You are on page 1of 16

DAILY LESSON LOG

LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL


Grade 1- ____________
WEEK 1-November 7, 2020
FILIPINO 1
(Day 1)
I. LAYUNIN
1) makasasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang pabula; at
2)makapagtatanong tungkol sa larawan, kuwento, at napakinggang balita.

MELC

F1PN-IIa- 3
F1PN-IIIg-3
F1PN-IVh
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula, tugma/tula, at tekstong pang-impormasyon
F1PP-IIa-1
F1PT-IIId-1.1/ F1PS-IIIe-9/ F1PS-IIh-9/ F1PP-IVc-e-1.1/ F1PP-IVc-e-1.1
Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid ng nabasang pananda, patalastas, babala, o paalala
II.Nilalaman
Pagsagot sa mga Tanong sa Napakinggang Pabula

Kagamitang Panturo
A.Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
MLEC, pp. 144
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-Mag-aaral:
PIVOT Module, pp 6-13
3. Mga pahina sa Teksbuk:

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Code

B. Iba pang kagamitang Panturo

III.Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:

Narito ang isang pabula. Ang pabula ay kuwento kung saan ang mga hayop ang siyang tauhan.
Ito ay kathang-isip lámang ngunit nag-iiwan ng áral sa mambabása.

1. Paghahawan ng balakid:
Bukid, bantay, babala, pagsusumamo

2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng aso, manok, baboy.

Ano ang masasabi ninyo sa bata sa larawan?


Ano ang tunog ng bawat hayop?

3. Pangganyak na tanong:

Nakapunta na ba kayo sa bayan? May Nakita ba kayong mga babala?

4. Pamantayan sa Pakikinig sa Kwento

B. Gawain Habang Bumabasa

1. Pagbasa ng Guro sa kwento.

Ang Magkakaibigan
Isinulat ni Gng. Mhelca-win M. Aparato

Isang umaga, nagkukuwentuhan ang magkakaibigang hayop sa bukid ni Mang Domeng.


“Magandang umaga mga kaibigan! Aw, aw,” ang masiglang bati ni Bantay sa mga kaibigan.
“Magandang umaga rin naman sa iyo, Bantay. Oink, oink,” ang tugon ni Koy Baboy.
“Mukhang masaya ka yata, Bantay. Meow, meow,” ang puna ni Pusing Pusa.
“Oo nga, tiktilaok. Ikuwento mo naman sa amin kung bakit,” ang pagsang-ayon ni Chook Manok.
“Talagang masaya ako! Aw, aw. Paano ay ipinasyal ako kahapon ni Among Domeng sa bayan,” a
ng masayang kuwento ni Bantay.

“Wow! Meow, meow, gusto ko ring makapamasyal sa bayan. Hindi pa ako nakararating doon.
Ano-ano ba ang nakita mo? Pakiusap, ikuwento mo naman,” ang pagsusumamo ni Pusing Pusa.
“Naku, marami akong nakita. Maraming mga sasakyan doon at mayroon ding mga babala,” ang sabi ni Bantay.
“Babala? Oink, oink, ano iyon?”ang tanong ni Koy Baboy.
“Hindi mo alam iyon? Para ‘yon lang.
Ang mga babala ay mga paalalang dapat sundin upang hindi mapahamak o ‘di kayâ ay makasira ng mga
kagamitan. Palibhasa puro pagkain ang nása isip mo kayâ hindi mo alam ang ganoon kasimpleng bagay. Ha, ha,
ha. Tingnan mo ang taba mo, wala ka namang alam. Aw, aw,”
ang pagyayabang ni Bantay.
“Teka lámang naman Bantay. Hindi mo naman kailangang insultohin nang ganiyan si Koy Baboy.
Masakit ang mga sinabi mo. Tiktilaok,” ang pagpuna ni Chook Manok.
“Naku, pasensiya ka na Koy Baboy. Hindi ko nga dapat sinabi iyon. Alam ko na!
Ikukuwento ko na lámang kung ano-anong babala ang nakita ko doon. Ayos ba iyon sa iyo Koy Baboy? Aw, aw,”
ang mahabang sabi ni Bantay.
“Oo naman, Bantay. Oink, oink. Ayos na ayos sa akin ‘yon,” ang sagot ni Koy Baboy.
“Nakita ko sa bayan ang ilang mga babala gaya ng, ‘Bawal tumawid,’ ‘Bawal magtapon ng basura,’ at ‘Bawal
magsakay o magbaba.’ Aw, aw,” ang paliwanag ni Bantay.
“Ah, ganoon palá ang mga babala. Oink, oink. Ngayon ay alam ko na. Salamat sa iyo, Bantay,”
ang sabi ni Koy Baboy.

“Walang anoman, kaibigan. Naku, hinahanap na yata ako ni Among Domeng. Aalis na muna ako. Paalam na
muna sa inyo,” ang paalam ni Bantay sa mga kaibigang hayop.
“Paalam, Bantay!” ang sabay-sabay na tugon ng magkakaibigan.

2. Talakayan:

Sagutin ang mga tanong tungkol sa pabula.

1.Ano-anong hayop ang ipinakilala sa napakinggang kuwento?


2.Bakit masaya si Bantay?
3.Ayon kay Bantay, ano-ano ang kaniyang nakita sa bayan?
4.Ano ang babala ayon kay Bantay?
5.Paano nagwakas ang usapan ng mga hayop?
C. Gawain Matapos Bumasa:
Ipakita ang mga sumusunod na babala.

Ang mga babala ay

“Bawal Tumawid”

“Bawal Magtapon ng Basura”

“Bawal Magsakay at Magababa”

“Bawal Pumarada”

“Bawal Umikot”

IV. Pagtataya:

Pag aralan ang mga larawan sa kaliwa. Isulat ang tamang pakahulugan nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa guhit.

_ ___ A. “Bawal Umikot”

B. “Bawal Magsakay at Magbaba”

C. “Bawal Magtapon ng Basura”

D. “Bawal Pumarada”

E. “Bawal Tumawid”

V. Kasunduan:

Alalahanin ang mga hayop na tauhan sa pabula. Gumupit ng mga larawan ng mga hayop sa
napakinggang pabula. Idikit ito sa iyong kuwaderno.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na
___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
DAILY LESSON LOG
LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 8, 2020
FILIPINO 1
(Day 2)
I. LAYUNIN
1) makasasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang pabula; at
2)makapagtatanong tungkol sa larawan, kuwento, at napakinggang balita.

MELC

F1PN-IIa- 3 F1PN-IIIg-3 F1PN-IVh


Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula, tugma/tula, at tekstong pang-impormasyon
II.Nilalaman
Pagsagot sa mga Tanong sa Napakinggang Pabula
Kagamitang Panturo
A.Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
MLEC, pp. 144
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-Mag-aaral:
PIVOT Module, pp 6-13
3. Mga pahina sa Teksbuk:
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Code
B. Iba pang kagamitang Panturo
III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Balikan ang kwentong “Ang Magkakaibigan”

2. Pagganyak:

Ipakita ang pabalat ng kwentong bayan na “Ang Leon at Ang Daga”

Itanong:

Anong masasabi mo sa larawan?


Tungkol kaya saan ang ating kuwento?
C. Paglalahad:

Ang Daga at ang Leon


Adaptasyon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kaniyang inakyat ang likuran ng leon
at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay ‘di niya napansin na nagising si Leon.
Dinakma ni Leon si Daga at hinawakan sa buntot na wari balak siyang isubo at kainin.
Natakot at nagmakaawa si Daga. “Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog
mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lámang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin,”
sabi ni Daga. Nabakas ni Leon sa mukha ni Daga ang tunay na pagmamakaawa. “Sige, pakakawalan kita pero sa susunod
ay huwag mong gagambalain ang pagtulog ko,” sabi ni Leon. “Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa
kabutihan mo,” ang pagpapasalamat ni Daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ni Daga sa
kagubatan ay kaniyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa punò. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang
nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangangaso sa kagubatan. Dali-daling umakyat
si Daga sa punò at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat
kasama si Leon sa loob. Mabilis na bumaba si Daga at tinulungan si Leon na makawala sa lambat. “Utang ko sa iyo ang
aking buhay”, laking pasasalamat na sabi ni Leon sa kaibigang si Daga.

2. Talakayan:

Sagutin ang mga tanong tungkol sa pabula.


1. Anong mga hayop ang nabanggit sa napakinggan o nabásang pabula?
2. Nakakita ka na ba ng leon o daga?
3. Ano ang mga huni at kilos na ginagawa ng mga hayop na ito?

D. Paglalahat:

Ano ang aral sa kuwento?

E. Paglalapat:

Pangkatang Gawain:

Pumili ng bahagi ng kuwento na pinakagusto ng iyong grupo. Ipakita ito sa pamamagitan ng


pagsasadula ng nasabing bahagi.

IV. Pagtataya:

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

___1. Ano ang pamagat ng napakinggang kuwento o pabula?

A. Ang Pagtulog ng Leon B. Ang Daga at ang Leon


C. Ang Daga sa Kagubatan D. Ang Galit na Leon

___2. Sino-sino ang tauhan sa pabula?

A. Leon at Agila B. Daga at Leon


C. Leon at Pusa D. Daga at Pusa

___3. Sino ang naglalaro sa ibabaw ng natutulog na Leon?

A. Aso B. Bulate C. Daga D. Pusa

___4. Ano ang ginagawa ng Daga sa ibabaw ng natutulog na Leon?

A. kumakain B. naglalaro C. natutulog D. nakaupo

___5. Saan namasyal si Daga?


A. sa ilog B. sa kagubatan C. sa bayan D. sa malayong lugar

___6. Sino ang nakita ni Daga na ginawang bitag ng nangangaso sa kagubatan?

A. si Leon B. si Pusa C. si Maya D. si Lawin

___7. Ano ang sinabi ni Daga kay Leon ng dakmain siya nito?

A.“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo.”


B. “Ay sori hindi ko alam na nása likod mo ako.”
C. “Hindi ko sinasadya kaibigan!”
D. “Maawa ka kaibigang Leon. Hindi tayo magkauri!”

___8. Paano iniligtas ng Daga ang Leon?

A. Nginatngat ng daga ang lubid ng lambat.


B. Nagpatulong siya sa kapwa hayop.
C. Inaway niya ang mga mangangaso.
D. Kusang nakawala ang Leon sa bitag.

___9. Ano ang ginawa ni Leon kay Daga matapos siya nitong mailigtas?

A. Tumakbo si Leon papalayo kay Daga.


B. Nagalit si Leon at kinain si Daga.
C. Nagpasalamat si Leon kay Daga at sinabing “Utang ko sa iyo ang aking buhay.”
D. Tiningnan lámang ito ni Leon at umalis na.

___10. Ano ang áral na makukuha sa nabásang pabula?

A. Huwag magpaloko sa kahit kaninong tao.


B. Dapat paniwalaan ang lahat ng sinasabi ng ibang tao.
C. Nása hulí ang pagsisisi kayâ pag-isipang mabuti bago magdesisyon.
D. Huwag maliitin ang kakayahan ng iba. Maliit man ang iyong kapwa ay may kakayahan pa rin itong
makatulong sa paraang hindi madalas inaasahan ng iba.

V. Kasunduan:

Kumpletuhin ang kasabihan:

Matutong ________ ng utang na loob.(tumanaw)

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na
___ ang nagpakita ng
___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
DAILY LESSON LOG
LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 9, 2020
FILIPINO 1
(Day 3)

I. LAYUNIN
1) makasasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang pabula; at
2)makapagtatanong tungkol sa larawan, kuwento, at napakinggang balita.

MELC

F1PN-IIa- 3 F1PN-IIIg-3 F1PN-IVh


Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula, tugma/tula, at tekstong pang-impormasyon
II.Nilalaman
Pagsagot sa mga Tanong sa Napakinggang Pabula
Kagamitang Panturo
A.Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
MLEC, pp. 144
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-Mag-aaral:
PIVOT Module, pp 6-13
3. Mga pahina sa Teksbuk:
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Code
B. Iba pang kagamitang Panturo
III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:
Balikan ang kwentong “Ang Leon at ang Daga”

2. Pagganyak:

Ipakita ang pabalat ng kwentong bayan na “Ang Pagong at Ang Kalabaw”

Itanong:

Anong masasabi mo sa larawan?


Tungkol kaya saan ang ating kuwento?
F. Paglalahad:

Isang araw ay nagkita ang kalabaw at ang pagong. Nais ng pagong na makipagkaibigan sa kalabaw. Tumawa lang nang malakas ang
kalabaw at pakutyang sinabi na, “hindi ang isang tulad mo ang nais kong kaibigan. Ang gusto ko ay iyong kasinlaki at kasinlakas ko.
Hindi tulad mong lampa na’t maliit ay sobra pa ang kupad kumilos.”
Ang pagong ay napahiya sa tinuran ng palalong kalabaw. “Sobra kang mapang-api. Minamaliit mo ang aking kakayahan. Dapat mong
malaman na ang maliit ay nakakapuwing.”

Napika si kalabaw. Hinamon niya ng karera si pagong upang mapatunayan nito ang kanyang sinasabi. Tinanggap naman ni pagong
ang hamon ni kalabaw.

“Kapag ako ay tinalo mo sa labanang ito ay pagsisilbihan kita sa habang panahon.”


“Matibay ka talaga, ha. Pwes, kailan mo gustong umpisahan ang karera?” Pakutyang sambit ng kalabaw.

“Bukas ng umaga, sa lugar ding ito,” ang daling sagot ng pagong.


Tuwang-tuwa si kalabaw dahil sigurado na niyang talo si pagong sa karera. Malaki siya at mabilis tumakbo.
Subalit si pagong ay matalino. Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong. Pinapuwesto niya ang mga ito sa tuktok bawat bundok
hanggang sa ikalimang bundok.
Kinabukasan, maagang dumating si kalabaw. Tulad ng inaasahan, wala pa ang makakalaban niya sa karera.
“O, paano, di pa man ay nahuhuli ka na. Ano bang kondisyon ng ating karera?” tanong ng kaiabaw.
“Okey, ganito ang gagawin natin. Ang maunang makarating sa ikalimang tuktok ng bundok na iyon ay siyang panalo,” sabi ng
pagong.
Tulad ng dapat asahan, natabunan ng alikabok si pagong. Naunang sinapit ng kalabaw ang unang bundok ngunit laking gulat niya ay
naroon na ang pagong na ang akala niya ay ang kanyang kalaban. Nagpatuloy sa pagtakbo si kalabaw hanggang sa ikalawang bundok.
Ganon din ang kanyang dinatnan. Mayroon nanamang isang pagong doon. Galit na galit na nagpatuloy sa pagtakbo ang kalabaw
hanggang sa ikatlong bundok. Muli ay may isang pagong na naman doon, ganoon din sa ikaapat at ikalimang bundok.
Dahilan sa matinding kahihiyan at galit sa kanyang pagkatalo kay pagong tinadyakan niya ng malakas ang pagong. Matigas ang likod
nang pagong kaya hindi ito nasaktan sa halip ay ang kalabaw ang umatungal ng iyak dahil sa sakit na dulot ng nabiyak ng kuko sa
pagsipa sa mahina at maliit na pagong.
Aral
 Iwasan ang pagiging mayabang.
 Huwag dayain ang kapwa.

2. Talakayan:

Sagutin ang mga tanong tungkol sa pabula.


1. Anong mga hayop ang nabanggit sa napakinggan o nabásang pabula?
2. Nakakita ka na ba ng pagong? Ano ang katangian nito?
-E, kalabaw?
3. Ano ang mga huni at kilos na ginagawa ng mga hayop na ito?

G. Paglalahat:

Ano ang aral sa kuwento?

 Iwasan ang pagiging mayabang.


 Huwag dayain ang kapwa.

H. Paglalapat:

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

___1. Ano ang pamagat ng napakinggang kuwento o pabula?

A. Ang Pagtulog ng Leon B. Ang Daga at ang Leon


C. Ang Pagong at ang Kalabaw D. Ang Galit na Leon

___2. Sino-sino ang tauhan sa pabula?

A. Si pagong at si Kalabaw B. Daga at Leon


C. Leon at Pusa D. Daga at Pusa

___3. Sino ang naghamon ng takbuhan?


A. Kalabaw B. Pagong C. Daga D. Pusa

___4. Sino ang may gusting makipagkaibigan kay kalabaw?

A. Kalabaw B. Pagong C. Daga D. Pusa

___5. Ilang bundok ang kanilang tinakbo?

A. isa B. tatlo C. pito D. apat

IV. Pagtataya:

Pumili ng bahagi ng kuwento na pinakagusto mo. Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit ng nasabing
bahagi. Pagkatapos, bumuo ng mga tanong sa iginuhit na bahagi.

V. Kasunduan:

Kumpletuhin ang kasabihan:

Matutong ________ ng utang na loob.(tumanaw)

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na
___ ang nagpakita ng
___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

DAILY LESSON LOG


LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 10, 2020
FILIPINO 1
(Day 4)
I. LAYUNIN

1. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa angkop na sitwasyon tulad ng pagpapahayag ng sariling


karanasan at pagbati.
2. Natutukoy ang magagalang na pananalita.
3.Napahahalagahan ang kaalaman sa tamang paggamit ng magagalang na pananalita.
MELC
F1PN-IIa- 3 F1PN-IIIg-3 F1PN-IVh
Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon tulad ng pagpapakilala ng sarili, pagpapahayag
ng sariling karanasan at pagbati
II.Nilalaman
Paggamit ng Magagalang na Pananalita

Kagamitang Panturo
A.Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
MLEC, pp. 144
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-Mag-aaral:
PIVOT Module, pp 14=17
3. Mga pahina sa Teksbuk:
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Code
B. Iba pang kagamitang Panturo
III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:
Balikan ang kwentong “Ang Pagong at ang Kalabaw”

2. Pagganyak:

Itanong:

Anong masasabi mo sa larawan?


Tuwing kailan ito ginagamit?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?

B. Paglalahad:

Babasahin ng guro ang mga salitang nakalagay sa speech bubble.

2. Talakayan:

1. Ano ang magagalang na pagbati sa umaga? Ano naman ang sasabihin kapag tanghali at hapon?
2. Ano-ano ang magagalang na pananalita ang ginagamit sa pagpapakilala sa sarili?
3. Ano ang sasabihin mo sa bisita ng inyong pamilya bílang pagbati sa gabí?
4. Anong magalang na pananalita ang sasabihin mo bílang pakiusap?
5. Ano ang sasabihin mo sa inyong magulang bílang pasasalamat?

3. Paglalahat:

Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa kabuoan, ang paggamit ng mga ito ay
pagpapakita ng respeto at paggalang sa kausap.

4. Paglalapat:

IV. Pagtataya:
V. Kasunduan:

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na
___ ang nagpakita ng
___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
DAILY LESSON LOG
LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 10, 2020
FILIPINO 1
(Day 5)
I. LAYUNIN

1. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa angkop na sitwasyon tulad ng pagpapahayag ng sariling


karanasan at pagbati.
2. Natutukoy ang magagalang na pananalita.
3.Napahahalagahan ang kaalaman sa tamang paggamit ng magagalang na pananalita.
MELC
F1PN-IIa- 3 F1PN-IIIg-3 F1PN-IVh
Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon tulad ng pagpapakilala ng sarili, pagpapahayag
ng sariling karanasan at pagbati
II.Nilalaman
Paggamit ng Magagalang na Pananalita

Kagamitang Panturo
A.Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
MLEC, pp. 144
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-Mag-aaral:
PIVOT Module, pp 14=17
3. Mga pahina sa Teksbuk:
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Code
B. Iba pang kagamitang Panturo
III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral:

2. Pagganyak:
Basahin.

B. Paglalahad:

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Sabihin ang mga sitwasyon na nagpapakita ng paggalang.

2. Talakayan:

Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng paggalang? Bakit?


3. Paglalahat:

Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa kabuoan, ang paggamit ng mga ito ay
pagpapakita ng respeto at paggalang sa kausap.

4. Paglalapat:

A. Sagutin ang sumusunod na mga sitwasyon sa ibaba.

1. Nais mong isauli sa iyong nakatatandang kapatid ang hiniram mong ballpen.

A. Ito na ang ballpen mo.


B. Maraming salamat po, Ate.
C. Hindi ko na isasauli.

2. Ibig mong magpaalam sa iyong ina upang dumalo sa kaarawan ng iyong kaklase.

A. Inay, maaari po ba akong dumalo sa kaarawan ng kaklase ko?


B. Inay, pupunta ako sa kaklase ko.
C. Pupunta ako sa kaklase ko.

3. Isang umaga nasalubong mo ang iyong guro. Ano ang dapat mong sabihin?

A. Magandang umaga po, Gng. Francisco!


B. Magandang umaga.
C. Saan ka pupunta?

4. Nais mong hilingin sa iyong tatay na iabot ang baso na nása tabi niya.

A. Iabot mo nga ang baso.


B. Pakiabot po ng baso, tatay.
C. Akin na ang baso tatay.

5. Binigyan ka ng báong pera ng iyong tatay.

A. Salamat po tatay.
B. Kulang pa po tatay.
C. Huwag na tatay.

B. Bakatin ang mga magagalang na pananalita.

IV. Pagtataya:

V. Kasunduan:
Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na
___ ang nagpakita ng
___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

You might also like