You are on page 1of 1

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino-3

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang klaster ay kambal katinig. Aling pangkat ng mga salita ang may klaster?
a. bola, holen, lobo c. bahay, reyna, apoy
b. dyaryo, plaslayt, trumpo d. baboy, sisiw, unggoy

2. Ang klaster ay maaaring makikita sa unahan, gitna,at hulihan. Aling salita ang may klaster sa gitna?
a. kongreso b. senado c. pamahalaan d. pamayanan

3. Aling salita ang may klaster sa unahan at hulihan?


a. blusa b. pangulo c. plaslayt d. kard

4. Alin sa sumusunod na mga salita ang magkakatugma?


a. mainit – malamig c. payapa – tahimik
b. masarap- malinamnam d. mabilis – matulis

5. Ang mga sumusunod na pares ng mga salita ay magkakatugma, maliban sa isang pares. Alin dito?
a. kapitbahay – mabuhay c. malamig – tubig
b. prutas – bayabas d. ginto – pilak
6. Kumpletuhin ang linya ng tula na “Masaya sa Nayon”.
Masaya sa nayon, maligayang tunay
Hangin ay malinis, tunay na ____________.
a. dalisay b. malamig c. mainit d. marumi

7. Ang bulaklak na Sampagita ay mahalimuyak. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. maganda b. mabango c. mabaho d. maputi

8. Ang ating mga bayani ay magiting. Ano ang kasingkahulugan ng salitang magiting?
a. masipag b. mabait c. matapang d. magalang

9. Malabo na ang paningin ni Lola Maria kaya gumagamit siya ng salamin. Ano ang kasalungat ng salitang
malabo?
a. maliit b. malaki c. malayo d. malinaw

10. Ang maganda at marikit ay magkasingkahulugan. Ano ang kasalungat nito?


a. maligaya b. malungkot c. pangit d. payapa

11. Bigla silang napa _______ nang _______ ay dumating. Alin sa mga salita ang angkop sa patlang para
makumpleto ang kahulugan ng pangungusap?
a. tayo’ – tayo b. tayo – tayo’ c. upo – upo’ d. upo’ – upo

12. Si Lita ay naghuhugas ng mga __________ habang si Rosa ay nag__________ ng kanyang lapis.
a. tasa’ – tasa b. tasa – tasa’ c. paso – paso’ d. paso’ – paso

13. Ang mga sumusunod ay hiram na salita, maliban sa isa. Alin dito?
a. spaghetti b. pizza pie c. ice cream d. bibingka

14. Alin sa mga sumusunod ang hiram na salita na baybay Filipino?


a. krus, pulis, titser c. bulaklak, gulay, hayop
b. kutsara, tinidor, baso d. suman, biko, puto

15. Alin sa sumusunod na hiram na salita na baybay English ang may wastong baybay?
a. donut b. doughnut c. duoghnot d. doughnut

16. Ang pangungusap ay nagsasaad ng buong diwa. Alin sa sumusunod ang pangungusap?
a. Masayang naglalaro c. Mababait na mga kamkal
b. Mabuting kaibigan d. Masunuring bata ang gusto ko.

17. Ang parirala ay hindi nagsasaad ng buong diwa. Alin sa sumusunod ang parirala?
a. Ang mga ibon at paruparo c. Ang mga manok ay kumakain.
b. Ang aso at pusa ay nag-aaway. d. Ang mga isda ay lumalangoy.

18. Alin ang tama ang pagkasulat gamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas?
a. Mataas ang sikat ng araw. c. mataas ang sikat ng araw.
b. Mataas ang Sikat ng Araw. d. mataas Ang Sikat ng Araw.

19. Anong bantas ang ilalagay sa pangungusap na ito. Aray, ang sakit ng ngipin ko( )
a. ( ? ) b. ( ! ) c. ( . ) d. ( , )
20. Ang sarap ng buko pie na ito. Alam mo ba ang mga sangkap __________? ____________________
a. nito b. niyan c. niyon d. iyon
Lagda ng magulang

You might also like