You are on page 1of 6

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO V
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat:_________________
Guro: __________________________________ Petsa:_________________ Marka: _____________

I. Para sa bilang 1-7, pakinggan ang mga babasahin ng guro at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

______ 1. Sino sa napakinggang kwento ang mga tamad at walang ginawa kung hindi
maglaro?
a. itim na langgam c. tipaklong
b. pulang langgam d. paruparo
______ 2 Bakit hindi makalabas upang kumuha ng pagkain ang mga itim na langgam?
a. dahil sa ulan c. dahil mainit
b. dahil sa lindol d. dahil ayaw lang nila
______ 3. Ilang pirasong butil ng bigas ang ibinigay ng mga pulang langgam sa itim na
langgam?
a. isang piraso c. tatlong piraso
b. dalawang piraso d. apat na piraso

______ 4. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa


napakinggang kuwento o teksto?
I. Dahil dun naging masipag na ang mga itim na langgam tulad ng mga pulang
langgam.
II. Ang mga itim na langgam ay humingi ng pagkain sa mga pulang langgam dahil sa
kanilang kagutuman
III. Biglang dumating ang tag-ulan at wala man lang naipong pagkain ang mga itim na
langgam
IV. Isang araw panay ang paglalaro ng mga itim na langgam samantalang ang mga
pulang langgam naman ay patuloy na nagiipon ng kanilang mga pagkain
V. Hindi naman nagdalawang isip ang mga pulang langgam at binigyan nila ito ng
pabgkain

a. IV, III, V, II, I b. III, II, I, V, IV c. III, I, IV, V, II d. IV, III, II, V, I

______ 5. Ano ang angkop na pamagat ng tekstong napakinggan?


a. Ang Kapistahan ng Our Lady of Manaoag
b. Ang Kapistahan ng Our Lady of Piat
c. Ang Kapistahan ng Our Lady of Fatima
d. Ang Kapistahan ng Our Lady of Peñafranca

______ 6. Ano ang paksa ng tekstong napakinggan?


a. Isa sa katangiang maipagmamalaki nating mga Filipino ay ang mabuti nating
pagtanggap sa mga regalo.
b. Isa sa katangiang maipagmamalaki nating mga Filipino ay ang mabuti nating
pagtanggap sa mga suhol.
c. Isa sa katangiang maipagmamalaki nating mga Filipino ay ang mabuti nating
pagtanggap sa mga panauhin.
d. Isa sa katangiang maipagmamalaki nating mga Filipino ay ang mabuti nating
pagtanggap sa mga pangungutya.
______ 7. Pakinggan ang mga panutong sasabihin ng guro. Alin sa mga sumusunod ang
iyong magiging sagot?

a. b. c. c. d.

II. Unawain ang mga pangungusap upang masagutan ang mga sumusunod na
katanungan.

______ 8. Maingat na pinili ni Juan ang kaniyang mga lumang gamit na ibibigay sa mga
nanganagailangan. Ano ang pang-abay na pamaraan ang ginamit sa
pangungusap?
a. pinili c. nanganagilangan
b. ibibigay d. maingat

______ 9 Ipinagdasal ko sa simbahan ang mga biktima ng kalamidad. Anong uri ng pang-
abay ang nakasalungguhit?
a. Pang-abay na Pamaraan c. Pang-abay na Pamanahon
b. Pang-abay na Panlunan d. Pang-abay na Panggaano

______ 10. Pupunta kami sa Pampanga sa susunod na linggo. Anong uri ng pang-abay ang
nakasalungguhit?
a. Pang-abay na Pamaraan c. Pang-abay na Pamanahon
b. Pang-abay na Panlunan d. Pang-abay na Panggaano

______ 11. Namili sila ng damit sa Divisoria. Ano ang ginamit na pang-abay na panlunan sa
pangungusap?
a. namili b. Pasko c. sa Divisoria d. gamit

______ 12. Mahusay ang bata sa matematika. Anong bahagi ng pananalita ang ginamit sa
pangungusap?
a. Pandiwa b. Pang-uri c. Pang-abay d. Pangngalan

______ 13. Binigyan ni Maria ng mga lumang damit ang mga taong nasalanta ng bagyo.
Ano ang katangian mayroon si Maria?
a. Maramot b. mapera c. matulungin d. masungit

______ 14. Nalampasan ni Bordia ng mga sakit pagkatapos ng operasyon niya. Anong
katangian ang taglay ni Bordi?
a. mahina b. malakas ang loob c. malungkot d. masaya

______ 15. Alin tamang pananalita kapag nakikipag-usap sa mas nakaktanda sa inyo?
a. Pahingi nga ako niya! c. Umalis ka diyan. Alis!!!
b. Pahiram ako niyan! d. Puwede ko po bang hiramin ito?

______ 16. Isaksak ang plantsa sa saksakan, Hintaying uminit ang plantsa bago ito gamitin,
Plantsahin ang kuwelyo ng damit, Sumunod ay ang mga manggsa at iba pang parte ng
damit,_________________________________. Ano ang susunod upang makumpleto ang panuto
sa pamamalantsa ng damit?
a. Ihanger ang damit upang hindi ito magusot.
b. Tapakan ang damit upang hindi magusot.
c. Ilapag sa sahig upang hindi ito magusot.
d. Buhusan ng tubig upang hindi magusot ang damit.
______ 17. Baka mas maunlad na ang Korea kaysa bansang Japan. Anong uri ng pahayag
ito?
a. Katotohan c. Pautos
b. Opinyon d. Pandiwa

______ 18. Mahusay ___ guro ang inilagay sa klaseng maingay. Ano ang wastong pang-
angkop ana gagamitin?
a. ---g b.---ng c. at d. na

______ 19. Probinsiya ____ mutya ang tawag niya sa lugar na pinagmulan. Ano ang wastong
pang-angkop ana gagamitin?
a. ---g b.---ng c. at d. na

______ 20. Si titser Clari ay bagong guro sa Paaralang Elementarya ng La Fuente. Ano ang
tawag sa sugnay na may salungguhit?
a. Simuno b. Panaguri c. Tayutay d. Pandiwa

______ 21. Nanalo sa nakaraang eleksyon si Ria Vergara. Aling sugnay ang simuno?
a. nanalo c. sa nakaraang eleksyon
b. si Ria Veragara d. Nanalo sa nakaraang eleksyon

III. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap upang malaman ang kahulugan ng mga
salita.

______ 22. Kanina noong bumili kami sa palengke napaka barat niya talaga. Ano ang ibig
sabihin ng salitang barat?
a. taong galante c. taong mahirap
b. taong palatawad d. taong mayaman

______ 23. May inaayos na poste kaya magkakaroon ng isang gabing brown-out. Ano ang
ibig sabihin ng brown –out?
a. mawawalang ng tubig c. mawawalan ng pagkain
b. mawawalan ng kuryente d. mawawalan ng pera

______ 24. Ang pangulo ay ang pinuno ng ating bansang Pilipinas. Ano ang dalawang
salitang magkaugnay?
a. Pilipinas-pangulo c. pinuno-bansa
b. pangulo-pinuno d. ating-bansa

______ 25. Kinopya ng aking kaklase ang aking sinipi sa aking kuwaderno. Ano ang
dalawang mgakaugnay?
a. kinopya-sinipi c. kaklase-kuwaderno
b. kuwaderno-kinopya d. kaklase-sinipi

______ 26. Ang pagkain ay dapat kumpleto sa sahog upang maging masarap at malasa ito.
Ano ang katumbas sa salitang Ingles ang salitang sangkap?
a. savor b. ingredients c. special d. cook

______ 27. Kung ang kasingkahulugan ng mayaman ay maykaya, Ano naman ang
kasalungat nito?
a. mapera b. makapangyarihan c. dukha d. masalapi

______ 28. Mataba ang aking katabi sa upuan. Ano ang kasalungat ng salitang mataba?
a. malusog b. balyena c. elepante d. payat
IV. Basahin ang bahagi ng isang talaarawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Lunes, ika-5 ng Agosto, 2019

Ang buhay ay parang gulong ito ay paikot-ikot hindi mo alam kung ano-ano ang mangyayari sa
darating na mga araw. Una sa lahat, ang aga-aga kong nagising dahil maaga ang aking pasok, alas-5 ng
umaga ay gising na ako para ihanda ang aking mga gamit sa paaralan.Pagkatapos kong ayusin ang
aking gamit, ako ay naligo na. Mga 6:30 ako ay umalis na sa bahay upang hindi ako mahuli sa aming
klase.Ngunit ang jeep na aking masakyan ay parang pagong sa bagal. Upang hindi mahuli sa
klase,pagdating sa paaralan ay dali-dali akong tumakbo upang ako ay hindi ako maabutan ng pagsara
ng tarangkahan ng paaralan. Nakaabot naman ako, buong araw ay nakinig ako sa aking mga guro
upang maintindihan ko ang mga aralin.

Nang uwian na dumiretso na ako sa aming bahay upang gawin ang mga takdang-aralin.
Tumulong din ako sa aking nanay sa paghahanda ng aming hapunan…

______ 29. Sa iyong binasang talaarawan, saan niya hinalintulad ang buhay?
a. gulong c. jeep
b. paaralan d. tarangkahan

______ 30. Umuwi agad sa bahay ang may ari ng talaarawan upang ______________________.
a. magpahinga at matulog c. manood ng telebisyon
b. gawin ang takdang aralin d. hindi mapagalitan ng magulang

______ 31. Sa tingin ko kaya namatay ang lalaking iyan ay may ginawang kasamaan sa
kaniyang kapwa. Anong uri ng pahayag ito?
a. opinyon b. katotohanan c. pandiwa d. pautos

______ 32. Sumasakit ang paa ni Roel dahil kumain na naman siya ng mani. Alin ang parirala
na matatawag na sanhi?
a. paa ni Roel dahil c. sumasakit ang paa ni Roel
b. dahil kumain na naman siya ng mani d. siya ng mani

______ 33. Aling parirala ang HINDI matatawag na bunga ng isang pangyayari?
a. Bumaha ang Aurora dahil sa patuloy na pagputol ng mga tao sa mga
punungkahoy.
b. Masipag siyang mag-aral kaya nangunguna siya sa klase ngayong ikatlong
markahan.
c. Tumaas ang dugo ng matanda kaya siya namatay.
d. Sumakit ang tiyan niya kasi kumain siya ng maraming hanggang kagabi.

______ 34. Nakalimutan ni Marie ang kaniyang takdang aralin sa bahay. Ipinapalabas ng
guro ang kanilang takdang-aralin. Ano ang mangyayari?
a. Matutuwa ang guro niya. c. Malulungkot ang guro niya.
b. Magagalit ang guro niya. d. Magagalak ang guro niya.

______ 35. Ibig kong malaman kung nanalo si Pacquiao sa kaniyang nakalipas na laban
noong nakaraang Linggo. Anong bahagi ng pahayagan ang aking babasahin?
a. komiks b. obitwaryo c. editorial d. balitang isaports

______ 36. Ibig kong malaman ang mga bakanteng trabaho o kaya mga ibinebentang mga
produkto o sasakyan. Anong bahagi ng pahayagan ang iyong babasahin?
a. obitwaryo b. klasipikadong anunsyo c. pangunahing balita d. editorial
______ 37. Anong sanggunian ang gagamitin kapag nais mong malaman ang
pinakamalaking bansa sa Asya?
a. atlas b. almanak c. ensiklopedya d. peryodiko

______ 38. Babantayan ko ang pondo ng pamahalaan ___________ mahal ko ang Pilipinas.
a. at b. kaya c. subalit d. dahil

020.5
F17
Alab ng Filipino 5
Guerrero, P.R.
Quezon City, Vibal Group, Inc.

______ 39. Ano ang tawag sa kard na nasa itaas?


a. Kard Catalog b. Kard ng Paksa c. Kard ng Pamagat d. Kard ng May-Akda

020.5
F17
2015
Guerrero, P.R., Nobyembre 28, 1978
Alab ng Filipino 5
Quezon City, Vibal Group, Inc., 2015

______ 40. Ano ang tawag sa kard na nasa itaas?


a. Kard Catalog b. Kard ng Paksa c. Kard ng Pamagat d. Kard ng May-Akda

______ 41. Ang mga mag-aaral ay kinakailangang magsulat ng kanilang mga aralin sa
kanilang kuwaderno upang mayroon silang muling mabasa tuwing pag-susulit. Ano ang
kahulugan ng salitang kuwaderno?
a. sagutang papel c. puting papel
b. sulatang papel d. malinis na papel

______ 42. Ang paboritong asignatura ni Ryzza ay Sipnayan, na siya namang inaayawan ng
ibang mag-aaral. Ang kahulugan ng sipnayan ay_______________.
a. Pag-aaral ng mga modelo ng kayarian, pagbabago, at espasyo.
b. Pag-aaral ng mga pangyayari sa kapaligiran.
c. Pag-aaral ng mga modelo ng mga damit at mga kagamitan sa bahay.
d. Pag-aaral ng mga makabagong salita at mga sawikain.

______ 43. madilim: maliwanag;


marunong: _______
a. mangmang b. mahusay c. naiiba d. maayos

V. Basahin ang liham at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1168 Roxas St.


San Jose Occ. Mindoro
December 22, 2014

Mahal na Punong Barangay:

Ipinaabot ko po sainyong kaalaman nasa kalye Camote ay maraming tambak na


basura. Kung maaari po lamang ay tulungan ninyo kaming mahakot ng pampublikong trak
ang mga ito.
Inaasahan ko pong mabibigyan ninyo ng pansin ang aking hinaing.

Sumasainyo,
Amy Acosta
______ 44. Anong ur ing liham ang nasa itaas?
a. Nagrereklamo
b. Paanyaya
c. Pangkaibigan
d. Bumabati

______ 45. Anong bantas ang dapat gamitin sa bating pangwakas?


a. Tutuldok b. kuwit c. tutuldok-kuwit d. tuldok

______ 46. Ano ang bahagi ng liham na naglalaman ng tirahan at petsa kung kailan ginawa
ang sulat?
a. bating panimula c. bating pangwakas
b. pamuhatan d. lagda

______ 47. “Halika ka, bata ka!” ang malakas na sigaw ni Mang Arnold sabay hampas ng
palo sa kanyang anak na ni Milo. Ano ang masasabi mo kay Mang Arnold?
a. Siya ay mapagmahal sa anak c. Siya aya mabagsik na ama
b. Siya ay mabait d. Siya ay isang ulirang ama

______ 48. Nagpapaliwanag ang guro nina Alvin tungkol paggawa ng basket samantalang
siya ay abala sa pagdodrowing ng cartoons. Ano kaya ang maaaring mangyari kapag
nagpasa sina Alvin ng basket?
a. Si Alvin ang may pinakamagandang basket.
b. Si Alvin ang mauunang magpasa ng basket.
c. Hindi matatapos ni Alvin ang kanyang basket ng maayos.
d. Si Alvin lamang ang makakapagpasa ng basket.

______ 49. Alin ang tamang baybay ng binaggit ng inyong guro?


a. compact disc b. kompack dic c. compack disk d. kompak dis

______ 50. Ano ang tamang baybay ng salitang sinabi ng inyong guro?
a. regrigaratior b. refrigerator c. reprigerator d. rafrigetor

Prepared by:

CLARIANNE AUDETTE DF. PAEZ


Teacher I

Noted:

LEA G. SABACAN
School Principal II/Filipino Chairman

You might also like