You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Pangalan: _______________________________ Baitang at Seksyon: _______________ Iskor:_______

I. Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Ikahon ang titik ng tamang sagot.

Para sa bilang 1 at 2
1. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa kagandahan ni
Psyche.
a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. proseso
2. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche.
a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. proseso
3. Kung ikaw si Mathilde, ano ang dapat mong gawin upang matupad ang iyong pangarap sa buhay?
a. hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring makapagbigay sa akin ng
masaganang buhay.
b. titiiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makokontento na sa kung ano ang kayang ibigay sa akin
ng aking asawa.
c. maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na gumaan ang aming buhay.
d. ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay upang
lalo siyang magsumikap.
4. Anong panghalip ang angkop sa patlang ng pangungusap na kasunod?
_______isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadahana ay isinilang sa
angkan ng mga tagasulat.
a. siya’y b. ika’y c. ako’y d. kami’y
5. Malimit na sa pagmamasid _____ sa babaeng katulong na gumaganap ng ilang pangangailangan niya sa
buhay ay nakadarama si Marissa ng pangihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso. Anong
panghalip ang angkop sa patlang ng pangungusap?
a. niya b. nila c. nito d. sila

II. Panuto: Ibigay ang kultura ng mga bansang pinagmulan ng mga akdang natalakay. Ihambing ito sa
kultura ng mga Pilipino.

Akdang Middeterean Kulturang nakapaloob Kulturang pilipino


1. Cupid at Psyche

2. Alegorya ng Yungib

3. Epiko ni Gilgamesh

4. Ang Kuwintas
III. Pagpapalawak sa Wika
A. Panuto: Isulat sa patlang kung ano ang pokus ng pandiwang may salungguhit
sa pangungusap.
____________ 1. Ang pulang panyo ay ipinampahid niya sa kanyang mukha.
____________ 2. Si Gng. Delfin ang nagtatag ng kapisanang ito.
____________ 3. Ang sirang gripo ay kinukumpuni nina Kinnard at Glenn.
____________ 4. Ang mga bata ay binabasahan ng ate Vic ng pabula.
____________ 5. Ang bestida ay isinuot ni Roxanne.
B. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang K kung katotohanan at O
kung opinyon.
____ 1. Ang Manila Bay ay isa sa mga makabuluhang proyekto ng administrasyong Duterte.
____ 2. Ayon sa mga siyentipiko, sa Wuhan, China nagsimula ang Covid-19 na naging laganap na sa
buong mundo.
____ 3. Batay sa tala ng Department of Health, lampas na sa 200,000 ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.
____ 4. Ang batas sa isang bansa ang gumagabay sa mamamayan upang maging disiplinado.
____ 5. Ayon sa aklat, mabisang panlaban ng sakit ang pag-eehersisyo.

D. Panuto: Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng talata.

Ang kuwento ay tungkol sa matipunong kabataang si Michu, isang magsasaka na labingwalong taong
gulang. Marami 1._______(silang, siyang, akong) tungkuling hinahawakan sa kanilang paaralan sapagkat
2._________(nila’y, sila’y, siya’y) malakas at matipuno at pinakamatanda sa lahat ng 3._________(aming,
kanilang, kaniyang) mga kamag-aral. Subalit sa edad niyang ito, hindi pa siya makapasa sa Baitang 8 sapagkat
nahihirapan 4.________ (itong, siyang, niyang) unawain ang kanilang mga aralin subalit kapag naman
nauunawaan 5.________(niya, nila, ko) ang isang aralin, hindi na 6._______(ko, siya, niya) ito malilimot.
Di man 7._________ (ito, ako, siya) matalino, hindi 8.__________(nila, siya, ito) kailanman tinukso
ng kaniyang mga kamag-aral, sa halip, tinitingala, iginagalang at itinuturing nilang pinuno si Michu. Dahilan sa
pangyayaring ito, hiningi ni Mitchu sa 9._________(kaniya, nila, kanila) ang 10._________(kaniyang, aking,
kanilang) katapatan at sumumpa naman ang mga kabataang 11.___________(nito, ito, kanila) na 12._______
(sila’y, kami’y, ako’y) magiging matapat na tagasunod. Sumumpa ang mga 13.________(ito, nila, sila) kay
Michu na walang ano mang bagay sa mundong ito ang maaaring dahilan upang 14.________(nila’y, kanila’y,
sila’y) magtaksil sa 15.________(amin, akin, kaniya).

IV. Panuto: Ipaliwanag ang mga pamosong linya mula sa mga akdang natalakay. (5 puntos bawat isa)

1. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala.”

2. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako
mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong
namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay”.

You might also like