You are on page 1of 4

Paaralan: Panghulo Elementary School - Main Baitang / Baitang 1

Antas
Guro: Jenalyn E. Sante Asignatura: Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Petsa / Oras: Abril 18, 2023 (Martes) Markahan: Ikatlong Markahan
12:30 – 1:10 P.M. (Ikasampung Linggo)

I. LAYUNIN
 Nakapaghihinuha ng mga damdamin at katangian ng tauhan sa kuwentong binasa.
 Makapagkwentong muli ng napakinggang akdang pampanitikan at mga tekstong nagbibigay kaalaman na angkop sa
unang baitang.
 Nakasasagot ng wasto sa gawaing pagganap.
MELC/s:
Infer the character feelings and traits in a story read.
Content Standard:
Demonstrates developing knowledge and use of appropriate grade level vocabulary concepts.
Performance Standard:
Uses developing vocabulary in both oral and written form.
Mode of Delivery:
Blended Learning (Model B – 5 Days In)
II. NILALAMAN
A. Paksa
PAGHINUHA
B. Kagamitang Panturo
Powerpoint presentation, test paper
C. Sanggunian
Teachers Guide, Self-learning module, aklat ng mag-aaral
III. Mga Gawain Batay sa Silid-aralan (Classroom-based Activities)
A. Panimulang Gawain (Elicit)
1. Panalangin
2. Mga Paalala Ukol sa “Health Protocols”
3. Pagtsek ng Attendance
4. Mabilisang “Kumustahan”
5. 3-in-1 (Tatlo sa Isang Araw)
 hapag- lugar kung saan kumakain
 ninuno- pinanggalingang angkan o pamilya
 basa ang papel- sira ang imahe
B. Pagganyak (Engage)

Laro: Pagsagot sa Quizziz.com


https://quizizz.com/join/quiz/5b612cf47c1c80001a4c7db0/start

C. Paglalahad (Engage)
1. Pagbibigay ng pamantayan sa pagsasagawa ng gawain.
2. Paghahanda sa mga kagamitan.

D. Pagtalakay (Explore)
Pagsasagawa ng Performance Task
GAWAING PAGGANAP
(PERFORMANCE TASK – MTB-MLE)
A. Panuto: Piliin at Bilugan ang tamang sagot.

1. Si Ate Linda ay malungkot dahil kulang ang kaniyang suweldo mula sa kaniyang trabaho.
A. pagkalungkot
B. pagkatuwa
C. pagkatakot
2. Kami ay namasyal sa parke at nag-piknik kasama ang buong pamilya dahil ako ay nagwagi sa paligsahan.
A. pagkagalit
B. pag-aalala
C. pagkatuwa
3. “Hindi ako marunong lumangoy”, wika ni Willy
A. pagkamahiyain
B. pagkaduwag
C. pagkabalisa
4. “Ibigin mo ang iyong bayan nang sunod kay Bathala, sa iyong kapurihan, at higit sa lahat sa iyong sarili”, wika ni
Andres Bonifacio.
A. makakalikasan
B. makabansa
C. makatao
5. Gabi na nang ako ay umuwi galing sa paglalaro sa labas ng aming bahay baka ako ay pagalitan ni nanay.
A. pag-aalala
B. panghihinayang
C. pagkagulat

B. Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.

Ang Leon at ang Daga

Isang araw, natutulog ang mabagsik na leon. Isang daga ang naparaan at siya'y naamoy ng leon kaya't ito'y
nagising. Bigla nitong hinuli ang daga. Nagmakaawa sa leon ang daga.
"Maawa ka sa akin! Huwag mo akong kainin! Sa liit kong ito'y hindi ka mabubusog. Pakawalan mo na ako. Balang
araw ay makagaganti rin ako sa iyo."
"Sa liit mong 'yan, paano ka makatutulong sa akin?" sagot na patanong ni Leon.
"Hindi ko alam. Pero nasisiguro ko, makakatulong ako sa iyo," sagot ni Daga.
"Magpasalamat ka at kakakain ko lang. Sige, makaaalis ka na," sabi ni Leon.
"Maraming salamat," sabi ni Daga na nagmamadaling umalis.
Minsan, habang naglalakad sa gubat si Leon, hindi niya napansin ang isang bitag. Nakita na lamang niya ang sarili sa
loob ng isang lambat.
"Tulungan ninyo ako!" sigaw ni Leon.
Nakita ni Usa ang nangyari kay Leon. Lumapit ito.
"Tulungan mo ako, kaibigan," pakiusap ni Leon kay Usa.
"Pakakawalan kita, pagkatapos ay kakainin mo rin ako. Ayoko!" sagot ni Usa sabay alis.
Hindi malaman ni Leon ang gagawin. Paikut-ikot siya, nagpipilit na makawala. Isang unggoy ang naparaan.
"Kaibigan, maawa ka na. Pakawalan mo ako," ang sambit ni Leon kay Unggoy.
"Ano? Pakakawalan kita? Kahapon lang ay hinabol mo ako para kainin. Tapos ngayon, tutulungan kita? Hindi,
ayoko!" sagot ni Unggoy. At nagpatuloy ito sa paglakad.
Siya namang pagdating ni Daga.
"Tutulungan kita, kaibigan," ang sabi ni Daga kay Leon.
"Paano mo ako tutulungan? Napakaliit mo," pagalit na sagot ni Leon.
Hindi na sumagot ang daga. Sinimulan niyang ngatngatin ang lambat hanggang sa makagawa siya ng butas na
daraanan ni Leon.
Sa wakas, nakalabas din si Leon. Anong tuwa niya!
"Maliit ka nga pero malaki ang nagawa mo. Salamat, kaibigan. Makagaganti rin ako sa iyo," sabi ni Leon.
"Huwag mo nang alalahanin 'yon. May utang na loob din naman ako sa iyo," sagot ni Daga.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


A. sina leon, daga, usa, unggoy
B. sina baboy, kambing, manok, tigre
C. sina aso, pusa, daga, bibe
2. Sino ang tumulong kay leon?
A. unggoy
B. usa
C. daga
3. Kung ikaw si daga gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
A. Hindi po, dahil mabangis ang leon.
B. Opo, dahil ang pagiging mabuti ay isang magandang pag-uugali.
C. Opo, pero hihingi ako ng kapalit

4. "Tulungan ninyo ako!" sigaw ni Leon. Ano ang damdamin ng tauhan sa kuwento?
A. natatakot
B. nagagalit
C. nagdududa
5. "Tutulungan kita, kaibigan," ang sabi ni Daga kay Leon. Ano ang katangian na ipinakita ng tauhan sa kuwento?
A. madamot
B. mayabang
C. matulungin

E. Pagsasanay (Explain)
----
F. Paglalahat
----
G. Paglalapat (Elaborate)
----
H. Pagtataya (Evaluate)

I. Karagdagang Gawain (Extend)


---
IV. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakamit ng 80% sa pagtataya (formative assessment)
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangang sumailalim sa remediation.
C. Bilang ng mag-aaral na nakahabol sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan pa rin ng remediation.

GAWAING PAGGANAP (PERFORMANCE TASK)


MTB-MLE
PANGALAN_______________________________________________________________
_BAITANG AT PANGKAT ______________________________
GURO : _________________________________ PETSA
____________________________

MELC’s
Infer the character feelings and traits in a story read.
MAG-AARAL GURO
Rubrik

Konsepto
 Nakapaghihinuha ng mga damdamin
at katangian ng tauhan sa kuwentong
binasa.

Pagkamalikhain/Orihinal na Gawa
2. Naipapakita ang gawain mula sa
sariling ideya.

Kalinisan at Kaayusan
3. Naisagawa ang gawain ng maayos at
malinis.
Panahon
4. Natapos ang gawain sa itinakdang
oras.
Kasiyahan sa Gawa
5. Naisagawa ang gawain na may
kasiyahan.

You might also like