You are on page 1of 3

I.

TALASALITAAN
A. Panuto: Hanapin sa hanay B ang simbolismo ng mga pahayag sa hanay A. Isulat ang tamang letra ng kasagutan.
Hanay A Hanay B
1. Kariton A. Katatagan
2. Bahaghari B. Pag-asa
3. Gabi C. Kalungkutan
4. Bato D. Kahirapan
5. Aklat E. Karunungan
F. Pag-ibig
B. Panuto: Hanapin sa pagpipilian ang kahulugan ng mga pahayag na di lantad ang kahulugan.
1. Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod at pagkakataong makapag-aral.

A. May kalayaan na ang kababaihan

B. May pagbabago na sa karapatan ng kababaihan
2. Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon.
A. Mahuhusay ang kababaihan pagdating sa pagbabagong napapanahon.
B. May pagbabago na sa gampanin ng kababaihan sa kasalukuyan
3. Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at lalo pang naging komplikado
A. Higit na naging mapanghamon ang pagbabago sa gampanin ng kababaihan.
B. Higit na naging problema ang pagbabago sa gampanin ng kababaihan
4. "Marami pa akong gagawin, hindi makapaghihintay kahit ang pagkatapos ng bagong taon."
A. Walang panahon sa pagdiriwang ng bagong taon.
B. Mahalaga na matapos ang gawain kaysa sa ibang gawain.
5. Makulay ang langit, maraming paputok sa lahat ng dako. Isang stereo ang bumubuga ng awitin, iyong tunog na di -
maintindihan.
A. Nagpapatuloy ang pagdiriwang ng bagong taon.
B. Sumapit na ang hatinggabi ng bagong taon.
II. PANITIKAN: TAMA o MALI
Panuto: Isulat ang A kung kapwa tama ang a at b. Isulat naman ang B kung tama ang a at mali ang b. Letrang C naman kung kapwa
mali ang a ta b.
1. a. Ang maikling kwento ay may simula patungo sa wakas.
b. Ang kuwentong niyebeng itim ay nagpakita ng mga kultura mula sa Tsina
2. a. Ang sanaysay ay nakatuon sa pagtalakay ng isang paksang napapanahon.
b. Halimbawa ng Kuwentong katutubong -kulay ang kuwentong niyebeng itim
3. a. Walang pagbabagong naganap sa kababaihan ng taiwan noon at ngayon.
b. Hindi nagtagumpay si Li Quan sa kanyang pagbabago sa buhay.
4. a. Ang kuwentong Niyebeng itim ay nagsimula sa pamamagitan ng Flash back at;
b. Nagwakas naman ng kuwentong niyebeng itim sa pamamagitan ng pagbibigay -aral.
5. a. Ang paksang tinalakay sa sanaysay na mula sa Taiwan ay tungkol sa karapatan ng kababaihan.
b. Malaki na ang pagbabago ng karapatan ng kababaihan sa Taiwan mula noon hanggang sa kasalukuyan.

III. Gramatika:
A. Piliin ang Letra ng pahayag na tamang paraan ng pagbibigay ng opinyon at katotohanan. (1 - 5)
A. Sasabihin ko ang gusto kong sabihin ukol sa paksa.
B. Ayon sa aking binasa, kinakailangang malaman rin ng pamahalaan ang pangangailangan ng bawat kababaihan.
C. Buong igting kong sinasang-ayunan na ang isang taong marunong magtiyaga ay may kaunlarang hinihintay.
D. Ang mungkahi ko sa suliranin na iyan, mainam na may magandang plano ang pamahalaan sa mga bagong layang pinoy.
E. Hindi maaari ang mga planong inilatag ng pamahalaan sa mga bagong layang nais magbago
F. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin, Nararapat na makalaya nag lahat lalo ang mga taong hindi karapatdapat sa
bilangguan.
G. Batay sa inilabas na datos, 235 na bilanggo ang nakalaya dahil sa nakatapos na bilang ng taon na kanilang parusa.
B. Panuto: Punan ng angkop na pahayag ang bawat patlang upang mabuo ang diwang isinasalaysay nito. Hanapin sa loob
ng kahon ang mga PAHAYAG SA PAGSISIMULA, PAGPAPATULOY NG MGA PANGYAYARI AT PAGWAWAKAS NG ISANG
KUWENTO.

Pagkalipas Minsan At sa huli Noon Sa tuwing Mula noon

1. _________________ Sa tuwing ako'y makakakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang
batang lalaki. Isang batang lalaking gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napaiutang
kailanman. 2. _________________ , nagkakatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay
nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nila kapag iyo'y magpapatuloy sa loob ng tatlong araw
ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. 3. _________________ magpapatuloy ang ulan, isang maliit na bata ang
nagpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay ng tubig, narong sinasalpak at inilulubog, nariyang
winawasak. 4. _________________ ng mahabang ulan, siya'y makakakita sa karimlan kaya naman pinalaki niya ang
dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. 5. _________________ , dali-dali
siyang nagbangon at pakapakapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap, Isinaan niya ang kanyang
kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina.

You might also like