ang magagalang na salita
sa bawat pahayag. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
1. Kunin mo ang bulaklak sa ibabaw ng plorera.
_______________________________________________
2. Bilisan mo at itimpla mo ako ng kape.
_______________________________________________
3. Gng Unida, ako na ang magdadala ng mga aklat na hawak mo.
_______________________________________________
4. Napanood ko sa TV na hindi totoo ang mga sinasabi mo.
_______________________________________________
5. Ingatan mo naman ang librong iyong hiniram.
_______________________________________________
B. Panuto: Gamitin ang magagalang na pananalita sa pagpapahayag ng iyong saloobin
upang makumpleto ang usapan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa inyong
sagutang papel.
Isang araw nasalubong ni Angelina ang kanyang guro sa Filipino na si Bb. Cruz.
Angelina: _____________ Bb. Cruz. Saan po kayo patungo?
Bb. Cruz: Ako ay papasok na sa ating paaralan. _________ mo bang dalahin ang iba
kong mga gamit?
Angelina: Aba opo! ___________ ko po na kayo ay tulungan.
Bb. Cruz: ___________ Angelina, halika na at sabay na tayo sa pagpasok.
Angelina: Sige po. _________ ang inyong mga gamit at ako napo ang magdadala.

Magandang umaga po!, akin na po, Maaari


Ikalulugod, Salamat, gusto

You might also like