You are on page 1of 4

Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino VI

Pangalan: _______________________________________________ Pirma ng Magulang: _________________

I. Basahin ang maikling kwento (para sa bilang 1-5). Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang kanyang mga
kaklase at unti-unting nagtanong sa kanya. “Anong nangyari sa’yo?”, tanong ni Annie.

“Plaster yan diba? Naku! Nabalian ka ng buto!”, ang malakas na sigaw ni Tito mula sa likuran.

“Oo, Tito. Nabali ang buto ko sa braso. Nagbisikleta kasi ako sa madulas na kalsada at nadisgrasya.
Dapat talaga nakinig ako kay nanay. Hindi pa sana nangyari ito.”, mahinang sagot ni Bong.

“Hayaan mo na Bong. Gagaling din yan pagkatapos ng ilang buwan.”, sabi ni Emy habang
inaalalayan si Bong sa kanyang upuan.

Tumahimik ang lahat nang dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito na simula na ang klase.
Matapos nilang magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat.

“Salamat sa pag-aalala ninyo sa inyong mga kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga
gawain habang ang kamay niya ay naka-plaster.”

1. Ano ang dahilan nang pagkakaroon ng plaster sa kamay ni Bong?


a. Si Bong ay nabangga ng mga batang nagbibisikleta.
b. Si Bong ay nahulog sa hagdan.
c. Si Bong ay naaksidente habang nagbibisikleta.
d. Si Bong ay napaso nang nagluto ang kanyang ina ng mainit na sopas.

2. Ano ang damdaming ipinapahayag ni Bong sa kanyang sinabi kay Tito?


a. pagbibigay pag-asa
b. pagtataka
c. pagbibigay paalala
d. pag-aalala

3. Hudyat na ito na simula na ang klase. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. ayusin b. palatandaan c. palatuntunan d. senyas

4. Sino ang umalalay kay Bong habang ito’y nasa kanyang upuan?
a. Tito b. Gng. Santos c. Annie d. Emy

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi katotohanan batay sa kwentong binasa?
a. Nagpasalamat si Gng. Santos sa kanyang mga mag-aaral dahil sa pag-aalala nila kay Bong.
b. Nagsisi si Bong dahil sa nangyari sa kanya.
c. Nag-aalala ang kanyang mga kaklase dahil sa nangyari sa kanya.
d. Tinukso siya ng kanyang mga kaklase dahil sa nangyari sa kanya.

6. Alin ang pangkat ng mga salita na ginamitan ng gitlapi?


a. binalangkas sinulat tinapos
b. kalinangan pagdasalin kabayanihan
c. ipinadama ipinamalas ipinakita
d. kasagutan kabatiran katanungan

7. Ano ang maaring itambal sa salitang balik upang makabuo ng tambalang salita?
a. opisina b. tahanan c. bayan d. probinsya

8. Ang pamilya ay pinakamaliit na yunit ng lipunan. Anong bahagi ng pananalita ang may
salungguhit na paksa sa pangungusap?
a. pandiwa b. panghalip c. pang-uri d. pangngalan

9. Malaki ang tulong ng mga OFW sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa. Ilan ang pangngalang
ginamit sa pangungusap?
a. apat b. lima c. anim d. tatlo

10. Ang guhit ni Juan Luna ay hinangaan sa buong mundo. Ano ang gamit ng pangngalang may
salungguhit?
a. pamuno b. kaganapang pansimuno c. layon ng pang-ukol d. simuno
11. Alin ang pangngalang naiiba ang kaukulan?
a. Ipinagmalaki niya ang tagumpay ng kapatid.
b. Si Sajid Bulig ay batang handang tumulong sa kapwa.
c. Ang pangarap ng kabataan ay makapaglingkod sa bayan.
d. Amado, handa ka na bas a pagsusulit bukas.

13. Binigyan siya ng katalinuhan. Tukuyin ang wastong salitang-ugat at panlaping ginamit sa
salitang may salungguhit.
a. matalino; ka-, -han
b. talinu; ka-, -han
c. lino; kata, -han
d. talino; ka-, -han

14. Pumanaw na ang kauna-unahang babae na nagging Pangulo ng Pilipinas. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?
a. nagbitiw b. umalis c. nawala d. namatay

15. Ama, tulungan ninyo po kami. Ang Ama ay nasa anong gamit ng pangngalan?
a. pamuno b. pantawag c. layon ng pang-ukol d. simuno

16. Pumunta si Mang Kikoy sa bukid. Ano ang panlaping ginamit sa salitang may salungguhit?
a. –mu b. –um c. –un d. wala sa nabanggit

17. Pagpapalain ang mga taong tumutulong sa mga kapus-palad. Ang kahulugan ng salitang
kapus-palad ay _____________.
a. mayaman b. dalubhasa c. maykaya d. mahirap

18. Ang asawa ni Mang Julio ay pupunta sa ibang bansa upang magtrabaho. Ano ang kaukulan ng
salitang may salungguhit?
a. palayon b. palagyo c. paari d. paukol

19. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang opinyon?


a. Mahusay mag-alaga ng orkid ang mga nagiging kalihim ng pamahalaan.
b. Ang pangulo ang pinakamataas na opisyal ng bansa.
c. Kulay dilaw at berde na may rosas sa dulo ang kulay ng talutot ng Blc Cory Orchid.
d. Si Pang. Corazon Aquion ang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa.

20. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi mo maiuugnay sa asignaturang Matematika?
a. numero b. pagbabawas c. microscope d. paghahati-hati

21. Alin ang pares ng magkasikahulugang salita?


a. magiliw – matapang
b. dumaratal – umaalis
c. pagkakabuklud-buklod – pagkakaisa
d. hangad – ayaw

22. Anong titik ang idadagdag sa N__K__K__S__M__ upang mabuo ang kahulugan ng salitang
nakakasalamuha?
a. A b. E c. I d. O

23. “Hu, hu, hu! Tatang! Nanang! Tulungan ninyo po ako.” Anong damdamin ang nangingibabaw sa
pahayag ni Unding?
a. pagkatakot b. pagkainis c. pagsisisi d. pagmamakaawa

24. Tatay, salamat po sa pagtataguyod sa ating pamilya. Alin ang pantawag sa pangungusap?
a. Tatay b. salamat c. pagtataguyod d. pamilya

25. Ito ay tala ng mahalagang impormasyon tungkol sa buhay ng isang tao.


a. nobela b. parabola c. anekdota d. talambuhay
II. Piliin mula sa kahon ang wastong paggamit ng pangngalan sa pakikipagtalastasan. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

a. pagbabakasyon c. Australia
b. Autralia d. pangulo ng klase

26-27. “Lilet! Ikaw ba si Lilet? Aba! Ikaw nga, ang matalik kong _______________. Kumusta ka
na? Naku, ang ganda-ganda mo at ang seksi pa! Nawala ka ng maraming taon, saan k aba nagpunta?”
Sunod-sunod na tanong ni Liz.

Natuloy kasi ako sa __________________. Madalian ang pangyayari kaya hindi na ako
nakapagpaalam sa inyo nang maayos. Doon ako nagtapos sa aking pag-aaral”, paliwanag ni Lilet.

Sa sinalungguhitang salita sa pangungusap, kilalanin ang uri ng pangngalan nito.

28. Ang kanyang pagsigaw ay nangangahulugan ng kagalakan.


a. di-kongkreto b. payak c. kongkreto d. pantangi

29. Nagdulot ng kasiyahan sa aming lugar ang hindi inaasahang pagdating ng artistang si Coco
Martin.
a. di-kongkreto b. payak c. kongkreto d. pantangi

30. May tanim na talbos ng kamote ang aming lolo.


a. kongkreto b. di-kongkreto c. palansak d. pantangi

III. Guhitan ang pangngalan at isulat ang kaukulan nito sa patlang

__________________ 31-32. Ang pag-ibig ni Yahweh ay gumagabay sa kanya.

__________________ 33-34. Ang pag-aaral nang mabuti ay susi ng katagumpayan.

__________________ 35-36. Binigyan ng bagong kalakasan ang mabait na matanda.

__________________ 37-38. Nagpasiklab siya para sa kanyang mga kamag-aral.

__________________ 39-40. Si Yahweh ay kinikilalang Diyos ng mga Hudyo.

IV. Tukuyin ang uri ng ng mga pangngalang pambalana na may salungguhit. Isulat sa patlang
ang K kung kongreto, DK kung di-konkreto at L naman kung lansakan.

__________________ 41. Ang hanapbuhay ni Mang Emeng ay pangingisda.

__________________ 42. Maraming nahuling isda si Mang Emeng.

__________________ 43. Iba’t ibang klase ng isda ang nahuli ni Mang Emeng.

__________________ 44. Sinusuportahan ito ng maraming gobernador sa lalawigan.

__________________ 45. Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.


V. Gamitin sa pangungusap ang iba’t ibang pangngalan bilang:

46. Simuno: (batas)

___________________________________________________________________________________________

47. Kaganapang Pansimuno: (pulo)

___________________________________________________________________________________________

48. Pamuno: (guro)

___________________________________________________________________________________________

49. Tuwirang Layon: (isda)

___________________________________________________________________________________________

50. Layon ng Pang-ukol: (mahihirap)

___________________________________________________________________________________________

Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;


at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.” – Kawikaan 9:10

You might also like