You are on page 1of 5

HELEN KELLER MONTESSORI, INC ISKOR:

Science City of Munoz, Nueva Ecija

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO II

Pangalan: ______________________________________________________________________
Petsa: ________________________ Lagda ng Magulang: ______________________________

Pangkalahatang Panuto: Sundin ang panuto at sagutin ang mga sumusunod na tanong
I. Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap at bilugan ang letra ng wastong sagot.
1. Anong pantig mayroon sa may salungguhit na salitang trumpeta?
a. KKPK b. PPKP c. KKPP d. KPKP
2. Anong klaster ang mayroon sa salitang kard?
a. KKP b. KPKK c. KKPK d. KP
3. Ano ang kasarian ng labandera?
a. pambabae b. panlalaki c. di-tiyak d. walang kasarian
4. Ang kotse ay pangalan na ___________.
a. pambabae b. panlalaki c. di-tiyak d. walang kasarian
5. Ang suot kong sapatos ay binili sa akin ng aking Tita Sonia. ________ ay isinama
upang isukat ko ang biniling sapatos.
a. Ako b. Ikaw c. Siya d. Si
6. Ang ating dyanitor ay naglinis ng paaralan. ___________ ay masipag.
a. Ako b. Siya c. Ikaw d. Akin
7. Pinili ang gawa ni Catherine kasi maganda ang kanyang iginuhit. Alin ang bunga?
a. Pinili ang gawa ni Catherine c. Gawa ni Catherine
b. Maganda ang kanyang iginuhit d. iginuhit
8. Malakas ang ulan kagabi, kaya lumala ang daloy ng trapiko. Ano ang sanhi?
a. Malakas ang ulan c. Lumala ang daloy
b. Tumigil ang ulan d. nagkaroon ng trapiko
9. Mataas ang nakuha kong marka kasi nag-aral ako nang mabuti. Ano ang sanhi?
a. mababa ang nakuha kong marka c. nag-aral ako nang mabuti
b. mataas ang nakuha kong marka d. marka
10. Nag-aral na mabuti si Renz, kaya siya ay pumasa sa pagsusulit. Alin ang sanhi?
a. Nag-aral na mabuti si Renz c. mabuti si Renz
b. Kaya siya pumasa sa pagsusulit d. pagsusulit
11. Yehey! Mataas ang nakuha ko sa pagsubok. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
a. pagkatuwa b. pagkainip c. pagkahiya d. pagkagalit
12. Ano naman ang ipinahihiwatig na damdamin o reaksiyon ng pangungusap na ito? “Bakit ang
tagal tagal nila. Kanina pa ako rito”
a. pagkatuwa b. pagkainip c. pagkahiya d. pagkagulat
13. Isang Sabado ng gabi, pumunta sa inyong bahay ang iyong Tito. Ano ang sasabihin mo sa
kanya?
a. Magandang gabi po, Tito c. Magandang hapon po,Tito
b. Magandang Tanghali po, Tito d. Magandang umaga po, Tito
14. Maghapong naglalaro si Abie. Hindi na siya nakapaligo kaya siya naging madungis. Ano ang
kahulugan ng madungis?
a. malinis b.maayos c. maaliwalas d. madumi
15. Ano naman ang kahulugan ng mabait?
a. walanghiya b. masama c. mabuti d. pangit
16. Alin sa mga salita sa ibaba ang nakaayos ayon sa Alpabetong Filipino?
a. dalawa, buko, sawali, lapis
b. dalandan, lansones, papaya, tsiko
c. papel, lapis, aklat, bag
d. labanos, ampalaya, talong, sitaw
17. Ang salitang “kulay” kapag pinalitan ang unang tunog ng“ma”, Ano ang bagong salita?
a. tulay b. makulay c. kulay d. malay
18. Ang salitang “laba” kapag dinagdagan ng tunog “bo” sa hulihan. Ano ang bagong salita?
a. laboba b. bolaba c . lababo d. bola-bola
19. Si Emma ay nadapa dahil sa kanyang kalikutan . Ano ang sanhi at nadapa si Emma?
a. kalikutan b. lampa c. maarte d. iyakin
20. Palitan ang unang tunog ng salitang “tama” ng tunog “k” ano ang mabubuong bagong salita?
a. tama b. dama c. mama d. kama
21. Ang mga salitang “mabigat – magaan” ay _______________.
a. magkasalungat
b. magkasingkahulugan
c. pareho
d. timbangan
22. Ano ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga salita?
1. bukas 2. bikas 3. bakas 4. Beke
a. 1-2-3-4 b. 2-3-4-1 c. 3-4-2-1 d.4-2-1-3
23. Ayusin ang mga salita ayon sa Alphabetong Filipino?
1. punong-kahoy 2. balat-sibuyas 3. kapit-bahay 4. anak- pawis
a. a. 1-2-3-4 b. 4-2-3-1 c. 2-1-4-3 d. 3-4-1-2
24. Anong uri ng pangngalan ang tumutukoy sa salitang kapatid?
a. bagay b. tao c. lugar d. hayop
25. 25. Anong uri ng pangngalan ang tumutukoy sa salitang palengke?
a. tao b. bagay c. lugar d. hayop
26. Ang aso ay isang uri ng pangngalang ______________?
a. tao b. bagay c. lugar d. hayop
27. Ang gusaling mataas ________ Aling Anna at Mang Greg ay malapit sa paaralan.
a. si b. sina c. ni d. nina
28. __________ Roselyn ay kaibigan ko.
a. Si b. Sina c. Ni d. Nina
29. Mabait si Aling Nena. __________ ay mabuting ina.
a. Ako b. Ikaw c. Siya d. Tayo
30. Ang pangalan ko ay Lena. ___________ ay maispag na bata.
a. Ako b. Ikaw c. Siya d. Tayo
31. Ikaw at ako ay magkaklase. __________ ay magkaklase.
a. Tayo b. Kami c. Kayo d. Sila
32. Sina Lorry, Gena, at Gina ay magkakapatid. _________ ay magkakapatid.
a. Tayo b. Kami c. Kayo d. Sila
33. Bumibili siya ng tatlong itlog. Anong salitang naglalarawan ang “tatlo”?
a. lasa b. anyo c. bilang d. amoy
34. Mabango ang ilang-ilang. Anong salitang naglalarawan ang “mabango”?
a. anyo b. lasa c. bilang d. amoy
35. Mapula ang labi ng dalaga. Anong salitang naglalarawan ang “ mapula”?
a. kulay b. lasa c. anyo d. bilang
36. Anong uri ng pang-abay ang tumutukoy sa salitang nakasalungguhit? Mabilis kumain si Itay.
a. Pamaraan b. Panlunan c. Pamanahon d. Pang-abay
37. Sa Tacloban pumunta si Pope Francis. Anong uri ng pang-abay ang salitang may salungguhit?
a. Pamaraan b. Panlunan c. Pamanahon d. Pang-abay
38. Doon nagpunta ang guro. Anong uri ng pang-abay ang salitang nakasalungguhit?
a. Pamaraan b. Panlunan c. Pamanahon d. Pang-abay
39. Mamamasyal ang mga mag-anak bukas. Anong uri ng pang-abay ang salitang may salungguhit?
a. Pamaraan b. Panlunan c. Pamanahon d. Pang-abay
40. Noong Biyernes ay nagluto si Nanay ng kalabasa. Anong uri ng pang-abay ang salitang may
salungguhit?
a. Pamaraan b. Panlunan c. Pamanahon d. Pang-abay
41. Sina Jose at Elmo ay matalik na magkaibigan. Ibinibahagi nila ang _______ laruan sa isa’t isa.
Ano ang wastong panghalip paari ang kukumpleto sa pangungusap?
a. kanilang b. kaniyang c. aking d. ating
42. “Tinanong ko ang aking kaibigan, “Jenny sa _________ ba ang librong bitbit mo?” Ano ang
wastong panghalip paari ang kukumpleto sa pangungusap?
a. kanilang b. iyo c. kaniya d. amin
43. ___________ Rose, Claire, at Lia, kakain kami sa kantina mamayang tanghalian. Ano ang
wastong pang-ukol na bubuo sa pangungusap?
a. Ayon sa b. Ayon kay c. Ayon kina d. Para kay
44. Nagtayo ng bagong palaruan sa parke ___________ mga bata. Ano ang wastong pang-ukol
na bubuo sa pangungusap?
a. para sa b. ayon sa c. para kay d. ayon kay
45. Ano ang salitang-ugat ng “Kagandahan” ?
a. gandahan b. maganda c. kaganda d. ganda
46. Ano ang salitang-ugat ng “ magsayaw” ?
a. sayaw b. magsayaw c. saya d. magsaya
47. Ano ang salitang-ugat ng “masagana”?
a. a. masa b. gana c. sagana d. wala
48. Anong uri ng panlapi ang idinagdag sa salitang sumayaw?
a. unlapi b. gitlapi c. hulapi d. wala
49. Anong uri ng panlapi ang idinagdag sa salitang basahin?
a. unlapi b. gitlapi c. hulapi d. wala
50. Si Aling Belen ay masipag na naglilinis ng bakuran. Ano ang simuno sa pangungusap?
a. Si Aling Belen b. masipag c. naglilinis d. bakuran
51. Makulay ang bahaghari. Ano ang simuno sa pangungusap?
a. Makulay b. bahaghari c. makulay ang d. wala
52. Maganda ang babae. Ano ang panaguri sa pangungusap?
a. ang b. ang babae c. maganda d. wala
53. Masayang naglalaro sa parke ang mga bata. Ano ang simuno sa pangungusap?
a. Masaya b. naglalaro c. parke d. ang mga bata
54. Ang bulaklak na sampagita ay mabango. Ano ang panaguri sa
pangungusap?
a. Ang bulaklak b. sampaguita c. mabango d. wala
55. Ang mga bata ay tahimik na nagbabasa ng libro. Ano ang simuno sa pangungusap?
a. libro c. ang mga bata
b. tahimik na nagbabasa d. wala

II. Tukuyin ang nakasalungguhit na salitang kilos sa bawat pangungusap isulat ang
NAGANAP kung ito ay nangyari na, NAGAGANAP kung ito ay nangyayari palang at
MAGAGANAP kung ito ay mangyayari palang.
____________________1. Hindi nakapasok kahapon ang batang iyan.
____________________2. Nagsisimba sila tuwing Linggo sa katedral
____________________3. Dinadasal ko palagi na ako ay pumasa sa pagsusulit.
____________________4. Sa isang buwan ay pupunta kami sa Palawan
____________________5. Sa akin nagtanong ang matandang babae.
____________________6. Naglilinis ng silid si Ron tuwing sabado.
____________________7. Bukas ay lilinisin ko ang kusina.
____________________8. Magkikita tayo mamaya.
____________________9. Kumakain ang mga bata sa kantina.
____________________10. Hindi nakalimutan ni Edgar na magdasal tuwing umaga.

III. Isulat sa patlang ang PT kung ang pangngalan ay pantangi at PB kung ito ay pambalana.
______1. Pope Francis ______6. gatas
` ______2. paaralan ______7. Helen Keller Montessori
______3. restawran ______8. Jane
______4. Malacan᷉ang Palace ______9. guro
______5. batang lalaki ______10. Maynila
IV. Basahin ang mga pangungusap sa Hanay A. Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng
bawat pang-uri na may salungguhit. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
_______1. Ang langit ay bughaw. a. asul
_______2. Ang dahon ay luntian. b. magulo
_______3. Ang lalaki ay malikot. c. berde
_______4. Si Milo ay magaling sa pababasa. d. matapang
_______5. Ang batang si Mark ay hambog. e. mahusay
_______6. Makulimlim ang langit. f. mayaman
_______7. Ang aso ay mabagsik. g. mayabang
_______8. Ang pamilya nila ay maykaya. h. masikap
_______9. Mainam sa tao ang masipag. i. sira
_______10. Ang kubo ay giba. j. madilim

V. Lagyan ng pang-angkop na na o dugtungan ng –ng ang bawat patlang upang mabuo ang
parirala. Isulat ang sagot sa bawat patlang.

1. matapang ________ sundalo 6. kapaligiran________ malinis


2. bunso ________ anak 7. maunlad ________ bansa
3. pantalon ________ mahaba 8. bata ________ malusog
4. melon ________ matamis 9. bubong ________ butas
5. matalino ________ bata 10. balon ________ malalim
VI. Tukuyin kung ang sumusunod ay parirala o pangungusap. Isulat ang PR kung ito ay
parirala at PN kung ito pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_______1. Masayahing bata si Jessa.
_______2. Ang asong si Snow
_______3. Tumakbo ng mabilis
_______4. Malinis ang daanan sa San Jose City.
_______5. Malaki at mataba
_______6. Ang halaman ay maganda.
_______7. Si Romeo
_______8. Maikli ang kumot ni Rey.
_______9. Si Bea ay kumakain ng almusal.
_______10. Naiwan ang pitaka
Inihanda ni: Bb. Jessa M. Duco, LPT

You might also like