You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division Office of Bulacan
District of Bulakan
MATUNGAO ELEMENTARY SCHOOL
Matungao, Bulakan, Bulacan

UNANG MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO6


Unang Markahan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


Pakinggang mabuti ang babasahin ng guro. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong tungkol dito.
1. Anong insekto ang pinag-uusapan sa kuwento?
a. anay c. ipis
b. bubuyog d. langgam
2. Alin ang hindi kasama sa tatlong uri ng bubuyog?
a. drone c. reyna
b. hari d. manggagawa
3. Sino ang walang ginagawa sa pamayanan ng mga bubuyog?
a. drone c. reyna
b. hari d. manggagawa
4. Anong kabutihan ang ipinakita ng mga bubuyog?
a. pagmamahalan c. pagkamaawain
b. pagkamagalang d. pagtutulungan
5. Alin ang hindi kabilang sa epekto ng paghahati-hati ng gawain ng mga bubuyog?
a. pag-unlad ng bawat isa
b. kabutihan ng lahat
c. pagiging makasarili
d. sanhi ng malaking tagumpay

Ibigay ang angkop na pangngalan o panghalip na bubuo sa pangungusap. Piliin ang sagot sa
kahon.
a. aklat d. bayan
b. ko e. tayong
c. nilang f. Pilipino

6. May karapatan din ______ mga babae tulad nilang mga lalaki.
7. Pagmamahal sa _____ ang nag-udyok sa kanya na dito magtrabaho sa halip na sa ibang bansa.
8. Tayong mga _____ ay lahing magigiting.
9. Ipinagmamalaki _____ ang ating kultura.
10. Nasaan kaya ang aking _____ ?

Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba . Pagkatapos, pagsunod-sunurin batay sa tamang


pagbabalangkas ang mga pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng titik a-e.

Nag-aaplay si Nilda ng trabaho. Marami ang nag-aaplay sa kumpanyang pinuntahan


niya. Walang ano-ano ay nakita na lang niya ang isang matandang lalaking nabunggo ng mga nag-aaplay
ng trabaho. Tinulungan niya at pinulot ang portfolio nito. Pinakahuling tinawagan si Nilda sa interbyu.
Nang pumasok siya sa opisina, tumayo ang manedyer, “ kanina pa kita hinihintay, kailangan ko ng isang
mabait na empleyada sa aking kumpanya,” ang sabi ng lalaking tinulungan niya.

_____ 11. Pagtanggap ng manedyer kay Nilda


_____ 12. Paghihintay ni Nilda sa kanyang pagkakataon
_____ 13. Pagtulong sa matandang lalaki
_____ 14. Pagtawag kay Nilda para sa interbyu
_____ 15. Pagkakita ni Nilda sa matandang lalaking nabunggo ng ng mga nag-aaplay
Anong sanggunian ang iyong gagamitin sa mga sumusunod na sitwasyon? Piliin ang titik ng
tamang sagot.

a. Almanak b. Atlas c. Diksyunaryo d. Encyclopedia

16. Nais mong malaman ang mga pagbabago ng buwan at ang pagtaas at pagbaba ng tubig
17. Gusto mong malaman ang lokasyon ng Bulakan
18. Hinahanap mo ang kahulugan ng salitang “dayalogo”
19. Nais mong malaman kung saang volume ang paksang “teknolohiya”
20. Gusto mong malaman kung anong bahagi ng pananalita ang salitang “kapayapaan”

Sundin ang mga panutong nakalahad sa ibaba. Gawin ito sa loob ng kahon.

21. Isulat sa itaas, sa gawing kaliwa, ang iyong alyas o nickname.


22. Gumuhit ng malaking bilog sa gitna ng kahon.
23. Gumuhit ng maliit na bilohaba sa gitna ng malaking bilog.
24. Sa ibaba ng maliit na bilohaba, magdrowing ng suklay.
25. Sa itaas ng maliit na bilohaba, gumuhit ng malaking titik U sag awing kaliwa at kanan nito.

26-30. Isulat nang malinaw at wasto ang mga pangungusap at talata sa ibaba. Gawing patnubay ang
mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata.
ipinababatid sa lahat ng mamamayan sa barangay sikap na ang trak ng basura ay
darating sa lunes, ika-6 ng gabi pinaaalalahanan ang lahat na ilagay sa plastic ang mga basura at ilabas sa
araw ng paghahakot ng basura

PARA SA KABATAANG FILIPINO!


KEY TO CORRECTION:

Pakikinig

Sa Pamayanan ng mga Bubuyog

Isang magandang halimbawa ng buhay sa pamayanan at pagtutulungan ang buhay ng bubuyog.


Gumagawa ang bawat miyembro sa pamayanan para sa kabutihan ng lahat. Ang gawi nilang ito ang
nagiging sanhi ng malaking tagumpay, gayundin ng kahanga-hangang pag-unlad ng bawat isa sa mga ito.
Likas na ugali ang paghahati-hati sa gawain ng mga ito sa kanilang buhay- pukyutan.

May tatlong uri ng bubuyog: ang reyna, ang drone at ang manggagawa. Walang ginagawa ang
reyna kundi mangitlog. Mas malaki ang drone kaysa manggagawa ngunit mas maliit kaysa reyna.
Pinakamarami ang mga manggagawang bubuyog. Ang mga ito ang gumaganap ng iba’t ibang gawain sa
mga bahay-pukyutan.

1. B 16. A
2. B 17. B
3. C 18. C
4. D 19. D
5. C 20. C
6. E 21.
7. D 22.
8. F 23.
9. B 24.
10. A 25.
11. E
12. A
13. C
14. D
15. B

26-30. Ipinababatid sa lahat ng mamamayan sa Barangay Sikap na ang trak ng basura ay darating sa
Lunes, ika-6 ng gabi. Pinaaalalahanan ang lahat na ilagay sa plastic ang mga basura at ilabas sa araw ng
paghahakot ng basura.

Ipinasa ni:

GLAIZARICA DC. ASUNCION


Guro

Binigyang pansin:

CHARITO N. LAGGUI
Punongguro II

You might also like