You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City

REPLEKSIYON SA IKALAWANG ARAW

Sa araw na ito inilahad ng tagapagsalita (GARY D. ASUNCION) ang


kaparaanan upang malinang ang kasanayan sa PAGKIKLINO ng mga salitang
magkakasingkahulugan na nagpapahayag ng damdamin. Nararapat na
bigyang diin sa pagsasagawa ng kasanayang ito ang antas o digri ng
damdamin ng isang salita batay sa lawak at kahulugang nais ipahayag ng
salita. Maaaring mapayaman ang kasanayang ito sa pamamagitan ng paggamit
ng kahulugan mula sa diksyunaryo, pagkuha ng salitang ugat ng salita at ang
paggamit ng hagdan bilang estratehiya sa pagtuturo ng kasanayan na ito.

Inilahad din ng tagapanayam ang malaking tulong ng INFOGRAPHICS


sa pagpapaunlad ng kasanayang ito. inisa-isa niya ang nararapat na taglay ng
infographics bilang kagamitang pampagtuturo sa kasalukuyang Onlibe
Distance Learning.

Inilahad naman ng ikalawang tagapagsalita ang mga dapat isaalang-


alang sa paghuhusga sa karakter ng isang akda batay sa kanyang katayuan at
naging kilos sa akda. kailangang isagawa ang ganitong kasanayan sapagkat ito
ay isang kaparaanan upang matiyak ng isang guro ang pag-unawa ng mga
mag-aaral sa akdang kanyang tinalakay. Kinakailangan rin na malinang ang
kasanayang ito sapagkat nararapat na mabatid ng mga mag-aaral ang naging
kaasalan ng mga karakter sa akda ay nangyayari sa tunay na buhay.

You might also like