You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHANG PASULIT SA FILIPINO V- JASMINE AT BLUEBELL

Pangalan:____________________________________________Petsa:_____________Skor:___________
Paaralan:____________________________________________Guro:_____________________________
Panuto: Pakinggan ang kuwento at panuto na sasabihin ng guro at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.

1. Sino ang paboritong artista na nais makalaro ni Bordi?


a. Alma Moreno b. Dolphy c. Eric Quizon d. Vandolph
2. Kanino galing ang kidney na ipinalit sa nasirang kidney ni Bordi?
a. Nanay b. ate c. ama d. kuya
3. Sino ang director ng National Kidney Institute?
a. Filoteo Alcarez b. Filoteo Alano c.Filoteo Alvarez d. Filoteo Alvarado
4. Ayusin ang mga pangyayari sa tamang pagkakasunod-sunod:
1. Nagbihis sila. 2. Kumain ng agahan 3. Nagpunta sila sa simbahan. 4. Gumising sila ng maaga.

a. 1-2-3-4 b. 2-1-4-3 c. 4-2-1-3 d. 4-3-2-1


5. Pakinggan ang mga panutong sasabihin ng guro. Alin sa mga sumusunod ang iyong magiging sagot.

a. b. c. d.

6. Nalampasan ni Bordi ang sakit pagkatapos ng operasyon niya. Anong katangian ang taglay ni
Bordi?
a. Mahina b. malakas ang loob c. malungkot d. masaya
7. Binigyan ni Maria ng lumang damit ang mga taong nasalanta ng bagyo. Ano ang katangian
mayroon si Maria?
a. Maramot b. mapera c. matulungin d. masungit
8. Alin ang tamang pananalita kapag nakikipag-usap sa mas nakakatanda sa inyo?
a. Pahingi nga ako niyan! c. Umalis ka diyan alis!!!
b. Pahiram ako niyan! d. Pwede ko po bang hiramin ito?
9. Isaksak ang plantsa sa saksakan, Hintaying uminit ang plantsa bago ito gamitin, Plantsahin
Ang kuwelyo ng damit, Sumunod ay ang mga manggas at iba pang parte ng damit.___________
Ano ang susunod upang makumpleto ang panuto sa pamamalantsa ng damit?
a. Ihanger ang damit upang hindi ito magusot.
b. Ilapag sa sahig upang hindi ito magusot.
c. Tapakan ang damit upang hindi ito magisot.
d. Buhusan ng tubig ang damit upang hindi magusot.
10. Dahan-dahang inilapag ni Jessica ang bata sa kanyang kama. Ano ang pang-abay na pamaraan
ang ginamit sa pangungusap?
a. Inilapag b. Jessica c. dahan-dahang d. bata
11.Namili sila ng damit sa Divisoria. Ano ang ginamit na pang-abay na panlunan sa pangungusap?
a. namili b. sila c. sa Divisoria d. damit
12. Uuwi kami sa Aloguinsan sa Mayo 15, 2018. Ano ang ginamit na pang-abay na pamanahon
Sa pangungusap?
a. Mayo 15,2018 b. Aloguinsan c. uuwi d. kami
13. Pagod____pagod si Ana kaya siya nagpapahinga ngayon. Ano ang angkop na pang-angkop upang
Maging tama ang pangungusap?
a. ng b. g c. na d. at
14. Ang alimango____dagat ay masarap.Anong wastong pang-angkop ang dapat gamitin?
a. g b. ng c. na d. at
15. Nagtanim ng punong narra ang lahat ng magsasaka. Ano ang tawag sa sugnay na may
salungguhit?
a. Simuno b. panaguri c. pandiwa d. pangngalan
16. Nanalo sa lotto si Lina. Alin ang simuno?
a. nanalo b. si Lina c. sa lotto d. nanalo sa lotto
17. Si nanay ay nagluluto ng adobo ______ siya ay nanonood ng “Probinsyano”. Ano ang angkop na
Pangatnig ang gagamitin upang mabuo ang diwa nito?
a. Ngunit b. datapwat c. dahil d. habang
18. Huwag sayangin ang oras sa mga bagay na walang kabuluhan. Ano ang pormal na kahulugan
ng salitang may salungguhit?
a. Walang katuturan b. mga bagay na importante c. mga lugar na sinasambahan
d.Nakakatakot na lugar.
19. Ang pangulo ay ang pinuno ng ating bansang Pilipinas. Ano ang dalawang salitang magkaugnay?
a. Pilipinas – pangulo b. pinuno – bansa c. pangulo – pinuno d. ating – bansa
20. Kinopya ng aking kaklase ang aking sinipi sa aking kwaderno. Ano ang dalawang magkaugnay?
a. kinopya- sinipi b. kaklase – kwaderno c. kwaderno- kinopya d. kaklase- sinipi
21. Mataba ang aking katabi sa upuan. Ano ang kasalungat ng salitang mataba?
a. malusog b. balyena c. elepante d. payat
22. Tahimik dito Sa aming lugar dahil mapayapang sinusunod ng mga tao rito ang mga batas. Ano ang
dalawang salitang magkasingkahulugan?
a. lugar-tahimik b. tahimik-mapayapa c. tao-dahil d. batas-tao
23. Kung ang kasingkahulugan ng mayaman ay maykaya. Ano naman ang kasalungat nito?
a. mapera b. makapangyarihan c. dukha d. masalapi
24. May inaayos na poste kaya magkakaro on ng isang gabing brown- out. Ano ang ibig sabihin ng
brown-out?
a. Mawawalang ng tubig b. mawawalang ng kuryente c. mawawalang ng pagkain
d.Mawawalang ng meryenda
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga katanungan.
Linggo, ika-4 ng Abril, 2016
Papunta ako sa Balibago upang bumili ng aking mga gamit sa aking paglipat ng bagong
bahay.Nakabanggaan ko ang dati kong kaklase sa kolehiyo na si Jera. Nagkayayaan kaming
kumain sa may Jollibee. Matagal kami doon dahil ang dami naming napagkuwentuhan tungkol
sa buhay namin ngayon. Nalaman ko na isa na pala siyang manager ng isang bangko. Nang
mag alasais na nang hapon, nagpapaalam na kami sa isa’t isa dahil may aasekasuhin pa ako sa
aking paglipat. Sumakay na ako sa aking sasakyan na tuwang-tuwa.
25. Saan papunta ang taong nagsulat ng talaarawan?
a. labas b. Balibago c. Nuvali d .Paseo
26. Sino ang nakabanggaan niya?
a. Jerico b. Jessica c. Jera d. Joy
27. Bakit siya pupunta sa Balibago?
a. Upang bumili ng mga kagamitan sa paglipat
b. Kumain sa Jollibee.
c. Upang makipagkwentuhan.
d. Upang lilipat ng bahay.
28. Paano sila nagkita ng kanyang kaklase?
a. napag-usapan nila c. nasagasaan niya
b. sinadya nila d. nakabanggaan niya
29. Nakalimutan ni Beth ang kanyang takdang- aralin sa bahay.Ipinalabas ng guro ang kanilang
takdang-aralin. Ano ang mangyayari kay Beth?
a. Matutuwa ang guro. c. Malulungkot ang guro.
b. Magagalit ang guro. d. Magagalak ang guro.
30. Ang pangalan ng aming punong-guro ay si G. Gregorio A. lacre Jr. Ano uri ng pahayag ito?
a. opinion b. katotohanan c. pandiwa d. pautos
31. Sa tingin ko kaya namatay ang lalaking iyan ay may ginawang kasamaan sa kanyang kapwa. Anong uri
ng pahayag ito?
a. opinyon b. katotohanan c. pandiwa d. pautos
32. Sumasakit ang paa ni Roel dahil kumain na naman siya ng mami. Alin ang parirala na matatawag na
matatawag ng sanhi?
a. paa ni Roel dahil c. sumakit ang paa ni Roel
b. dahil kumain nanaman siya ng mami d. siya ng mami
33. Bumaha sa bayan dahil sa patuloy na pagputol ng mga tao sa mga punongkahoy. Alin ang Bunga?
a. bumaha sa bayan c. dahil sa patuloy
b. pinutol ang puno d. na pagputol ng mga punong kahoy
34. Anong sangunian ang gagamitin kapag nais malaman ang kasaysayan na kung saan ay makatotohanan?
a. atlas b. almanak c. ensiklopedya d. magasin
35. Ibig kong malaman ang mga bakanteng trabaho o kaya mga ibenebentang mga produkto o sasakyan.
a. Obitwaryo b. pangulong tudling/editoryal c. libangan d. anunsyo klasipikado
36. Ibig kong malaman kung nanalo si Pacquiao sa kanyang nakalipas na laban noong nakaraang Linggo.
Anong bahagi ng pahayagan ang aking babasahin?
a. Anunsyo klasipikado b. balitang Isports c. Balitang Pandaigdig d. Lifestyle
Isulat ang uri ng pangungusap ayon sa gamit:
______ 37. Naku! nahulog ang bata.
______ 38. Kumuha ka ng tubig.
______39. Si Normita ay mabait at maganda pa.
______40. Sino ang kasama mo kagabi?

You might also like