Banghay Aralin sa Filipino
Grade 9
I. Layunin: Pagkatapos ng sesyon, 85% ng mga estudyante ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga tauhan sa pabula.
B. Napapahalagahan ang aral na napulot sa pabula.
C. Nasusuri ang mga pangyayari sa pabula.
II. Paksa: “Ang Hatol ng Kuneho” isinalin ni Vilma C. Ambat
Kagamitan: Telebisyon, Cartolina at mga larawan
Estratehiya: Pangkatang Gawain,Puno ng Katanungan, Uod ng mga Pangyayari,
4 Pics 1Word at Deal or No Deal
Pagpapahalaga: Dapat lagi tayong tumulong sa lahat ng oras sa ating kapwa
at huwag nating kalimutan ang tumanaw ng utang na loob sa
taong tumulong sa atin.
III. Pamamaraan:
A. Panimula
Panalangin
Pagsasaayos ng upuan
Pagpapanatili ng kalinisan
B. Pangganyak
1. Hahatiin ang buong klase sa apat na pangkat.
2. Gamit ang apat na larawan, ang bawat pangkat ay bubuo ng isang salita
na ipinapahiwatig ng mga larawan.
3. Pipili ang pangkat ng isang kasapi para sa paligsahan. Mag- uunahan sila
sa pagsulat ng salitang nabuo sa ibaba ng mga larawan.
4. Gawin nila ito sa loob ng limang minuto.
Ang _ _ _ _ _ ng Kuneho
C. Paglalahad
1. Ang salitang nabuo na ipinahiwatig sa larawan ay “HATOL”.
2. Ang paksang tatalakayin ay tungkol sa isang pabula na ang pamagat
ay “Ang Hatol ng Kuneho”.
D. Talasalitaan
1. Ipapaskil sa pisara ang limang briefcase na nagtataglay ng mga
salitang nakuha sa napiling alamat.
2. Pipili ang mga mag-aaral ng isang salitang sa tingin nila ay ang
tamang kahulugan.
3. Itatanong ng guro ang DEAL O NO DEAL sa mag-aaral.
4. Deal ang isasagot ng mag-aaral kapag hindi na ito babaguhin ang
sagot at NO DEAL naman kapag ang mag-aaral ay nais na baguhin
ang sagot.
5. Pagkatapos maibigay ang tamang kahulugan ng mga salita
,ipapabasa ang mga salita at kahulugan nito ng sabay-sabay.
6. Tatawag ng mga mag-aaral at ipapagamit ang salita sa pangungusap.
E. Pagbasa ng Akda
Ipapanood sa mga mag- aaral ang pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”.
F. Talakayan
1. Pagkatapos panoorin ng mga mag- aaral ang pabula sila ay pipili ng
tanong sa “puno ng katanungan”.
Mga tanong:
Sino- sino ang mga tauhan sa pabula?
Ano ang ginawa ng tao sa tigre?
Bakit gusto ng baka na kainin ang tao sa tigre?
Paano ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin na tigre at ng
lalaki?
Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon , gagawin mo rin ba ang
ginawang hatol ng kuneho?Bakit?
G. Paglalapat
Tatanungin ang mga mag aaral kung ano ang aral na napulot nila mula
sa pabulang napanood.
H. Pangkatang Gawain
Pangkat 1- Ayusin ang mga larawan gamit ang “uod ng pangyayari”
batay sa wastong pagkasunod- sunod ng pangyayari sa
pabulang napanood.Ipaliwanag ito sa harap ng klase.
Pangkat 2- Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng pagtulong sa
kapwa.Ipaliwanag ito sa harap ng klase.
Pangkat 3- Gumawa ng isang maikling pagsasadula na nagpapakita
ng pagtulong sa kapwa.
Pangkat 4- Lumikha ng isang tula na angkop sa pabulang napanood.
Bigkasin ito sa harap ng klase.
PAMANTAYAN SA MGA GAWAIN
Kaangkopan ng nilalaman -------------------------------------------------- 20
Kalinisan/kaayang-ayang tingnan ----------------------------------------- 10
Pagkamalikhain ---------------------------------------------------------------- 20
Kabuuan 50
I. Paglalahat
Tatanungin ang mga mag- aaral kung sino ang makapagbubuod sa
pabulang napanood.
IV. Ebalwasyon:
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang nagsalin sa Filipino ng pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?
a. Vilma C. Ambat c. Vilma A. Santos
b. Jose D. Reyes d. Jose P. Rizal
2. Bakit payag ang puno ng pino na ipakain ang lalaki sa tigre?
a. Dahil pinutol ng tao ang puno.
b. Dahil ginagawa silang paggatong ng kanilang nilulutong pagkain.
c. Dahil ginagawa silang kasangkapan.
d. Lahat sa nabanggit
3. Ano ang ginawa ng tao sa tigre?
a. Pinatay niya ang tigre.
b. Iniwan niya ang tigre.
c. Tinulungan niyang makaahon sa hukay.
d. Binigyan niya ng pagkain ang tigre.
4. Sino ang nagsabi sa katagang ito, “Ito ba ang paraan mo ng
pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob”?
a. tigre b. lalaki c. kuneho d. baka
5. Anong asal ang ipinapakita ng lalaki sa tigre?
a. matulungin c. bolero
b. masipag d. matiyaga
V. Takdang Aralin
Panuto: Ipaliwanag ang tanong na nasa ibaba. Isulat sa kalahating papel.
Sa iyong palagay, kung nakapagsasalita ang mga nilalang sa kalikasan
natin ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao? Bakit?
Mary Fe O. Seno Denia E. Santural
Gurong Mag- aaral Gurong Mag- aaral